Chapter 5

14.4K 320 10
                                    

#5 HALF DEMON
*Mafia Prince*

Sun Raue's Point of View

Pupunta ako ngayon sa Mafia Prince Quarters, kailangan ko siyang makausap. Galit na galit ako sa kanya! Sino siya para ikulong kami dito sa LU?! Oo, siya ang Mafia Prince pero wala siyang karapatan para kontrolin kami! Lalong-lalo na ako! Buong buhay ko, walang kumokontrol sa'kin. 'Pag nakita ko ang Mafia Prince na 'yun baka makalimutan ko na mas mataas siya sa'kin.

Papasok na ko ng Quarters nang may biglang humarang sa'kin.

"Where do you think you're going?" Sabi ng lalaking malaki ang katawan.

"Kailangan kong makausap ang Mafia Prince." Wala akong pakielam kung anong gawin nito sa'kin, desperada na kong makausap ang lalaking 'yon.

"Wala siya rito." Dire-diretso lang ako, nang nasa pintuan na ako at akmang hahawakan ko na ang door knob biglang bumukas ang pintuan.

May lalaking lumabas and I think siya ang Mafia Prince. Nagtataka siya habang nakatingin sa'kin.

"Kailangan kitang makausap." Sabi ko agad sa kanya.

"Iwan mo muna kami." Sabi niya doon sa lalaking malaki ang katawan. Umalis naman siya agad.

Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin at hinihintay akong magsalita.

"Gusto kong lumabas kaya payagan mo ko." Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko na sa kanya kaagad ang pakay ko.

"Hindi pwede-" I cut him off. Wala na akong pakielam kahit siya pa ang Mafia Prince.

"Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa pero kahit ito lang, payagan mo kong lumabas kailangan kong kumuha ng gamit ko." Seryosong sabi ko sa kanya.

"You need to obey the rules. Umalis ka na." Bago pa ako makapag react nakaalis na siya sa harapan ko.

F*cksh*t!

Lumabas na ako ng Quarters at naisipan kong pumunta sa Black House ko. Inis na inis ako kaya hindi ko mapigilang ihagis ang gamit ko sa kama.

D*mn you Mafia Prince! You're really have a blood of an Izra.

Paano ako makakalabas dito? Napatingin ako sa motor ko.

The heck!

Bakit ang tanga ko? Ba't hindi ko agad naisip na may daan palabas akong ginawa dito sa tabi ng Black House? Aish!

Inalis ko ang telang nakataklob sa motor ko at inilabas sa Black House. Pumunta ako sa gilid at binuksan ang maliit na daanan na sakto lang upang makadaan ang motor ko. Lumabas na ako habang akay ko ang motor, sinara ko muna ang maliit na gate tsaka ako sumakay sa motor.

I missed this.

Namiss kong sakyan ulit itong motor, regalo sa'kin 'to ni Papa noong birthday ko. Matagal ko na kasing pangarap na magkaganito.

Pinaandar ko na motor at nagdrive papunta sa bahay. Sana lang walang makakilala ng motor ko. Pagdating ko sa amin, nakabukas ang gate kaya nakapasok kaagad ako.

"Sun Raue!" Napatingin ako kay Tita ba tumawag sa'kin.

"Oh Tita." Lumapit siya sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang?" Napatingin siya sa motor ko. "At bakit mo sinakyan 'to?"

Nagtataka siya habang nakatingin pa rin sa motor.

"Doon muna tayo sa loob Tita." Pumasok kami sa loob at doon ko ikinwento kay Tita ang nangyari.

"Sun Raue... wag ka na kayang bumalik doon." Napakunot noo ako sa sinabi ni Tita.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon