Chapter 12

9.1K 182 2
                                    

#12 HALF DEMON
*Sick*

Sun Raue's Point of View

Naglalakad na ako ngayon papuntang MPQ habang dala dala na ang breakfast namin ni PL. Aish! Hindi ko alam pero wala ako sa ganang maglakad, I admit lagi naman akong tinatamad pero iba ngayon... parang gusto ko lang matulog.

Pumasok na ako sa loob pagdating ko sa MPQ at nakita ko si PL na nakatalikod tsaka may kausap sa telepono, malayo siya sa'kin kaya hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Dumiretso na lang ako sa lamesa. Bigla akong bumahing tapos napasinghot ako. Napatingin tuloy sa'kin si PL, binaba niya yung tawag at lumapit sa'kin.

"Kita mong may kausap ako ang ingay-ingay mo." Sabi niya habang nakatingin sa'kin ng masama.

"Sa hindi ko mapigilang bumahing eh." Tapos bumahing na naman ako. Sh*t! May sipon pa yata ako.

"Hoy, okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin. Tumingin ako sa kanya.

"Oo naman." Pagkasabi ko nun bigla akong nakaramdam ng nahilo kaya napahawak ako sa sandalan ng upuan. Sinalo ako ng konti ni PL sa likuran ko.

"Sh*t! Ang init mo." Sabi niya kaya tiningnan ko siya nang nagtataka. Mukha namang na-gets niya yung iniisip ko.

"D*mn! Literally!" Hinipo niya ako sa noo at leeg ko. Para naman akong kinuryente sa ginawa niya na 'yun. Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Okay lang ako." Pagpupumilit ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi talaga ako okay. Ang sama ng pakiramdam ko.

Naglakad na ako papuntang pintuan pero napahawak ako sa sintido ko nang mahilo na naman ako tapos parang ang bigat ng ulo ko. Papikit-pikit na din ako. Naramdaman ko nalang na parang lumulutang ako sa ere. Binuhat pala ako ni PL.

"Ibaba mo nga ako." Sabi ko sa kanya na nanghihina ang boses.

"Ang kulit mo, hindi mo na kaya." Pumasok kami sa kwarto niya at inihiga ako sa kama.

"Aish! Sa clinic na lang ako pupunta." Akmang tatayo na ako nang pinigilan ako ni PL.

"Hindi. Papupuntahin ko na lang yung nurse dito." Sabi niya.

"Kaya ko ang sarili ko." Kahit hindi na. Ayokong makita niyang nanghihina ako.

Bumahing na naman ako. "Baka mahawahan pa kita." Tiningnan niya ko ng masama.

"Dito ka lang. I'm your Mafia Prince, so you must obey my words." Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Ayoko na ngang makipagtalo, baka lalo pang sumakit ang ulo ko.

"Ipapatawag ko lang yung nurse." Sabi niya sa'kin tapos lumabas na siya ng kwarto. Hindi ko na mapigilan yung antok ko kaya pumikit na ako at natulog.

***

"Hey, Araw gumising ka na." Napamulat ako nang maramdaman kong may kumakalabit sa braso ko.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko agad si PL na nasa gilid ko. Nandito nga pala ako sa kwarto niya.

"Tanghali na kaya kailangan mong kumain." Sabi niya. Inalalayan niya akong makasandal sa headboard ng kama. Tapos kinuha niya yung bowl na may lamang noodles sa lamesa. Susubuan niya na sana ako nang inagaw ko sa kanya 'yun.

"Ako na." Sabi ko sa kanya. Pinabayaan niya naman ako pero nakatingin pa rin siya sakin. Nagsimula na kong kumain.

"Eto yung gamot na binigay ng nurse kanina para sa lagnat at sipon, kailangan mo 'tong inumin mamaya pagkatapos mong kumain." Tiningnan ko lang siya tapos kumain na ulit. Ayokong magpaapekto sa kabaitan na pinapakita niya sa'kin.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon