Chapter 11

9.8K 186 2
                                    

#11 HALF DEMON
*Eyeglass*

Sun Raue's Point of View

Sa Black House ako dumiretso pagkatapos kong tumakbo palabas ng MPQ. Hindi ako pwede sa Ward Hall baka nandoon si Lee. Pagdating ko don ginamot ko agad ang sugat ko. Lumabas na rin agad ako pagkayari, hindi ako pwedeng magtagal dito baka hanapin ako ni PL.

Nang nasa gawi na ako ng school buildings naisip kong pumunta muna sa Library, wala naman akong ibang pwedeng puntahan, tinamad na rin akong pumasok sa klase.

Humanap agad ako ng mauupuan at sa pinakadulo ko napili. Na miss ko ding tumambay dito. Ang sarap sa tenga, ang tahimik. Wala kasing masyadong estudyante dahil may mga klase pa. Kumuha na ako ng libro kong babasahin. Binuksan ko na yung bag ko para kuhanin ang salamin ko. Pero hindi ko makita! Sh*t nasaan na 'yun?! Napahinto ako sa paghahanap sa bag nang may naglapag non sa lamesa ko.

"Eto ba ang hinahanap mo?" Tumingin ako sa nagsalita.

Yung lalaking napagkamalan kong Mafia Prince.. ang anak ng Mafia President.. Si Ryoka Raleigh.

"Saan mo 'to nakuha?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.

"Saan ba sa tingin mo?" Hindi ako sumagot nakatingin lang ako sa kanya at iniisip ko kung saan ko pwedeng mahulog 'yun. Kakaiba 'yung ngiti niya.

Naalala ko kagabi, nung inilabas ko yung maliit kong espada may narinig akong parang may nahulog sa bag ko pero hindi ko lang pinansin. Hindi kaya...

Yung salamin ko yun?!

D*mn! Nasa Hell Place ang eye glass ko na napulot ni Ryo. Posibleng nakita niya ko kagabi.

Tumayo ako. "Sumama ka sa'kin." Hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa bakanteng classroom. Walang gumagamit nito at walang ding taong pumupunta dito. Sinarado ko 'yung pintuan.

Binitawan ko na suya at tiningnan siya nang maigi.

"Saan mo 'to nakuha?" Tanong ko agad sa kanya.

"Don't worry--" Pinutol ko na yung sasabihin niya.

"Saan!"May diin na ang pagsasalita ko. Mukha namang nabigla siya kaya naging seryoso na din 'yung mukha niya.

"Sa Hell Place."

F*cksh*t!

Tiningnan ko siya sa mata na nagsasabing magsabi pa siya.

"Oo, nakita ko." Napaclose fist ako.

Ang tanga ko! Hindi ako nag-iingat! Anak pa siya ng pinaka mataas sa Mafia Officials! D*mn it!

"Nakasunod din ako sa inyo kagabi." Napapikit na lang ako sa sinabi niya.

Bakit ba hindi ko pinansin ang naramdaman kong may nakasunod sa'min? Umpisa pa lang naman alam ko na pero hindi ko pinansin! Inis na inis ako sa sarili ko! Ano nang gagawin ko sa kanya? Pwede niyang sabihin sa ama niya kung anong nalalaman niya dahil matagal na akong pinaghahahanap ng mga nasa Mafia Palace.

"Wala akong pagsasabihan." Tiningnan ko sya ng matalim.

"Magtiwala ka sa'kin." Ngumiti na ulit siya.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko sa kanya. Lalabas na sana ako nang hinawakan niya ako sa wrist.

"Pero samahan mo muna ako." Pagkasabi niya non hinigit niya ako palabas ng bakanteng classroom. Hindi niya pa rin ako binibitawan nung nasa hallway na kami.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon