Chapter 23

7K 162 5
                                    

#23 HALF DEMON
*Lux*

Sun Raue's Point of View

Naramdaman ko ang paghapdi ng leeg ko dahil mayroong dumadampi doon. Dumilat ako at nakita ko ang Mafia Prince na inaayos ang kung ano sa leeg ko, malapit ang mukha sakin.

Tumaas ang tingin niya sakin at nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang makitang gising ako.

"Lux you're awake. D*mn!" Mahinang sabi niya tsaka ako niyakap ng mahigpit. Nanlaki din ang mga mata ko sa ginawa niya.

Tinawag niya na naman akong Lux.

"H-hey Mafia Prince, I can't breathe!" Sabi ko kaya kumalas naman siya agad. Nakita ko ang lawak ng pagkakangiti niya.

"How are you feeling?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

"I'm okay." Maikling sagot ko.
Ginulo niya ang buhok niya.

"One week kang tulog. God! I missed you." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa una niyang sinabi o sa huli. Oh d*mn it?!

One week? And what??! Na miss niya daw ako?

Natahimik ako sandali at umiwas ng tingin sa kanya. My gosh! Ba't parang ang init dito?

I cleared my throat.

"What happened?" Tanong ko tsaka ulit bumaling sa kanya.

"Itinigil ko ang laban at dinala ka dito." Sagot niya.

Iginala ko ang paningin ko at nandito ako ngayon sa kwarto ng Quarters niya sa LU.

"Bakit nakatulog ako ng ganun ka tagal?" Nagtatakang tanong ko.

"There's a venom na itinurok sayo si Xanthe kaya ka nakatulog na matagal."

May naramdaman nga akong parang may tumusok sa'kin na karayom na siyang dahilan ng pagkahilo ko kaya ako nasaksak. D*mn! Xanthe ang pangalan ng nakalaban ko huh? Dirty sh*t!

Tatayo na sana ako sa kama pero biglang humapdi ang gawing tiyan ko. Napamura ako sa sakit. Mabilis akong inalalayan ni PL.

"D*mn Lux! Hindi pa magaling ang sugat mo." Tumigil ako at tumingin kay PL na naiinis ang mukha.

"F*ck! Saan nanggaling ang tawag mong 'Lux' sa akin Mafia Prince?!" Inis ko siyang tiningnan.

Kahit ialis ko sa isip ko ang pagtawag niya na 'yon ay ayaw niya pa ring tigilan.

Bumuntong hininga siya. "Its me, Lux." Mahinang pagkakasabi niya.

Umiling ako.

"No." Madiin na pagkakasabi ko. Nakatitig lang siya sakin, seryoso ang mukha.

"Mafia Prince 'wag ka magbiro ng ganito." Dagdag ko kahit na kinakabahan na ko.

"I have no time for jokes Lux-" I cut him off.

"Will you stop calling me Lux?!" I shouted.

"Listen Luxury! Its me Aizer!" Mahinahon pa rin siyang nasa tabi ko kahit na alam kong naiirita na siya.

"NO! YOU'RE NOT! AIZER IS DEAD!" Naiiyak na ko at hindi ko alam kung bakit! Ayokong maniwala na siya si Aizer. Hindi pwede!

"I'm not dead! Nakatakas kami sa Mafia War five years ago!" Ginulo niya na naman ang buhok niya at tiningnan ako nang nagmamakaawang mata na sana ay paniwalaan ko siya.

"Sige! Kung ikaw nga si Aizer! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?! Bakit ngayon mo lang naisipang magpakilala sakin?! Bakit--" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"I HAD AN AMNESIA!" Nanlaki ang mga mata ko. "Habang nakasakay kami kasama ko si Melody sa sasakyan ay may nagpasabog non pero nakatalon agad ako. Naligtas ako ni Raymond Malowe."

Natigilan ako nang binanggit niya si Melody. Nanggilid na ang luha ko pero pinipigilan ko iyong lumabas.

Sh*t! This is so hard! Hindi pwede! Masaya sana akong buhay si Aizer pero as an Izra?! NO! Kahit 'wag na lang please! Pareho kaming mahihirapan!

"Nasaan si Melody? At bakit naging isa kang Izra?"

"Alam lahat ng Mafia na may kambal na anak si Dad pero itinago nila ko. Si Zieon lang ang pinakilala nila at nung nagka-amnesia ako doon nila sinabi kung sino talaga ako sa buong Mafia as Zrach Izra. At si Melody? Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya." Umiling-iling ako pero hindi pa rin siya tumitigil magsalita.

"Nang makita kita sa Hell Place, doon pa lang bumalik ang ala-ala ko na ako si Aizer... Hindi agad ako nagpakilala sayo dahil alam kong galit na galit ka sa mga Izra. Lux please, believe me." Mas lumapit siya sakin at akmang hahawakan ako kaya lumayo ako ng konti.

"Hindi ikaw si Aizer.." Mahinang sabi ko. Ayokong maniwala kahit na sinasabi ng puso kong nagsasabi siya ng totoo. D*mn! D*mn! D*mn!

Tumayo siya. Akala kong lalabas na siya pero may kinuha siyang kung ano sa drawer. Lumakad siya pabalik sakin at ipinakita ang kinuha niyang kwintas na may palawit na espadang maliit at naka ukit ang pangalan kong 'Luxury' at sa kabila ang pangalan niyang 'Aizer'.

Napatakip ako ng mukha dahil tuluyan nang lumabas ang kanina pang nagbabadya kong luha.

Naramdaman ko ang paglapit niya sakin at bigla akong niyakap. Hindi ko magawang magpumiglas.

D*mn it! I missed him so much.

"Don't worry Lux. From now on, I'll protect you until I die." Bulong niya at pinatahan ako.

F*ck no! Please don't Mafia
Prince, PL, Aizer, Zrach Izra or whatever who you are. I'm Half Demon.

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol sa dibdib niya. Iniisip ko palang ang pwedeng mangyari, naiiyak na ko. TANGINA!

This is not me!

Xanthe's Point of View

"She's awake." Nagulat ako sa sinabi ng Mafia Queen.

Nandito ako ngayon sa Quarters niya sa Mafia Palace. Pinatawag niya ako dito, ang akala ko naman ay pupuriin niya ko sa ginawa ko sa lintik na Sun Raue Montereal na 'yon tapos gising na pala agad? F*ck!

"Mafia Queen, ang venom na inilagay ko na 'yon ay pampatulog for one month. How come na one week lang ay gising na siya?" Paliwanag ko.

I'm pretty sure na pang one month talaga ang nilagay ko! Nanggigigil ako sa Montereal na 'yon! She's really something! And I really wanted to kill her nung naglaban kami dahil inaagaw niya sa'kin ang Mafia Prince at nagdagdagan pa ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsira sa maganda kong mukha!

Kung hindi lang dahil sa utos ng Mafia Queen na 'wag pa siyang patayin ay napatay ko na ang Montereal na 'yon! Bwisit!

"Yeah. Its really impossible. May kung ano lang sa Montereal na 'yan." Tumatango-tango ang Mafia Queen habang sinasabi niya yon.

"So what's the plan now Mafia Queen?" Ngumisi siya sa tinanong ko.

"Pumunta ka sa LU. Bantayan mo si Montereal."

Napangisi din ako. 'Yun lang ba?

"As you wish."


Itutuloy...

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon