Chapter 31

6.8K 137 4
                                    

#31 HALF DEMON
*Zrach*

Sun Raue's Point of View

I love him.

Iyan lang ang nasa isip ko sa mga oras na 'yon. At wala akong pinagsisihan sa nangyari, sa ginawa namin kagabi. Masaya ako na naibigay ko sa kanya ang una ko ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan. Mahal ko siya...

Mahal na mahal ko din siya.

Bumaling ako sa kanya na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napangiti nalang ako habang inaalala ang buong nangyari. We made love! Yes, we did it. Tinitigan ko ang siya na para bang kinakabisa ko ang mga detalye ng bawat sulok ng mukha niya.

His flawless face, thick eyebrows, long curvy eyelashes, pointed nose, red kissable lips, perfect jaw line, black messy hair... Those perfect features of him. I will miss it... I will miss every bit of him... I will miss everything about him.

Hindi ko alam kung ito na ba ang huli naming pagkikita ngayong buo na ang desisyon ko na magpakita bilang Half Demon. I already know the consequences of what we did, parehas kaming mahihirapan, lalo na siya. But d*mn! I love him, that's it. Saka ko na iisipin 'yon.

Marahan ko siyang hinawakan sa kanang pisngi at dinama ang init ng balat niya. Pumikit ako.

I love him not because he's Aizer but because he's Zrach. I love the real him.

"I love you, Zrach Cole Izra..."

Inalis ko ang braso niyang nakadagan sa tiyan ko at dahan-dahan na tumayo kahit na naramdaman ko ang hapdi sa bandang ibaba ko. Iningatan kong hindi siya magising at unti-unting pinulot ang mga damit ko na nakakalat sa sahig.

Bago ako lumabas sa MPQ ay inayos ko muna ang gulo-gulo kong buhok at damit, dinampot ka na din ang bag pack kong naiwan sa sofa. Paglabas ko ay pataas pa lang ang araw at makulimlim pa kaya't iilan pa lang ang mga taong nasa labas. Nang makarating ako sa Ward Hall ay naabutan ko si Lee sa kusina at kumakain.

Napatingin siya sa'kin.

"Tara kumain." Anyaya niya pero tumango lang ako at ngumiti.

Kumuha na siya ng isa pang plato at inilagay sa lamesa. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya pumunta na ko doon para sabayan siya. Hindi ko maiwasang mailang sa paninitig niya sa'kin habang naglalakad ako palapit sa lamesa.

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. D*mn it!

Umupo na ako sa tapat niya at nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain pero nararamdaman ko ang pasulyap-sulyap niya sa'kin habang nakakunot ang noo.

Tumikhim ako para mabasag ang katahimikan.

"Bakit nga pala may mga bodyguards sa buong paligid?" Pagbubukas ko ng topic.

"May hinahanap sila." Maikling sagot niya.

"Sino?-- I mean, uh, tao ba?" Nag-aalangang sambit ko at tinaas ang tingin sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya at nagpatuloy na sa pagkain.

Sino? Si Half Demon?

"Alam na ng Mafia Queen kung nasaan ang antidote." Sagot niya.

So, hindi si Half Demon? At talagang ang antidote na iyon ang pinagtuonan ng pansin ng Mafia Queen, huh. Ganoon ba 'yon ka importante?

Tumigil ako sa pagkain para maituon ang buong pansin ko sa sinabi ni Lee.

"Bakit nila 'yon hinahanap?" Kunot noo akong nakatingin sa kanya.

Sa pagkakaalala ko noon sa sinabi ni Dawn Lewis ay kaya hinahanap ang antidote ay para maging Highest of all the Mafias, pero ano naman ang gagawin nila sa antidote kung sakaling makuha 'yon?

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon