Chapter 37

6.2K 138 29
                                    

#37 HALF DEMON
*Chase*

Lux's Point of View

Binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa'kin si Zrach na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Nang maayos ko ang sarili ko ay tinitigan ko siya.

Iiwan ko na naman siya. Masasaktan ko na naman siya. Patawarin mo ko Mafia Prince sa gagawin kong 'to. 'Wag kang mag-alala para din ito sa ikabubuti nating dalawa. Mahal kita pero kailangan kong lumayo sa'yo.

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya ng mariin kasabay non ang pagtulo ng luha ko kaya napapikit ako. Last kiss. Ito na nga ba ang huli?

Tumayo na ako ng maayos at pinunasan ang luha bago bumuntong hininga. Mabilis na kong tumalikod at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gisingin siya para sabihing hindi ko talaga siya iiwan, na mahal na mahal ko siya. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Dala ko na ang itim kong bag pack kaya dumiretso na ko sa ibaba para makaalis dito. Para iwan si Zrach/Aizer/Mafia Prince.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang door knob ng pinto sabay pihit noon para tingnan kung nilock niya iyon. Pero tagumpay ko iyong nabuksan. Hindi niya nilock.

Bakit Mafia Prince? Kampante ka ba na hindi talaga kita iiwan? Nagtiwala ka sa'kin? Bumagsak na naman ang mga luha ko at pinigilan ko ang paghikbi ko dahil baka hanggang dito ay marinig niya pa iyon at magising siya. Baka hindi ko na siya maiwan pa.

Nakalabas na ko at lumakad para lumayo sa bahay kung saan ko hihintayin ang susundo sa'kin. Ilang sandali pa ay napayuko na ako nang may nakakasilaw na ilaw ang tumama sa aking mga mata na nanggagaling sa kotse na paparating. Huminto iyon sa tapat ko at bumungad sa'kin si Lei Elvise kasama si Melody na halatang malungkot. Hindi na ako nag-abala pang magsalita at agad na pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim bago sila balingan.

"Let's go." Sabi ko.

Lumingon muna ako sa likuran kung saan ako nanggaling. Kanina lang ay masaya akong kasama siya, ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Gusto ko na lang mawala sa mundong 'to. I am nothing without him. Can you believe it? Wala akong pakielam sa kanya dati at itinuturing ko pa siyang kaaway. Ngayon? Mahal na mahal ko na siya at halos mamatay ako pag hindi ko siya kasama.

Sa buhay natin ay hindi talaga mawawala ang pag-alis. Lahat tayo nararanasan nating mang-iwan at maiwan. Kaya kailangan nating tanggapin ang katotohanan. This is a reality, anyway.

Leaving someone does not mean the love is gone, sometimes you just love the person so much to the point that you can sacrifice everything for his/her safety.

But d*mn. I'm really sorry Zrach. You know that I love you, but this is a goodbye.

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na pagpreno ni Lei Elvise. Narinig ko pa siyang nagmura pati si Melody.

"Sh*t! Pinapalibutan tayo!" Galit na sabi ni Lei Elvise sabay patama ng kamao niya sa manibela.

Tumingin ako sa labas at may mga lalaking nakapalibot sa kotse na sinasakyan namin, wala silang mga hawak na anumang armas, mga nakatayo lang sila doon. May iba ding nakasakay sa kotse nila. Sila na naman, ang mga nakaputing maskara. Sino ba talaga sila at gustong-gusto nila akong makuha bukod sa Crusadeous? Kailangan din nila ang antidote? O kakampi ng mga nakaputing maskara na 'to ang Crusadeous?

Narinig kong tumawag si Melody kay Mr.Marlowe para sabihing kailangan namin ng tulong ng Rising Sun. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse pero pinigilan ako ni Lei Elvise.

"Anong gagawin mo Luxury? Masyado silang marami!" Sabi niya.

Bumaling naman si Melody sa'kin. "'Wag mo nang ituloy ang binabalak mo. Alam kong nasasaktan ka ngayon pero sana isipin mo din naman ang sarili mo."

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon