Chapter 3

15.9K 364 9
                                    

Half Demon Chapter 3
New Owner

Sun Raue's Point of View

"May bago na namang may-ari nitong LU."

"Talaga? Anong Mafia Family?"

"Hindi ko alam pero parang mataas na Mafia eh."

"Mabilis raw nilang natalo ang dating may-ari nito? Akala ko sila na ang pinakamalakas pero hindi!"

"Mukha nga silang malakas kung ganoon. Excited na akong makilala sila."

Nandito na ako sa LU. At 'yan lamang ang mga iilan na naririnig ko sa mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway.

So... New Owner.

Pero bakit parang interesado ako ngayon kung sino na ang nakakuha na naman nitong Luxury University? Tss! Makikilala ko rin 'yon and let's see what they got.

Pagdating ko sa classroom ay napaka tahimik, as usual. Umupo na ko sa likurang upuan ko.

Binuksan ko ang bag ko. Nandito yung maliit na espada at pula kong maskara. I don't have a choice. Nagpumilit si Tita kaya pumayag na rin ako sa gusto niya na dalhin ito. Ayoko naman siyang malungkot at mag-alala pa sa akin dahil siya nalang ang natitira sa pamilya ko. She took care of me after I lost my parents. After I lost them during the Mafia War.

Nang buksan ko ang aking bag ay wala ang aking ballpen. Where did I put that? Sabagay, I didn't use it yesterday. Hindi nga pala ako umattend sa mga classes kahapon. Tss.

"Kunin niyo nga ang ballpen ko sa locker ko." Napahinto silang lahat sa mga kanya-kanya nilang ginagawa at tumingin sa akin. Mga gulat pa sa lakas ng boses ko.

Nakakatamad kaya maglakad, malayo pa ang locker ko rito.

Sabagay, lagi naman akong tinatamad.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring sumusunod. Mga nagtuturuan sila kung sino ang pupunta at umiiwas ang mga tingin sa akin. I raised my eyebrows.

"Miss Sun Raue, hi-hiramin n-nyo na lang p-po itong b-ballpen ko."

Tumingin ako sa nagsalita. Tch. Anong tingin nya sa akin? Hindi ako nanghihiram ng gamit kung kani-kanino. Umirap ako at lalong nilakasan ang boses.

"ISA!" Banta ko.

Sabay-sabay silang nagtayuan.

"IKAW!" Turo ko sa hindi ko kilala, basta kung sino ang una kong maituro siya na ang pumunta. Wala akong pakielam. Nagturo-turuan pa kasi.

"P-pupunta na po Ms.S-sun Raue." Kinakabahang sinabi nito at nagmadaling lumabas ng classroom.

"Bilisan mo, ayokong pinaghihintay ako ng matagal." Utos ko.

"And who are you to treat them like your puppets?" Malamig na tinig ng lalaking biglang sumulpot sa pintuan ng classroom kaya huminto ang kaklaseng inutusan ko.

Tumingin ako sa lalaking nagsalita na nakasandal sa hamba ng pintuan.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"You don't effin' care. And who are you too?" Maarteng sabi ko sa kanya.

Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Is he a transferee? At ang lakas din ng loob niya para kuwestyunin ang ginagawa ko. Tss! Kilalanin niya ang binabangga niya.

"Let's just say, I am higher than you." Kalmado lang siya habang nagsasalita at nakatingin sa'kin.

Yung mga estudyante sa loob ng classroom tahimik lang na nakikinig sa amin. Pero 'yung mga babae, kinikilig habang mga nagbubulungan at nakatingin sa pakielamerong lalaki. What? Sinasabi ba nilang gwapo ang bwisit na ito?

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon