Chapter 7

13.9K 222 3
                                    

#7 HALF DEMON
*The Call*

Sun Raue's Point of View

Naglalakad ako ngayon sa hallway habang may buhat buhat na tatlong libro na binigay sakin ni Mr.Marlowe idala ko daw ito sa Mafia Prince Quarter kaya papunta ako ngayon doon. Alam niyo yun? First day ko 'to sa pagiging servant nya, tss!

D*mn! Servant niya! As in UTUSAN!

Ayoko pa naman sa lahat na inuutusan ako! Gusto ko ako yung nag-uutos! Hindi lang ako makapagreklamo dahil baka patalsikin ako dito sa LU.

Tapos okay na sana dahil excuse ako sa mga classes ko pero ang kapalit 'non palagi kong makakasama ang Mafia Prince! Letche!

Nanghigit ako ng isang estudyante. Nagulat siya sa ginawa ko pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ako.

"Ba-bakit po M-miss Sun R-raue?" Ibinigay ko sa kanya yung tatlong libro, nabibigatan na ako eh.

"Idala mo 'to sa Mafia Prince Quarter." Nanlaki ang mga mata niya.

"P-pero po hi-hindi ako p-pwede p-pumasok doon."

"Edi hintayin mo ko sa labas." Nilagpasan ko na sya at dumiretso ako sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako, hindi ako nakakain kahapon eh dahil sa sobrang stress.

Bumili na ako ng pagkain ko pero nang palabas na ako ng cafeteria may nakita na naman akong binubully. At yung nerd na naman kahapon. Lumapit ako doon.

"Sa lahat ng pwede nyong ibully bakit nerd pa?" Napatingin sakin yung tatlong babaeng nambubully pati yung nerd na basang basa dahil sa juice.

Namutla sila bigla nang makita ako. "M-miss Su-Sun Raue."

"Umalis na kayo." Sabi ko sa kanila, mabilis naman silang nagtatakbo palabas.

"Sa-salamat Miss Sun Raue."

Tumingin ako kay nerd. Lumuhod ako para mapantayan sya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko lang siya.

"Sa susunod 'wag ka na nagpapabully pwede ba? Pero kasalanan mo din naman eh, pumasok ka dito sa LU dapat panindigan mo." Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria.

Nang nasa MPQ (Mafia Prince Quarter) na ako nakita ko agad yung babaeng inutusan kong idala dito yung tatlong libro.

"E-eto n-na po Miss Su-Sun Raue." Kinuha ko na yung tatlong libro tapos pumasok na sa MPQ.

Nakita ko si PL sa mahabang sofa at nakapikit. Napatitig ako sa kanya.

Ang haba pala ng pilik mata niya, ang tangos pa ng ilong, ang kinis din ng mukha niya, walang pimple, tapos naka side view pa siya kaya ang gwapo nyang tingnan. Ilang araw ko na din siyang nakikita pero ngayon ko lang talaga siya natitigan ng ganito.

"Tapos ka na bang titigan ako?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita tapos dumilat at nakangising tumingin sakin. Bakit parang na miss ko yung ngisi niya na yun?

Umiwas agad ako ng tingin.

"Kapal mo! Hindi noh! Pinapabigay nga pala ni Mr.Marlowe." Hinagis ko sa kanya yung tatlong libro sakto namang tinamaan siya mukha.

"Sino ka para ganyanin ako?" Tiningnan niya ko nang masama.

"Ako lang naman si Sun Raue Montereal and no one can mess up with me!" Tumawa siya sa sinabi ko.

"Hindi ka ba nagsasawa sa line mo? Hahaha!" Ako naman ang tumingin sa kanya nang masama.

"Paki mo?" Inirapan ko siya tapos tumalikod na ko para lumabas nang nasa pintuan na ko nagsalita siya bigla.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon