Chapter 29

6.5K 138 2
                                    

Dedicated to DysLst :)

#29 HALF DEMON
*Deal*

Sun Raue's Point of View

Nang makarating ako sa East Bay ay namukhaan ko agad ang ilan sa mga miyembro ng Wolf Monster Gang. Lumingon na sila sa gawi ko kaya inalis ko na ang hood ng jacket. Ganoon pa rin, marami pa ring tao dito na mga nagpi-picnic at namamasyal. Lumapit silang lima sa'kin.

"Papunta na sila." Bungad ng isa.

So, wala pa ang iba? Tss..

Tumango ako. "Nanggaling kayo sa LU?" Tanong ko, medyo namumukhaan ko kasi sila.

"Oo, pero hindi na kami bumalik doon dahil sa mga magulang namin."

"Ayaw nilang madamay pa kami." Paliwanag ng dalawa.

Magsasalita pa sana ako pero napahinto ako, ganoon din ang lima dahil sa sunod-sunod na pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse. Sabay-sabay kaming napabaling doon.

"Oh, they're here."

Anim na kotse iyon kaya nakuha nila ang atensyon ng mga tao. May mga babae pa ngang impit na nagtitilian at kumukuha ng litrato nila. Well, I can't blame those girls. They are all good looking and hot with their all black outfit.

Naglakad na sila papunta sa'min. I'm not sure kung ilan sila, basta't mahigit sa sampo. Magkakasama na ang Wolf Monster Gang at Fire Danger Gang. Oh, are they cool now?

"Montereal.." Tumango sila bilang pagbati. I just raised my eyebrow.

Hell! They are so intimidating! Ang dami pang mga matang nakatingin sa'min! Nainis ako bigla. Ugh!

"I have an important thing that I'll discuss to you all, but not here." Sabi ko at tiningnan silang lahat. Ilan lang ang natatandaan ko sa kanila.

Kaice.. Hunter.. And Min?

"Eon, sa resto niyo tayo." Sabi ni Kaice. Tumango naman ang tinawag niyang Eon at nauna nang maglakad palabas ng East Bay. Sumunod kami.

Sa van ako sumakay kung saan nakasakay ang limang lalaki na nadatna ko dito kanina.

Malapit lang ang pinuntahan naming resto. Tahimik lang kaming naglalakad papasok dahil bawat taong madadaanan namin ay napapatingin sa'min. Well, sinong hindi makakapansin sa'min eh nasa less than twenty kami at ang tatangkad pa nila! Matangkad din naman ako, pero kung didikit ako sa kanila ay manliliit ako. Goodness!

Sinuot ko nalang ang hoodie ko. Si Min at Kaice ang kasabay kong maglakad, iginagaya ako kung saan pupunta. Nang makarating kami sa VIP room ay may mga nakahanda na pagkain nasa isang mahaba na lamesa iyon.

"Let's take a sit." Si Eon.

Humalukipkip lang ako habang tinitingnan silang magsi-upo.

"Sa gitna ka, Montereal." Sabi ng isa nang mapansing di pa ko umuupo.

Nagkibit-balikat ako bago umupo sa gitna.

"Kainan na ba?" Masayang sambit ng isa. Sinuway siya ng katabi niya kaya napanguso nalang ito.

Umangat ang gilid ng labi ko. Gangs are gangs. Sa isang grupo hindi talaga mawawala ang pagkakaiba-iba ng mga ugali.

"Should we eat first?" Sabi ko. Sumang-ayon naman sila.

Habang kumakain ay sobrang tahimik. Tanging ang tunog lang sa aming kubyertos ang ingay na naririnig. Masarap silang kasama huh, hindi maingay. Tch.

"Shall we start? What about the important discussion?" Panimula ni Min nang matapos kaming kumain.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon