Chapter 42

5.5K 142 20
                                    

#42 HALF DEMON
*Beginning*

Lux's Point of View

Hindi ako mapakali sa upuan ko. F*ck. I need to do something!

"Hey! Montereal, what's up to you?"

Hindi ko na nasagot pa si Dawn Lewis dahil ang atensyon ko ay nakatuon lang sa taong may hawak ng baril sa kalayuan at sa Mafia Prince na nakatayo lang sa stage.

Nakita kong ibinigay na ng Mafia Queen ang mikropono kay Zrach kasabay non ang pag-ayos ng taong nasa dilim para barilin ang Mafia Prince.

Tumayo na ako.

"Where are you going?" Tanong ni Dawn Lewis.

"Rest room." Maikling sagot ko.

Hindi ko na hinintay siyang magsalita pa at lumabas na ko. Nang wala nang tao akong makita ay mabilis akong tumakbo sa lugar kung saan nagtatago ang taong nagtatangkang patayin ang Mafia Prince.

F*ck it.

Why his life is always in danger?

Tinanggal ko ang stilletos ko saka nagpatuloy sa pagtakbo. Pumunit din ako ng tela sa gown ko at ipinantakip sa mukha ko pagkatapos ay kinuha ko ang baril na nakatago sa binti ko.

Hindi na nakakagulat na mangyayari 'to dahil ang Mafia Prince ang pinag-uusapan.

"Kill him and I'll kill you." Malamig na boses ang binungad ko sa kanya.

Natigilan siya at dahan-dahang humarap sa'kin. Nakasuot siya ng kulay pulang maskara. Kumunot ang noo ko. Rising Sun? Ang kulay ng maskarang suot niya ay sa Rising Sun.

What the f*ck?

Sino ang nag-utos? Si Mr.Marlowe? Pero hindi niya 'yon gagawin kay Zrach! Don't tell me... Uh, hope no.

Kinasa ko ang hawak kong baril. Walang sabi-sabi ay agad ko siyang binaril sa dibdib dahilan para mawalan siya ng buhay.

You deserve it. Lahat ng taong magtatangkang patayin ang mahal ko maaga nilang makikita nila si Kamatayan.

"See you in hell.."

Binalik ko na ang baril sa binti ko at nagsimula nang maglakad pero hindi pa man ako nakakalayo nang may humila sa'kin at isinandal ako sa puno. Napadaing ako sa sakit.

Manlalaban na sana ako pero nang maamoy ko ang pamilyar niyang bango ay natigilan ako.

"Shh.. Sweetie."

Naramdaman ako ang isang kamay niya sa pisngi ko. Napapikit ako dahil sa balat niyang dumikit sa'kin. D*mn.

"I'm sorry." Bulong niya.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakapikit lang ako. I like this feeling. Ngayon ko na lang ulit siya naramdaman na ganito kalapit sa'kin.

"D*mn. I was dying inside to hold you, baby."

Nagtindigan ang balahibo ko sa sobrang lambing ng boses niya. Sh*t! Bakit ganito na ang epekto niya sa'kin?

Inalis ko na ang telang nasa mukha ko at agad siyang hinalikan sa labi. Hihiwalay na sana ako nang hawakan niya ako sa likod ng ulo at mas lalo pang idiniin sa kanya. Nahinto lang kami nang may marinig kaming malakas na pagsabog.

"Let's get out of here."

Hinawakan niya ako nang mahigpit sa kamay at saka kami mabilis na tumakbo paalis.

"Where are we going?" Tanong ko habang tumatakbo kami.

Huminto siya kaya napahinto din ako. Nagulat ako nang bigla niya kong buhatin.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon