#47 HALF DEMON
*Battle*Lux's Point of View
Seryoso akong nakatingin sa salamin habang inaayos ng babae ang buhok ko. Tapos na akong magbihis kaya ito namang buhok ang inayos. Nangyari na ito dati. Bago pumasok sa Arena at lumaban ay binibigyan pa ng tamang damit ang mga lumalaban. Pero hindi tulad ng dati, ngayon ay kinakabahan ako. Pilit ko mang itago 'yon sa mukha ko ay hindi ko maiwasan ang panginginig ng kamay ko. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon, dati noong lalaban ako ay wala lang sa'kin, wala akong pakielam kahit mamatay ako at tanging kalayaan ko lang ang dahilan kaya ako lalaban. Pero ngayon, si Papa ang dahilan, ang kalayaan niya. Hindi ko na kailangang tanungin ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan, dahil alam ko na dahil ito sa makakalaban ko. Ang Mafia Prince, si Zrach. Ang lalaking mahal ko bukod kay Papa.
"Miss Montereal-- I mean, Miss Montague?" Tawag sa'kin ng babaeng nag-aayos sa'kin. Nagpakilala siyang si Rina Avedson, at sinabi niyang siya rin daw ang nag-ayos noon sa akin pero hindi ko na maalala.
Tumingin ako sa kanya sa repleksyon niya sa salamin. Inabot niya sa'kin ang pula kong maskara.
"Magsisimula na." Sabi niya sa mahinang boses.
Kinuha ko iyon sa kanya at agad na isinuot. Wala ang maliit kong espada dahil kinuha iyon ng Mafia Queen bago umalis sa Death Jail.
Tumayo na ako at naabutan ko siyang nakatitig sa'kin. Ngumiti siya pero alam kong pilit iyon.
"Ikaw nga si Half Demon. Hindi ko inaasahan. Sobrang liit ng mundo." Sambit niya, hindi pa rin inaalis ang titig sa'kin.
Wala akong imik. Sa halip ay bumaling nalang ako sa dalawang lalaki na kapapasok lang na agad akong pinosasan. Nagulat ako nang lagyan ako ng taklob sa ulo pero hindi ko na magawa pang magreklamo. Wala na ako sa sarili para gawin pa iyon.
Habang inaakay ako ng dalawang lalaki ay bigla kaming huminto at narinig ko ang boses ng Mafia Queen.
"Tingnan natin kung hanggang saan ka, Half Demon. I know that my son is your weakness so good luck. Maligtas mo pa kaya ang ama mo?" Bulong niya malapit sa tainga ko.
Narinig ko siyang ngumis bago ako lagpasan. Nagngitngit ako sa galit. I'll kill you, Mafia Queen. Swear.
Nagpatuloy kami sa paglakad at sigawan ng mga tao ang narinig ko pagpasok ng Arena. Marami akong naririnig kung sino daw ba ang makakalaban ng Mafia Prince, at nang pumasok ako ay hindi pa rin nasagot ang tanong nila dahil sa taklob sa ulo ko.
Inalis na ang posas ko.
"Good evening, ladies and gentlemen." Boses ng Mafia Queen, naka mikropono.
Talagang pinaghandaan niya 'to, huh?
"I know that you are all can't wait to see the greatest battle and will mark into the Mafia history!" Walang tigil ang hiyawan ng mga tao. "So now, I introduce to you the battle between the Mafia Prince and... Half Demon!!"
Natahimik ang lahat kasabay non ang pag-alis ng taklob ko sa ulo. Nakayuko ako at para bang inaabangan nila ang pagtaas ng ulo ko.
"Show yourself, Half Demon!" Sigaw ng Mafia Queen sa mikropono at saka tumawa ng mala demonyo.
Pumikit ako ng mariin bago unti-unting itaas ang ulo. Nagsinghapan ang lahat nang makumpirma na ako nga si Half Demon.
Dumiretso ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ilang hakbang ang layo sa'kin. Napalunok ako nang makita ang galit niyang mga mata. Sh*t. Tiningnan ko ang kabuuan niya. He's wearing his usual white v neck t-shirt, black pants and brown boots. Parang wala lang ito sa kanya. Hindi niya pinaghandaan. Bakit, Mafia Prince? Tiningnan ko ang hawak niya na espada, may baril din sa parehas na tagiliran niya at mga shurikens at daggers sa mga binti niya. Hindi ko alam, sa tingin ko ay marami pa siya armas na pang patay sa'kin. Alam kong isang saksak niya lang ng espada sa puso ko ay patay na ko pero talagang gusto niya kong patayin sa sobrang dami ng armas niya. He really wants to kill me. Kahit ako pa si Sun Raue o Luxury.
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...