Chapter 43

5.2K 129 5
                                    

#43 HALF DEMON
*Pissed*

Lux's Point of View

Inis kong inalis ang hawak sa'kin ng dalawang lalaking Rising Sun nang makapasok ako sa loob ng van.

"Luxury!"

Tumingin ako kay tita na kakapasok lang. Nagbabanta ang boses niya dahil sa pagdadabog ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Tita sabihin mo nga, ikaw ba ang nag-utos na patayin ang Mafia Prince?" Seryosong tanong ko.

She stiffed.

Agad din siyang nakabawi at bumuntong-hininga, parang alam niyang malalaman ko iyon.

"Iwan niyo muna kami." Utos niya sa dalawang Rising Sun.

Sumunod agad ang dalawa.

"Hindi ko dapat sabihin sayo ang tinatanong mo lalo na sa ganitong sitwasyon--"

"Tita. Tinatanong kita." Magkahalong inis at pagmamakaawa na pagkakasabi ko sa kanya.

"You're right. Ako nga ang nag-utos na patayin ang Mafia Prince." She said.

Kahit na may kutob na akong siya nga ang nag-utos ay hindi ko pa rin maiwasang magulat. Parang ayokong kay tita mismo manggaling 'yon.

"But I just want to protect you! Ginawa ko 'yon para hindi ka mapahamak! Isa pa ay kaaway natin sila, at ano bang ginagawa sa mga kalaban? Pinapatay! Dahil kung hindi ko 'yon gagawin ay sila mismo ang papatay sa'tin!"

Ang sakit isiping yung nag-iisang pamilya ko ay gustong patayin ang taong mahal ko. Pareho ko silang mahal at hindi pwedeng may isa sa kanila ang mawala.

"Let's stop this sh*t, tita." Mariin akong pumikit. "Magkakaayos pa naman ang mga Izra at Montague diba?"

"Do you hear yourself, Luxury Tasmy Montague?!" Hindi makapaniwala si tita sa binitawan kong salita.

Alam ko. Imposible iyon. Bigo kong tiningnan si tita at hindi na muling nagsalita pa.

"Irvanes and Izras, they are the most influencial Mafia Families in Mafia World. Once they merge, we, and other Mafia Groups might gone. Sasakupin nila tayo. Aalipinin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako kung totoo bang mahal ka ng Mafia Prince na 'yon dahil maaari mo siyang paikutin pero naalala ko, he's an Izra, heartless one. Kaya tama lamang na ilayo kita sa kanya."

"He loves me." Lakas loob kong sinabi.

Tita didn't react that much. As if she knew that I will say those words.

"If he loves you, he is not here at his own engagement party."

Natahimik na naman ako dahil sa katotohanang 'yon. Kung hindi lang nagkagulo ay sana, isang masayang engagement party ang nagaganap ngayon.

Kahit sabihin kong mahal ako ni Zrach. Napapatanong pa rin ako, mahal niya nga ba talaga ako? O maaring ginagamit niya lang din ako tulad ng sinasabi ni tita. Naguguluhan ako. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko.

Ang hirap magmahal na hindi ka nasasaktan.

Tahimik lang kami ni tita sa loob ng sasakyan nang may kumatok sa pinto at naaninag ko doon si Dawn Lewis. Pinagbuksan siya ni tita at nakita ko kung gaano siya kapagod, halatang kagagaling lang sa labanan at tumakbo papunta rito.

"We need to... go to the quadrangle. The Mafia Queen... and the... former Mafia King are there. He's alive." Hinihingal na sabi nito.

"He's w-what?" Si tita.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon