Chapter 32

6.1K 140 7
                                    

#32 HALF DEMON
*Escaped*

Sun Raue's Point of View

"Hey number twenty, are you alright?" Mahinang tanong sa'kin ng katabi kong si number three. Alam kong si Hunter iyon dahil siya lang ang malapit sa'kin.

Napansin kasi nilang huminto ako dahil sa narinig na papunta dito ang Mafia Prince. Bumaling ako sa kanya bago magpatuloy sa paglalakad.

"Yes, bilisan na natin." Sagot ko.

Posibleng sa South Gate dumaan ang Mafia Prince at makita ang mga patay nang mga nagbabantay doon.

"Number eleven, saan dumaan ang Mafia Prince? Number twenty, over."

"Sa North gate siya dumaan, number twenty, malapit na siya d'yan. Number eleven, over."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ibinalita ni number eleven.

"Ano namang gagawin ng Mafia Prince dito?" Sabi ng isa sa mga kasama ko. Hindi ko sila makilala dahil sa takip sa mukha.

"Ngayon nga papatayin si Lewis diba? Kaya dapat nandito siya." Sagot ng isa.

Oh right! Nakalimutan ko. Kailangan nga pala ang Mafia Prince ngayon dito. Aish! Kung alam ko lang sana na papatayin din si Dawn Lewis ay matagal ko nang napag planuhan ang pagtakas sa kanya dito!

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa South gate ay may mga kalaban na ang humarang sa'min.

"Sino kayo?!" Sambit ng isa saka sumugod sa'min kasabay ng mga kasama niya.

Humanda na kaming lahat sa pakikipaglaban.

May isang pumunta sa'kin kaya sinuntok ko siya sa mukha saka siya sinikmuraan at pinalipit ang leeg niya dahilan sa pagkawalan niya ng malay. May sumunod pang isa na tinadyakan ko naman kaya tumilapon sa sahig, sumabay pa ang isa na umatake sa gilid ko pero mabilis ko 'yon nasangga at siniko siya sa batok para mawalan din siya ng malay.

Nakakatatlo pa lang ako ay ubos na ang kalaban.

"Wooh! Chicken." Rinig kong sinabi ng isa at nag-hi five pa sila ng katabi.

Tiningnan ko naman silang lahat, tumingin din naman sila sa'kin at nagtanguan. Good job guys.

Lumakad na kaming muli. Malayo pa dito ang Death Jail at sa tingin ko ay aabutin kami ng halos kalahating minuto bago makarating doon dahil sa mga kalaban.

Sa bawat kanto ng lugar na madadaanan namin ay may mga kalaban na nagbabantay. Hindi ako nakikipaglaban, hinahayaan ko lang sila at pinapanood kung paano sila makipaglaban. Alam ko din namang kaya na nila ang mga 'yon patumbahin.

"Nandito na kami sa pasilyo papunta sa Death Jail. Number one, over." Rinig kong sabi galing sa kabilang linya.

"Stay there, magmanman kayo. Number twenty, over." Sagot ko.

Nandito na rin kasi kami sa kabilang pasilyo kung nasaan ang iba pa naming kasama papunta sa Death Jail. Sa plano ay ang grupo ko lang ang papasok at sila ay magmamanman sa labas kung nasaan sila.

"May kalaban pa ba d'yan? Number twenty, over." Tanong ko sa kabila.

"Wala na. Number one, over."

"Good." Tanging sagot ko nalang.

"Nakapasok na ang Mafia Prince. Number eleven, over." Hindi ko na 'yon pinansin. Kailangan na naming bilisan.

Sumenyas na ko sa mga kasama kong pumasok na sa mahaba at makitid na pasilyo. Bago ako pumasok ay nag-iwan muna ako ng camera na naka-konekta sa laptop ni number eleven na aming hacker upang sabihan kami kung may papasok sa loob.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon