Chapter 14

8.6K 173 1
                                    

#14 HALF DEMON
*He likes her*

Sun Raue's Point of View

Pagkatapos kong maglinis sa MPQ lumabas na agad ako baka mautusan na naman ako eh. Papunta ako ngayon sa classroom, papasok ako. Namiss kong matulog sa klase. Pagdating ko don hindi na ako kumatok, binuksan ko na agad yung pintuan. Tumahimik ang buong klase at nagtinginan sila sa'kin.

"Ms.Montereal why are you here?" Tanong ng professor sa harap.

"Papasok ako malamang." Sabi ko sa kanya. Dire-diretso akong naglakad papunta sa likod kung nasaan ang upuan ko. Pero nakita kong may nakaupo doon, hindi ko makita ang mukha dahil nakadukdok siya sa desk. Ang lakas naman ng loob niya para umupo sa upuan ko.

"That's my seat. Get out." Sabi ko sa lalaki pero parang wala siyang narinig dahil hindi man lang siya gumalaw. Tulog ba to? Tahimik lang ang klase at nakatingin lang sa'kin.

Nauubos na ang pasensya ko... Nakita kong may konting space pa sa desk kaya doon ko ibinagsak ng malakas ang kaliwang kamay ko dahil doon ay napataas siya ng ulo.

"What the f*ck!" Mura niya tsaka siya tumingin ng masama sa'kin.

"Sunny?" Nagbago ang expression ng mukha niya nang makita ako. Hindi ko siya pinansin.

"Get out." Seryosong sabi ko sa kanya. Tiningnan niya muna ako bago siya magsalita.

"Sabi ko nga." Sabi nya tapos nginitian niya ako, lumipat siya sa katabi kong upuan, ako lang kasi mag-isa ang nakaupo dito sa likod kaya marami pang upuan.

"Ibang klase talaga si Miss Sun Raue."

"Pati si Ryo napapasunod niya."

"Ang astig niya talaga pare."

Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko bago ako umupo. Tss...

Nakaramdam ako ng pagod kaya dumukdok ako sa arm chair. Bwisit kasi na PL 'yan, buong buhay ko hindi pa ako nakakapaglinis, ngayon lang talaga.

"Sunny, labasan na." Naramdaman kong may kumakalabit sa braso kaya napataas ako ng ulo. D*mmit! Sino siya para istorbohin ako sa pagtulog?

Tiningnan ko siya ng masama.

"Lunch na." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lang ako para lumabas ng classroom. Pupunta akong cafeteria. Nagugutom na ko.

"Anong gusto mo?" Bwisit. Nakasunod pala sa'kin itong lalaki na 'to.

"Pwede ba Ryo, tigilan mo ko." Nilagpasan ko siya at pumasok na sa cafeteria pero napahinto ako nang makita ko ang dami ng estudyante.

"Ano? Kaya mong kumuha ng pagkain?" Napalingon ako kay Ryo

"Tss. Pwede akong mag-utos." Inirapan ko siya.

"Ako na kukuha." Sabi niya pero bago pa ko makapagsalita nakaalis na siya sa harap ko. No choice, hinintay ko na lang siya.

"Here. So, tara?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong tara? Pinagsasabi mo?"

"Basta.." Sabi niya tapos bigla niya na kong hinila. D*mmit! Hinila niya na naman ako? Trip niya ba talaga ko?

Nakarating kami sa garden. Dito niya din ako hinila noon eh. Inilapag niya 'yung pagkain sa bench tsaka siya umupo. Umupo din naman ako. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita.

"Pinayagan ka pala lumabas ng Mafia Prince?" Bigla siyang nagsalita.

"Pano mo nalaman?" Tumingin ako sa kanya. May inilabas siyang papel, yung permit na binigay sa'kin ni PL. Bakit nasa kanya 'yun?

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon