Chapter 24

7.5K 165 3
                                    

#24 HALF DEMON
*Xanthe*

Sun Raue's Point of View

Naglalakad na ako papunta sa MPQ nang makasalubong ko si Lee. Huminto siya at tumingin sa'kin kaya huminto din ako.

"Okay ka na?" Tanong niya.

Nanggaling ako sa Ward Hall at doon na ko natulog kagabi kaya lang wala siya doon at ngayon ko lang ulit siya nakita.

Nagkibit-balikat ako tsaka ko tinuro ang bandage ko sa leeg at ang nakapalibot na tela sa tiyan ko.

Tumango naman siya. "Take care. Ingat ka palagi." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero bago pa ko makapagsalita ay nakaalis na siya sa harapan ko.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ng buong LU ang nangyari sakin sa Mafia Palace kaya hindi na nakakapagtaka na walang bulungan na nangyayari ngayon sa kung anong itsura ko.

"SUNNY!" Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa likuran ko dahil sa tumawag sa'kin.

"Ryoka.." Sabi ko paglapit niya sa'kin.

"Are you okay now?" Tanong niya agad. Napa-irap ako. Paulit-ulit nalang ang tanong nila, naiinis na ko. Tss..

Ngumiti nalang siya nang irap ang sinagot ko sa kanya. "Tara?" Magsasalita palang ako nang hinawakan niya na ako sa wrist.

"D*mn! Ano na naman ba Ryoka? 'Wag mo kong hilahin. Pwede ba?" Napapamura nalang ako sa hapdi na naramdaman ko sa tiyan.

Huminto naman siya. "Ow. Sorry." Binitawan niya na ko. "Sumunod ka nalang sakin."

I rolled my eyes at wala nang nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakarating kami sa garden. Umupo siya sa bench kaya umupo na din ako.

"You're awesome." Sabi niya. Hindi ako sumagot.

"What do I expect?" Tumawa siya ng mahina. Naramdaman kong tumingin siya sakin.

"Hey Sunny, magsalita ka naman."

"Ano namang sasabihin ko?" Nag crossed-arms ako tsaka bumaling sa kanya.

"Edi nagsalita ka." Ngumiti na naman siya kaya umirap ako.

"Anyway, about Zrach Izra. Naparusahan siya dahil sa ginawa niyang pagtigil ng laban niyo. That's against the rules of Mafia Org." Sabi niya kaya tiningnan ko siya na nagtataka.

"What? Anong parusa?"

"Hindi siya makakahawak ng kahit anong armas for one month." Sagot niya.

Natahimik ako. So its my fault. D*mn! I felt guilty.

"Don't feel guilty. He just did what's right. Pipigilan ko nga rin sana kaya lang naunahan niya ko." I heard him chuckled.

Hindi pa rin ako nagsasalita. PL did that for me. But how about his safety?! He's a Mafia Prince at kahit anong oras ay maaring may pumatay sa kanya. F*ck!

Tahimik lang kaming parehas hanggang sa nag ring ang phone niya. Tumingin muna siya sakin na sinasabing sasagutin niya yung tumatawag. Tumango naman ako. Tumayo siya at lumayo ng konti sakin.

Napabuntong hininga ako. I really felt guilty at ayokong magpakita kay PL. I don't know! Anong mukhang ihaharap sa kanya? Yeah, he's Aizer but he's not the old Aizer that I've met before. He's an Izra! D*mmit!

"Hey Sunny." Bumalik ako sa reyalidad nang tinawag ako ni Ryo. Tumingin ako sa kanya at ngumiti na naman siya sakin.

"Ahm. Tara na? May pupuntahan pa kasi ako eh." Sabi niya.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon