Chapter 22

6.8K 168 4
                                    

This following chapters are dedicated to readmoreyoona, cjayxx, kimbeolli. Maraming salamat sa votes at pagsuporta! :)

#22 HALF DEMON
*Aizer*

Sun Raue's Point of View

Naramdaman ko na ang pagtulo ng dugo sa leeg ko. Mabilis na ang paghinga ko para mapakalma ang sarili at mawala ang apoy sa mata ko.

Hell! Stop it!

HALF DEMON!

F*ck!

"SUNNY!"

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang marinig ko ang tawag ni Ryoka. Nakatayo siya sa gilid ng Arena at katabi niya si Lee. Pareho silang hinihingal at halatang nagmadali silang pumunta dito. Lumipat ang tingin ko kay PL. Nakatayo pa rin siya at galit na galit ang mga mata.

Pumikit muli ako nang lalong dumiin ang espada sa leeg ko at ang pagtawa ng kalaban ko.

"You can't defeat me." Sabi ko sa kanya sabay kuha ko ng shurikens na nakaipit sa binti ko at ibaon iyon sa hita niya.

"ARGH!!!" Napasigaw siya sa sakit at nabitawan niya ang espada. Mabilis akong tumayo at binunot ang espada na nasa tagiliran ko.

Nanggigigil ako kaya sinuntok at sinipa ko siya na siyang nagpapatilapon sa kanya. Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa lupa. Iniluhod ko ang isang tuhod ko para bumaba ng konti at itapat ang maliit na espada sa leeg niya.

"You can't defeat Half Demon." Bulong ko sa kanya saka ngumisi.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nag-aapoy kong kaliwang mata.

"H-h-half D-dem.." Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay mabilis ko siyang ginilitan sa leeg. Sinigurado kong patay na siya dahil siya lang ang nakakita ng nangyari sa mata ko.

Nagsigawan ang mga tao.

Tuluyan na akong napaluhod sa pwesto ko at itinukod ko ang dalawa kong kamay sa lupa. Nararamdaman ko pa rin ang apoy sa kaliwa kong mata.

D*mn it!

May pumuntang dalawang lalaki para hilahin palabas ang nakalaban kong wala ng buhay kaya pumikit ako dahil baka mapansin nila ang mata ko.

Nine downs.

May isa pa pero ayaw na tumigil ng pag-iinit ng mata ko. What the f*cking hell?! This can't be!
May narinig akong mga yabag ng paa papalapit sakin pero hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko.

"F*ck! Kaya mo pa ba?!" It's Mafia Prince. Bakit kailangan niya pang pumunta dito?!

"I c-can handle m-myself. G-get out." Pinipilit kong maging maayos pa ang pagsasalita ko dahil nanginginig na ang buong katawan ko. No, hindi niya pwedeng makita 'to.

"D*mn! You f*cking can't! Hindi mo na kayang lumaban! Araw, just tell me! I'll do f*cking anything to save you." Hindi siya matigil sa pagmumura sa sinabi niya.

Oh god! Mafia Prince! Just leave!

"No.." Tanging sabi ko. I can't talk, I can't control myself anymore.

"Lux 'wag ka na lumaban, baka mapahamak ka pa.. please!" Natigilan ako sa sinabi ni PL.

Yung sinabi niya na 'yon. Yung sinabi sakin ni Aizer sa Mafia War five years ago. At tinawag niya akong Lux. No, no, hindi pwede.

Patay na si Aizer. Aizer was dead! D*mn it!

"MAFIA PRINCE! DON'T RUIN THE FIGHT!" Sigaw ng Mafia Queen.

Ngayon ko lang napansin na tumahimik pala ang buong Arena sa paglapit sakin ng Mafia Prince.

May pumuntang dalawang lalaki para paalisin si PL sa gitna at pabalikin sa pwesto niya. Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya maglakad paalis.
Hindi siya si Aizer. Ang labong mangyari. Imposible.. But why did he called me Lux?!

Nagsigawan muli ng mga tao sa paligid at narinig ko ang nagsalita malapit sakin.

"Give up?" Sabi ng boses na babae.

Panghuli pa ang babae huh? Lahat ng nakalaban ko ay puro mga lalake at talagang babae ang last? Tss..

Nakaluhod pa rin ako at nakapikit. Dahan dahan akong tumayo habang nakayuko para hindi makita ang mukha ko.
Pumunit ako ng tela sa ladlaran ng damit ko at ipinang-piring ko sa mata ko.

"Sunny! What are you doing?!" Dinig kong sigaw sakin ni Ryo sa gilid ko. Don't you trust me Ryoka Raleigh? Psh..

I can't control the demon inside of me so I need to do this. Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ng babae sa harapan ko.

"Nagpapasikat ka?" Tanong niya na para bang hindi makapaniwala.

Well, bahala siya. Kung ganon ang pagkakaintindi niya sa ginawa kong 'to. Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot sa kanya sabay ngisi.

Pumutok na ang baril kaya simula na. Gusto ko mang makita kung ano ang itsura nitong makakalaban ko ay hindi pwede.
Pinaikot ko sa kanang kamay ang hawak kong maliit na espada at pinakiramdaman siya.

Naramdaman kong nasa harapan ko na siya at malapit kaya yumuko ako at lumihis para pumunta sa likuran niya.

"Hindi nakakapagtaka. Nakalaban mo ko, mabilis ka." Sabi ng babaeng kalaban ko. Sa tingin ko ngayon ay tumatango-tango pa siya.

"Pang sampo na ko pero mukhang hindi ka pa masyadong pagod." Dagdag niya pa.

"Magdadaldalan nalang ba tayo dito?" Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng labi ko.

"Oppss. Sorry." Tumawa siya.

Hinintay ko lang siyang umatake. Naramdaman ko ang papalapit na mga shurikens kaya mabilis akong umiwas at pinangsangga ang espada ko. Sunod-sunod ang paghagis niya sakin ng mga shurikens kaya hindi ko naiwasan ang pagdaplis ng isa sa kanang balikat ko. Napamura nalang ako sa hapdi.

Wala nang mga shurikens. Narinig ko na ang mabilis niyang mga yabag papalapit sakin at ang pagsugod niya sakin. Hindi ko alam kung anong armas ang gamit niya na hawak niya ngayon pero naramdaman ko nalang na mayroong tumusok sa batok ko. Parang isang karayom.

"What is that?" Tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya nalaman kong nasa harapan ko lang siya.
Hindi ako nagdalawang isip na sugatan siya sa mukha. Hindi naman ako nagkamali dahil narinig ko ang mura at sigaw niya sa ginawa ko.

Wala pang ilang minuto nang makaramdaman na ako ng pagkahilo kasabay non ang pagsaksak ng maliit na espada sa tiyan ko.

Hindi ko na hawak ang espada ko kaya nasa kalaban ko na iyon at 'yon ang ginamit panaksak sakin.

"D*MN IT! SUNNY!"

"F*CK! ARAW! THAT'S ENO
UGH!"

Umangat ang labi ko. Hindi ko mapigilang ngumisi. Mafia Prince...

Narinig ko pa ang malademonyong tawa ng Mafia Queen.

Unti-unti akong napaluhod sa sakit na naramdaman ko. Hinawakan ko ang espadang nasa tiyan ko na hawak ng babaeng kalaban ko. Nahahawakan ko na ang lagkit ng dugo. May lumabas na din na dugo galing sa bibig ko.

"Die!" Sigaw ng kalaban ko at hinugot ang espadang nakasaksak sakin kaya tuluyan na akong bumagsak.

"NO! F*CKING SH*T!"

Now I think, I need you to save me Mafia Prince, PL... and if you are really Aizer.

Itutuloy...

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon