Chapter 29

5.3K 109 1
                                        

NAPATDA si Luke sa kinatatayuan niya ng makitang malaki ang tiyan ni Ysa at pinakatitigan iyon ng matagal atsaka pa unti unting tumaas ang kanyang tingin sa mukha ni Ysa at namumutla ito na parang natatakot.Kaya agad niya itong niyakap ng mahigpit sabay napaluha siya dahil muntikan niya ng magawan ng hindi maganda si Ysa.
"I-I'm sorry baby! I'm sorry I don't know I really don't know!aniya habang yakap si Ysa.
Pero hindi gumanti ng yakap si Ysa at nanatili itong nakatayo na walang reaksyon.
"Baby you're pregnant I am so happy!bulalas ni Luke.
"Wala kang pakialam kung buntis ako dahil wala rin naman akong pakialam sa kasiyahan mo!wika ni Ysa.
Inilayo niya si Ysa at tiningnan ito sa mukha"may pakialam ako dahil ako ang ama ng batang dinadala mo at masaya ako dahil magkakaanak na ako,I meant tayo"
"Sira ka ba?anong akala mo na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko?nang uuyam niyang wika.
Hindi natinag si Luke dahil natitiyak niyang siya ang ama ng bata at batid niyang nagsisinungaling si Ysa.Pero nasundot parin ang ego niya dahil sa pinamukha ni Ysa at iyon ang hindi niya maaaring palampasin.
"Kahit ano pang sabihin mo Ysa alam kong ako ang ama ng batang dinadala mo!! Ako lang ang ama ng anak mo!! Ako lang naiintindihan mo!??asik ni Luke.
Nasa ganon silang eksena ng pumasok ang Don kasama si Veron.
"Lucas Kenneth!tawag ng Don.
Nilingon niya ang ama at alam niyang galit na naman ito,kailan ba itong hindi nagagalit sa kanya?Dahan dahan niyang pinakawalan ang magkabilang braso ni Ysa atsaka masuyo itong tiningnan pero nag iwas ito ng tingin.Sabay humakbang patungo sa pinto ng silid.
"Ysa where are you going?tanong ng Don.
Huminto ito at lumingon sa kanila"uuwi na kami ni Tita Veron at kayo umuwi narin sa bahay nyo Dad"aniya sa mag ama.
Mabilis humakbang si Luke patungo sa kanya.
"You lady! You're not going anywhere! Sa amin ka sasama naintindihan mo!?asik ni Luke dahil napipikon narin siya sa katigasan ng kokote ni Ysa.
"Ako ang mag disisyon kung saan ako sasama after all si Tita Veron ang nakasama ko mula ng naglayas ako dahil nalaman ko ang kataksilan mo!!!!sigaw din ni Ysa.
"Hija!nababahalang wika ni Tita Veron.
Napakunot noo naman si Luke sa sinabi nito at ngayon nag sink in sa isip niya baka nakita ni Ysa na magkasama sila ni Rhian noon sa resto?kasi yon lang naman ang una't huli na nagsama sila ni Rhian at kasama pa si Brix pero bakit ito nagagalit dahil doon.Hindi niya maintindihan o sadyang hindi niya nakuha ang gustong i-point out ni Ysa.
"Veronica sayo na muna si Ysa dadalawin nalang namin sa bahay mo kung ayos lang sa iyo?ani ng Don kay Veron.
"Sige okay lang Manolo"aniya saka inalalayan ng lumabas si Ysa.
Nanatiling nakatayo si Luke at hindi niya alam kung paano ipaliwanag kay Ysa ang lahat ngayon alam niya na ang dahilan ni Ysa kaya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat.Akmang susunod siya pero hinawakan siya ng Don kaya hindi natuloy.
"Luke hayaan mo muna si Ysa bigyan mo siya ng panahon upang makapag isip"ani ng Don.
"Daddy hindi niya maiintindihan ang lahat kung hindi ko sasabihin kaya I need to tell her everything Dad!ani ni Luke.
"Huwag mo munang isipin yan ngayon ang importante nakita natin siya"
"Pati ba naman sa damdamin ko Dad kontrolado parin ninyo?pati ba puso ko ay puso nyo narin?I have my own decision Dad!!!damn it!!galit narin niyang wika.
"You!!anang Don na nagpigil huwag saktan si Luke.
"Sinabi kong huwag mo munang kausapin si Ysa dahil galit siya sayo,galit siya sayo dahil sa ginawa mo at nagagalit ka sa kanya dahil ayaw ka niyang pakinggan.Ngayon gusto mo siyang piliting sumama sa atin kahit hindi pa kayo nagkaayos para ano?para saktan siya dahil hindi ka niya magawang patawarin? Eh gago ka pala! Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo ng madalian yan ang isaksak mo sa kokote mo!!asik ng Don sabay bira ng alis.
Hindi na sumagot si Luke at sinundan lamang niya ito ng tingin habang nangingilid ang kanyang luha.Hindi niya alam kung bakit palaging minamaliit ng ama ang kakayanan niya,at sa tuwing pinapadama ng ama na wala siyang kwentang anak hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka ampon lang din siya gaya ni Ysa.
Iniwan niya si Luke para makapag isip din ng tama,dahil ayaw niyang matulad ito sa kanya na palaging nagpapadala sa galit.Dahil ang gusto niya ay turuan ng leksyon si Luke yung kayang kontrolin ang galit na nararamdaman,marunong maghintay kung kailangan,hindi palaging naiinip kung may katagalan,palaging iisipin muna ang tama sa mali at mali sa tama,mag isip ng isa o dalawang beses o higit pa bago gawin ang nais nito at higit sa lahat kailangan nitong paghirapan ang gusto nitong makuha.Dahil ayaw niyang magaya si Luke sa kanya dahil wala siyang kontrol sa sarili at oras na wala kang kontrol sa sarili mawawala lahat ng meron ka katulad sa kanila ni Veron.Dahil ang pag kontrol sa sarili ay parang brake lang yan ng sasakyan hindi pwedeng wala dahil mababangga ka at sa pagbangga mo hindi mo alam kung mamamatay o mabubuhay ka.
Walang imik si Ysa sa loob ng sasakyan at sa labas lang nakatingin,hinayaan lang din ito ni Tita Veron upang makapag isip din.Dahil sa isip niya siguro sariwa pa ang sugat sa puso nito ng dahil kay Luke hanggang sa dumating sila sa Mansion ay ramdam niyang malungkot at walang sigla.
"Hija uutusan ko si Rosing na ipaghanda ka ng makakain mo kung ayaw mo ng mga pagkaing binili namin?aniya dito.
"Huwag na po Tita Veron hindi naman po ako nagugutom"matamlay niyang sagot.
Inalalayan siya ni Tita Veron maupo sa sofa at hinawakan ito sa kamay.
"Hija alam kong wala akong karapatang manghimasok sa inyo ni Luke,pero bakit hindi mo siya hayaang magpaliwanag? Malay mo masasabi niya ang matagal mo ng gustong marinig?
"Lalo lamang po ako masasaktan Tita kung maririnig ko pang sasabihin niyang masaya na siya na may pamilya na siyang iba.Hindi ko nga rin alam kung bakit pa nila ako ginugulo nanahimik na po ako"aniya kay Tita Veron.
"Baka may dahilan Ysa kaya nangyari ang lahat ng ito"
"Kung ano man ang dahilan wala na akong pakialam doon dahil ang gusto ko ngayon ang katahimikan namin ng anak ko Tita"
"Naiintindihan kita hija pero naiintindihan ko rin ang asawa mo,hindi ko alam pero batid kong totoo ng napamahal ka sa kanya.Ysa mahal ka na ni Luke at iyon ang nakikita ko sa kanya kanina"aniya kay Ysa.
"Magpapahinga na po ako sa silid ko Tita Veron kung okay lang sa inyo"pag iiwas niya sa usapan nila.
Bumuntong hininga na lamang siya dahil hindi rin naman niya ito masisisi kung ganon na lamang ang galit sa asawa nito.
"Alright ihahatid na kita sa silid mo"aniya dito.
"Kaya ko na po Tita salamat"aniya at umakyat na sa taas.
Sinundan na lamang niya ito ng tingin at ng maya't maya ay tumunog ang telephone kaya siya na ang sasagot dahil malapit lang naman siya dito.
"Ako na ang sasagot Rosing"aniya sa katulong ng makitang papunta ito doon upang sagutin.
Tumango lamang ito atsaka umalis na siya naman ay sinagot na ang tawag.
"Yes hello?aniya dito.
"Hello?anang boses lalake pero parang kilala niya ito.
"Is that you Luke?tanong niyang sa isip baka nakuha ng ama nito ang landline number niya sa secretary.
Medyo natagalan sumagot ang sa kabilang linya at naisip niya baka nahihiya ito sa kanya.
"It's alright Luke hindi naman ako galit sayo kaya you can talk"aniya kay Luke.
"Ahm c-can I talk to Ysa?ani ni Luke.
"I think huwag muna ngayon because she's still mad"sagot niya at hiniling sana hindi din iinit ang ulo nito.
"Yeah okay no problem but...but is it okay with you if I come over? I meant not today"ani ni Luke.
"Yeah it's okay Luke no problem"sagot niya.
"Okay thank you"anito sabay pinutol na ang tawag.
Iiling iling na lamang siya pagkatapos nilang mag-usap ni Luke.
NASA Bungalow si Luke dahil pwede na siyang tumungtong doon since nakita na nila si Ysa.At sinabi nilang nakita na nila si Ysa.
"Talaga nakita niyo na si Ysa?masaya nitong tanong.
"Yes Mom and we've been in the hospital"
"Hijo okay lang ba si Ysa?kumusta ang kalagayan niya?bakit hindi nyo ako isinama sa hospital?Teka hospital bakit napaano si Ysa?Luke magsalita ka naman!anang kanyang ina.
"Paano naman makapagsalita eh hindi ka na masingitan"puna ni Don Manolo.
"Nagtatanong lang naman ako"sagot niya sa asawa atsaka tumingin kay Luke"O,Luke sagutin mo na ako"
"Huwag si Luke ang tanungin mo dahil hindi niya naman alam"ani ng Don.
"Anong ibig mong sabihin?tanong niya sa asawa.
Tiningnan ni Don Manolo si Luke na tumingin din ito sa kanya at sa isip niya baka iisipin ni Luke na magsisinungaling siya sa ina nito then hell no.Kaya sinasabi niya sa asawa ang simula kung paano sila muling nagkita ni Veronica na hindi lingid sa kaalaman ng asawa dahil noong una pa lamang ay sinabi niya na ang tungkol doon.Hanggang sa kung paano niya nakita si Ysa sa Mansion ni Veronica at kung paano napunta sa hospital at kung bakit si Veronica ang nakakita kay Ysa noong naglayas ito at kung paano napadpad at nalaman ni Luke.Sinabi niya iyon sa harap ni Luke dahil iyon ang gusto niyang sabihin kanina sa hospital but Luke don't have an ears to listen at him.
Hindi nakakibo si Luke pagkatapos niyang marinig ang mga sinasabi ng ama at naghihintay siya kung paano mag react ang ina ngunit nagtataka siya kung bakit tila tahimik ito.Dahil hindi niya alam ang nakaraan ng ama at sinasabi nitong Veronica na tumulong sa asawa niya.
"Mommy aren't you going to say words?
"Hijo ang tinutukoy ng iyong ama na si Veronica ay may ugnayan sila noon pa man,si Veronica ang nobya ng ama mo dati"ani ng ina.
"W-what? I don't understand you Mom.Daddy have even a daughter with her!
"Alam ko na rin ang tungkol dyan wala namang inilihim ang Daddy mo sa akin,kaya huwag kang magalit sa Daddy mo dahil ang totoo tayo ang nang agaw"ani ng ina.
"Mommy?tanging nasambit niya dahil hindi niya maintindihan ang ina.
Nagkatinginan si Don Manolo at Doña Eliza at tila bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Daddy!Mommy are you both hiding something?
"Ipinagbubuntis na kita noon ng magpakasal kami ng Daddy mo"simula ni Doña Eliza.
"So does it make any sense?
"Nabuntis ako ng ama mo bago kami kinasal ng Daddy mo"aniya ulit.
"Mom seriously? Tinagalog mo lang yung Dad eh!medyo mataas niyang turan.
"Luke unawain mo ang sasabihin ng Mommy mo huwag puro galit ang pairalin mo!wika ng Don.
Tumahimik naman ito sabay matalim parin ang paningin.
"Kinasal kami ng Daddy mo dahil ayaw ng mga magulang ko ang malagay ako sa kahihiyan,dahil binuntis lang ako ng ama mo at tinakbuhan at hindi na nagpakita pa!ani ng ina.
Tila bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sinabi ng ina,hindi man malinaw ang lahat pero alam na alam niyang hindi ang kinikilala at tinatawag niyang Daddy ang tunay niyang ama.So,ganon pala yon?kaya pala kung mamanepulahin siya nito ay wagas dahil hindi siya nanggaling dito?at kaya pala parang pipi at bingi lang ang kanyang ina sa lahat lahat and all his entire life dahil malaki ang utang na loob nito sa Daddy niya?God Damn It!!!Marahas siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Luke sandali!Luke please huwag kang magalit sa amin Luke bumalik ka rito!hinabol siya ng ina.
"Eliza hayaan mo muna siya para makapag isip"anang Don.
"Manolo kailangan ko siyang habulin baka kung anong gawin niya"ani ng Doña sabay mabilis ng umalis at sumunod naman ang asawa.
Hindi niya pinansin ang tawag ng ina at hindi nilingon diretso lang lumabas ng gate dahil doon naka park ang kotse niya pero hindi siya sumakay ng kotse instead ay tumakbo siya ng tumakbo upang makalayo dahil hindi nagsi sink in sa utak niya ang mga nangyayari how all these mess happen in one time!?
"Manolo ang anak ko!sambit ng Doña ng hindi niya na naabutan sa labas ang anak.
"Mi sabi ko sayong hayaan muna natin siya wala yung gagawing masama dahil iisip niya ang kanyang mag ina"ani ng Don.
"Paano kung wala na siyang maisip na ibang bagay dahil sa nalaman niya tungkol sa tunay niyang pagkatao!?nag aalala niyang tanong.
"Tayo ang higit na nakakakilala sa kanya at alam nating hindi ganon mag isip si Luke,maghihintay tayo sa pagbabalik niya okay?
"Manolo.."
"Madaling magalit si Luke pero madali din namang humupa ang kanyang galit,sa ngayon galit iyon pero mamaya o bukas mawawala na yon!
"Natatakot parin ako Manolo at nag aalala ako sa kanya"
"Ipanatag mo na ang kalooban mo at iwasan mong mag isip ng kung ano ano para hindi ka mag alala"
Umiyak parin siya habang yakap yakap siya ng asawa.
SAMANTALA natagpuan ni Luke ang sarili na nakatayo sa labas ng gate ng Mansion ng taong kumupkop sa asawa niya.Dahil sa kakaisip niya sa mga nangyayari ay napasakay na pala siya sa taxi at nagpahatid dito,hindi niya alam pero dinala siya ng kanyang isip dito dahil gusto niyang makita ang asawa at pakatitigan ang maumbok nitong tiyan dahil habang yon ang gusto niyang gawin ngayon ang tunay nitong ama ang pumapasok sa isipan niya na hinding hindi siya gagaya sa iresponsable at walang bayag niyang ama.Dahil siya hindi takot sa responsibilidad kung alam naman niyang siya ang responsable dito.
Pinindot niya ang doorbell ng ilang beses at ilang sandali pa ay lumabas na ang katulong upang pagbuksan siya.
"Yes po sino po sila?agad na tanong ni Rosing sa gwapong lalake na bahagya pang nagpapa cute.
Wala namang pakialam si Luke sa ipinapakita sa kanya ng katulong dahil hindi ito ang sadya niya rito at malamang ganon na talaga ito.
"Si Ysa andyan ba siya sa loob?
"Isa po hindi dalawa?
Napataas siya ng kilay sa tinuran nito huwag lang siya bwisitin nito at malilintikan talaga.
"Si Ysabelle"
"Ah si Ma'am Ysa pala,nandito nga po siya bakit sino po sila?tanong niyang itinaas ang kamay sa gilid ng gate na animoy sasayaw.
"Asawa niya ako!
"Aayy bayag este basag!kulit ng katulong.
Instead na maiinis eh natutuwa na lamang siya so malamang kalog nga talaga ito.
"Wait lanh po Sir ah tatawagin ko lang si Doña Veron"aniya sabay humakbang na papasok sa Mansion.
Naghintay lang din siya sa labas at ilang sandali pa ay lumabas na ang Doña Veron at hinarap siya.
"Luke?
Medyo naiilang siya dahil sa ginawa niya dito na halos ipahiya niya na yon pala mali siya ng akala.
"Halika pumasok ka muna at sa loob tayo mag-uusap"anyaya sa kanya ng ginang.
Tahimik naman siyang sumunod dito kahit naiilang at nahihiya ay nilunok na lang niya ang nararamdaman dahil ang importante ay makita niya si Ysa at makausap upang magkaayos na sila dahil ito na lamang ang tanging lakas niya at ang kanilang magiging anak.
"Maupo ka muna Luke"aniya dito naiintindihan niya si Luke kahit medyo naiilang ito sa kanya.
"Thank you po T-Tita"sagot niyang nahihiya pa.
Ngumiti naman si Doña Veron sa kanya"thank you for calling me Tita like Ysa used to call me"
"I'm sorry sa mga nasabi ko sa inyo I shouldn't have to said that"
"It's okay Luke lahat tayo nagkakamali ang importante at the end we'd realized na mali tayo at tinatanggap ang pagkakamali natin"aniya dito.
"What are you doing here!?matigas na tanong ni Ysa sa taas ng hagdanan na animoy pag aari niya ang Mansion.
Kaagad tumayo si Luke at malamlam ang mga matang tiningnan si Ysa,dahan dahang bumaba si Ysa upang harapin si Luke na hanggang dito pala ay makikita parin niya ang pagmumukha nito.
"Tinatanong kita kung bakit ka nandito at pati sa bahay ni Tita Veron ay sinusundan mo ako!!asik ni Ysa.
"Ysa please I just wanted to make up with you"
"Ysa I'm going up to my room okay?ani ng Tita Veron.
Tumango lamang siya at muling hinarap si Luke.
"Para ano pa Luke?hindi naman ako ang babaeng gusto mo di ba?bakit mo ginagawa ito para ipamukha sa akin na tanga akong nagmamahal sayo kahit iba naman ang hinahanap mo!
"I love you Ysa"tanging sagot ni Luke.
At mababanaag sa mga mata nito ang kaseryosohan habang sinasabi iyon,ibang iba si Luke na kaharap niya ngayon,yung makikita mo ang lungkot pero nagtatago ang saya sa likod nito.Bakit nagka ganito si Luke?simula ng maging mag asawa sila ngayon niya lang nakita ang ganitong mukha ni Luke.
Napalunok siya habang nakipagtagisan ng titig kay Luke,hindi niya kaya...hindi niya kaya ang makatunaw damdamin na titig ni Luke sa kanya at gusto niyang umiwas kaya una siyang nagbawi ng tingin at akmang tatalikod ito kay Luke pero mabilis siyang nahawakan nito sa braso at kaagad niyakap ng mahigpit sabay napahagulgol ito ng iyak.
"Help me!Ysa please help me to get rid of this,I can't! I just can't handle this pain anymore! You only my strength and our little angel!anas ni Luke habang mahigpit parin siya nitong yakap yakap.
Hindi niya maintindihan kung para sa kanya ba ang binitiwang salita nito o para sa babaeng gusto nito?teka di kaya naghiwalay na sila bakit hindi niya naisip yon kanina at ngayon sa kanya ito tatakbo at iiyak iyak?Buong lakas niya itong tinulak at nagulat si Luke dahil agad siyang sinampal ni Ysa.
Damn it! Hindi na ba ito napapagod sa kakasampal sa kanya aba't parang ginawa ng punching bag ang gwapo niyang mukha.Pero nagpigil parin siya at tatanggapin niya yon basta ang importante nakakalapit parin siya dito.
"Naghiwalay na ba kayo ng Rhian mo kaya ako na naman ang ginugulo mo ngayon ha!?asik ni Ysa.
Ano daw?ay pakshet naman ay!She really misunderstood things between him and Rhian at ito ang ipapaliwanag niya at kung hindi parin siya nito pakikinggan at paniwalaan aba matindi! Kakaladkarin niya talaga ito kahit buntis pa pauwi sa Villa at patitikimin niya ng matagal na nitong hindi natitikman.Tingnan lang natin kung hindi pa magtanda.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon