Chapter 17

8.1K 169 4
                                    

#17 HALF DEMON
*Her Lips*

Sun Raue's Point of View

"Your highness..." Rinig kong sabi ng isa sa member ng WMG.

Humarap na ko sa kanya at nakita kong nagulat siya nang makita ako.

"Why are you here?" Tanong niya sakin.

"Naligaw lang ako." Walang ganang sagot ko. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko dahil nakatingin parin siya sakin habang naka-kunot ang noo.

"May nakaaway akong mga lalaki at dumating sila then they saved me. Satisfied?" Pagpapalusot ko. Tumingin naman ako sa WMG na ngayon ay nagtataka sa sinabi ko, tiningnan ko sila na nagsasabing 'wag silang mangielam.

Hindi naman na nagsalita pa si PL.

"Umalis na kayo at gamutin ang kasama niyo... Salamat ulit." Sabi ko sa WMG. Tumango naman sila at nagsimula nang maglakad paalis.

Humarap na ulit ako kay PL pero nakatingin lang suya sakin at hindi nagsasalita. Naglakad na rin ako paalis at nilagpasan siya.

Nang makalabas na ko sa kakahuyan may bigla namang humigit ng braso ko. At 'yun ay si PL... Tss, nakasunod pa pala 'to sa'kin. Tiningnan ko siya nang nagtataka.

"Who's with you?" Tanong niya pero hindi pa rin binibitawan ang braso ko. Tumingin-tingin ako sa paligid bago sumagot sa kanya.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Tanong ko din sa kanya. Nakita kong nainis siya sa sinabi ko pero mabilis din naman niyang binalik ang pagka poker face ng mukha niya.

"Good." Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero bago pa ko makapagsalita hinila niya na ako papunta sa East Bay.

Pagdating namin dun mas lalong dumami ang tao. Huminto naman kami sa isang bench at doon naupo. Binitawan niya na din naman ang braso ko.

Ilang minuto kaming hindi nag-iimikan at nakatingin lang kami sa paligid hanggang sa may lumapit samin na isang grupo ng mga babae-- I mean kay PL lang pala dahil sa kanya nakatingin yung mga babae.

"Hi kuya, pwedeng makipagkilala? Hihi." Pagpapacute ng isa na nasa gitna.

Alam ko naman na gwapo si PL at magnet siya ng mga babae pero ngayon lang kasi may babaeng nagtangkang lumapit sa kanya, sa LU kasi wala, pinagpapantasyahan lang siya ng mga babae dun. Mukha pa lang kasi nakakatakot nang lapitan pero iba din ang mga babae dito. Tss...

Tiningnan ko si PL at inis na inis na ang mukha niya. Hindi niya kasi pinapansin 'yung mga babae pero patuloy pa rin ang pagpapacute sa harap niya.

Hindi ako nagsasalita at tinitingnan lang ang mga babae sa mga pinaggagagawa nila sa harapan ni PL.

"Get out." Seryosong sabi ni PL. Natigilan naman sandali ang mga babae dahil natakot yata sila sa boses nitong katabi ko.

"Gusto lang naman namin malaman name mo kuya ih, sige na.." Sabi ng isang babae. Tiningnan sila nang masama ni PL.

"Can't you see? I'm with my girlfriend." Sabi niya sabay akbay sa'kin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Tiningnan ko siya ng masama. Aba't dinamay pa ko?

Nagtinginan naman sa'kin yung mga babae. "Ate mag share ka naman ng blessings mo." Sabi ng isang babae sakin.

Ano bang pinagsasasabi nito? Tsk!

"Ang sungit naman ng boyfriend mo, gusto lang naman namin siya makilala."

"Oo nga, ang gwapo niya kasi. Hihi!"

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon