UMIIYAK siya habang pauwi ng kanyang bahay weekend naman kaya dapat wala siya sa opisina pero ang akala niya kasi importanteng tao ang kakausapin niya kung sana alam niyang si Manolo iyon sana hindi siya nag aksaya ng oras.
"Miss Veron ayos lang po ba kayo?tanong ng driver niyang matagal ng nagtatrabaho sa kanya.
Nagpunas siya ng luha atsaka tumingin sa labas ng bintana ng kotse.
"Ayos lang ako Mang Elmer"sagot niya dito.
Tumango lamang ang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sila sa kanya Mansion,pinagbuksan siya ng driver ng kotse ngumiti lang siya dito sabay diretso na sa loob ng Mansion.Wala siyang nadatnang tao sa living room mas mainam narin yon dahil gusto muna niyang mapag isa for quiet sometimes dahil pakiramdam niya bumabalik lahat ng sakit na pinagdaanan niya noon.Kaya diretso siya sa kanyang kwarto at kaagad nag lock ng pinto.Matalik na magkakaibigan ang kanilang mga magulang at katunayan ninang at ninong nila ang mga magulang ng isa't isa.Kaya magkaibigan at naging magkasintahan sila ni Manolo noong kabataan nila,na hindi naman tutol ang mga ito,pangarap nilang bumuo ng masayang pamilya oras na magtapos sila ng pag-aaral at makuha ang kursong gusto nila.Hinintay nilang matupad ang pangarap nilang maging professional at iniiwasang may mangyari sa kanilang dalawa.Pagkuha ng kurso ni Veronica ay sabay namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang,she was very down that time at tanging si Manolo at mga magulang nito ang karamay niya.Mula din noon sa mga Alcantara na siya tumira at matagal siya nagluksa sa pagkawala ng mga magulang,mabuti at palaging nasa tabi niya si Manolo ang nagpapalubag ng bigat ng kalooban niya.
At hindi naglaon unti unti siyang bumalik sa dati at tandang tanda pa niyang kaarawaan niya noon ng may mangyari sa kanila ni Manolo,isang beses at ang isang beses ay naging dalawa at ang dalawa ay naulit pa ng naulit,naging masaya naman sila katunayan nagpa plano na sila ng kanilang kasal bagay na sinang ayunan naman ng mag asawang Alcantara.Handa na ang lahat para sa kanilang kasal ngunit kinabukasan ang araw ng kanilang kasal ay pinasok siya ng pinsan ni Manolo sa sarili niyang silid dahil may gusto din ito sa kanya na tinanggihan niya ang pag ibig nito dahil si Manolo ang mahal niya.Wala ang mag asawang Alcantara ng gabing yon at wala din si Manolo.Nanlaban siya ng gusto nito siyang gahasain nagmamakaawa na huwag ng ituloy pero demonyo na yata ito hindi naglaon ay nahubaran na siya nito pero pilit parin niyang lumaban at dahil sa panlalaban niya ay sinuntok siya sa sikmura bagay na nagpahina sa kanya at pinaghahalikan na siya nito sa buong mukha.
Sa oras na yon akala niya makukuha na siya pero laking pasasalamat niya ay dumating si Manolo.Pero...
"Anong ibig sabihin nito!?galit na tanong ni Manolo.
"M-Manolo"nanghihina niyang tawag sa nobyo.
"Manolo lalake din ako natutukso lalo na kung babae pa mismo ang nagpapakita ng motibo"anang pinsan niya.
Napatda siya sa narinig mula sa pinsan nito at agad tumingin kay Manolo at gayon na lamang ang galit sa mga mata nito.
"Manolo hindi totoo yan maniwala ka sa akin.Pinaso..."
"Walang hiya babae!! Talipandas! Ngayon pa nga lang magawa mo na akong pagtaksilan paano pa kaya kung mag asawa na tayo!??asik ni Manolo sabay hablot sa kanya patayo.
"Hindi totoo yan Manolo maniwala ka sa akin hindi ko magawang lokohin at pagtaksilan ka maniwala ka!umiiyak wika.
Ngunit sadyang nabulag na si Manolo dahil sa sinabi ng pinsan nito at sabihin pang hindi lingid dito na pinopormahan din siya ng pinsan nito.Kinaladkad siya palabas ng bahay at walang pakialam si Manolo kung makitaan man siya.Inilabas siya ni Manolo sa gate at minamaliit ang pagkatao niya sabay tinulak pa siya nito at napasubsob sa kalsada.
"Isa kang haliparot Veronica!! Mahinhin pero puta pala balak mo pa kaming tuhugin ng pinsan ko? Bakit hindi ka ba nakokontento sa akin? Ganyan na ba kasakim sa ari ng lalake ang ano mo ha!???sigaw ni Manolo.
Umiiyak na siya sa mga masasakit na salitang binitawan nito ganon pa man pinakiusapan parin niya ito pero wala na dahil nagagalit na talaga sa kanya si Manolo kahit wala namang katotohanan.Tiningnan niya ang pinsan nito na gusto niyang pakiusapang sabihin ang totoo kay Manolo pero umalis lang ito.
"Paniwalaan mo ako Manolo hindi ako ganong klaseng babae at alam mo yan.Hindi ko magagawa ang lahat ng sinasabi mo Manolo,pinasok niya ako at.."
Paaakkk....
Sinampal siya ni Manolo at napasubsob sa semento dahilan hindi niya natuloy ang sasabihin.Magsasalita pa sana siya pero hinawakan siya nito sa kwelyo at tinulak sa may basurahan.
"Manolo!aniya.
"Dyan...dyan ka nababagay Veronica sa basurahan ang malanding babaeng katulad mo ay sing baho at dumi ng basurang kinalalagyan mo!!ani ni Manolo sabay bira ng alis.
"Manolooo??aniyang pilit bumangon.
Ngunit saktong dumating ang sasakyang ng mag asawa at agad nagtanong agad ding sinagot ni Manolo at ni hindi siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.Kaagad siya pinagsasampal ng ina nito at pinagsasalitaan ng masasakit ding salita.
"Lumayas ka dito puta kang babae ka! Nagkamali kami sa pagkilatis sayo maganda ka lang sa panlabas pero ang kalooban mo sing dumi ng basura!!ani pa na ina ni Manolo.
Hindi na nga siya tinanggap ng mga ito at durog na durog ang puso niya habang umuwi sa bahay ng kanyang pinsan,mabuti nalang ay hindi rin siya hinusgahan nito at tinanggap siya,mula ng mangyari yon parang ayaw niya ng mabuhay yung gusto niya ay mamatay nalang siya dahil sa mga nangyari sa kanya.Pero nandito ang kaibigan niyang nagpapalakas ng kanyang loob.Hanggang sa nalaman niyang buntis siya at mula noon nanumbalik muli ang pag asa niyang lumaban dahil sa kanyang anak,hindi naman niya inisip na ipalaglag ito dahil ito ang bunga ng pagmamahalan nila ni Manolo bigo man siya sa binata pero hindi na mahalaga iyon ang mahalaga ay ang kanyang anak.
Nagsilang siya ng isang malusog na batang babae at napakasaya niya ng masilayan ito.Sobrang kagalakan ang nadarama niya habang tinitingnan ang munting anghel na kalong kalong niya.Makalipas ang ilang buwan malakas na siya at balak niyang maghanap ng trabaho para sa kanyang anak,dahil hindi siya tinatanggap sa kung saan mang kompanya dahil sa mga Alcantara ay naging mahirap sa kanya ang magkaroon ng magandang trabaho,kaya paglalako nalang ng dyaryo at paglalabada ang nagagawa niya magkapera lang,inihabilin niya ito sa kanyang pinsan na ito muna ang magbabantay sa anak niya habang wala siya Ngunit isang araw pag uwi niya ay nasunog ang kanilang munting tahanan agad siyang lumapit doon pero pinigilan siya ng mga ilang tao dahil delikado at naglalagablab pa ang apoy.
"Verong?tawag ng pinsan niya.
Kaagad niya itong nilapitan at tinanong"Ofeng ang anak ko nasaan ang anak ko?agad niyang tanong.
"Patawarin mo ako Verong hindi ko nailigtas ang anak mo"umiiyak nitong sagot sa kanya.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa at nilingon ang bahay na unti unti ng tinutupok ng apoy.
"Hindiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Anaaaaakkkkkk kooooooooo!!! Aniyang sabay lumapit doon pero hinawakan siya ng kanyang pinsan at ibang tao doon.
"Ang anak ko gusto kong iligtas ang anak ko hayaan nyo ako!! Anaaaakkkkkkkk koooooo!!aniyang walang tigil sa pag iyak.
"Patawarin mo ako pinsan ko!ani ni Ofeng at umalis na.
Humagulgol parin siya ng iyak habang pinapanood ang sunog at inalalayan na siya ng ibang taong naroon at hinanap niya ang pinsan ngunit wala na ito.
"O-Ofeng?tawag niya pero hindi niya na ito nakita.
At mula noon hindi niya na nakita pa ni anino ng pinsan niya kahit hinahanap niya ito at kung bakit ito naglaho na parang bula iyon ang katanungan niya hanggang ngayon na tanging ang pinsan lang ang makakasagot.Kung patay na ito mas mabuti para hindi na siya aasa pang makita itong muli.
Mahihinang katok sa pintuan ang naririnig niya kaya mabilis siyang nagpahid ng luha at inayos ang sarili ramdam parin niya ang paninikip at bigat ng kanyang dibdib pagkatapos maalala ang nakaraan.Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto at si Ysabelle ang napagbuksan niya ng pinto.
"Hija ikaw pala"aniyang pilit ngumiti.
"Tita are you crying?tanong ni Ysa.
Nag iwas siya ng tingin saka tumalikod kay Ysa"hindi hija bakit naman ako iiyak"sagot niya dito.
"Tita alam ko umiiyak kayo at ramdam kong may problema kayo"kulit parin ni Ysa.
Nilingon niya ito saka ngumiti sa isip niya subukan kaya niyang sabihin dito ang lahat ng sa ganon mabawasan naman ang bigat ng kalooban niyang mahabang panahon na niyang dala dala.
"Come here"aniya kay Ysa at umupo sa couch na nasa silid niya.
Sumunod naman si Ysa sa Tita Veron niya at sabay na silang umupo at nagsimula ng ikuwento ni Tita Veron ang lahat lahat ng hirap na pinagdaanan niya,habang nag kukwento naman siya walang humpay sa pag iyak si Ysa at humagulgol na ito pero siya himala at hindi na siya naiyak habang nagkukwento siguro dahil nailabas niya na ang bigat sa kanyang dibdib.
"Tita?ani ni Ysa na umiiyak parin dahil sa awa niya sa Tita.
"Kaya hija you need to be strong dahil sa pinagdadaanan mo ngayon hindi nakalahati sa pinagdadaanan ko noon"aniya dito.
Tumango siya dahil tama ito simple lang ang pinagdadaanan niya ngayon kumpara sa Tita Veron niya.Pero siya halos mamatay matay na siya dahil kay Luke,si Luke pa lang yon ha?what more pa sa mga nangyari kay Tita Veron?nawalan ng mga magulang,hindi nakasal sa taong mahal nito at napasama pa ito dahil sa isang makasariling tao,pinalayas at minamaliit pa,nawalan ng trabaho at namatayan pa ng anak! God how did she handle all those pain sa nakaraan nito.Ngayon alam niya na behind her Tita's successful there's a lot of pain that she was fighting with.
"I'm so proud how brave you were Tita Veron I can't even imagine seeing how successfully you are now but you was struggling a lot of pain!aniyang sabay niyakap ang Tita niya.
"Lahat naman tayo may mga pinagdadaanan huwag lang tayo susuko at malalampasan din natin yan"
"Yes Tita,pero sino po sila? I meant yung nobyo nyo po dati"tanong ni Ysa.
Hinaplos niya ito sa pisngi sabay ngumiti"hindi ko na babanggitin sayo kung sino sila ang mahalaga nai kwento ko sayo di ba?
Ngumiti siya dito atsaka sumagot"okay lang po Tita hindi rin naman ako interesadong makita at makilala ang mga taong nanakit sayo malamang mapapatay ko pa sila"biro niya sabay tumawa.
Tumawa si Veron sa biro ni Ysa tama nga ito dahil iyon ang nararamdaman niya pagkakita kay Manolo.
"Tita ano pong name ng anak nyo?biglang tanong ni Ysa.
"Veanica Marie"sagot niya.
"Ang ganda naman po ng name niya Tita Veron"
"Yung Veanica kinuha ko sa pangalan kong Veronica Bea,tapos yung Marie sa kanyang ama naman"ngiting wika niya dito.
"Bakit po Marie Tita?
"Sige na nga sasabihin ko na sayo ang kulit mo lang kasi"aniyang sabay pisil sa pisngi ni Ysa.
"Ang pangalan kasi ng ama ng anak ko ay Ma...
Tok..tok..tok..
Pagkatok sa pintuan ang nagpatigil sa pagsasalita niya at tumingin siya kay Ysa na tumingin din sa kanya.
"Sandali hija labasin ko lang baka importante"paalam ng Tita.
"Sige po"sagot niyang sinundan ito ng tingin.
"Rosing anong kailangan mo?agad niyang tanong sa katulong.
"Doña Veron may bisita po kayo sa baba"anang katulong.
Napakunot noo siya wala naman siyang inimbitang kaibigan then how come magkakaroon siya ng bisita?
"Sino daw?
"Hindi po nagpakilala Doña Veron basta daw importanteng makausap niya kayo"
"Rosing sa uulitin huwag na huwag kang magpapasok ng hindi natin kilala okay?
"Okay po Doña Veron paumanhin po"ani ni Rosing.
"Sige na susunod na ako"aniya dito.
At bumalik ulit kay Ysa"Hija may bisita daw ako at kailangan kong babain"
"Okay lang po Tita baka importante ang pinunta niya dito"
"Sasama ka ba bumaba o dito ka lang at hintayin akong bumalik?
"Sa kwarto ko na po ako magpapahinga Tita"
"Sige mainam pa nga,halika samahan na kita sa kwarto mo"
"Huwag na po kaya ko naman"
"Ihatid na kita saka bababa na ako"
Hinatid na nga niya si Ysa atsaka pa siya bumaba upang harapin ang bisita niya.Pagbaba niya ay nakita niyang si Manolo ang bisita kuno niya.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?
"Sinundan ko ang sasakyan mo kaninang umuwi ka"sagot nito.
"Anong kailangan mo sa akin?
Ngumiti naman ito sa kanya bagay na ikinataas lalo ng kanyang kilay.
"Napakalaki na ng iyong ipinagbago Veronica"anang Don.
"For all those pained you've caused me Manolo Rien? Tanga nalang kung hindi pa ako magbabago!
"I was so stupid and everything for not believing you that time Veronica"
"No use for that anymore Manolo,now leave and don't ever come back!asik niya dito.
"I just wanted to asks you something Veronica"
Bigla siyang kinabahan baka nalaman nitong nagkaanak sila kung oo kanino nito nalaman?Hindi naman nito alam na buntis siya noong pinalayas siya sa bahay ng mga ito dahil kahit siya huli na ng malaman niya.
"A-ano yon?
Dinukot ng Don ang bulsa niya sabay kinuha ang litrato at pinakita sa kanya.
"This is you Veronica when you were pregnant"anang Don sa kanya.
Nagulat pa siya kung bakit may litrato siya kay Manolo gayong ni hindi na siya nagpakita pa dito kahit noong una at dito sa larawan kuhang kuha na malaki na ang kanyang tiyan paanong nangyari yon?
Magtatanong na sana siya ng biglang nagsalita si Manolo pero may tinawag ito.
"Ysabelle Rose!?tawag ng Don.
Sa pababang si Ysa dahil nahagip ito ng kanyang mga mata habang tumitingin siya kay Veron na nakatalikod ito sa may stair.Agad ding napatingin ng diretso si Ysa at ang kanyang ama ang nakita niya kausap ang kanyang Tita Veron.Si Veron naman ay nagtataka kung paanong kilala ni Manolo si Ysa.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficción GeneralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...