Chapter 16

8K 179 7
                                    

#16 HALF DEMON
*Gangs*

Sun Raue's Point of View

Paglabas ko ng sementeryo, tumunog na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit sa bulsa ko.

Unknown number yung nagtext pero tiningnan ko pa rin.

"Sunny, magkita tayo sa East Bay. It's me Ryo." Oo nga pala, magkikita pa kami nito.

Malapit lang naman yun dito kaya maglalakad nalang ako, isa pa, hindi ako tinatamad maglakad ngayon dahil gusto ko rin mag isip-isip.

Pagdating ko sa East Bay maraming tao na nandon. Anong meron dito? Hindi ko nalang pinansin at hinanap si Ryo pero matagal-tagal na rin akong naghahanap pero hindi ko pa siya nakikita.

Umupo muna ako sa isang bench nang mapagod ako, nakaramdam na din ako ng gutom, tanghali na din kaya bumili na ko ng meryenda sa isang street vendor. Hindi naman ako maarte sa pagkain, kaya okay na yung fishball at softdrinks. Madalas kasi kami bumili ni Papa ng ganito dati.

Pagkatapos kong kumain naglakad na ulit ako para hanapin si Ryo at para makapaglibang na din.

Kahit gusto ko mang itext si Ryo kung nasan siya pero hindi pwede dahil wala akong load, hindi naman talaga ako nagloload, para saan pa? Wala naman akong paggagamitan. Maliban nalang ngayon.

Narinig kong tumunog na naman ang Cellphone ko kaya tiningnan ko ulit kung sino ang nagtext.

"Wait me there, Sunny. May kailangan lang akong puntahan, sandali lang 'to."

Kusang tumaas ang kilay ko sa nabasa kong text ni Ryo. D*mmit! Sino siya para paghintayin ako ng matagal?

Padabog kong sinauli ang cellphone ko sa bulsa tsaka naglakad paalis sa East Bay. Pero napahinto ako nang biglang nagkagulo at may mga lalaking nagtatakbuhan papunta sa dulo nitong East Bay. Madilim na dun at puro mga puno pa.

Dahil inatake na naman ako ng kuryusidad, naglakad ako papunta sa pinuntahan ng mga lalaki. Isa pa, wala din naman akong pupuntahan.

Kalmado lang akong naglalakad habang nasa kakahuyan at hinahanap ang mga lalaki kanina. Hanggang sa may narinig akong mga nag-aaway at nagmumurahan, sinundan ko kung saan 'yon at nakita ko ang mga lalaki na nagrarambulan.

Woah. Live show ba to? Tss...

Sumandal lang ako sa katabi kong puno habang pinapanood sila. Malapit lang naman ako sa kanila pero hindi nila ako napapansin.

"Sumuko na kayo para hindi na kayo mahirapan pa!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking may kulay gray na suot at pink na buhok sabay suntok sa kalaban niya.

"F*ck! Mamamatay muna kami bago nyo kami matalo!" Sigaw naman ng kalaban niyang kulay itim ang suot.

Pinanood ko lang sila maglaban at sa nakikita ko ngayon ang mga lalaking nakasuot ng kulay gray na damit ang nadedehado.

Pero napahinto ang sila sa pakikipaglaban nang maglabas ng baril ang lalaking kulay pink ang buhok.

"Sandali Min! Akala ko ba walang ganyan?!" Gulat na sabi ng isa sa nakakulay black na damit.

"I don't follow the rules. So, susuko na ba kayo?" Nakangising sabi ng pink na buhok sabay tutok niya ng baril sa kalaban niya kanina.

Nainis ako bigla. I really don't like dirty sh*ts!

"Hinding-hindi namin gagawin 'yon! Tara na guys." Sabi ng nakablack na damit sabay baling sa mga ka Gang niya.

Maglalakad na sana ang mga nakablack pero biglang nagpaputok ng baril si Min at may natamaan na isang naka kulay black.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon