Chapter 34

6.2K 139 4
                                    

#34 HALF DEMON
*Reason*

Sun Raue's Point of View

Bumaling ako kay Tita na ngayon ay nakatingin sa malayo na parang may malalim na iniisip.

"Tita..." Tawag ko para makuha ko ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa'kin.

"Wag ka nang bumalik sa LU." Iyon lang ang tanging sinabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Lee, or should I call him Lei Elvise?

"They are currently searching Half Demon and Luxury Montague, which is you. Delikado, Lux." Mahinahong sabi niya.

Naguluhan ako.

"But why? I mean, anong kinalaman ko bilang Luxury at hinahanap ako?" May unti-unting ideya akong nabuo sa isipan ko. Oh, d*mn! Don't tell me...

"Nasa katawan mo ang antidote, Lux.."

Ilan segundo akong natigilan bago makabawi sa pagkagulat. Paanong napunta sa'kin 'yon? Oh my god.

"K-kung nasa akin nga, bakit di nalang natin ilabas ang antidote na iyon sa katawan ko at idala sa Mafia Palace para maalis ang Mafia Izra sa posisyon nila?--" Pinutol iyon ni Tita.

"Hindi ganoon kadali 'yon--"

"Bakit hindi?! Iyon lang naman ang kailangan para magising ang Mafia King, diba? Pag nangyari 'yon tayo na ang mamumuno--"

"Hindi pwede Lux!--"

"Tita! Pag nangyari 'yon, mapaghihiganti ko ang mga magulang ko! Ang mga nakakaranas ng pagmamalupit ng f*cking Mafia Queen na 'yon! Ng Mafia Izra! Mababawi ko na din ang LU! Tita, 'yon ang matagal ko ng gusto mangyari, alam mo naman iyon--" Naputol na naman ang sasabihin ko dahil sa malakas na boses ni Tita na namayani sa kabuoan ng kwarto.

"PERO MAMAMATAY KA!" Napatayo na siya sa sobrang emosyon na nararamdaman. May tumulo nang luha galing sa kanyang mga mata.

Natahimik ako kaya't nagpatuloy si Tita.

"Sa antidote na 'yan nakadepende ang buhay mo, Luxury.. May venom na nakakalat sa buong katawan mo at gaya ng sa Mafia King, kailangan mo ng antidote para mabuhay. Kaya sana, 'wag kang magpadalos-dalos."

Magdamag akong tulala at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Pilit ko pa rin pinapasok sa utak ko ang lahat ng nalaman ko ngayong araw na ito.

Kinwento ni Tita kung paano napunta sa'kin ang antidote. She said that when I was young, I accidentally swallow the venom, mamatay na sana ako ng mga oras na 'yon pero nakagawa si Papa ng antidote kaya nabuhay ako. Ang venom na nasa katawan ko ngayon ay kaparehas ng nasa Mafia King, at isa lang ang antidote na nagawa ni Papa na nasa akin ngayon.

Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang cellphone ko na nagvibrate. Sinong tao naman ang kokontak sa'kin ng ganito ka gabi? Tss!

Tamad ko iyon kinuha at kinusot muna ang mata bago binasa ang text.

Unknown number:

Where the f*ck are you?!

Suminghap ako sa nabasa. Alam ko na kung sino 'to. Agad kong pinatay ang cellphone ko bago ibalik sa side table. It's possible that he's tracking me now.

He's desperate to take the antidote from me, too? Alam na nila na ang nag-iisang anak ni Val Montague ang mayroong antidote kaya pati siya hinahanap na rin ako. Alam niyang ako si Luxury at hindi na siya mahihirapan pang hanapin ang antidote.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon