NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
KAKALAPAG lamang ng eroplanong sinasakyan nina Joshua at Angeline at hindi nagsabi ang mga ito sa kanilang pamilyang darating sila dito sa Pilipinas kaya as expected wala silang sundo.Parang hindi na tuloy nasanay ang pakiramdam ni Angeline pagtungtong niya pa lamang sa Airport dahil nasanay na siya sa ibang bansa at pakiramdam niya naninibago na siya sa Pilipinas pero nandon parin naman ang excitement na nadarama niya dahil for how many years muli niyang nakita ang bansang sinilangan.Masarap parin talaga sa pakiramdam ang simoy ng hangin dito.
Si Joshua naman ay sunod sunod ang pagbuntong hininga niya dahil muli siyang bumalik sa bansa kung saan may masakit siyang pinagdaraanan at nagdulot ng malaking pilat sa puso niya.Para bumalik tuloy lahat sa kanyang alaala ang nakaraan na pilit niyang kinalimutan pero sadya yatang hindi siya pakakawalan ng sakit ng nakaraan.Muli siyang napabuntong hininga at hindi iyon nakaligtas kay Angeline na kanina pa siya nito tinitingnan.
"Are you alright Josh?tanong niya sabay hinawakan ito sa braso.
Nilingon niya ito at tipid ngumiti sa dalaga"yup I'm fine Angeline"
Tumango lamang si Angeline at alam niyang may naalala na naman ang binata dahil nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito at kahit hindi sabihin ng binata batid niyang nasasaktan ito deep inside at nalulungkot siya para kay Josh,kung may magagawa lang siya upang matulungan ang binata upang tuluyan na nitong makalimutan ang dati nitong nobya ay tutulungan niya.Sa isip niya ang swerte naman ng babaeng yon dahil hanggang ngayon hindi parin ito nakalimutan ng binata.
"Ihahatid na muna kita sa inyo Angeline"untag ng binata sa kanya.
"Okay lang ba sayo baka mapagod ka pa"
"It's okay one way lang naman tayo"
"Okay thank you"sagot niya atsaka sumakay na sila sa taxi.
Tahimik lamang silang dalawa habang binabagtas ang kalsada patungo sa bahay ng dalaga,ng maya't maya ay nagsalita si Josh.
"Do you have any plan tomorrow?tanong ng binata sa kanya.
"I don't have plan yet"sagot niya dito.
"Just tell me kung kailangan mo ng kasama"ani ng binata.
"Yeah okay pero baka magpapahinga muna ako,ikaw ba saan ka pupunta?
"I think I'll take a rest first at pupuntahan ko ang mga kaibigan ko sa kani kanilang bahay"
"Uhm that's good,I don't know them anyway"
"Don't worry I'll let you meet them someday"
"Are those friends of yours same like you?
"Nah!they already married and one of them already had a child"
"Oh I see!can't wait to meet them"
"I bet they'll gonna like you"
"Why?
"Dahil katulad ka rin nila"
"In what way?
"I meant they like clubbing,bar,strolling and so on"
"Grabe ka ha!tampo nito.
"I'm kidding"ngiting wika ni Josh.
Ilang sandali pa ay dumating na sila sa bahay ng Papa ni Angeline sa De Caridad Subdivision Del Rocco Mansion.Pinagmamasdan ni Angeline ang kanilang Mansion at sobrang laki na ng ipinagbago nito.Pinapa renovated na ang dati nitong disenyo at mas lalong gumanda sa kanyang paningin,napapalibutan ng puno ang paligid nito na nagsisilbing fence ng Mansion at ang loob nito ay napupuno ng iba't ibang uri ng mga halamang namumulaklak.Super sa ganda at alagang alaga ang Mansion nila,excited tuloy siyang pumasok sa loob ng Mansion upang makita din ang sa loob nito.
"Naninibago ka ba?untag sa kanya ng binata.
Nilingon niya ito atsaka tumango at muli ding tumingin sa Mansion at hindi pa nakababa ng taxi.Naibaba narin ng taxi driver ang kanyang mga luggages.
"Do you want me to go with you inside?
"No need Josh you can go now"sagot niya sa binata.
"You sure?
"Uh-huh"sagot niya at humalik sa pisngi ng binata atsaka bumaba na.
"Bye Angeline see ya"
"Yeah okay ingat"
Kumaway lamang ito atsaka tumakbo na ang taxi,ng mawala na ito sa paningin niya saka siya humakbang palapit sa gate at pinindot ang doorbell.Makailang pindot siya ng may marinig siyang yabag ng paa at papalapit sa gate.
Napanganga pa siya ng makita niya ang babae sa labas ng gate,saang lupalop kaya to nanggaling bakit ang ganda ganda niya?aba't dinaig pa ang local na artista ah.Ang kinis kinis ng mukha,ang tangos pa ng ilong at ang mga mata nitong napapalibutan ng malalantik na pilikmata at ang hugis puso nitong labi atsaka ang ganda ng katawan at nababagay sa kanya ang taas nito na sa hinuha niya 5'2 ft or 5'3 ft.
"Hi po"bati niya sa babaeng nakanganga habang tinitigan siya.
"Y-yes po ano pong kailangan nila?tanong ng babae.
"Ahm nasa loob ba si Mr Martin Del Rocco?tanong niya sa babae na marahil ay katulong ito sa Mansion nila.
"Opo,sino po sila?aniyang halos hindi na kumurap.
"Bisita niya ako galing State at sinabing dito ako tutuloy sa Mansion niya"aniya dito.
"Ah ganon po ba?aniyang hindi parin inalis ang tingin sa binibining bisita.
"Opo"
"Tutulungan ko na po kayo sa mga bagahe nyo Miss ganda"anang katulong at hinila na ang mga bagahe niya.
Nakangiti naman siyang sumunod dito,sa isip niya ano kayang maging reaksyon ng babae kapag malaman nitong anak siya ng among pinagsisilbihan nito.Pagdating nila sa loob ay muli siyang humanga sa nakita,malayong malayo na talaga ang loob ng Mansion kesa nung umalis siya,the tiles,the wall,ceiling decorations,paintings,sala set and everything are totally changed.Parang napawi tuloy ang nararamdaman niyang lungkot dahil muli siyang babalik sa bahay kung saan namatay ang kanyang ina but seeing this kind of beautiful things seems like she didn't see any memories from her late mother,it's disappeared now bagay na nagpapagaan ng kanyang loob.
"ANGEL!???tawag sa pangalan niyang nagpapabalik sa isip niya.
Tuminga siya sa taas at nakita niya ang kanyang amang nagulat pa ng makita siya dito.
"Angel?anas ng katulong sa sarili.
Sa isip niya bagay ngang Angel ang pangalan nito dahil mala anghel ang ganda ng babae at hindi parin talaga nilulubayan ng kanyang mga mata ang binibini,kung nakakaupos lamang ang tingin malamang kanina pa ubos ang babae sa kanya.Pero teka babae ba to ng Señor Martin nila?naku babae talaga now a days mahilig sa sugar daddy.Bigla tuloy napataas ang kilay niya habang sinusuyod ng tingin ang babae sa isip niya sayang maganda pa naman at ang amo ng mukha pero yon pala...
"Papa!!tawag ng babae sabay tinungo ang amo nila.
"Huh?usal niya sabay napakunot noong tiningnan ang dalawang nagyayakapan.
"Hija bakit mo naman ako sinurpresa at hindi ka man lang tumawag para sabihing darating ka?ani ng kanyang ama.
"I'm sorry Papa gusto po talaga kitang surpresahin kaya I didn't inform you na darating ako"ngiting wika niya sa ama.
Ginulo gulo naman ng ama ang kanyang buhok sabay kinulong ang kanyang mukha atsaka hinalika siya sa noo.
"Welcome back my lovely sweet daughter,sana ito na ang simula ng muli tayong magkasama hija"ani ng kanyang ama kahit hindi pa nito alam kung aalis pa ba ito o hindi na.
"Thank you Papa and yes Pa you're right I will going to stay here now and forever"ngiting wika ng dalaga.
"Really hija you're not kidding me didn't you?tila hindi makapaniwala ang ama.
"No Papa hindi po ako nagbibiro"
Muli siyang niyakap ng ama at napaiyak naman siya dahil alam niyang matagal ito hinintay ng kanyang ama ang muli nilang pagsasamang dalawa.
"Thank you Angel thank you so much"anang kanyang ama.
Saka pa nakahuma ang katulong na mag-ama pala ang dalawa nakapag sign of cross na lamang siya dahil sa madali niyang panghuhusga,so ito pala ang anak ng kanilang amo na never pa nila nakita kahit sa picture malamang namana ng anak sa ina ang taglay nitong ganda at ngayon niya naisip na kamukha nga ito ng babae sa frame na alam nilang asawa ng amo nila.Kaya pala kanina alanganin siya ng makita ito dahil mukhang familiar ang itsura sadyang nawaglit lang sa isip niya ang yumaong asawa ng amo.
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficção GeralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...