#20 HALF DEMON
*Opponents*Sun Raue's Point of View
Nagsisigawan na ang mga tao pagdating namin ng Arena. Nakaupo ako sa pinakataas nito, hindi ko katabi si Dawn Lewis dahil nauna ako sa kanyang ipunta dito pero katabi ko ang mga nanggaling din sa Death Jail. Nakaposas kaming lahat at nakatayo lang sa likuran namin ang mga lalaking nagdala sa amin dito.
Seryoso lang akong nagmamasid sa buong arena. Sobrang laki nito na pinuno ngayon ng iba't-ibang Mafia Families na sa tingin ko ngayon ay mga nagpupustahan na kung sino ang mananalo sa nakatayong si Lumbridge at lalaking naka ninja attire na nakatayo sa gitna nitong Arena.
"Si Grun pala ang unang makakalaban ni Lumbridge. Hayys.. Sana makayanan niya."
"Kaya niya 'yan. Napatay niya nga ang anak ng isang mataas na Mafia Family, si Grun pa kaya?" Dinig kong pag-uusap ng dalawang babaeng nasa kaliwa ko.
Nakatingin lang ako ng diretso sa gitna ng Arena pero nakikinig sa kanila. Pinipigilan ko ang sarili kong magtanong dahil inaatake na naman ako ng kyuryusidad. D*mn! Feeling ko wala na talaga akong alam sa nangayari dito sa Mafia World.
*BANG!*
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong Arena, hudyat na simula na ang laban.
Parehas na may hawak ang dalawa ng espada. Unang sumugod ang naka ninja attire na tinawag ng isang babaeng nasa kaliwa ko na 'Grun'. Mabilis na umiwas si Lumbridge sa unang atake nito at agad niya itong binawian para tamaan sa gawing tiyan pero nakaiwas din agad si Grun.
Pareho silang maliksi kaya tumagal ang laban pero sa huli ay nanalo si Lumbridge. May saksak si Grun sa tiyan at may mga hiwa siya sa binti kaya hindi na siya makatayo.
Pumasok na ang pangalawang kalaban ni Lumbridge. Naka-all black at may face mask na may nakalagay na bungo. Magaling si Lumbridge dahil natalo niya ang mga nakalaban niyang sumunod.
At ngayon, panglima na ang makakalaban niya pero pagod na si Lumbridge dahil nakaluhod na siya sa gitna habang kaharap niya ang lalaking walang kahit anong armas na hawak. May tama na siya ng bala ng baril at duguan na din ang buong mukha niya.
Hindi niya na kaya.
Dahan-dahan siyang tumayo pero bago pa man siya makatayo nang maayos ay sumugod na ang kalaban niya at sinipa siya sa mukha.
"F*ck!" Napamura ang katabi ko. Tuwing matatamaan si Lumbridge ay lagi siyang nagmumura na para bang siya ang nasasaktan.
Sinuntok ng kalaban si Lumbridge at sinipa sa sikmura kaya tumilapon siya. Hindi na siya makalaban. Wala ng pag-asa. Hingal na hingal siyang tumayo, sinubukan niya pang sumugod pero naiiwasan lang ito ng kalaban kaya sa huli ay siya ang natatamaan.
Nakahiga na siya ngayon sa lupa at duguan na. Lumapit sa kanya ang kalaban at bigla itong naglabas ng kutsilyo.
Tumayo ang katabi ko. "No. No. No. Please.." Narinig ko ang paghagulgol niya. Tinahan siya ng kasama niya ding babae.
Tiningnan ko sila. May posas silang kagaya ko kaya mga nasa kulungan din sila malamang.Walang pasubaling sinaksak ng kalaban si Lumbridge. Mas lalong umingay ang buong Arena, hindi dahil sa ginawa ng kalaban, kundi sa mga pustahanan nila.
Lumbridge is dead.
May pumuntang dalawang lalaking malalaki ang katawan sa gitna para hilahin si Lumbridge palabas. Yung kalaban parang wala lang nangyari at umalis na sa gitna.
That was heartless.
"Hindi niya deserve 'to." Sabi ng babaeng katabi ko na hindi pa'rin matigil sa kaiiyak.
"Wala na tayong magagawa." Tanging sagot ng kasama niya.
Natigil ako nang makita ko ang Mafia Prince sa kabila nitong arena, nakaupo siya doon katabi ang Mafia Queen at babaeng itim na itim ang suot. At nakatitig siya sakin. Umangat ang labi niya nang mapansin niyang naka tingin ako sa kanya. What, Mafia Prince?
Naputol ang titigan namin nang kinausap siya ng babaeng katabi niya. Hinawakan na ako sa magkabilang braso ng dalawang lalaking nagdala sa'kin dito.
Pagpasok ko sa kulungan, naabutan ko na si Dawn Lewis. Tumingin siya sakin tsaka ako nginisihan, ginantihan ko siya ng seryosong mukha. Naiinis ako sa kanya. Alam niyang may kailangan ako sa kanya kaya kung makaasta akala mo.. Argh! D*mn it!
Umupo ako sa pwesto ko kanina.
"I heard na bukas na pala ang laban mo? Narinig kong pinag-uusapan ng mga nagpupustahan kanina." Biglang sabi niya."So?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"I'm just wondering. Kadarating mo pa lang kanina pero bukas na agad ang laban mo. Inaabot ng weeks ang mga napupunta dito bago sila lumaban. Masyadong mabilis ang sayo." Kita ko sa mata niya na hindi talaga siya makapaniwala.
"I don't effin' care." Sabi ko.
"Pano ba 'yan? Edi hindi mo ako mailalabas dito? Hindi ko sayo masasabi ang lahat ng nalalaman ko." Tila ba nang-iinis na sabi niya.
"Kailan ang laban mo?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
Umiling siya tsaka ngumisi. "Hindi nila ako papatayin hangga't hindi ako nagsasalita at sinasabi kung nasaan ang antidote."
"Alam mo din kung nasaan ang antidote?"
"Oo. What the use of being a spy right?" He chuckled.
"Then good. Kung hindi ka pa pala mamamatay, mailalabas pa kita dito." Seryosong sabi ko.
Narinig ko siyang tumawa."Seryoso ka talaga sa sinasabi mo? Ano naman kaya mong gawin? Haha! At bukas na ang laban mo, baka patay ka na bago mo pa ako mailabas dito at masabi sayo ang nalalaman ko." Tumawa pa siya lalo. Hindi ko siya sinagot. Nag-iisip ako kung anong pwede kong gawin bukas.
Alam kong malalakas ang mga makakalaban ko bukas. Hindi sila mga ordinaryong Mafia members. Pero kung isa-isa lang naman sila lalaban, why not? Kaya ko silang matalo. My problem here is, kailangan kong bantayan ang bawat galaw ko dahil kilala nilang lahat ang galaw ni Half Demon.
Pero hindi. Imbis na ang sarili ko ang kontrolin ko kailangan kong kotrolin ang bawat galaw ng mga kalaban ko.
"Maghintay ka, Dawn Lewis."
They are my opponents and I need to control them, not to control by them. Even though, I'm not scared to death.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...