Chapter 9

10.6K 201 3
                                    

#9 HALF DEMON
*Wounded*

Sun Raue's Point of View

Nakahiga na ako ngayon sa sala, hindi na ako sa sofa matutulog dahil binigyan ako ni Lee ng maliit na kutson. Pero hindi ako mapakali! Naaalala ko kasi yung tumawag kay PL kahapon na ako yung nakasagot. Pupunta kaya siya?

Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan at tiningnan yung oras, 9:45 PM. Ilang minuto na lang magteten na. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman pero may natutulak sakin na sundan siya. Argh!!

Fine! Pupuntahan ko siya!

Tumayo na ako at nagpalit ng damit tsaka nagsuot na din ako ng jacket. Bago lumabas dinampot ko yung bag kung saan nakalagay ang maliit kong espada at pulang maskara.

Mabilis akong naglakad papuntang MPQ, sana maabutan ko pa siya doon. Malapit na ako doon nang matanawan ko siyang kalalabas lang. Nakasuot siya ng black pants at leather jacket. Siya na nga yun.

Sinusundan ko lang siya at papunta siya sa likuran ng school. Nang nandun na kami, binuksan niya yung maliit na gate. Wag niya sabihing sa Hell Place sila magkikita ng caller na yun?

Pinauna ko muna siya dahil parang nararamdaman niya na may nakasunod sa kanya, kanina pa siya pahinto hinto eh. Nakita ko nang pumasok siya sa Hell Place, dumaan na ako sa maliit na gate at pumasok sa loob ng Hell Place.

Sh*t! Sobrang dilim!

Hinanap ko agad si PL kahit na hirap na hirap akong aninagin siya at ayun papunta siya sa gawing kanan.

Kanina pa ako sunod nang sunod sa kanya. Bakit parang ang layo naman ng pupuntahan niya? Tsaka ang lawak nitong Hell Place pero puro mga puno lang. Napapagod na ako ah. Huminto muna ako at umupo sa ugat ng puno. Huminga ako ng malalim bago ulit tumayo, lumingon ako kung nasaan na si PL, pero wala na siya! Ang bilis niya naman!

Naglakad na ako para hanapin siya at habang naglalakad may narinig akong isang putok ng baril.

D*mn! Nandun na ba siya?

Mabilis akong pumunta kung saan nanggaling ang putok. Nagtago agad ako sa likod ng puno nang makita ko si PL na pinapalibutan na ng sampong mga lalaki na lahat ay nakatakip ang mukha at tanging mata lang ang nakikita. May mga hawak itong mga daggers, habang si PL isang baril lang ang hawak. Ano namang laban niya sa mga yon?

Isa isang sumugod ang mga lalaking may hawak na dagger, hinahagisan nila si PL ng mga 'yon pero nakakaiwas siya tsaka niya papaputukan yung taong naghagis sa kanya.

Habang umiiwas siya sa mga dagger, may isang lalaki sa likuran niya na sasaksakin siya at hindi niya alam yon. Hindi ko naman maisigaw sa kanya na meron sa likuran niya.

D*mn! What to do?! Fuck.

Mabilis kong kinuha ang maliit kong espada sa loob ng bag at pinalipad iyon sa noo ng lalaking sasaksak kay PL. And shoot! Bumaon sa noo nya.

Sinuot ko muna ang pula kong maskara at inilugay ang buhok ko bago lumabas sa likuran ng puno. Hindi ako pwedeng makilala ni PL.

Mabilis akong tumakbo sa lalaking tinamaan ko sa noo at kinuha ang maliit kong espada.

Tsk! Tsk! Namantsahan na naman ng dugo itong espada ko.

Tumayo ako at nakita kong natigilan sila nang makita ako, pati si PL.

"H-half Demon..." Nginisihan ko sila.

"Wag kayong matakot! Sugurin nyo siya!" May isang lalaking sumigaw at sabay sabay naman naghagis ang mga lalaking may takip sa mukha papunta sakin. Mabilis akong nakaiwas at pinangsangga ko rin ang maliit kong espada.

Tiningnan ko si PL, nakikipaglaban na din siya.

Nang wala ng kutsilyo yung mga kalaban isa isa silang sumugod sakin pero bago pa man sila makalapit nagigilitan ko na sila sa mga leeg nila gamit ang maliit kong espada.

Habang nakikipaglaban hindi ko naramdaman na may isang lalaking susugod sa kanan ko kaya nadaplisan ako ng kutsilyo sa braso.

D*mn!

Inilipat ko yung espada ko sa kaliwa ko. Sinusubukan niyo ko ah. Ngayon, sa kaliwa ako mas sanay gamitin itong espada na 'to.

Ang hindi nila alam, si Half Demon ay isang left handed.

Mabilis akong sumugod sa kanila. Gusto ko nang matapos 'to. Wala pang ilang minuto, bagsak na silang lahat.

Tumingin ulit ako kay PL, wala siyang galos sa buong katawan. Tumingin din siya sakin pero mabilis na akong tumalikod.

Aalis na sana ako nang hinawakan niya ako sa wrist at hinila papunta sa kanya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong halikan.

Sh*t! What's with him?!

Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa! And next thing I know... I kissed him back!

D*mn! Zrach Izra! Why? Bakit mo hinahalikan ang taong alam kong gusto mong patayin?

Naramdaman kong unti-unti lumuluwag ang tali ng maskara ko.

F*cksh*t! Sabi na eh!

Malakas ko siyang tinulak palayo sakin at bago pa man malaglag ang maskara ko, nakatakbo na ko paalis.

Ang galing mong manlinlang Mafia Prince...

F*ck you, Zrach Izra.

***

Pumasok na ako sa loob ng LU, napahinto ako nang maramdaman ko ang hapdi ng sugat ko sa braso. Hindi ako pwedeng bumalik sa Ward Hall nang ganito.

Mabuti pa sa Black House muna ako magpalipas ng gabi at gamutin itong sugat ko.

Pagdating ko doon ginamot ko agad ang sugat ko. Pagkatapos nahiga na ako sa kama.

Iniisip ko, baka maghinala si Zrach kung bakit ako may sugat sa braso tulad ni Half Demon. Tapos si Lee pa, magtataka yun pagnalaman niya na hindi ako natulog doon.

Kailangan ko mag-isip ng magandang palusot bukas.


Itutuloy....

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon