Chapter 46

5.6K 132 5
                                    

#46 HALF DEMON
*Trap*

Luxury's Point of View

Mabilis ang paghinga ko nang imulat ko ang aking mga mata. Mabilis na dumalo sa'kin yung lalaking nakasuot ng eye patch, na si Geize? Zhieon? Aizer? Err... whatever.

"Are you okay?"

Bumangon ako bago tumingin sa kanya, hinahabol pa rin ang aking hininga. Tumango ako bilang pagsagot.

"You had a bad dream." He said.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang napakahabang panaginip ko. Panaginip na nagbalik sa'kin sa nakaraan. Iyon ang eksaktong nangyari noong Mafia War, five years ago. Yung mga pangyayaring nakalimutan ko noon ay naaalala ko na ngayon. Malinaw na sa'kin ang lahat. Kung sino ang pumatay sa mama ko, kung bakit nawala ang katawan ni papa, at kung sino ba talaga si Aizer.

Naramdaman ko ang pagdampi ng daliri ni Zhieon sa pisngi ko. Naabutan ko siyang nakatitig sa'kin habang nakasimangot. He really reminds me of Zrach. D*mn. Of course Luxury! They are twins!

"You're crying."

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at ako na mismo ang nagpahid ng luha ko. Sh*t! Hindi ko manlang namalayan na umiiyak na pala ko. Tumalikod na siya sa'kin at may kinuha sa may lamesa.

"Kumain ka na at alam kong gutom ka na dahil kahapon ka pa tulog. Mainit pa, kadadala lang." Inilagay niya sa harapan ko ang tray na may pagkain. Ngayon ko pa lang naramdaman ang gutom ko kaya kumain na din agad ako.

Habang kumakain ay may biglang kumatok sa pinto at pumasok doon ang sa tingin ko ay tauhan ni Zhieon dahil sa maskarang nitong puti. Lumapit si Zhieon sa kanya at may ibinulong ang tauhan bago bumaling sa'kin si Zhieon na nakakunot ang noo.

"Stay here, Lux. I'll be back." Sabi niya bago lumabas ng kwarto hindi na hinintay ang sagot ko.

Kahit nagtataka ay nagpatuloy nalang ako sa pagkain dahil sa sobrang gutom. Nang matapos akong kumain ay wala pa rin si Zhieon. Muli kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. I wonder where I am? Malaki ang posibilidad na nandito ako ngayon sa hideout o sa lungga ng Vipers. Ang pinagtataka ko ay kung bakit nila ako dinala dito. Antidote na naman ba 'to? Napailing nalang ako sa naisip ko.

Ilang sandali pa bago ko napagpasyahang bumangon at hanapin ang aking pulang maskara at maliit na espada. Nandito kaya 'yon? Sa pagkakaalala ko ay noong kinuha ako ni Zhieon ay suot ko ang mga iyon. Tanging couch, table at kama lamang ang nandito sa loob at napipinturahan ng kulay puti ang pader. Isang drawer lang ang nakita ko sa side table kaya agad ko iyong binuksan. Sana ay nandito 'yon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang nandoon ang gamit ko. Mabuti nalang at hindi itinago sa kung saan ito ni Zhieon.

Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tainga doon upang pakinggan kung mayroon bang nagbabantay sa'kin sa labas ngunit tahimik kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang sobrang lawak na pasilyo. Maraming pinto at walang katao-tao. Where are they? Tumingin ako sa buong paligid. Maraming CCTV, kaya't imposibleng walang kahit isa ang nakakakita sa'kin. Nag-umpisa akong maglakad ng tahimik nang may marinig akong papalapit na mga yabag ng paa. Mabilis akong pumasok sa isang silid na pinakamalapit sa'kin saka iyon ikinandado. Nagulat ako nang makita kung ano ang nasa loob. Maraming mga monitor na kung saan nakakonekta ang CCTV kaya't kitang-kita ko ang mga nangyayari sa loob at labas nitong mansyon na 'to. Nasa labas ang lahat ng Vipers kabilang na si Zhieon na may kausap na isang armadong lalaki na may kasamang mga tauhan sa likuran nito.

I click the video in where they are then I zoom in the guy who is talking to Zhieon. Nagulat ako nang mamukhaan kung sino iyon. It's Ryoka Raleigh! What is he doing here? And what is his business with Zhieon? Natigil ako sa panonood sa kanila nang tumunog ang nasa gilid kong computer. May nag sent ng video through email. Hinawakan ko ang mouse ng computer at pinlay ang video.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon