"Manolo!?usal ni Doña Eliza.
Napangiti si Luke dahil hindi niya alam ang sasabihin saka tumingin sa ina na nasa mukha din ang pagkagulat.Ng maya't maya ay nagawa din niyang magsalita.
"Dad are you out of your mind already?or have you gone crazy for controlling my life?Come on Dad you already went too far"ngisi niyang wika sa ama.
"Ysa is not your real sister,isa lamang siyang ampon"sagot ni Don Manolo.
"Dad!?wika ni Ysa na nakalapit na sa kanila.
"Ysa!?gulat na wika ng Don.
"Hija anak calm down"ani ni Doña Eliza.
Tahimik lang din si Luke at maging siya'y hindi pa nag sink in sa utak niya ang mga nalaman.
"Okay I think this is the right time for both of you to know the truth"ani ulit ng Don.
At sinimulang i-kwento kung paano nila nakuha ang dalaga.Matapos nilang marinig ang kwento hindi malaman ni Ysa ang gagawin kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang silid.
"Ysa!?panabay na tawag ng mag-asawa.
"Leave her alone Mi"ani ng Don sa asawa ng akmang susundan ang anak.
"Manolo you ruined everything you know that?ani ng Doña.
"You knew since before na wala akong balak itago sa kanila ang totoo so this is it,it's better for them to know about this after all malalaman at malalaman din nila"sagot ng Don at kinausap ang anak.
"Fix you mind Luke,I want you to forget that woman"aniya sa anak at tumayo na ito.
"Daddy come on kahit ampon niyo lang si Ysa I treated her like my own sister and that nothing change for me"aniya sa ama.
"It's getting late matulog ka na"aniya sa anak at tumuloy ng humakbang.
"Dad!?
"Hijo sige na sundin mo na lang ang Daddy mo,magpahinga ka na"ani ng ina.
"Mom that's all you can say?bakit hindi mo man lang ipaglaban ang karapatan mo bilang isang ina Mom!?asik niya dahil gulong gulo na siya.
"You stupid!don't you ever dare talk to your Mom like that!!!sigaw ni Don na narinig niya ang sinabi ng anak.
Hindi na sumagot si Luke at nagmamadaling tumungo sa kanyang kwarto saka sinara ito ng malakas.
"Manolo anong gagawin natin?seryoso ka ba sa sinabi mo?ani ng Doña.
"I don't want him with any other woman Eliza kaya ipapakasal ko sila ni Ysa sa lalong madaling panahon"
"Pero they are siblings Manolo at mula pa pagkabata ay magkasabay na silang lumaki halos.."
"They are real siblings at mabuti nga yon dahil kilala natin ang babaeng maging asawa niya"putol ng Don sa sasabihin niya.
"Mahirap yon tanggapin ng mga bata bakit ba hindi mo sila hayaang mag disisyon para sa sarili nila?Di lumaki silang sunod sunuran sayo huwag naman pati personal nilang buhay ikaw parin ang mag decide para sa kanila?
"Because whatever I said is good for them at never ko silang minamanduhan na nakakasira sa buhay nila o sa pamilya natin.I did a good job of being a father Eliza kaya huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan"
"Nandon na ako it's all good for them pero hindi mo ba naisip na parang wala silang sariling disisyon dahil ikaw ang dapat nilang sundin?hindi mo ba naisip kung masaya sila sa ginagawa nila ngayon?
"Nagrereklamo ka kung paano ko sila pinalaki ng tama?kung hindi ko ginawa to sa tingin mo anong mangyayari sa mga anak mo lalo na dyan sa panganay mo ha?ngayon sabihin mo mali ba ako?sabihin mo!???singhal niya sa asawa na kinabigla ng Doña Eliza.
Hindi na sumagot si Doña Eliza at iniwan niya na ang asawa bago pa lumala ang diskusyon nila.Pinuntahan niya si Luke sa kwarto nito at hindi naman nag lock ng pinto ang binata kaya binuksan niya na ito ng kusa.Nadatnan niyang nakaupo sa sahig si Luke at nakasandal sa gilid ng kama na nakaharap sa dingding habang nakataas ang tuhod at nilagay ang kamay sa taas.
"Anak?aniya sa binata.
Nakita niyang nagpahid ng luha si Luke kahit hindi niya makita ang mukha nito kaya dahan dahan siyang lumapit at umupo sa tabi ni Luke.
"I'm sorry Luke kung mahina ako para ipaglaban kayo sa Daddy nyo,pakiramdam ko nga wala akong kwentang ina para sa inyo"simula ng ina.
Napabuntong hininga siya saka yumuko at nagsalita ito"pagod na pagod na ako Mom,I've grown up na walang sariling disisyon para sa buhay ko.Mom nasasakal na ako na minsan inisip ko am I being too good?or am I very bad?hindi ko alam Mom kung alin ako sa dalawa dahil palagi akong naka dipende sa iba"ani ni Luke.
Niyakap siya ng ina habang umiiyak na ito dahil naaawa siya sa anak niya.
"One thing I can tell you hijo isa kang mabuting anak para sa akin"
"Mom bakit hindi niyo sinabi ang tungkol kay Ysa noon pa?
"Dahil wala akong balak sabihin sa inyo ang totoo kasi nakikita ko kung gaano niyo kamahal ang isa't isa bilang magkapatid and I don't want to ruin it Luke"
"There's nothing change for me even though Ysa is not my real sister I still treat her like my own Mom"
"Thank you hijo at ako man siya parin ang bunso ko no matter what"
"Daddy might out of his mind already and I couldn't tolerate this kind of joke anymore"
"You knew your Dad hijo"
"I will fight this time Mom not for me but for my sister,hindi bale ng ako ang sasaktan niya because I already get to used it pero huwag lang si Ysa"
Muli niyang niyakap si Luke dahil maging siya man ay nangangamba sa kung anong mangyayari sa mga anak niya.Pagkalipas ng mahabang sandali ay nagpaalam na siya at sinabihan narin ang anak na matulog na ito.Sumunod naman si Luke sa kanya saka lumabas na siya ng silid ng binata.
Pinuntahan ang kwarto ni Ysa ngunit naka lock ito kaya hindi na siya kumatok dahil ayaw niya munang distorbohin ang dalaga alam niyang nasaktan ito sa nalaman.
Sa kwarto naman ni Ysa ay walang tigil ang kanyang pag-iyak dahil nasasaktan siya sa nalaman at hindi niya alam kung saan siya magagalit.Nakatulog na lang siya sa sobrang sama ng loob.Maging si Luke ay nakatulog din dahil ayaw niyang mag isip ng mga negatibong bagay sleeping is the best for him to do.
KINABUKASAN walang lumabas sa kwarto kina Ysa at Luke kaya pinuntahan ng mag-asawa ang dalaga sa kwarto nito gamit ang duplicate key.Nakita nilang nakabalot pa ito ng kumot kaya dahan dahang lumapit ang Don sa kama ng dalaga at umupo ito.
"Hija?wika niya sa mahinang tinig.
Hindi sumagot ang dalaga at ni hindi rin ito kumilos kaya hinawakan siya ng ama sa balikat ngunit tinabig niya ito kaya alam nilang gising na si Ysa.
"Hija anak patawarin mo ako kung ngayon lang namin nabanggit ang tungkol sayo"ani ng Don.
Bumangon ang dalaga at magang maga ang mata nito sa kakaiyak at hinarap ang mga magulang.
"All this time ni hindi ako hinanap ng tunay kong mga magulang?At bakit ang tagal ninyo akong pinaniniwala na kayo ang mga magulang ko?
"Tulad ng narinig mo kagabi walang naghanap sayo Ysa at ni pangalan mo hindi namin alam ang Mommy mo ang nagbigay sayo ng pangalan,dahil iyon ang turing namin sayo tunay naming anak pero wala akong balak itago sayo ang katotohanan Ysabelle"ani ng Don.
"Gusto kong hanapin ang mga magulang ko,gusto ko silang makita"ani ng dalaga.
"Hindi mo na pwedeng gawin yan Ysa dahil maging sila man ay hindi ka nila hinanap kaya wala ng saysay kung hahanapin mo pa sila"ani ng Don.
"Kailangan ko parin silang makita at makilala Dad"
"Damn it!!paano?kilala mo ba sila ha?ni kami nga hindi namin nakita ni anino nila ikaw pa kaya!?singhal ng Don.
"Manolo?saway ng Doña.
"You have to face the truth Ysa na wala ka ng tunay na pamilya maliban sa amin kaya susundin mo kung anong gusto namin para sayo naintindihan mo?anang Don sa kanya.
Napalunok siya dahil nakikita niya ang galit sa mga mata ng ama na ngayon niya lang nakita and worst ngayon lang siya pinagalitan ng ama sa buong buhay niya.Hindi siya nakapagsalita at muling nagsalita ang Don.
"Magpapakasal kayo ni Luke at iyon ang gusto ko Ysabelle!makatarungang utos ng ama na kinagulat niya.
Dahil hindi naman niya ito narinig kagabi yung narinig niya lang eh ampon lang siya ng mga Alcantara.Tiningnan niya ang ina at nagyuko ito ng ulo at muling tumingin sa ama.
"D-Dad hindi maaaring.."
"Susundin mo ako Ysa dahil ni minsan hindi ako humingi ng kapalit sa pagpapalaki sayo at pagtrato tulad ng tunay kong anak,ngayon ito na ang tamang panahon upang suklian mo ang mga nagawa namin para sayo iyon ay magpakasal ka kay Luke sa ayaw at sa gusto mo naintindihan mo ba ako?
Muli siyang napalunok at hindi niya alam ang sasabihin gusto niyang magpasaklolo sa ina ngunit nakikita niyang wala din itong magawa para sa kanya.
"I'm asking you do you understand me Ysabelle Rose!?mataas ang boses tanong ulit ng ama.
"Daddy h-hindi ko magagawang magpakasal sa k-kapatid ko!naiiyak niyang sagot sa ama.
Bigla siyang hinawakan ng Don sa magkabilang braso.
"Manolo please don't do that!saway ng asawa niya.
"Daddy!wika ni Ysa.
"Hindi ka namin anak Ysabelle hindi ka nanggaling sa akin at hindi ang asawa ko ang nagsilang sayo kaya hindi mo kapatid ang anak ko!
"Pero Dad tinuring ko kayong.."
"Kung tinuring mo kaming mga magulang susundin mo ako Ysabelle dahil ito lang ang paraang alam ko para hindi ka mawala sa akin dahil mahal kita parang tunay kong anak kaya ikaw ang gusto kong maging asawa ng anak ko hindi mo ba ako naiintindihan ha!?
"D-Daddy!?tanging sambit ni Ysa.
Niyakap siya ng Don at hinalikan sa ulo saka hinagod siya sa likod"I'm sorry hija but please do this for me alam kong mahal mo ako bilang ama mo kaya sundin mo kung anong magpapasaya sa akin anak"ani ng Don habang yakap siya nito.
Umiyak na lamang siya dahil hindi niya na alam kung ano pang isasagot niya dahil siya ang higit na nakakaalam kung gaano siya kamahal ng ama at kung gaano niya ito kamahal.Ilang sandali pa ay bumitaw na ang ama at hinawakan siya sa magkabilang mukha.
"Can you do this for me anak?tanong niya sa dalaga.
Sinulyapan ang ina at nagpahid ito ng luha sabay ngumiti sa kanya at muling tumingin sa ama.
"Kung iyon po ang makapagpapasaya sa inyo Dad gagawin ko po"aniya sa mahinang tinig.
Hinalikan siya ng ama sa noo"thank you hija I know hindi mo ako bibiguin"
Lumapit ang kanyang ina sa kanila at niyakap din siya nito"it's okay hija nandito naman kami ng Daddy mo"ani ng kanyang ina.
Tumango lamang siya sa mga magulang at nag pasya na ang mga itong iwanan siya at uutusan na lamang umano ang katulong upang dalhan siya ng pagkain niya bagay na sinang ayunan naman niya dahil gusto din niyang mapag isa.
Paglabas nila sa kwarto ng dalaga ay pinuntahan nila si Luke sa kwarto nito,pagpasok nila sa kwarto nito ay nakaligo na ang binata at agad ito tinanong ng ama.
"Where are you going?
"I want to see Rhian Dad"aniya sa ama.
"You're not going anywhere Lucas dahil ngayon natin pag uusapan ang kasal ninyo ni Ysa!
"My God Dad is this kind of a joke?
"Do you think I'm joking with you right now?
"Dad maawa naman kayo kay Ysa hindi bale ako ang mamanepulahin ninyo but not my sister let her do what she wants Dad for God sake!
"Huwag mo akong turuan ng leksyon bwisit ka,siya ang pakakasalan mo and that's an order!!
"Look,fine iiwasan ko na si Rhian kung yan ang gusto ninyo Dad just allow me to meet her today after this hindi na ako makikipagkita sa kanya I promise.Huwag mo lang kami ipakasal ni Ysa Dad please"
"Okay better to forget her at kahit gagawin mong hindi makipagkita sa babae mo it's nothing gonna change sa disisyon kong magpakasal kayo ni Ysa and that's final!ani parin ng ama saka iniwan na siya nito.
"Dad!??mataas niyang boses na tinawag ang ama.
Lumingon ito sa kanya at muling nagsalita"you stay home Lucas and I mean it!ani pa ng ama at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
"Aaaaahhhhhhhhhhh!!!!daaaammmmnnnn iiiiitttttt!!!sigaw niya at sinipa ang drawer.
"Hijo huwag mong gawin yan masasaktan ka lang"suway ng kanyang ina.
"Leave me alone Mom!aniya sa ina.
"Pero.."
"Mom I said leave me alone please!!muli niyang wika sa ina.
Wala ng nagawa ang ina kaya lumabas na ito saka sinara ang pinti ng kwarto ng anak.At pinuntahan ang asawa sa opisina na sa loob mismo ng bahay nila.
"Di hindi na tama ang ginagawa mo sa mga bata"
"Please drop that issue about them Eliza all we need to do is to plan about their wedding day"
"Manolo sa tingin mo ba maganda ito para sa kanila at sa mata ng mga tao?Di they are siblings kahit hindi sila magkadugo bakit hindi nalang natin hayaan na ganon sila?
"Could you please shut up kung wala kang maitutulong?I don't need you piece of advice Eliza because I know what I am doing so if you don't agree with that then don't talk at all!!
Hindi na sumagot pa ang Doña at tahimik na itong umupo sa bangko na nasa unahan ng mesa ng asawa,ng muling magsalita si Don Manolo.
"We will have a meeting in our company to tell them the truth so I need you to set a meeting soon as possible and I will handle the press conference is it fine with you?anang Don.
"Y-yeah okay I will go the office today"aniya sa asawa.
Nung mismong araw ding yon nagpatawag ng press conference and Don para ibalita ang issue tungkol sa anak nilang babae at sa nalalapit nitong pagpapakasal sa binata nila.Gayon din ang Doña na inipon lahat ng mga empleyado nila sa conference room to tell them about the big issue in their family at sa nalalapit na pag iisang dibdib ng anak nila.Nagulat ang lahat sa malaking rebelasyon dahil wala ninoman ang nakaalam tungkol sa sekreto nila but at end many of them are agreed sa disisyon ng mga magulang na ipakasal ang dalawa bukod sa kilala na nila ang babae eh sila pa ang nag alaga nito.
Madaling kumalat ang balita sa buong lugar at karatig bayan dahil nga ito ang gusto nila at umabot ito kay Rhian na kasalukuyang nanonood ng balita sa bahay nila.Umiyak siya dahil hindi na nga niya tuluyang makita si Luke ang lalakeng una niyang minahal at isinuko ang kanyang dangal.
Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang kanyang ina at hinagod ang likod niya.
"Anak patawarin mo ako kung ako ang naging daan kung bakit kayo nagkakilala ni Luke at kung bakit ka nasaktan ngayon"ani ng kanyang ina.
Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina at doon tuluyang humagulgol.
"Sige anak umiyak ka lang hanggang sa gumaan ang loob mo"ani pa ng kanyang ina.
"Nay,anong gagawin ko Nay?paano ko matatanggap na wala na sa akin ang lalakeng una kong minahal at pinagkatiwalaan sa buong buhay ko?
"Anak kailangan mong tanggapin dahil ibig sabihin hindi kayo para sa isa't isa,Rhian ang pagkawala niya ay hindi katapusan ng buhay mo.Ang naramdaman mong lungkot at hinagpis ngayon hindi ibig sabihin ay katapusan ng mundo"
"Ang sakit sakit lang po kasi Nay"
"Alam ko,at hindi tayo magiging matatag at malakas kung hindi natin pagdadaanan kung paano ang masaktan"ani ng kanyang ina.
Muli niyang niyakap ang ina habang patuloy paring umiiyak at siguro nga tama ang kanyang ina,na hindi sila para sa isa't isa ni Luke alam niyang mahirap kalimuta ang binata ngunit kailangan niyang pag aralang kalimutan ito.
SAMANTALA kinausap parin ni Luke ang ama upang sabihing gusto niyang makita si Rhian ngunit matigas ang ama.
"I already told you Luke hindi mo na siya pwedeng makita o makausap man lang"
"Dad kahit ngayon lang po please I really wants to say something to her"
"Sige mamili ka Luke ipakaladkad ko sila sa tinitirhan nila at itapon sa kalye o pipilitin mo parin ang gusto mong makipagkita sa kanya?your choice!ani ng ama.
Hindi siya nakakibo dahil kilala niya ang ama kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito.Hindi naman siya mabubuko sa mga ginagawa niya ng palihim kahit noon pa man kung wala itong maraming mata sa labas ng bahay kaya hindi na siya magtataka kung pati ang buhay nila Rhian ay alam nito.At alam din niya sa kanyang sarili na matagal ng alam ng ama niya ang tungkol sa kanila ni Rhian malamang naghahanap lang talaga ng tympo at natympuhan nga sila.Bwisit!!
"What now?hindi ka makapag decide?untag ng kanyang ama.
Tumingin siya sa kanyang ama at siguro kung hindi niya ito ama malamang pinakain niya na ng kanyang kamao.Ayaw naman din niyang masira ang buhay ni Rhian at ina nito dahil sa kanya kaya hindi nalang niya pipilitin ang gusto niyang mangyari.
"Pupuntahan ko lang si Ysa sa kwarto niya Dad"aniya na lamang sa ama.
Nakita pa niyang tumango ang ama at lumabas na siya sa opisina nito at tumungo sa kwarto ng kapatid ngunit magiging asawa niya sa mga nalalabi pang mga araw.Tangina!
Kumatok siya ngunit walang nagbukas ng pinto kaya pinihit ang seradura at kusa ng pumasok at hindi niya nakita ang dalaga sa loob.Akmang lalabas muli ng marinig niya ang pagbukas ng pinto sa bathroom kaya nanatili siyang nakatalikod dahil alam mo na malay niya wala itong damit.
"Luke?tawag ni Ysa sa kanya.
"Can I turn my face right now?tanong niya habang nakatalikod parin.
"Yeah no problem"ani ng dalaga.
Humarap nga siya at nakabalot naman pala ang kapatid.Nilapitan niya ito saka mahigpit niyakap.
"Luke anong gagawin natin?narinig niyang tanong ni Ysa.
Hiniwalay niya ito saka kinulong ang mukha ng dalaga.
"Listen sweetie we need to fight our parents this time,kakausapin natin ulit ang Daddy and tell him na hindi tayo pwedeng magpakasal sa isa't isa because we are siblings even though you're just adapted Ysa"
"Okay Luke"sagot ni Ysa sabay niyakap ang kapatid.
"We can do this sweetie okay?
"Yes Luke at sana magbago ang isip ni Daddy"
"Sana nga Ysa sana nga,okay let's go now you ready?
"Yeah I'm ready"aniya sa binata.
At magkahawak na sila ng kamay upang lalabas sana ng makita nila si Don Manolo nakatayo sa bungad ng pintuan.
"Daddy!?panabay nilang wika.
"Nagkakaintindihan na tayo Ysabelle hindi ba?tanong ng ama nila.
Biglang napalingon si Luke kay Ysa at tumingin din ito sa kanya.Nakikita ni Ysa ang gulat sa mukha ng binata at natatakot siya.
"Luke?
Binitawan ni Luke ang kamay niya at nagsalita ito"pumayag ka?pumayag ka na Ysa na ikasal tayo?
"W-wala na akong magagawa Luke kaya pumayag na ako kahit..."
"Damn iiittttt!!!sigaw ni Luke sabay suntok sa pader.
"Stop being too hard Lucas magpapakasal kayo ni Ysa sa ayaw at sa gusto niyong dalawa dahil iyon ang disisyon ko!anang kanilang ama.
Mabilis lumabas ng silid ang binata dahil hindi niya akalaing ganon kadali bumigay ang dalaga na napapayag itong makasal sila.Akala pa naman niya ito nalang ang magiging kakampi niya ngunit nagkamali siya dahil siya lang pala mag isa ang lumaban all this time.
Diretso siya sa kanyang kwarto at doon nagwala ng nagwala.Naalarma naman ang mga katulong na nakarinig sa kanya ngunit hinayaan lang ng mga ito dahil wala naman silang karapatang makialam sa isyu ng mga amo.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Fiction généraleMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...