Chapter 15

8.5K 178 2
                                    

#15 HALF DEMON
*Her Birthday*

Sun Raue's Point of View

Kanina pa ko dito sa garden. Ayoko pa kasi umalis, masarap at tahimik dito eh.

"MISS SUN RAUE!!" May babaeng sumigaw at tumatakbo papunta sakin. Tiningnan ko siya. Si Aifer, yung anak ni Mr.Marlowe.

"Miss Sun Raue... Kanina pa po kayo hinahanap ng Mafia Prince." Hingal na hingal na sabi sa'kin ni Aifer.

"Bakit daw?" Tanong ko. Tinatamad akong maglakad!

"Hindi ko po alam... pero galit na galit po." Sabi niya.

Ano namang problema ng PL na 'yon? Galit na galit pa huh?

"Aish!" Tumayo na ko at nagsimula ng maglakad papuntang MPQ, nandun lang naman '
yun eh.

"Miss Sun Raue saan po kayo pupunta?" Tanong ni Aifer, nakasunod siya sa'kin.

"Sa Quarter niya, nandon lang naman si PL, I mean yung Mafia Prince." Sagot ko pero hindi tumitingin sa kanya.

"Wala po sya sa Quarters, nasa rooftop po siya." Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

Anong ginagawa ng PL na 'yun doon? Himala at lumabas siya ng MPQ.

"Tss.." Bumalik ako para pumunta sa rooftop, hindi naman na sumunod si Aifer.

Pagdating ko sa rooftop, nilibot ko ang paningin ko para hanapin si PL. At ayun, nakita ko siya sa gilid pero nakatalikod sakin at nakatanaw siya sa kabuuan ng LU.

"Where have you been?" Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita.

"Dyan lang." Walang ganang sagot ko. Nakakapagod pumunta dito sa rooftop ah, kaya ayoko pumupunta dito eh.

"And you're with Ryoka?" Sabi niya pero hindi parin humaharap sakin. Teka, paano niya nalaman?

"So? Ano naman?" Humarap siya sakin at ang sama ng tingin niya. Yung mata niya nakakatakot.

But duh! Hindi natatakot sa kanya si Half Demon, si Sun Raue lang.

Naglakad siya papunta sakin at hinila ako tsaka isinandal sa pader. Nagkatitigan kami dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Wag na wag ka nang lalapit sa kanya, maliwanag?" Seryosong pagkakasabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Pigil ang hininga ko habang nagsasalita. D*mmit! Sobrang lapit na ng mukha namin.

"I'm your Mafia Prince, so you must obey my words or else... I'll kiss you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero nakangisi lang siya at tiningnan ang labi ko.

Sandali, kailan pa nadagdagan ng or else, I'll kiss you ang line niya? Tsaka lumang line na 'yon! Tss..

"Madadagdagan talaga "yan pag hindi mo siya nilayuan." Sabi niya. Nabasa niya ba ang iniisip ko? Ibang klase PL.

"Oo na!" Sabi ko sa kanya tsaka siya tinulak palayo.

D*mn! Pano niya ko napapayag? REALLY!

D*mn you ten times Mafia Prince!

Hindi niya parin ako binitawan at hinila pa ko papunta sa gilid kung nasan siya kanina. Pinaupo niya ko doon at may nakita akong bag na binuksan niya ngayon. May nilabas siyang isang lunch box at nilapag niya sa sahig, umupo na din siya sa harap ko.

"Bakit mo ba ko pinatawag? Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ko sa kanya pero hindi niya ko sinagot. Binuksan niya yung lunch box tsaka siya tumingin sakin.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon