Chapter 23

5K 93 1
                                    

PAGKATAPOS niya mag bathroom ay lumabas na ito at wala na si Luke sa kwarto kaya lumabas siya upang tumungo sa isang kwarto upang kunin lahat ng kanyang gamit doon at ilipat sa kabilang kwarto kung saan doon siya matutulog.Kumatok pa siya sa pinto pero walang nagbukas kaya pumasok na siya at wala ngang tao sa loob,sa isip niya malamang nasa kusina si Luke kumakain ng breakfast.Sa naisip ay hindi nalang siya tumuloy at bumaba na para ipaghanda ito ng sa ganon may silbi man lang siya para sa binata kahit tinanggalan na siya nito ng karapatang magsalita o hingin ang opinyon niya.Pagbaba niya'y tumungo agad sa kusina pero wala parin palang tao kaya tinawag niya ang binata.
"Luke!??tawag niya habang naghahanap ang kanyang mga mata sa paligid.
"Lucaassss Kenneetthhh!??muli niyang tawag para lumabas kung sakaling tinawag siya ng ganon.
A couple of seconds hindi parin lumabas kaya tumungo siya sa labas ng Villa at nakita niyang wala kotse sa garahe kaya malamang wala dito ang binata.Pumasok siya ulit sa loob na makikita ang pagkadismaya sa mukha niya.Umupo siya sa sofa at sinandal ang likod at tumingin sa taas,dahan dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata,kung bakit niya ginagawa iyon hindi niya alam.Pagkatapos niya ay gumawi siya sa kusina upang kumain ng breakfast kahit mag isa dahil pagkatapos niyang kumain simulan niya ng ilipat ang mga gamit niya sa kabilang kwarto since wala naman din siyang gagawin kaya igugol niya nalang ang oras sa paglipat ng personal things niya para wala ng problema ang binata.
Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan muna ang pinagkainan saka umakyat na sa kwarto ni Luke at inumpisahan na ang trabaho.Mas mainam dahil wala masyado siyang iisipin sa buong araw o kailan man niya matapos gawin ang mga ito.
HABANG si Luke ay dinaig pa ang secret agent sa pagsusubaybay sa kaibigan niyang si Brix upang makakuha ng impormasyon tungkol sa dalaga.Hindi niya ito kakausapin pero aalamin niya ang nilipatang tirahan ni Rhian sa pamamagitan ng kaibigan dahil mula ng umalis ang mga ito sa dating tirahan nila ay wala na siyang balita and now this is his big chance para muli silang magkausap ni Rhian.Hindi nagtagal lumabas nga ang kotse ni Brix mula sa garahe nila at bahagya siyang yumuko upang hindi siya mapansin nito.Pagtakbo ng kotse ay dahan dahan niya itong sinundan,lumabas na ang kotse ni Brix sa subdivision nila at nasa highway na.Sinusundan parin niya ito na hindi siya nagpapahalata.Mga ilang minutong pagpapatakbo ng kotse ay huminto ito sa isang Apartment.Umibis ng kotse ang kaibigan at yumuko siya ulit para hindi siya nito mapansin.Hindi siya bumaba ng kotse at hinihintay niyang muling bumalik ang binata at kapag kasama nito si Rhian so hundred percent dito nakatira ang mag-ina.Naghintay pa siya ng ilang minuto at hindi nagtagal ay bumalik nga ulit si Brix at kasama na nito si Rhian.Nakita niyang pinagbuksan ito ng kotse ni Brix sa front seat at gumawi ito sa driver's seat saka pinaandar ang kotse at umalis na.
Pero siya hindi na sumunod at nanatili siyang naka park sa may gilid ng kalsada dahil mamay niya aabangan ang dalaga sa pagbalik nito.Kaya umupo lang siya sa loob ng kotse niya at maghihintay siya doon kahit ilang oras basta magkausap lang sila ni Rhian.
Habang sina Brix at Rhian ay patungo sa mall dahil may bibilhin si Rhian na regalo para sa kaarawan ng nanay niya at nagmamagandang loob naman si Brix na sasamahan siya nito kaya pumayag nalang siya,sayang pa ang pambayad niya sa taxi kung magpapakipot pa siya.
"Anong bibilhin mo sa nanay mo babe?tanong ni Brix.
"Wala ka bang idea babe?ngiti niyang tanong.
"A necklase?what do you think?tanong ni Brix sabay lingon sa dalaga.
"Uhm maganda rin kaso hindi afford ng bulsa eh,iba nalang kaya"
"Pwedeng ako na ang bibili babe?ani ni Brix.
"Babe ano ka ba sobra sobra na ang nagawa mong tulong sa amin,pati pagbili ng apartment Diyos ko po hindi ako makakabayad ng utang sayo promise!ani ni Rhian.
"Isa lang naman ang gusto ko sana yung oo mo ay sapat ng kabayaran yon sa lahat ng naitulong ko o maitutulong ko pa para sa inyo"
"Brix bakit mo ginagawa ang lahat ng ito sa kabila ng mga nangyari sa akin?Karapat dapat ba talaga ako sa pagmamahal mo?
"Because I love you kaya ko ginagawa ito at tinatanggap ko kung ano ka man Rhian.You surely deserves everything babe because you are worth it"ani ni Brix sabay hawak sa kamay niya.
Ngumiti lang siya sa binata at sana kung pwedeng turuan ang puso kung sino ang mamahalin at iibigin nito ay gagawin niya dahil si Brix ay hindi mahirap mahalin.Pero ang problema ay sa kanya mismo dahil hanggang ngayon ay umaasa parin siya.Tama kayang aasa parin siya kahit nalaman niyang mahal na ni Luke ang asawa nito?
"Nanahimik ka na dyan is there something bothering you?untag ni Brix.
"Ah ahm w-wala naman may naalala lang ako"aniya sabay tingin sa labas.
"That guy?tanong ni Brix.
Nilingon niya ito atsaka mapait ngumiti.
"Ganon pala yon noh kapag mahal mo ang isang tao magiging bingi at bulag ka na para sa iba"aniya.
"Gaya ko?
"Hindi!gaya ko,dahil nagiging bingi na ako sa mga magagandang sinasabi mo at nagiging bulag na ako sa mga mabubuting nagagawa mo dahil siya parin ang mahal ko"aniyang nagbabadyang tumulo ang luha.
"Hindi naman talaga ganon kadaling kalimutan ang taong malaki ang naging bahagi sa buhay mo Rhian,pero hindi rin sapat na dahil yon para kalimutan mo narin ang sarili mong kaligayahan"ani ni Brix.
"Salamat Brix sa pang unawa at sa matiyagang pakikisama sa akin kahit ganito kagulo ang utak ko"
"Nandito ako para tulungan ka hindi man para sa akin kundi para sa sarili mo na lang"
"Hayaan mo pag aaralan kong kalimutan siya,lalo pa at batid kong masaya na siya"
"You can do it babe little by little makakalimutan mo rin siya"
Tiningnan niya ito at nakokonsensya siya dahil nililihim niya hanggang ngayon kahit natuklasan niyang magkaibigan ang dalawa.Pero may araw din na sasabihin niya kay Brix kung sino ang lalake sa nakaraan niya.Dumating na sila sa mall at kaagad umibis ng kotse si Brix at pinagbuksan siya nito ng pinto.
"Thank you"aniyang nakangiti sa binata.
"You are always welcome babe"ani ni Brix at sabay na silang pumasok sa mall.
SAMANTALA abala parin si Ysa sa pag organize ng mga gamit niya at sa ilang oras niyang pag aayos ay konti nalang ang dapat niyang gawin,kaya nagpahinga muna siya sandali at bumaba para uminom ng tubig.Pero malayo pa lamang ay nakita niya sa window glass na may kotse sa labas at kotse ng mga magulang nila kaya agad siyang bumalik sa kwarto upang i-lock iyon baka aakyat ang mga ito at makita yon tatanungin pa siya ng mga magulang mahirap na.Pagbaba niya diretso siya sa kusina at ilang sandali pa nga nag doorbell na ang mga ito kaya tumungo siya sa pinto upang pagbuksan ang mga magulang.
"Daddy!Mommy!kunwari nagulat pa siya at agad niyakap ang mga ito.
"Hija bakit parang ang dungis dungis mo?tanong ng Don.
"Ah hindi naman po Daddy"aniyang nakangiti.
"Ibig sabihin ng Daddy mo parang pawis na pawis ka hija,si Luke andyan ba?tanong ng ina sabay pumasok na sila sa loob.
"Ganon po ba may inayos lang po kasi ako sa kwarto namin pero natapos na po,umalis po si Luke Mommy"aniyang nakasunod sa mga magulang.
"Bakit hindi ka nagpatulong kay Luke"ani naman ng Don.
"Hindi po Daddy kaya ko naman po eh"
"Bakit umalis si Luke at saan daw pupunta?tanong naman ng ina sabay umupo na sa sofa.
"Aahm makipagkita daw po kay Brix"pagsisinungaling niye eh siya man hindi alam kung saan yon pumunta.
"Ganon ba?maayos naman ba kayo dito?tanong ulit ng ina.
"Yes Mommy ayos na ayos kami dito,anyway gusto nyo po bs ng maiinom?ipaghahanda ko kayo"aniya sa mga magulang.
"Huwag na hija busog pa kami nagpunta kami dito para ikumusta at tingnan ang kalagayan nyo"sagot ng ama.
"Okay lang po kami Daddy wala naman kaming problema"sagot niya.
"Good to heard that kapag may problema ka kay Luke o dito sa Villa tawagan mo lang kami okay?ani ulit ng Daddy niya.
"Okay po Daddy thanks for always with us through this time"
"No problem hija anak namin kayo kaya suportado namin kayo"ani ng ama sabay yakap kay Ysa.
May bahid ng lungkot ang mga mata niya ngunit pinilit niyang ikubli sa harapan ng mga magulang dahil ayaw niyang malaman ng mga ito na hindi maayos ang samahan nila ni Luke.At hanggat kaya niyang maglihim at itago gagawin niya para walang magiging problema sa kanila ang mga magulang.Nagpapasalamat siya at hindi namasyal sa loob ng Villa ang mga magulang kaya wala siyang dapat ipangamba at maya't maya pa ay nagpapaalam na ang mga ito upang umuwi.
"Mag-ingat po kayo Daddy,Mommy and next time tatawagan nyo nalang po ako kung gusto nyong ikumusta kami dito"aniya.
"Okay hija thank you!gusto din kasi namin mamasyal dito paminsan minsan"ani ng ina.
"Bakit anak ayaw mo bang pumupunta kami ng Mommy mo dito?tanong naman ng ama.
Niyakap niya ito agad at hinalikan sa pisngi"hindi naman sa ganon Dad gusto ko nga eh na palagi tayong magkasama ang iniisip ko lang po kasi ang kalusugan nyo baka mahilo kayo or whatever dahil sa palaging pagbibiyahe"aniya sa ama.
"Naku hija don't worry about me makikita ko pa ang isang dosenang magiging apo ko dahil malakas pa ako"birong wika ng Don.
"Si Daddy talaga oh sige na nga kahit dalawang dosena pa yan basta ba palagi kayong andyan para sa amin..para sa akin Daddy,Mommy"aniya sa mga magulang.
Niyakap naman siya ng mga magulang at tila sinasabing nandito lang kami para sayo kaya gumagaan ang loob niya sa yakap at haplos ng mga magulang na alam niyang walang bahid ng pagkukunwari.Ramdam niyang ampon man siya pero mahal na mahal siya ng mga ito.Kumaway pa siya sa mga magulang bago tuluyang makaalis ang mga ito at ng mawala na sa kanyang paningin ay matamlay siyang pumasok ulit sa loob ng Villa.Sa isip niya kung maibabalik niya lang ang nakaraan hindi ganito ang gusto niya para sa kanyang sarili at para kay Luke,pero dahil siguro sa malaking utang na loob niya at dumugtong sa buhay niya ang pamilyang ito kaya hindi niya magawang magalit o suwayin ang kahilingan ng ama.Sa isiping yon hindi niya tuloy maiwasang magkimkim ng sama ng loob para sa tunay niyang mga magulang,na kung hindi siya iniwan kahit saan siguro hindi magiging ganito ang kapalaran niya.Siguro hindi niya nakikilala,nakakasama at naging asawa ang lalakeng nagdulot ng sugat sa kanyang puso pero lihim niyang minahal.Kabaliwan nga talaga na kasama mo siya araw at gabi pero iba ang nilalaman at tinitibok ng puso nito.
Umakyat siyang muli sa ikalawang palapag habang umiiyak dahil hindi niya alam kung kanino dapat magalit dahil sa kalagayan niya.
PAGKATAPOS nabili ni Rhian ang regalo para sa nanay niya ay hinatid din siya ng binata sa tirahan nito.At si Brix din sa bandang huli ang bumili ng regalo dahil mapilit ito at yung dapat daw niyang ipambili para sa nanay niya ay pwede niyang gamitin para sa ibang bagay.Tumanggi man siya eh wala ding magawa kesa naman tuluyang magalit ang binata dahil kapag ayaw daw nito eh magagalit ito sa kanya bagay na ayaw naman niyang mangyari yon,ito na nga lang ang nagtitiyaga sa kabaliwan niya mawawala parin ba?
"Salamat ulit Brix ha at sa susunod huwag ka ng mag offer sa akin kundi ako na naman ang magagalit sayo gets mo?biro niya.
"In one condition kung sasagutin mo ako then hindi ko na gagawin"
"Bakit kung mag on na tayo wala ka ng ibibigay sa akin?
"Meron of course yung mamanahin ko"
"Loko loko!sige na nga mauna na ako at mag ingat ka ha?ngiting wika niya sa binata.
"Ano na?tanong niya sa dalaga.
"Maghintay ka lang babe darating din tayo dyan okay?aniya sa binata at hinalikan ito sa pisngi bago pumasok sa gate.
Kakamot kamot naman ng ulo si Brix habang sinundan ito ng tingin atsaka bumalik na sa kotse niya upang uuwi na sa kanilang bahay.
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang dalawa pero ayos lang wala naman silang relasyon kung hindi pa nga niya alam malamang pagkakamalang magnobyo ang dalawa dahil sa sweet ang mga ito sa isa't isa.Pagka-alis ng kotse ni Brix saka siya umibis ng kotse niya nagpalinga linga pa sa paligid habang patungo sa bahay ng dalaga.Pagdating doon ay pinindot niya ang doorbell,makailang pindot siya saka pa may nagbukas ng pinto.
"Br...Luke!?gulat niyang wika pagkakita kay Luke.
"Hi Rhian"ngiting bati niya sa dalaga.
"A-anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman kung saan kami nakatira ngayon?ani ni Rhian.
"Can I come in first?tanong ni Luke.
"Hindi ko alam kung kung bakit ka naparito Luke at ang kagaya mong may asawa na dapat inilalayo na ang sarili sa maaaring makita ng mga tao"aniya dito.
"I just want to talk to you Rhian"aniya sa dalaga.
"Tungkol saan?
"Hindi mo ba talaga ako pwedeng patuluyin muna?
"Rhian anak sino yan?tanong ng ina ng dalaga.
Nilingon ito ni Rhian at tumingin din si Luke sa papalapit na ginang.Nagulat pa ito ng makilala kung sino ang nasa pintuan nila.
"Luke!?usal niya.
Nahihiya man si Luke pero pinilit paring ngumiti at bumati sa ginang.
"Magandang araw po Aling Ofelia"aniya sa ginang.
Nagkatinginan ang mag-ina atsaka sinagot niya din naman ito.
"Magandang araw din sayo Luke,ano't napasyal ka yata?tanong ng ginang.
"Gusto ko lang po sana makausap si Rhian kung pahihintulutan nyo Aling Ofelia?
"Para ano pa ang pag uusapan nyo Luke eh may asawa ka ng tao kung ano man ang nakaraan nyo ng anak ko siguro hanggang doon na lamang iyon"ani ng ginang.
"May gusto lang po sana akong linawin Aling Ofelia"
"Malinaw na ang lahat para sa anak ko katunayan nyan pinilit ka ng kalimutan ng anak ko dahil iyon naman talaga ang dapat"ani ulit ng ginang.
"Nay tama na po,ako na lang po ang kakausap kay Luke kung ayos lang sa inyo Nay?ani ni Rhian.
Tiningnan siya nito at tumingin kay Luke"sige pagkatapos pauuwiin mo na yan mahirap na baka may makakakita sa kanya dito kung ano pang masabi ng mga tao sa atin"ani ng ginang at pumasok na sa silid nito.
"Sige po Nay salamat"pahabol niyanh wika at hinarap si Luke.
"Pumasok ka muna pero sana hindi ka magtatagal Luke"aniya dito sabay pinapasok ito.
"Thank you Rhian"aniyang sabay pumasok at umupo sa sofa.
"About the other day Rhian I just want to make it clear to you"umpisa niya.
"Tungkol saan?
"Hindi totoong napamahal na sa akin ang asawa ko at lalong hindi totoong mahal ko na siya"aniya dito.
"Anong ibig mong sabihin?
"Sinabi ko yon dahil nagseselos ako sa inyo ni Brix dahil I thought all along may relasyon kayo pero nung umalis ka sinabi lahat sa akin ni Brix kung anong status nyong dalawa"
Napayuko si Rhian dahil akala niya paniwalanh paniwala si Luke sa mga nakikita nito tungkol sa kanila ni Brix.
"Rhian tell me kaya ba hanggang ngayon hindi mo pa sinasagot ang kaibigan ko dahil mahal mo parin ako?
Tumingin ito sa kanya at sumagot"ayokong magsinungaling Luke oo mahal parin kita hanggang ngayon pero hindi sapat na dahilan ang pagmamahal ko para sirain ang pamilyadong tao"
"Rhian I can divorce my wife anytime kung ipapangako mong may babalikan ako sayo"
"Hindi Luke,kahit makipaghiwalay ka pa sa asawa mo hindi parin tayo pwedeng magsama,alalahanin mo kaya kayo nakasal dahil ayaw sa akin ng Papa mo"
"Ipaglalaban kita ngayon Rhian kung iyon ang kinakailangan"
"Luke kung magagawa mo akong ipaglabang ngayon sana nagawa mo na yan noon at sana hindi tayo umabot sa ganito"
"I'm sorry Rhian kung wala akong sapat ng lakas ng loob para ipaglaban ka sa Daddy ko noon pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong magawa ko yon ngayon"
"Patawarin mo ako Luke pero ayoko na,kung ano man ang nakaraan natin ay hanggang sa nakaraan na lang yon,huwag na nating dugtungan lalo pa't marami tayong taong masasaktan"aniya dito.
"Rhian alam mong ikaw ang mahal ko at hindi iyon nagbabago"
"Luke makontento ka na sana kung anong meron ka ngayon huwag mong piliting mapasaiyo ang bagay na akala mo mahalaga sayo"
"Mahalaga ka sa akin Rhian that's why I'm doing all this things don't you get it?
Ngumiti si Rhian sa kanya atsaka sumagot ito"tumingin ka sa paligid mo Luke,tingnan mo ang mga taong nakapaligid sayo pakiramdaman mo ng mabuti na walang ibang laman ang isip mo kundi sa iisang tao,ang taong tinutukoy ko ay ang asawa mo Luke"
"Hindi kita maintindihan"
"Hindi mo ako maintindihan dahil ayaw mong intindihin pero subukan mong intindihin ako,malalaman at mahahanap mo ang katahimikan sa puso mo"
"Ikaw lang ang laman ng puso ko Rhian at ikaw lang ang gusto kong makasama kahit ano pang sabihin mo,mahanap ko lang ang katahimikan na sinasabi mo kung magkasama na tayo"
"Makakaalis ka na Luke at sana ito na ang una't huli mong pagpunta dito at sana ito na ang huli nating pagkikita"aniya kay Luke sabay tumayo na ito.
"Rhian please!
"I'm sorry Luke"
"Dahil ba mahal mo na siya?
"Tama si Brix sa sinabi niyang...hindi sapat na dahilan ang pagmamahal ko sayo para kalimutan ko ang sarili kong kaligayahan.Susubukan kong mahalin ang tao na wala akong masasaktang iba Luke"aniya sabay tumungo na sa pinto.
Hindi pa man siya nakarating sa pinto ay may nag doorbell na.Nagkatinginan sila at tumayo na si Luke mula sa pagkakaupo si Rhian naman ay diretso na sa pinto upang pagbuksan ang nasa labas.Pagbukas niya ng pinto ay gayon na lamang ang gulat niya at ganon din si Luke ng makita kung sino ang nasa pintuan.Nanlaki rin ang mga mata ng bagong dating ng makita si Luke sa loob ng bahay ni Rhian.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon