Chapter 48

5.8K 121 21
                                    

#48 HALF DEMON
*Traitors*

Lux's Point of View

Nagpumiglas ako sa hawak ni Zrach at pilit na inaalis ang pinagsiklop naming mga daliri. Matalim ko siyang tinitigan.

"D*mn. You. Ten. Times! Mafia Prince!" I said with gritted teeth.

How dare he? Pagkatapos niya sabihing ginamit niya lang ako para sa antidote, ngayon ay sasabihin niyang mahal niya ko? And that f*cking endearment of ours was a big joke for him and now, he's calling me that? Like, what the f*ck? D*mn him!

Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin, with the amusement in his eyes. Inilayo niya ng konti ang mukha niya sa'kin dahilan kung bakit ko nakita kung paano niya basain ang kanyang mapupulang labi gamit ang kanyang dila. Bumaba ang tingin ko doon at napaawang ang labi ko.

Sh*t.

I miss his lips... His kisses. What the hell?

Umiwas ako ng tingin at itinikom ang labi nang mapansing kumurba ang labi niya sa pagngisi. He noticed his effect on me, that's why. D*mn!

"Sweetie please tell me, you love me too." Malambing na sambit niya.

Natigil ako sa pagpiglas. Nanliit ang mga mata ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko! Dahil alam ko, na kahit hindi ako sigurado kung mahal niya ba talaga ako ay nanghihina ako. Hinila niya muli ako ng mas malapit sa kanya at hindi na ako nakapalag pa.

Biglang tumahimik ang paligid. Nawala ang mga sigawan nang natigil kami ni Zrach sa paglalaban at dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ilang sandali kaming ganon ang posisyon. Muling nagsigawan ang mga manonood nang mabilis na kumilos si Zrach. Itinutok niya ang hawak niyang espada sa leeg ko.

"Luxury!" Dinig kong sigaw ni tita. Suminghap siya at nagmura.

"Kill her, son!" Sinabi iyon ng Mafia Queen nang nakamikropono kaya hindi magkamayaw ang mga manonood.

Makitang si Half Demon ay nasa bingit na ng kamatayan ay kinatutuwa nila. Muli akong nawalan ng lakas. Kung tutuusin ay kaya ko pang makawala at lumaban pero ang mismong katawan ko na ang ayaw gumalaw. Para bang tinatanggap na nito na ito na katapusan ko. Mamamatay ako sa kamay ni Zrach.

"A-Anak..." Kahit mahina ay nadinig ko ang boses ni Papa.

Unti-unti akong pumikit. Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko.

I'm sorry, Papa... I am not able to protect you again.

Gusto ko pa sanang makasama siya muli ng mas matagal dahil sobrang nangulila ako sa kanya sa loob ng halos limang taon. Gusto kong alagaan siya hanggang sa pagtanda, pagsilbihan siya sa abot ng aking makakaya at alalayan siya tuwing inaatake siya ng rayuma. Gusto kong suklian ang mga kabutihang ginawa niya sa'kin bilang ama pero hindi ko na yata matutupad iyon.

Iminulat ko ang aking mga mata at diretsong tumingin kay Zrach.

"Kill me..." I said weakly.

He smirked.

"You know I can't do that." Nakita kong may dumaang sakit sa kanyang mga mata habang marahang inaalis ang luha sa pisngi ko.

"Oh, just kill me Mafia Prince. Take the antidote--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mabilis siyang kumilos. Umikot siya at ipinalupot ang braso ko sa leeg niya at siya na mismo ang naglagay ng maliit kong espada sa leeg niya. Nagulat ako sa ginawa niya.

Sh*t.

"W-What are you doing--" Tanong ko sa gitna ng nagkakagulong mga sigaw ng mga manonood.

"Now..." He said without answering my question.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon