Chapter 39

5.3K 117 7
                                    

#39 HALF DEMON
*Engaged*

Lux's Point of View

Wala akong ginawa buong araw sa loob ng kwarto ng Mafia Prince kundi titigan siya. Simula nang dumating ako dito ay hindi pa siya nagigising. Kanina pa umalis sina Mr.Marlowe at Lei Elvise dahil may kailangan pa daw silang ayusin. Gusto pa ngang maiwan dito ni Lee dahil baka raw may makakilala sa'kin pero sinabi kong mag-iingat ako at hindi ko tatanggalin ang takip sa mukha ko.

Tumayo ako sa sofa at dahan-dahang lumapit sa kanya. I miss him so much. D*mn. Please, Zrach, wake up. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. Hindi ko pa rin talaga siya kayang tiisin.

Lumayo akong konti sa kama ng Mafia Prince nang may kumatok sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko pa ba o hindi pero nang ilang segundo ay hindi pa pumapasok ang kumatok ay lumapit na ko doon at pinagbuksan. Bumungad sa'kin si Ryoka.

Oh, its been a while Ryoka Raleigh.

Binuksan ko nang maluwang ang pinto upang makapasok siya saka ako yumuko ng bahagya bilang paggalang dahil isa siya sa mataas sa Mafia. Anak pa siya ng Mafia President. Humakbang siya nang dalawang beses, akala ko ay papasok na siya pero huminto siya sa tapat ko. Naramdaman ko din ang titig niya kaya napataas ako ng ulo.

"Are you the Mafia Prince's servant?" Tanong niya at tinitigan ako sa mata.

Yumukong muli ako bago sumagot. "I am." Mahinhin ang pagkakasabi ko non para hindi niya ko makilala. Lalo na dahil pa sa mapanuri niyang mga mata.

Nilagpasan niya na ako. Tiningnan ko muna siya na papunta sa Mafia Prince bago isarado ang pintuan. Bumalik ako sa gilid kung saan talaga ang pwesto ko at bahagyang nakayuko at magkahawak ang kamay sa harap. Kung paano ang tayo ng mga nurse.

"How is he?" Bumaling muli siya sa'kin.

I cleared my throat before I answer. "He's fine. Hindi pa nga lang siya nagigising simula nang dumating ako dito."

Tumango naman siya bago ulit magtanong.

"Kanina ka lang dumating?"

"Yes,"

Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto at huminto iyon sa gawi ko at nginitian ako. Ohgosh. Siya pa rin talaga si Ryo na parang walang bukas kung makangiti. Psh. Pinigilan kong irapan siya dahil sa itsura niya. Nakakairita talaga.

"Bakit ikaw ang nagbabantay sa Mafia Prince?"

Hindi ba siya titigil sa kakatanong? Argh!

"Mr.Marlowe ordered me to."

"Why?"

What do you care?

Hindi na ako nakasagot dahil narinig ko siyang tumawa ng mahina. Kunot-noo ko siyang tiningan kaya tumigil siya sa pagtawa.

"Oh, sorry." Tumikhim siya at umayos ng tayo.

Napapaisip ako. May alam kaya si Ryoka kung sino ang may gawa kay Zrach nito? Hindi pa kasi ako nakakalabas dito simula kanina kaya wala akong makuhang impormasyon.

"What's your name, anyway?"

Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Sh*t! Hindi ko napaghandaan ang tanong na 'to.

"I-I'm.. Lei. Lei Stewart."

I used Lee's real name. I don't have a choice.

"Nice name, suits to you." Nakangisi niyang sabi. Psh. Not my name, I am Luxury Montague, Ryoka Raleigh. Bolero.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon