Chapter 45

5.7K 133 18
                                    

#45 HALF DEMON
*Memories*

This chapter is all about what happen in Mafia War five years ago. Enjoy reading!

Luxury's Point of View

Nasa loob lamang ako ng aking kwarto nang makarinig ako ng ilang pagsabog na nanggagaling sa labas. Mabilis akong tumakbo sa bintana upang tingnan ang nangyayari nang biglang pumasok si mama at hinila ako palabas ng silid. May mga hawak siyang armas tulad nalang ng baril.

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Kahit na nagkakagulo ay kalmado lang ako pero si mama ay nagpapanic na dahil kasama niya ko.

"Lux, makinig ka." Huminto si mama at hinarap ako. "Pupunta tayo sa Mafia Palace dahil nandon ang papa mo. Mas mapoprotektahan ka doon. Isa pa, kailangang mapanatili sa atin ang Mafia Palace."

"Aagawin ba sa atin iyon ng mga Izra? Eto na ba ang sinasabi mong Mafia War, mama?" Tumango si mama at hinila niya na ulit ako palabas at sumakay kami sa sasakyang naghihintay sa'min sa labas.

I am only 13 years old but I already know what's happening. Ang alam nila mama at papa ay inosente ako sa mga ganito pero noong sinabi ko sa kanila na gusto kong malaman ang tungkol sa Mafia ay kahit ayaw nila, napapayag ko sila. Ang alam ko kasi, si Melody at Aizer ay kasali sa Mafia.

Mafia Izra is the name of our mortal enemy. They are trying to steal Mafia Palace, dati pa. At ngayon, nagpasimula sila ng Mafia War. Iyon ang nakatatak sa isip ko simula ng mapasok na ako sa Mafia World. Kaaway sila kaya galit na galit ako sa kanila. At oras na masaktan nila ang kahit isa man sa mahal ko sa buhay ay matitikman nila ang paghihiganti ko.

Lumabas na kami ng sasakyan nang makarating kami sa Mafia Palace, bumungad sa'kin ang nagkakagulong mga Mafia Families. Totoo nga, nagsimula na ang pinakatatakutan ko... Ang MAFIA WAR.
Naglalaban na lahat ng Mafia Families.

Natatakot ako para sa pamilya ko. Ayokong mapahamak sila kaya naman poprotektahan ko sila. I am Half Demon.

Nang makalabas ako ng sasakyan ay sinalubong ako ni Melody at Aizer. May mga armas silang hawak at may mga dugo na ang kanilang damit dahil sa pakikipaglaban. Nagulat ako sa itsura nila.

"Bakit kayo nakikipaglaban?" Inis na tanong ko.

D*mn.

"Lux, kailangan. Pumasok ka na sa loob at may mga magbabantay sa'yo don." Sabi ni Melody.

"Sasama ako." Sabi ko.

"Lux wag ka na lumaban, baka mapahamak ka pa." Sabi ni Aizer. Ang Bestfriend ko, at the same time mahal ko. Yes, I love him. Secretly.

Umiling ako. "No. Hindi pwede, kailangan ko kayong tulungan, kaya kong lumaban."

Ayaw nila akong lumaban dahil masyado pa daw akong bata at hindi ko pa kayang makipagsabayan sa mga magagaling na Mafia Families. But hell, I am Half Demon. And they don't know that except my parents.

"Lux please?" Si Melody, bestfriend ko din.

"Hindi ako papasok sa loob. Dito lang ako, titingnan ko kayo." Pinal na sambit ko.

Nakita kong nandito na si papa, kausap si mama. May mga nakapalibot sa kanyang mga tauhan niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ayos lang siya. Lumapit sa'kin si papa. Umalis sila Aizer at Melody upang makapag-usap kami.

"Luxury anak, alam kong gusto mo lang kaming tulungan pero alam mo naman ang nangyayari sa'yo pagnagagalit ka diba? At pag nangyari 'yon, huhulihin ka nila at pag-eekperementuhan. Syempre, ayaw naman ng papa na mangyari 'yon sa prinsesa ko kaya dito ka lang ha? Kaya na ng papa 'to, kaya namin 'to. I love you, anak." Hinalikan ako ni papa sa tutok ng ulo bago yakapin.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon