Chapter 40

5.5K 112 7
                                    

#40 HALF DEMON
*Invitation*

Lux's Point of View

Naglalakad-lakad lang ako dito sa Mafia Palace. Wala namang pumapansin sa'kin o sumisita dahil alam nila na ako ang incharge sa Mafia Prince para tingnan. Nakasuot pa ko ng pang nurse kaya hindi sila naghihinala.

Napahinto ako nang makaramdam ako ng gutom. Sh*t. Hindi pa nga pala ako kumakain simula kagabi. Isa pa, ilang oras na kong naglalakad-lakad at ngayon lang ako napagod. Tsk. Inis akong umupo sa ugat ng malaking puno na malapit sa'kin. Nakarating ako dito sa mapunong bahagi ng Mafia Palace, madalang ang mga bantay na nagagawi dito kaya sobrang tahimik. Wala akong ibang marinig kundi ang ihip ng hangin. Sumandal na ako sa puno at pumikit. Itutulog ko na lang ang gutom ko.

Madilim na ang paligid nang magising ako. Tumayo na ako at nagpagpag ng likuran. Nagugutom na talaga ko. Aish! Ba't ba kasi hindi ka pa umalis kanina Luxury? Tss. Paalis na sana ako nang may marinig akong kaluskos sa hindi kalayuan. Sa sobrang dilim na bahagi ay may nakita akong anino. Kumunot ang noo ko at agad na sinundan ang taong nakita ko.

Mahina ang mata ko sa dilim pero nagpatuloy pa rin ako. Pinakiramdaman ko kung nasan ang sinusundan ko at nang malapit na ako sa kanya ay nagtago ako sa isang puno. Narinig kong huminto siya sa paglalakad, siguro ay nakaramdam na siya na may nakasunod. Nagpatuloy muli siya sa paglalakad pero hindi pa man siya nakakalayo ay may sumalubong na sa kanyang isang tao na nanggaling sa kung saan.

Sumilip ako mula sa kinaroroonan ko at nakita kong may inabot na kung ano yung taong kadadating lang. Nag-usap sila sandali at umalis na agad yung taong nag-abot. Tumingin muna sa paligid yung taong sinundan ko bago mag-umpisang lumakad. Papunta siya sa gawi ko kaya nagtago muli ako. Hindi siya makakaalis nang hindi ko nalalaman kung ano ang pinag-usapan nila at para saan ang inabot na 'yon sa kanya.

Nang maramdaman kong malapit na siya sa'kin ay lumabas na ako sa punong pinagkukublihan ko. Nagulat siya sa bigla kong pagsulpot kaya mabilis ko siyang isinandal sa puno.

"Bitawan mo ko."

Babae.

Inaalis niya kamay kong nakahawak sa kwelyo niya pero hindi ko siya pinagbigyan, sa halip ay idiniin ko pa siya lalo sa puno. Tinitigan ko siyang mabuti sa mata. May takip ang mukha niya kaya agad ko iyong inalis. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

Ngumisi ako.

Maganda at maamo ang kanyang mukha. Hindi ko siya kilala. Posibleng inutusan lang siya ng taong nag-abot sa kanya ng kung ano kaya siya nandito.

Hinablot ko ang hawak niya na ibinigay ng kausap niya kanina. Isa iyong sobre na may laman na pera. I'm right. Inutusan lang ang babaeng 'to.

"Ibalik mo sa'kin 'yan." Sabi niya.

Hindi ko pa rin siya binibitawan sa kwelyo gamit ang isang kamay.

"Not unless, sabihin mo sa'kin kung ano ang pinagawa sayo ng taong 'yon at kung sino 'yon."

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

Pagkasabi niya non ay naramdaman kong may baril na nakatutok sa aking tagiliran. Ngumisi siya.

"Ibabalik mo sa'kin 'yan o papatayin kita?" Pananakot niya.

Seriously? Kaya lang naman matapang dahil may hawak na armas. Tss.

Itinaas ko ang sobreng hawak ko kaya napatingin siya don, nawala ang atensyon niya sa'kin dahilan para makuha ko sa kanya ang baril. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

Lumayo ako ng konti saka itinutok sa kanya ang baril. Ako naman ang ngumisi habang namumutla siya. Akala ko ay susuko na siya pero nakuha niya pang tumawa.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon