Chapter 14

5.2K 93 0
                                    

MATAGAL bago bumalik sa tama ang pakiramdam niya at ngayon medyo okay na siya at pasalamat siyang nasa loob parin ng bathroom si Luke kaya dahan dahan siyang bumangon habang hawak hawak parin ang sikmura.Tumingin siya sa pinto ng bathroom atsaka lumabas ng kwarto at diretso sa main door ng suite binuksan niya ito at hindi naman nakasara kaya malaya siyang nakalabas ng suite.Lumingon pa siya habang patungo sa elevator,pagdating doon ay mabilis pinindot ang elevator patungong number one.Nakahinga lang siya ng maluwag ng makababa na ang elevator at dali daling lumabas ng hotel ni walang pakialam na wala pala siyang suot na sandal o kahit tsinelas man lang basta ang hangarin niyang makaalis na sa mga kamay ni Luke bago pa siya tuluyang mapahamak.
Lakad takbo ang ginawa niya upang makalayo sa hotel at hindi pinapansin na pinagtitinginan siya ng mga tao at hindi narin ininda ang hapdi ng kanyang talampakan dahil sa init ng sementadong daan dahil sa tama ng sikat ng araw.Tumatakbo siyang hindi niya alam kung saan siya pupunta pero hindi parin siya tumigil dahil gusto niya talagang makalayo na ng tuluyan.Ng mapansin niyang nakalayo na siya mula sa hotel at tiyak hindi siya mahahabol ng binata kung sakali mang nalaman nito agad na wala na siya sa suite ay huminto siya sa may iskinita na pinapagitan ng dalawang mini store,doon siya umupo dahil pakiramdam niya napagod siya sa kakatakbo.Pinag
pawisan din siya dala ng init ng araw.
"Aah..aah.."hingal niya.
Samantala,saka pa napagpasyahan ni Luke lumabas ng bathroom,paglabas niya wala ang dalaga sa kinahihigaan nito kanina kaya tumuloy siyang lumabas ng silid at hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga.
"Ysa?Ysa!?tawag niya sa dalaga.
Pero walang sumagot kaya gumawi siya sa terrace kung saan madalas niyang nakikita si Ysa doon.Pero wala ang dalaga kaya muling pumasok at nagtawag ulit.
"Ysa!?Ysabelle!?tawag niya pero walang sumagot"damn it!!aniya at tumungo sa mini kitchen pero walang tao at mga pagkain lang ang nadatnan niya sa mesa.
"Shit!!Ysabeeeellllleee!???malakas niyang tawag habang palinga linga sa loob ng suite pero ni anino ng dalaga hindi niya mahagilap.
Pumunta ito sa toilet at agad binuksan pero wala din doon ang dalaga.
"Bullshiiiittttt!!!Ysa malilintikan ka sa akin ngayon kapag nalaman kong pinagtataguan mo ako!!malakas niyang wika at hinalughog na ang buong hotel room pero sadyang wala nga ang dalaga.
"Ysabeeeelllleeee!??Ysaaaa!????tawag niyang muli.
Akmang papasok siya ulit sa silid ng mahagip ng kanyang mga mata na nakaawang ang pinto sa labas kaya agad niyang tiningnan ang sandal ng dalaga nandon naman sa lagayan nito.Mabilis siyang tumungo sa pinto atsaka lumabas at nagpalinga linga sa hallway pero walang katao tao.Nalintikan na saka niya na realize baka tumakas ang dalaga kaya agad siyang pumasok ulit saka nagsuot ng sapatos at kinuha ang susi ng kotse na nirentahan niya upang may magamit siya dito.Saka mabilis tumungo sa elevator at saktong sa floor nila naman huminto ang elevator kaya agad siyang pumasok ni hindi na nginitian ang guest man rin sa hotel na ngumiti sa kanya,pinindot ang number one at hindi siya mapakali habang pababa ang elevator napapahilamos pa ito ng mukha.
"Come on!come on!!hurry up!!nanggigigil niyang usal.
Pagdating niya sa baba mabilis lumabas ng suite at hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga sa paligid pero wala ito at hindi niya makita kaya tumungo siya sa parking lot agad binuksan ang kotse saka sumakay at pinaharurot palabas ng hotel.Nasa kalsada na siya at naghahanap ang kanyang mata sa mga tao sa gilid ng kalsada baka makita si Ysa.
"Fuck you Ysabelle!!mura niya sa sarili.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at ng mapansing medyo nakalayo na siya mula sa hotel ay nag park sa tabi ng kalsada atsaka umibis ng kotse at naghanap sa mga iskinitang nadadaanan.At tinitingnan ang bawat taong dumaraan dito pero ni buhok ni Ysa hindi niya mahagilap.
"Miss have you see a filipina woman passing here?tanong niya sa medyo may katandaan ng babae.
"A filipina woman?there's a lot of filipina women here young man so which of them that you're talking about?ani ng babae.
Natahimik naman siya dahil out of mind na siya while asking those stupid question"ahm..yeah you're right..I'm sorry"hinging paumanhin niya dito at bahagya pang yumukod.
Tumango lang ang babae sa kanya at nagpatuloy na ito sa paglalakad.Napa
suklay siya sa kanyang buhok gamit ang daliri habang nagpapalinga linga parin sa paligid.
"Ysa"wika niya ng makita ang babaeng palabas galing sa mini store.
Mabilis niya itong nilapitan saka hinawakan kaagad sa braso at marahas niya itong pinaharap sa kanya.
"Ysa how da..."
"Hey what the fuck do you think you're doin'?asik ng babae sabay binawi ang braso nitong hawak hawak niya.
"Oh I'm sorry I thought you're someone that I used to know I'm sorry Ma'am"hinging paumanhin niya sa babaeng medyo may itsura din naman.
"Someone my butt!!irap ng babae sabay iwan sa kanya.
Napakamot naman siya ng ulo habang sinusundan niya ng tingin ang babae.Saka niya napagtantong namamalikmata lang ata siya kanina dahil sa kagustuhang makita si Ysa.Kasi hindi naman yon ang damit na suot ng dalaga kanina at nakita niyang naka heels naman pala ang babae.Nyeta!
"Taray kala mo naman kagandahan eh mas maganda pa yata yung hinahanap ko ngayon!wika niya sa sarili sabay sipa ng maliit na bato sa kinatatayuan niya"bullshit"mura pa niya dahil sa inis sa babae at sa takot niyang nawawala si Ysa.
Naglakad lakad siya sa daan nagbabakasakaling makita si Ysa pero nakalayo na siya sa kotse niya ay hindi parin niya ito makita.Kaya bumalik siya sa kotse at muling sumakay at kung saan niya hahanapin si Ysa iyon ang hindi niya alam.
HABANG si Ysa naman ay hindi niya alam kung saan na ba siya ngayon,at sabihin pang wala siyang alam sa bansang ito.Basta ang alam niya nakakalayo na siya sa hotel at kung saan siya mapadpad bahala na.Masakit narin ang kanyang mga binti sa kakalakad pati ang paa niya nangangalay na pero wala siyang pakialam basta makatakas lang siya.
"Diyos ko tulungan nyo po ako"mahina niyang usal habang naglalakad na nakapaa lang.
Muli siyang naglakad at hindi alintana ang mga taong ngumingisi habang tinitingnan siya,siguro sa isip ng mga ito isa siyang manglilimos o pulubi.Sabagay hindi rin naman niya kilala ang sarili niya kaya ayos lang.Luluwa ang eyeballs ng mga taong tumitingin sa kanya at waley siyang pakialam dahil hindi alam ng mga ito kung anong pinagdadaanan niya ngayon.
Maghahapon nalang at hindi parin nahahanap ni Luke si Ysa at hindi din siya umuwi sa hotel mula pa kanina sa kakahanap sa dalaga.
"Ysa where are you? I swear to God I will kill you oras na mahanap kita babae ka!!gigil niyang wika.
Nagpatuloy siya sa paghahanap kay Ysa at ngayon ay pinapakita na ang picture ni Ysa sa bawat taong nakakasalubong niya.Pero parating iling at no lang ang sagot ng mga ito.
"Damn it where the hell are you Ysabelle Rose!!!usal niya habang napapasabunot sa buhok.
Umabot na sa gabi ang paghahanap niya sa dalaga,at hindi siya kumain ng breakfast,hindi rin kumain ng lunch at ngayon mag 9:00 PM na hindi parin siya kumakain ng dinner.Nagutom na siya at ngayon niya naranasan ang magutom so ganito pala yung feeling na gutom ka.At ngayon niya batid ang nararamdaman ni Ysa nung hinayaan niyang hindi makakain.Masakit at mahirap pala.Kasalukuyan siya sa loob ng resto at umorder ng pagkain dahil hindi niya na kaya ang gutom niya.Hindi niya alam pero bigla nalang siya lumuha habang nakaharap sa mga pagkaing inorder niya at dahan dahang sumubo.
"Stupid!mahina niyang mura at hindi niya alam kung para saan o kanino iyon.
Hindi niya naubos lahat ng mga pagkain dahil wala siyang ganang kainin ang mga yon,siguro kumain lang ng konti para magkalam lang ang sikmura niya,pagkatapos magbayad ay umorder pa ng mga pagkain para i-take-out at ng okay na ang lahat ay lumabas na siya at diretso sa kotse at nilagay sa back seat ang mga pagkaing inorder niya.Saka muling pinasibad ang kotse at nag patuloy sa paghahanap kay Ysa.Nakarating siya sa open park at nakita niya maraming tao kahit ganitong oras na kaya nagpark siya sa gilid at umibis ng kotse.Saka naglakad papasok sa para at nagpalinga linga sa paligid na baka matsambahan niyang makita ang dalaga.
Halos nalibot ang buong park pero hindi niya nakita si Ysa at nag-alala na siya ngayon because it's getting late already at baka kung nasaan na napadpad si Ysa,wala pa naman itong alam dito at isa pa paano nagawang umalis ni Ysa ni tsinelas wala?baliw ba yon?
"Aaaahhh!!!sigaw niya habang sinipa ang damuhan.
"Dude what's wrong?tanong ng ka edad niya yatang lalake na may kasama itong babae.
Nilingon niya ito at tumingin din sa babae saka siya sumagot"No!Nothing"aniyang pilit ngumiti saka naglakad na.
Malamang isipin ng mga ito eh baliw siya,care niya ba walang alam ang mga ito kung anong problema niya ngayon.Muli siyang sumakay sa kotse niya at pinatakbo na naman kahit saan na basta kailangan niyang mahanap si Ysa within 24 hours kundi patay siya sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama.At hiniling din na sana hindi tatawag ang mga magulang niya ngayon,bukas o hanggang sa hindi niya makita ulit ang dalaga dahil pag nangyaring malaman nila ang tungkol sa pagkawala ng dalaga malamang makakapunta ang Don sa Los Angeles na hindi sasakay sa eroplano.
Sobrang pagod na pagod na si Ysa sa kakalakad na hindi niya alam kung saan siya pupunta,nakaramdam narin siya ng gutom dahil mula pa kanina hindi siya nakakain pero wala siyang ka pera pera.Habang nagpalinga linga may nakita siyang park sa bandang kaliwa niya kaya tumungo siya doon,medyo matao naman kaya hindi siya matakot manatili dito.Umupo siya sa may bench na medyo may kadiliman at bihira ang tao.Dahil napagod siya sa buong maghapong kakalakad kaya naisipan niyang humiga,ginawang unan ang kanyang braso at pabaluktot humiga at unti unting pinikit ang mga mata kahit kumakalam na ang sikmura at nahihirapan sa posisyon niya ngayon ayos lang dahil gusto niyang magpahinga.At kahit nilalamig hindi narin ininda iyon kahit nga ang pananakit ng talampakan binaliwala niya na lang siguro kung dito na siya mamamatay edi okay para wala na siyang problema pati si Luke.Napaluha siya ng sumagi sa isip niya ang binata kung paano siya nito pahirapan.Lumuluha siya habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Hindi niya namalayang nakatulog nga pala siya at kung ilang minuto o oras ay hindi niya tiyak basta naramdaman na lamang niya ang pamamanhid ng kanyang braso at lamig na nanunuot sa kanyang katawan kaya lalo siyang napabaluktot upang hindi masyadong lamigin at ikinilos lang ng bahagya ang kanyang braso.Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng mga yabag ng taong papalapit yata sa pwesto niya pero hindi siya gumalaw at pinakiramdaman niya lang ito at kunwaring nakapikit ang mga mata.Palapit ng palapit ang mga yabag kaya medyo nakaramdam siya ng kaba dahil parang hindi lang isang tao malamang dalawa o tatlo.At naramdaman niyang huminto sa tapat niya saka nagsalita ang tao.
"She looks like a beggar bro"anang boses.
"Yah right a homeless one,but wait she kinda pretty gal come take a look at it bro"anang isang boses.
Namalayan niyang hinaplos nito ang braso niya kaya malakas niya iyon hinampas saka kaagad bumangon.
"Whooaa!!wait..wait"anang lalake.
"Stay away from me!utos niya sa dalawang lalake.
Pero ngumisi ang mga ito sa kanya at nagtinginan kaya kinakabahan siya.Mabilis siyang tumayo para iwanan ang mga ito na mukhang manyakis,dinaig pa yata si Luke.Pero naramdaman niyang hinawakan siya sa braso ng isang lalake kaya agad siyang lumingon saka sinampal ang lalakeng humawak sa kanya.
"How dare you touching my arm with your dirty hand!!asik niya sa lalake.
Pero sa gulat niya ay kinaladkad siya ng dalawang lalake papunta sa madilim na parte ng park.
"You'll see what we're going to do with you young lady!!ngising wika ng lalakeng nasampal niya.
"Nooooooo!!!!! Let me goooooo!!!pagpu
pumiglas niya habang kinaladkad siya ng dalawang lalake.
Pagdating sa liblib ng park ay pabalya siyang tinulak ng dalawa kaya napaupo siya sa damuhan at napapaatras siya at natatakot sa maaaring mangyari sa kanya ngayon.
"Go away you piece of shit!!!aniyang mabilis tumayo.
Saka tatakbo sana pero nahawakan ng lalake ang damit niya dahil malakas ang pagkahawak ng lalake at bilis din sana ng kanyang takbo ay napunit iyon.
"Aahh..dammmnn youuu!!!sigaw niya at napaupo ulit.
Nabigla siya ng mabilis siyang kinubabawan ng isang lalake na humablot ng damit niya.
"Noooooooooooooo!!! Let me gooooo!!sigaw niya habang pinagsusuntok at pinagsisipa ang lalake at umiiyak na dahil sa isip wala hindi niya kaya ang mga ito"Luuukkkkeeee!!natawag nalang niya ang pangalan ng binata habang umiiwas na halikan ng lalake.
"Shut up!!!anang lalake at akmang hahalikan siya nito ng may nagsalita sa bandang ulunan niya.
"Try to kiss her or else I'll blow your brain out of your head!!matigas na boses ang narinig niya.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon