Chapter 33

6.1K 137 7
                                    

#33 HALF DEMON
*Truth*

Sun Raue's Point of View

Pare-pareho kaming hinihingal nang makapasok kami sa loob ng van. Mabilis na nagmaneho si number eleven paalis kasunod ang dalawa pang van kung nasaan ang iba.

Hindi na kasi kayang mag-drive pa ni Kaice, may sugat siya dahil sa pakikipaglaban nang mahuli sila.

"Saan tayo, number twenty?" Sumulyap sa'kin si number eleven.

Nakarating na kami sa highway at ngayon ay nakahinto kami dahil sa traffic. Tumingin ako sa side mirror at hinanap kung may nakasunod pa sa'min. Huminga ako ng malalim. Mabuti naman at wala na.

"Sa bahay namin." Sagot ko.

Wala kaming ibang pwedeng puntahan kundi ang bahay namin dahil kailangan pa silang gamutin pati si Dawn Lewis at doon lang mas ligtas. Sinabi ko sa kanya ang address namin kaya agad niyang sinabihan sina number eight at seventeen na nag-mamaneho sa kabilang van.

Bumaling naman ako sa rear view mirror para tingnan si Dawn Lewis sa likuran ko. Naabutan ko siyang nakatingin din sa'kin kaya tumaas ang kilay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa namin inaalis ang takip sa kalahati ng mukha namin. Umismid ako bago umiwas ng tingin sa kanya.

Huminto na kami sa tapat ng mataas na gate ng bahay namin.

"Dito na ba?" Tanong ng isa kaya tumango ako bago bumaba ng van.

Nagtaka ang guard na nagbabantay sa harap ng gate. Hinubad ko na ang takip sa mukha ko kaya agad niya kong nakilala.

"Buksan mo ang gate, manong, papasok sila." Utos ko.

May dalawa pang guard na tumulong para buksan iyon. Sumenyas na ko sa kanila na ipasok na ang sasakyan kaya pinaandar na ulit nila ang van upang makapag-park.

Sumunod ako sa parking lot at pinapasok sila. Inalalayan naman ng dalawa si Dawn Lewis, at ngayon ay wala na rin ang takip sa mga mukha nila.

"Come in." Anyaya ko.

Inilibot nila ang mga mata nila sa buong paligid habang naglalakad papasok. Nang makapasok ako ay wala si Tita sa loob, tumingala ako sa taas at hinanap siya dahil walang sumalubong sa'kin.

Nagsi-upo sila sa sofa habang tahimik na nagmamasid, madami sila kaya ang ibang walang galos ay mga tumayo nalang.

"Kukuha lang ako ng first aid kit."

Kumuha na ako ng first aid kit at agad na ibinigay sa kanila. Lumapit naman ako kay Dawn Lewis para gamutin siya.

"Ibang klase, Montereal." Manghang sabi niya. I just shrugged at sinimulan nang linisan ang mga sugat niya.

"Sabi ko naman sa'yo, itatakas kita don." Naka-angat ang gilid ng labi habang sinasabi 'yon.

Nang matapos akong lagyan ng gasa ang sugat sa mukha niya ay tumayo na ko. Umakyat na ako sa taas para puntahan si Tita sa kwarto niya, gabi na kasi kaya hindi niya na siguro namalayan na may dumating.

Kakatok na sana ako sa pinto nang biglang bumukas ang katabi nitong pinto at doon lumabas si Tita, kasunod si Mr.Raymond Marlowe.

Parehas nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

"S-sun Raue, anong--anong ginagawa mo dito?" Gulat na sambit ni Tita at nagtinginan sila ni Mr.Marlowe.

Kunot-noo ko silang tiningnan bago magsalita.

"May mga kasama ako, nasa ibaba."

Tumalikod na ako sa kanila at bumaba na kahit gustong-gusto kong tanungin si Tita kung bakit nandito si Mr.Marlowe. Hindi kaya, may relasyon sila? Pero hindi pwede, kasi ang alam ko, kaaway ng mga Montague si Mr.Marlowe! So why on earth Mr.Marlowe is here?! Argh!

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon