KINABUKASAN na umuwi ng bahay si Luke na sinundo pa ito ng kanilang driver.Nadatnan niyang nasa living room si Ysa na nanonood ng TV at umupo siya sa tabi nito.
"Hi sweetie how are you?aniya sa kapatid sabay akbay nito.
Sandali siyang nilingon ni Ysa at binalik din ang paningin sa TV saka ito sumagot.
"I'm fine,where did you slept last night?
"In Brix house"sagot ni Luke sabay yakap sa kapatid.
"Hmmm you smells like..."
"Ssshhhhh"ani ni Luke sabay takip ng bibig ni Ysa"sige maliligo na ako okay?aniyang tumungo na sa kwarto nito.
Napapailing nalang si Ysa na sinundan ng tingin ang kapatid.Alam niyang umiinom na ng alak ang kapatid dahil sinabi naman ito ni Luke sa kanya at iyon nga daw huwag na huwag niyang sasabihin sa mga magulang nila ang tungkol dito.
Pagsapit ng hapunan ay sabay silang kumain maliban kay Luke na mula pa kaninang tanghalian ng huling makita ng mag asawa.
"Maria puntahan mo nga sa silid niya si Luke sabihin mong nakahanda na ang hapunan"utos ng Doña sa yaya.
"Okay po Doña"ani ng katulong.
"Anong nangyayari dyan sa anak mo Mi palaging puyat pagkauwi dito galing sa barkada?tanong ng Don.
"Hindi ko rin alam Di baka naman nagsasaya lang sila kasama ang barkada kaya napupuyat"
"You better watch him dahil baka iba na ang pinag gagawa niyan sa buhay"
"Hindi naman siguro Di"
"Hindi natin alam baka bukas makalawa mabalitaan nating nag da drugs na yan"ani ng Don.
Biglang naubo si Ysa sa usapan ng mga magulang.
"Anak ayos ka lang ba?ani ng Don sa anak.
"Opo Dad ayos lang ako"
"Dahan dahan kasi kung kakain hija"ani ng ina.
Ilang minuto pa ay bumalik na si Maria kasama si Luke.
"Hello Dad,Mom"bati ni Luke saka umupo na ito.
"Where were you last night Luke?tanong ng Don.
"I slept over in Brix house Dad"
"Anong ginagawa ninyo buong magdamag at antok na antok ka pag uwi mo dito?tanong ulit ng ama.
"Nanonood kami ng games ni Joshua"
"For the whole night?
"Of course not Dad,nagkaroon kami ng konting celebration after the games so late na kami natulog"
"You'd better learn how to keep a secret Luke"ani ulit ng ama.
Hindi na siya nagsalita pa dahil kilala niya ang ama bago ito magtanong eh may nalalaman na.
"Di hayaan mo na bakasyon naman nila"ani ng Doña.
"Hindi ko naman pinipigilan kung saan saan siya pumupunta huwag lang siya gagawa ng bagay na hindi ko gusto"sagot ng Don at matiim tiningnan ang anak.
Nag baba naman ng tingin si Luke saka kumain na ito na hindi na nagsalita pa.Tahimik lang din kumain si Ysa na hindi nakikisawsaw sa usapan ng mga magulang at kapatid.
Pagkatapos nilang kumain diretso si Ysa sa kanyang kwarto,wala lang gusto niya lang mapag-isa.Ilang sandali pa ay may narinig siyang katok sa pintuan ng kanyang silid.
"Hi sis!ani ni Luke.
"What is it?matamlay niyang tanong.
Bigla siyang niyakap ni Luke at giniya papasok sa room niya atsaka sinara ang pinto.
"H-hey ano ba hindi ako makahinga eh!reklamo ni Ysa.
Pinaupo siya ni Luke sa maliit na sofa sa room niya at tumabi din sa kanya.
"I'm sorry sis"ani ni Luke na umunan sa balikat niya.
"For what?tanong ni Ysa.
"For lying to our parents"ani ni Luke.
"Eh kailan mo ba sasabihin sa parents natin ang pinag gagawa mo?Luke you're too young for that"
"Sis I wonder kung sino ba talaga ang panganay sa atin?
"Loko loko!ismid ni Ysa.
"Joke lang,seriously sis alam mo naman si Daddy masyadong strict lalo na sa akin"
"Because you're not listening to him kasi"
"That's wrong not all our life eh makikinig na lang tayo palagi sa kanila"
"Unless you did a good thing in your life"
"I just want to experience something new that's all"
"So why don't just tell our parents that way para hindi ka na makapagsinungaling sa kanila?
"Then it would be the end of my world sis"
"Tell them out of guilt and face the consequences"
"Sige na nga matulog ka na manang mana ka talaga sa kanila eh"
"Hey!
"Sige na sige na joke lang"aniya sabay halik sa noo ng kapatid"good night sweetie"saka tuluyan ng lumabas.
Napa smile nalang si Ysa na sinundan ito ng tingin saka gumawi na sa bathroom upang maghugas at maka pagbihis ng damit pantulog.
Sa kwarto naman ni Luke ay padapa siyang bumagsak sa kama at napapaisip sa sinabi ng kapatid,well siya itong klase ng taong hindi nagpapadikta kanino man not his parents not even his beloved sister.Kasi for him he's just enjoying the life of being teenager like everybody does in their lives so why he could be?
"I'm sorry sis but it's better not to tell our parents about this"aniyang tumungo na sa bathroom upang makapag hugas narin.
Nasa kanilang kwarto narin ang mag asawang Don Manolo at Doña Eliza.
"See?narinig mo ang sinasabi ng anak mo?tanong ng Don.
"Di hayaan mo na siya ngayon saka mo na siya papagalitan pag uulitin pa niyang magsinungaling"ani naman ng Doña.
"If he does once he always doing that many times Mi so why would I tolerate his behavior?
"Baka nga nagkakatuwaan lang talaga sila kaya hindi na nakauwi kila Brix"
"Yon na nga and when I asked him sagutin lang ako ng ganon?eh kung hindi pa una akong tinawagan ni kumpadre malamang maniniwala ako sa kasinungalingan niya"
"Come on Di pagbigyan mo na siya ngayon lang,if uulitin niya pa then okay hindi na kita pakikialaman tungkol sa kanya"
"Alright,sige na it's okay para matigil ka na rin"ani ng Don.
"Thank you Di"aniyang niyakap ang asawa.
"You're welcome Mi,alright we need to sleep now,good night"ani ng Don at sabay na silang humiga.
"Good night Di"sagot niya.
Many more years later ay nakapagtapos na si Ysa ng kursong business management dahil iyon ang gusto ng Daddy niya kahit ang gusto niya ay maging isang doctora.Habang si Luke naman college graduate lang ito,dahil ang gusto ng ama ay maging business management din ito ngunit siya ay pagiging doctor din ang gusto dahil iyon ang pangarap nila ni Ysa.But his Dad ruined everything kaya hindi na siya nagtapos ng kursong gusto ng kanilang ama.LUMIPAS pa ang mga buwan hanggang sa taon ay ganon pa rin si Luke,naging matigas ang ulo,hindi nakikinig sa mga magulang,he is the black sheep of the family bagay na madalas pagtatalunan ng Don at Doña.Kung dati ay nagtatago pa siya sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama,ngayon hindi na,dahil madalas niyang naging dahilan he's matured enough to make a things for himself and he's not getting any younger anymore.
"Where have you been?tanong ni Don na nakaupo sa living room at kararating lang ni Luke.
"Hanging out Dad"ani ni Luke at diretso sa kwarto.
"Ganyan ka na ba buong buhay mo ha Luke?tanong ni Don na tumayo pa ito.
"Dad kayo ang nagtulak sa akin na maging ganito di ba?
"You!! I never tell you na sirain mo ang buhay mo Luke!!!singhal ng Don.
"I know Dad but I didn't tell you also na pati ang gusto kong kuning kurso para sa buhay ko ay kayo parin ang masusunod,now I'll do what I want Dad"aniya saka papasok na sana ng muling magsalita ang ama.
"You bastard ho...how.."hindi na natapos ng Don ang sasabihin dahil naninikip ang dibdib nito.
"Daddy!?Daddyyyyy!!tawag ni Luke at mabilis dinamayan ang ama.
Narinig naman ni Ysa at ng kanilang ina ang sigaw ni Luke na kasalukuyan siyang nasa Terrace at si Ysa ay nasa study room siya na kasalukuyang nagre review.
Nadatnan nilang naka balandra sa sahig ang Don habang dinamayan ito ni Luke.
"Luke what happen?tanong ng Doña.
"Daddy!?wika ni Ysa sabay nilapitan ang ama at kapatid.
"Mom we need to bring Daddy to the hospital now!ani ni Luke at binuhat ang ama saka mabilis ng lumabas ng bahay sumunod naman ang dalawa.
BRENT HOSPITAL
NASA emergency room na si Don Manolo at nasa labas lang din naghihintay sina Doña Eliza si Ysa at Luke.Hindi mapakali si Luke dahil alam niya ang dahilan kung bakit sinusumpong na naman ng heart attack ang kanilang ama.Dahil it was a years before ng malaman nilang may sakit sa puso ang ama at bawal sa ama ang magalit o mabigla ito.Nangyari din iyon dahil sa kanyang katigasan at pasagot sagot niya sa ama.
"What have you done again Luke?tanong ng ina.
Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ng tingin ang paningin ng ina.
"I said what have you done ha!??singhal ng ina.
Nilapitan ito ni Ysa sabay hinagod sa likod.
"Mommy"ani ni Ysa sa ina.
"Luke papatayin mo ba talaga ang Daddy mo ha dahil sa katigasan ng ulo mo!?muling wika ng Doña.
"I-I'm sorry Mom hindi ko kagustuhang mangyari ito kay Dad"
"Hindi mo kagustuhan?but why you keep doing something that your Dad doesn't want to!?
Hindi na sumagot si Luke dahil alam niyang siya naman talaga ang may kasalanan,pero hindi rin ba naisip ng mga magulang niya na may mali din naman ang ama dahil palaging minamanipula nito ang buhay nilang magkapatid?but he is different from his sister dahil ayaw niyang dinidiktahan sa gagawin niya lalo pa't alam niyang nakakabuti sa kanya,tulad ng pagkuha niya sana ng gusto niyang kurso.
Ilang sandali pa lumabas na ang doctor na sumuri kay Don Manolo.Kaagad silang lumapit dito.
"Doc kumusta ang asawa ko?tanong ng Doña.
"Okay na siya Mrs.Alcantara mild attack lang ang nangyari but I hope na hindi na ito mauulit or else baka hindi makayanan ng puso ng pasyente"ani ng doctor.
"Thank you po doc,pwede na po ba namin makita ang Daddy ko?tanong ni Ysa.
"Yeah sure hija"ani ng doctor at iniwan na sila nito.
Pumasok na sila sa room at nadatnan nilang tulog ang Don.Lumapit ang Doña saka ginagap ang kamay ng asawa.
"Be strong Di okay?aniya sa asawa.
"Daddy I'm so sorry,hindi ko na po uuliting bigyan kayo ng sama ng loob"ani ni Luke na ginagap din ang kabilang kamay ng ama.
Nakatunghay lang din sa ama si Ysa habang hinahagod ang likod ng ina.Ilang saglit pa ay hinawakan ni Doña Eliza ang kamay ni Ysa at pinaupo sa tabi nito.
"Come here hija"aniya sa anak.
Umupo naman si Ysa saka hinawakan ang kamay ng ama.
"Dad alam kong kaya mo yan ikaw pa ang strong strong mo kaya"aniya sa ama.
Dahan dahang nagmulat ng mga mata ang Don at nakita niyang nasa kanyang tabi ang mga anak at asawa.
"Mi paki kaladkad nga ng panganay mo sa labas"aniya sa mahinang tinig.
Nagkatinginan silang lahat at nataranta si Luke dahil ito ang ayaw niya ang tuluyang magalit sa kanya ang kanilang ama.
"Daddy no!please Daddy I'm sorry I promise hindi ko na kayo bigyan ng sama ng loob,Dad from now on makikinig na ako sa inyo please Dad huwag lang kayo magalit sa akin"ani ni Luke sabay hinigpitan ang pag gagap sa kamay ng ama.
Nagkatinginan si Doña Eliza at si Don at sa isip ng Doña sana nga makikinig na si Luke simula ngayon.Napangiti naman si Ysa sa pangako ng kapatid niya dahil iyon din ang gusto niyang mangyari ang tumigil na si Luke sa ginagawa nito na ikakasama sa ama at mismo sa kapatid niya.
"Okay I'm looking forward if how you can keep your promise Luke"ani ng ama.
"Thank you Dad"ani ni Luke at niyakap ang ama.
Nakauwi din ng araw na iyon ang Don at sinabi ng doctor na i-maintain lang nito ang pag inom ng gamot na nireseta sa kanila ng doctor at iwasan nila umano ang makakasama kay Don.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤

BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
General FictionMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...