#41 HALF DEMON
*Danger*Lux's Point of View
Bumalik ako sa hideout ng Rising Sun kasama si Lei Elvise. Pagkatapos pala ng labanan ng Crusadeous, Rising Sun at Vipers ay dito na kami pumunta. Sabi ni Mr.Marlowe ay mas mabuti na daw na nandito ako para hindi delikado at isa pa, tago ang lugar na 'to.
Nakasalubong ko si tita papunta sa kwarto ko pero parang hangin lang ako sa kanya at hindi manlang ako pinansin. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman siya masisisi saka nasagot ko siya kanina at kung ano-ano ang nasabi ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Pagod ako ngayong araw na 'to kaya naman agad akong pumikit pero ilang minuto pa lang ay binuksan ko na naman ang aking mga mata. Nagpagulong-gulong ako sa kama at pinilit matulog pero ayaw akong hatakin ng antok. Argh! Tumitig ako sa kisame at bigla ko nalang naalala yung invitation na ibinigay sa'kin ni Mr.Marlowe. Kinuha ko 'yon sa tagiliran ko kung saan ko inipit kanina. Pinasadahan ko 'yon ng tingin at may salita na nakaagaw ng pansin ko.
This special night will be held in Luxury University.
Like, what the f*ck?
Bakit kailangang sa school ko pa? Hindi ba pwedeng sa Mafia Palace nalang o kahit saan basta 'wag lang sa LU! D*mn. Dinampot ko ang unan na nasa tabi ko at inis iyong hinagis sa pintuan.
"Aww~"
Mabilis akong bumangon para tingnan kung sino yung dumating at bumungad sa'kin Dawn Lewis na nakasimangot na nasa pinto.
"What are you doing here?" Tanong ko sabay irap sa kanya.
"Tsk. Tsk! What the hell, Montereal?" Maarteng sabi niya.
Naglakad siya papalapit sa'kin habang nakahalukipkip. Nang makalapit siya ay tinangnan niya ko ulo hanggang paa habang nakanguso pa. Tumaas ang kilay ko. Anong problema nito?
"What?"
"What's this?"
Tatanungin ko pa sana siya kung ano yung tinutukoy niya pero bigla niya nalang hinablot yung hawak kong invitation. Aagawin ko pa sana pero naitaas niya na kaagad.
"What the? Dawn Lewis!"
Tumayo ako para sana bawiin pero nabasa niya na kaya tumigil na ko.
"You're going?" Tanong niya habang binabasa pa rin ang invitation.
Hindi ako sumagot kaya umangat ang tingin niya sa'kin.
"Definitely, no." Tumawa siya ng mahina. "Dahil masasaktan ka lang, diba?"
"Hell no." Sagot ko at tinalikuran siya para kuhanin ang unan na binato ko kanina.
Ngayon pa nga lang nasasaktan na ko, paano pa kaya pag pumunta ako sa engagement nila.
F*ck.
"Are you crazy? Gusto mong pumunta ako don? Alam mo naman sana na hinahanap ako ng Mafia Izra? Mag-isip ka nga." Inis kong sabi sa kanya.
"Are you crazy? Pwede kang pumunta don dahil wala namang makakakilala sa'yo. Masquerade ang party. Magbasa ka nga." Sagot niya at ginaya pa ang tono ng pananalita ko.
Masquerade?
Hinablot ko sa kanya ang invitation para tingnan kung totoo ang sinasabi niya.
"See?"
Inirapan ko ulit siya.
"Hindi ako pupunta."
"Why? Masquerade na nga. Ano pang problema? Yung puso--" Pinutol ko na ang walang kwenta niyang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...