Half Demon Chapter 2
Hell PlaceSun Raue's Point of View
Napamura ako sa aking isip nang malakas akong itinulak sa puno ng taong nagtakip ng bibig ko at humila sa akin.
Damn it!
"Hmmbb! hmmbb!" Hinawakan ko siya sa braso at kamay na pinantatakip sa bibig ko. Pilit na inaalis ang kamay niya sa bibig ko. Kung hindi niya ako bibitawan ay kakagatin ko ang braso niya!
"Shut your mouth." Mababa ang boses ng lalaki. Ang husky. Ang lamig. Kung ibang tao ang makakarinig ng boses niya ay paniguradong kikilabutan. At hindi ako kabilang sa mga tao na 'yon.
Hindi ko alam ngunit sumunod nalang ako sa sinabi ng lalaki. Hindi na pumalag pa baka sakaling mabuhay pa ako kung sumunod ako. Hindi ko rin alam kung kabilang ba siya sa mga armadong lalaki kanina. Maaaring hindi dahil hindi niya naman binaril kaagad. Kanina ay walang alinlangan na binaril ang mga security, ako pa kaya.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa sobrang dilim. Pero naaaninag ko ng konti na tumitingin siya sa paligid. Nasa harapan ko kasi siya habang ako ay nakasandal sa puno.
Naramdaman kong unti-unti nang lumuwag ang takip niya sa bibig ko. Wala na siguro yung mga taong may dalang baril. Nakalayo na sila.
"Get out." Mariing utos niya.
Inalis niya na ang kamay niya sa bibig ko at mabilis siyang umalis sa harapan ko. Hindi agad ako nakapagsalita.
Tumalikod na siya sa akin at lalakad na sana paalis pero tinawag ko siya.
"Wait..."
Huminto siya pero hindi humaharap sa'kin.
"Who are you?" Patuloy ko. I want to know him. As if he would tell me? Maybe he's really part of that black men group but he doesn't want to kill?
Is he a Mafia? Definitely Sun Raue! Hindi naman siya pupunta dito kung hindi, diba? Tss... Pero bakit?
"Get out of here. If you don't want to die, yet, Miss." Imbis na sagutin ang tanong ko, iba ang sinabi niya. Dahilan para mainis ako. Natawa na lamang ako at umiling.
I am not scared to death. Death is scared to me, actually.
Magsasalita pa sana ako pero pagtingin ko sa kinatatayuan niya ay wala na siya. What the hell?
Naglakad na lang ako palabas ng masikip na gate. Gusto ko pa sanang tingnan kung anong nangyayari sa loob pero wala akong dalang anumang armas. Isa pa, ayoko nang makipaglaban pa.
Hindi ko ba alam kung bakit pa ako sumunod sa mga grupo ng mga armadong lalaki kanina gayong alam kong wala akong magagawa kung sakali man na makita nila ako!
Ngunit matuturing ko bang swerte ako ngayon dahil hindi ako pinatay ng lalaking iyon kanina? Saka bakit niya kaya naisip na itago ako sa mga nagbabarilan? Isa ba siya sa mga kaaway ng sinundan ko?
Lalabas na sana ako nang may biglang pumasok sa mataas na gate. Muli akong nagkubli sa puno.
"Where is he?" Sabi ng boses ng isang babae.
"I don't know. He said he will just here, watching." Sagot naman ng isang lalaki.
Hindi ko sila nakikita kaya't sinubukan kong sumilip upang tingnan kung gaano sila karami. Hindi ko pa man sila nakikita ay nagkagawa ako ng kaluskos dahil sa pagdulas ng sapatos ko sa ugat.
Halos mapamura ako sa kaloob-looban ko nang dahil doon. What the fuck, Sun Raue! You clumsy bitch!
"Someone's hiding there?" Dinig ko ang sabi ng babae.
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...