#36 HALF DEMON
*Game*Sun Raue's/ Lux's Point of View
Seems wrong, feels right.
'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya akong kasama siya pero alam kong masama ang maidudulot nito. Hindi dapat kami magkasama. Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya. Kaya pwede bang kahit ngayon lang, sundin ko naman ang gusto ko? Ang ikasasaya ko? Yung walang iniisip na kahit ano. Yung basta masaya lang. Sa mga oras na 'to ang tanging pinagdarasal ko lang ay sana tumigil nalang ang oras ngayong kasama ko siya. Minsan lang ako hihiling kaya sana mapagbigyan ako.
Pero hanggang kailan ko mapanghahawakan ang salitang 'mahal ko siya'? Kung pati ang mga nakapaligid sa'min ay humahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. F*ck! Mababaliw na yata ako sa kakaisip.
"D*mn! Lux, please speak."
Tumitig ako sa Mafia Prince na nakaharap na sa'kin ngayon habang nakasandal sa sink dito sa kusina. Nakasuot siya ng apron at kasalukuyang nagluluto. Yes, marunong siya magluto, dinaig pa ko. Habang ako dito ay nakaupo lang sa high chair at nakapangalumbaba habang pinapanood siya.
Hindi ako nagsalita. Sinabayan ko lang ang titig niya sa'kin na hindi ko kinaya, agad akong nag-iwas ng tingin. Masyadong malalim ang titig niya, nanlalambot ako. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago bumalik sa niluluto niya. Napatitig na lang ulit ako sa malapad niyang likod.
Hapon na at hindi ko pa rin alam kung nasaan ako. Ayaw sabihin sa'kin ng lalaking kasama ko dahil baka daw tumakas ako. Nakasarado din ang mga pinto at bintana kaya hindi ko tanaw ang labas. Tanghali na nang makarating kami rito at hindi ko na napansin ang paligid kanina dahil sa Mafia Prince na 'to. Hindi na rin ako muli pang nagsalita nang makapasok kami rito. Okay na rin ang ganito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko na siya mapakawalan pa.
"Luto na. Let's eat."
Sa harapan ko na siya naghain. Tiningnan ko naman ang niluto niya. Napangiwi ako nang makita kung ano na naman iyon. Gulay. Tsk! Kaninang tanghali ay gulay din ang niluto niya, hindi ko alam kung anong tawag don. Ngayon naman ay gulay na naman! I hate veggies!
Napansin niya ang pagngiwi ko kaya tumaas ang isang kilay niya.
"Don't you like it?" Tanong niya.
Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga. Anong magagawa ko? Pag nag-inarte ako dito ay paniguradong wala akong makakaing iba. Hindi ako marunong magluto! Argh! Dapat pala ay nagpaturo ako dati kay mommy, o kahit man lang kay tita.
Umupo na siya sa tapat ko at siya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko katulad ng ginawa niya kanina. Hinayaan ko siya.
Nagsimula na kong sumubo at unang kagat ko sa isang gulay ay halos masuka na ko. Masarap naman ang lasa pero dahil gulay siya ay ayaw ko. Panay ang inom ko ng tubig para maitulak ang gulay na hindi ko halos malunok.
"Bakit ba ayaw mo ng gulay? Masama ang masyadong mataba." Biglang sinabi habang pinapanood ang bawat ekspresyon ng mukha ko sa pagkain.
Kumunot ang noo ko at binalingan siya. Mataba? Hindi naman ako mataba ah? Umismid na lang ako sa kanya bago magpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami sa pagkain ay mabilis na siyang tumayo at nagligpit ng pinag-kainan.
"Ako na ang maglilinis nito, maupo ka lang d'yan."
Pinanood ko na naman siya habang nakatalikod. Hindi ako makapaniwala na marunong siya sa gawaing bahay. Akala ko ay Mafia Prince lang siya na umaasa na pagsilbihan ng mga katulong. Sa pagkakaalala ko naman kay Aizer dati ay hindi rin siya marunong sa mga ganito. So paano siya natuto? Sinong nagturo?
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Acción(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...