Chapter 49

2.5K 48 0
                                        

PAGKATAPOS niya bilhan ng pagkain ang anak sa drive thru saka naman siya nito kinausap,napangiti na lamang siya habang tinitingnan paminsan minsan ang anak na abala sa pagkain nito.Ilang minuto pa ay nakarating na dila sa kanilang condo.
"Baby we're home now"aniya sa anak.
Hindi ito makasagot kasi puno ng pagkain ang bibig,tiningnan lang siya nito atsaka tumango ng paulit ulit.Muli siyang nangiti saka umibis ng kotse at gumawi sa banda ng anak upang tulungan sa pagdala ng pagkain nito.Pagpasok sa loob agad tumungo ang bata sa dining area atsaka doon pinagpatuloy kumain.Siya naman ay nilagay na ang mga gamit ng anak sa kwarto nito atsaka mabilis ng nagpalit ng damit upang samahan ang anak habang wala pa ang nobya.
Pagsapit ng gabi ay nasa bahay na si Angela at nagdala na ito ng mga pagkain para sa kanilang hapunan.
"Hello guys I bought food!masaya niyang wika sa kanyang mag amang nakaupo sa livinh room at nanonood ng cartoons.
"Mommmmyyyyy!salubong na tawag ng anak at niyakap siya nito.
Kaagad naman niya kinarga kahit mabigat atsaka pinaghahalikan buong mukha habang ang nobyo ay kinuha ang kanyang dalang pagkain at handbag.
"I miss my baby boy!gigil niyang wika sabay hinalikan ulit sa leeg.
"Mommy stop I am tickled!ani ng anak sabay humagikhik.
"Really?then I wanna do it more"aniya saka kiniliti pa ang anak habang panay ang iwas nito at tumatawa.
"Honey,baby come on now the foods is ready"ani ni Stefen sa kanyang mag-ina.
Saka naman tumigil ang dalawa sa paglalambingan,
ginawaran ni Angela ng halik ang anak saka lumapit sa nobyo.
"Thanks,gonna change my clothes first honey"paalam nito saka mabilis ng umakyat sa kanilang kwarto.
Inaya naman ni Stefen ang anak sa dining area upang doon na hintayin ang nobya.Ilang sandali pa ay sabay na nga silang kumain na panay ang daldal ni Jonas at nakikinig lang din ang mga ito sa lahat ng sinasabi ng kanilang anak.Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit na si Angela ng kanilang pinagkainan at ang kanyang mag-ama naman ay umakyat na sa ikalawang palapag upang patulugin na ang bata.Wala silang maid dahil ayaw ni Angela kumuha dahil kaya niya naman daw ang trabaho sa bahay at tumutulong din ang kanyang nobyo saka hindi rin makalat ang anak kaya walang gagawin sa condo.Pagkatapos niya sa kusina ay pinatay na ang mga ilaw saka umakyat na sa kanilang silid upang magbihis ng damit pantulog atsaka pinuntahan ang mag-ama sa kwarto ng anak.Nadatnan niyang pinatulog na ni Stefen ang kanilang anak at nakatulog ito sa tabi ni Jonas kaya marahan niyang hinawakan sa balikat atsaka ginising ito.
"Honey?mahina niyang tawag.
"Hmmm"ungol ni Stefen.
"Lumipat ka na sa kwarto"
Dahan dahan namang bumangon si Stefen at saka sabay na silang lumabas sa kwarto ng anak at tumungo sa kanilang silid.Pagdating sa loob ng kanilang silid ay diretso si Stefen sa bathroom siya naman ay humiga na sa kama at kinuha ang pocketbook sa bedside table atsaka pinagpatuloy ang pagbabasa niya sa story habang hinihintay matapos ang nobyo.Pagkatapos ni Stefen ay diretso ito sa closet nila atsaka doon nagpalit ng damit na susuutin niya saka humiga na sa tabi ni Angela at kaagad ito niyakap sabay hinalikan sa labi.
"How was your day honey?mahina niyang tanong kay Angela.
"Kinda tired but worth it naman"sagot niya.
At nilagay ulit ang binabasa sa bedside table saka hinarap ang nobyo at hinawakan niya ito sa mukha.Biglang may eksenang sumagi sa kanyang isipan kaya mabilis niyang pinilig ang ulo upang mawala iyon.
"What's wrong?tanong ni Stefen.
"Nothing honey,ikaw kumusta ang maghapon mo habang kasama ang makulit mong anak?ngiti niyang tanong.
"Very much happy honey and I love being with our baby for a whole day"sagot niya saka hinaplos ang pisngi ni Angela.
Ngumiti naman ito sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ni Angela at marahan itong hinalikan sa labi,banayad at masuyo habang nakahawak ang kamay niya sa mukha nito at dahan dahang gumapang sa balikat ni Angela pababa sa braso nito.Lumalim ang kanilang halikan at dahan dahan niyang kinubabawan si Angela na nagpaubaya naman ito.Huminto siya sa kanilang halikan at matamang tinitigan sa mga mata si Angela at muli niyang nakita sa mga mata nito ang alanganin at may pagtutol,nalungkot siya at umiwas ng tingin ng maramdaman niyang hinawakan siya ni Angela sa mukha at pilit hinuhuli ang kanyang tingin.
"Stef do what you wanted to do"mahinang wika ni Angela sa nobyo.
"You ready?mahina niyang tanong.
Marahan tumango si Angela at ngumiti sa kanya kaya muli niyang hinalikan sa labi ang nobya at tumutugon naman ito.Dahan dahang bumaba ang kanyang halik sa punong tainga ni Angela pababa sa leeg nito habang ang kanyang kamay ay pumipisil sa tiyan nito pababa sa hita ni Angela.
"Uuhhmmm"mahinang ungol ni Angela.
Lalo siyang nasasabik kaya at pinanggigilang halikan ang maputi nitong leeg.Habang pinaghahalikan siya ni Stefen sa buo niyang leeg at naramdaman niyang pinipisil ng kamay nito ang kanyang hita ay bigla na naman pumasok sa isipan niya ang eksenang hindi niya matiyak kung nangyari ba talaga sa kanya.
!
!
(She remembered this scene)
Kinabig niya ang dalaga palapit sa kanya at hinalikan sa leeg pababa sa dibdib nito sabay gumapang narin ang kanyang kamay sa likod ng dalaga patungo sa balakang nito at bahagya iyong pinisil.Napaungol siya.
!
!
Sa pag-alala ng eksenang yon na hindi niya alam kung sino ang lalakeng iyon pabigla niyang naitulak si Stefen palayo na abala sa paghalik sa leeg niya.Sabay mabilis bumangon na abot abot ang kanyang paghingal.
Napalunok si Stefen habang nakatingin kay Angela,alam niya kung bakit.
"Bakit Angela?mahina niyang tanong.
"S-Stefen I'm sorry,sinubukan kong pagbigyan ka at ang sarili ko,but there's always somebody popping up in my mind.I don't know,hindi ko siya kilala I don't even see his face pero bakit ganon?bakit parang...bakit parang ang laki ng naging bahagi niya sa buhay ko?tanong ni Angela sa kanya at nakikita sa mga mata nito na sobrang naguguluhan.
"You can take rest now honey,masyado ka ng pagod sa buong araw"aniya sa nobya.
"No!Stefen please tell me sino ba talaga ako?sino ka?sino si Jonas sa buhay ko?
"Honey I'm your boyfriend at anak natin si Jonas at ikaw si Angela ang girlfriend ko"
"Hindi eh!parang may mali Stefen palagi kong tinatanong sayo kung sino ako at iyan lang palagi ang isasagot mo,pero nararamdaman ko sa puso kong may mali"
"Dahil nga sa aksidente noon Angela kaya nawala ang memorya mo at yong taong pumapasok sa isipan mo ako yon"
"Alam ko at sinabi mo na yan,pero nararamdaman ko Stefen na hindi ikaw yon"ani ni Angela.
"Angela there's no one in your past at paulit ulit kong sinasabi sayo na epekto..."
"Noooo!!!! I know it's not at habang tumatagal lalo akong naguguluhan,Stefen sinubukan kong iwaglit sa isip ko yon dahil naniniwala ako sayo pero kahit anong pilit kong baliwalain lalong nagsusumiksik sa isip ko,na nagpapagulo sa puso ko!
Hindi siya sumagot at nakatingin lang kay Angela.
"Naniniwala akong may relasyon tayo at nagmamahalan noon at kung paano nabuo si Jonas bago ako na amnesia.Pero bakit may hinahanap ang bahagi ng isip ko?bakit parang may kulang sa bahagi ng puso ko Stefen?
Napalunok siya at nagyuko ng ulo dahil hindi niya kayang tingnan ang mga mata ni Angela na nagbabadyang lumuha.
"Ikaw ang kasama ko Stefen araw at gabi,pero wala sayo ang isip ko dahil nasa taong pilit ginugulo ang isip ko at nasisiguro kong hindi ikaw yon Stefen"
Hindi siya kumibo at nakatingin lang kay Angela.
"Alam mo minsan gusto ko ng paniwalain na may tinatago ka,dahil kung talagang nagmamahalan tayo noon at anak natin si Jonas hindi ka ganyan Stefen!ani ni Angela sabay lumabas ng kwarto.
"Angela wait"ani ni Stefen sabay hinawakan sa kamay si Angela.
"Ang paghawak mo sa kamay ko,hindi katulad ng nararamdaman ko sa isip ko,sa tuwing niyayakap mo ako hindi sing init ng nasa isip ko,kahit hinahalikan mo ako hindi maramdaman ng puso ko katulad ng eksena sa isipan ko!aniya sabay pinalis ang kamay ni Stefen at mabilis tumungo sa kwarto ni Jonas at doon tumabi sa anak.
Pinagmamasdan niya ang anak nila ni Stefen,noon pa man tinatanong niya kung saan nagmana ang kanilang anak.Dahil hindi ito nagmana sa kanya,hindi rin nagmana kay Stefen,hindi rin ito kamukha ng kanyang Papa at wala sa itsura ng mga magulang ni Stefen.Pero kahit hindi nagmana sa kanila ang anak ay may nararamdaman siyang tuwa at saya sa puso niya sa tuwing nakikita si Jonas.Kapag nakikita niya ito para bang nararamdaman niyang minsan niya ng nakita ang itsura ng anak sa buhay niya.Kapag tinitingnan ang anak,ang mukha nito,ang ilong,bibig,ang mga mata nito'y may kakaiba siyang sayang nararamdaman,ang kulang sa bahagi ng puso niya ay napupunuan sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak na hindi niya matandaan kung paano at kailan nila nabuo ni Stefen.
Pagkaalala kay Stefen ay bumuntong hininga siya,bakit ganon?bakit tila wala siyang nararamdaman para sa ama ng kanyang anak?yung tuwing naghahalikan sila iyong walang sparks sa kanya,sa tuwing niyayakap siya nito parang naiilang siya pero pinagbigyan niya lang ito dahil wala siyang dahilan upang iwasan and after all ito ang ama ng kanyang anak.Pero hindi eh...kahit anong pilit niya sa kanyang sariling gawin nila ang ginagawa nila noon kung paano nabuo si Jonas at the end nagsusumiksik parin ang taong palaging sumasagi sa isipan niya,mga eksenang hindi niya maalala na nagawa nga nila noon ni Stefen bago siya mawalan ng alaala.Mismo ang Papa niya hindi parin niya matanggap na ama niya nga ito dahil wala siyang matandaang may kasama siya ama bagamat nararamdaman niya naman yon sa puso niya at sabihin pang may pagka similarity sila ng kanyang ama kaya naniniwala siya doon.Pero ang tungkol sa kanila ni Stefen hindi niya alam pero iyon ang sinasabi ng kanyang puso,wala siyang nararamdaman para sa nobyo.Ngunit..paano sila nagkaroon ng anak?posible bang nawala ang kanyang memorya ay nawala rin ang feelings niya para sa ama ng kanyang anak?
"I'm sorry Stefen God knows how much I try myself na tanggapin ka kahit nawala ang memorya ko pero I ended up looking for someone..someone I don't really know who was it but my heart wants it..my heart looking for it na hindi ko nararamdaman sayo"usal niya sa sarili sabay hinalikan sa noo ang anak.
Muli siyang nakatulog sa tabi ng anak na halos iyon ang ginagawa niya sa loob ng maraming taon.Dahil hindi niya mapipilit ang sariling pakisamahan ang nobyo at nauunawaan naman ito ni Stefen.
Mariing napapikit ng mga mata si Stefen habang pinagmamasdan ang mag-ina.Matamlay siyang bumalik sa loob ng silid nila at dahan dahang umupo sa kama.He was expecting na makukuha niya si Angela dahil nawala ang memorya nito but he is wrong dahil nawala man ang memorya nito pero hindi ang nararamdaman nito..hindi nakalimot ang puso at isip nito at iyon ang kinatatakutan niyang mangyari ang tuluyang bumalik ang alaala ni Angela at kamuhian siya nito sa ginawa niyang paglilihim.Paglilihim nilang lahat kay Angeline.
"I'm sorry Angeline nagawa ko ito dahil mahal kita at naisip kong ito lang ang paraan para makuha kita pero nagkamali ako!aniya sa sarili.
"Natatakot ako na baka mawala kayo ni Jonas sa akin balang araw at hindi ko yon kakayanin,dahil mahalaga kayo sa akin"aniya ulit.
Saka dahan dahang lumapit sa bintana atsaka tumingin sa labas at muling sinariwa ang nangyari that was exactly three years and five months today.
FLASHBACK
LIMANG BUWAN na si Angeline sa Nevada USA mula ng lumipad siya galing Pilipinas upang lumayo sa lalakeng sobra nitong mahal ngunit kailangang kalimutan.Nakal
abas siya ng bansa at ginamit ang ibang pangalan upang diumano hindi ito mahanap ni Joshua at iyon ang kagustuhan ng ama nito si Señor Martin.He is powerful kaya nagagawa nito ang lahat ng impossible.Siya ang kasama ni Angeline at gamit naman niya ang tunay niyang pangalan kasi hindi naman sila magkakilala ng Joshua na yon.Limang buwan na sila at nalaman nilang nagdadalantao si Angeline..anak nila ng dati nitong asawa.Tandang tanda pa niya noon na doon niya nakikita ang saya sa mga mata ni Angeline dahil mula ng tinulungan niya ay matamlay at makungkot ito.Pero ng malaman nitong nag iwan ng alaala ang lalakeng gusto nitong kalimutan nanumbalik ang saya at bagong pag asa para kay Angeline.Aniya pa...di bale ng nawala sa kanya ang asawa nito at least may anak naman siya...anak nila ng asawa.
"Stefen maaari bang samahan mo ako sa shopping mall para bibili ng ilang gamit para sa anak ko?ani ni Angeline sa kanya.
"Grabe ka naman limang buwan pa yang pinagbubuntis mo bibili ka na ngayon?
"Excited na kasi ako Stef alam mo yung feeling na magkakaroon ka na ng anak at magiging ina ka na?masayang wika ni Angeline.
"Aba malay ko ni nobya nga wala pa ako feeling pa kaya ng magkaroon ng anak lalo na magiging ina?
"Ito naman kunwari lang yung ikaw ang ama at ako ang ina,ano sa feeling mo Stef?tanong nito ulit sabay tiningnan siya sa mga mata.
Kaagad siya nag iwas ng tingin dahil natatakot siyang malaman ng kaibigan na may pagtingin siya rito.Saka medyo natutuwa siya sa sinabi ni Angeline na siya ang ama at ito ang ina kahit kunwari lang masaya parin siya paano kaya kung totoo?
"Ano?untag ni Angeline.
"A-ahm sympre masaya ako Angeline na magkakaroon na tayo ng anak...para sa akin iyon ang mararamdaman ng lalake bilang ama..masaya"sagot niya sabay ngumiti.
Ngumiti din naman ito sa kanya at tumingin sa malayo sabay hinimas ang tiyan nito.
"Ikaw masaya ka kapag nalaman mong magkakaroon ka na ng anak at magiging ama kana.Si Josh kaya masaya rin kaya kapag malaman niyang magkakaanak na kami?malamang hindi...baka uutusan pa akong ipalaglag to!mapait na wika ni Angeline.
Napalunok siya atsaka hinawakan sa likod ang kaibigan.
"Dapat masaya ka dahil magiging ina ka na"
"Masaya naman ako Stef hindi ko lang talaga maiwasang hindi siya iisipin"
"Kalimutan mo na rin siya Angeline,hiwalay na kayo di ba?so bakit mo pa siya iisipin hanggang ngayon?
Mapait itong ngumiti saka tumingin sa kanya"tayo na nga mag shopping na tayo"aya ni Angeline sa kanya sabay hinawakan siya sa kamay.
Masaya silang nagku kwentuhan habang patungo sila sa mall,at hiniling niya sana ganito na lang palagi si Angeline yung masaya at kalimutan na ang pinagdaanan nito.Nasa highway sila ngunit napansin ni Stefen na nawalan ng brake ang kotse nila.
"Oh my God!usal niya.
"S-Stef what's wrong?
"There's no brake...Angeline please hold tightly!aniya at pilit kinukuha ang brake baka sakaling mag function but no.
Hanggang sa mabilis silang napapatakbo sa tabi ng kalsada at bumangga ang kotse nila sa malaking posteng nasa tabi ng kalsada at bumulusok ito,dahilan malakas nauntog ang ulo ni Angeline sa unahan at nabasag pa ang salamin ng kotse.Matagal sila nakaalis sa kotse at hindi siya gaano napuruhan pero masakit parin ang tama ng pagbagsak ng kotse kaya medyo nahihilo siya.Paglingon niya kay Angeline wala itong malay at duguan ang ulo nito nataranta siya at kahit mahina ay mabilis gumawi sa banda ni Angeline.
"A-Angeline?mahina niya usal.
Pinilit niyang ilabas si Angeline sa kotse dahil umuusok na ang unahan nito,saktong nakalayo sila habang buhat buhat niya si Angeline ay sumabog ng malakas ang kotse.Ilang minuto pa ay dumating na ang mga rescue team at tinulungan sila.Dahil malala ang tama ni Angeline kaya diretso ito sa ER siya naman ay may iilang nurses na gumagamot sa pasa niya at sumuri sa katawan niya kung may damage ba sa kanyang katawan.He's okay no damage inside his body.Pero si Angeline sobrang tama sa ulo nito,she stayed two nights in hospital at hindi pa nagigising at ang sabi ng Doctor baka lang or posibleng pag gising nito ay wala na siyang maalala epekto ng pagkabagok ng ulo nito.Her baby is safe inside her dahil malakas kumapit umano ang bata sa sinapupunan nito kaya there's nothing to worry about.
After two nights unti unting nagmulat ng mga mata si Angeline he's beside her at si Señor Martin na lumipad pa galing Pilipinas kasama ang kanyang mga magulang.Nakatingin sa kanila si Angeline at kumunot ang noo nito they expected that reaction already dahil sinabi ng Doctor na magkakaroon ito ng Amnesia.Possible.
"S-sino kayo?at sino ako?bakit ako nandito?sunod sunod na tanong ni Angeline.
Lumapit si Señor Martin sa anak at hinawakan ito sa kamay.
"Anak..ako ang Papa Martin mo,ikaw si Angela na aksidente kayo ng nobyo mo kaya ka nandito"ani ng Señor.
Hindi na sila nagulat dahil pinag uusapan na nilang lahat iyon na ilihim kay Angeline ang tungkol sa tunay nitong pagkatao upang umano tuluyan na nitong makalimutan ang pinagdaanan nito at tanggapin ang bago nitong katauhan at siya sa buhay nito bagay na sinang ayunan niya dahil mahal niya na si Angeline.
"Angela?nobyo ko?Papa ko?na aksidente?pero...bakit hindi ko kayo matandaan?naguguluhan nitong tanong.
"Hija nagkaroon ka lang ng amnesia pero babalik din ang mga alaala mo"
Pumikit si Angeline at parang gusto niyang maalala ang lahat ngunit blangko sa kanyang isip ang lahat.Nagdaan pa ang mga araw ganon parin ang ginawa ni Angeline pinipilit ang sariling maalala ang nakaraan nito.Hanggang sa unti unting lumaki ang tiyan nito at sinabing si Stefen ang ama ng ipinagbubuntis niya,unti unti naring napapalapit ang loob ni Angeline as Angela kay Stefen hanggang sa manganak ito at isang malusog na batang lalake ang kanilang anak na pinaniniwala nilang anak nila ni Stefen.
"Jonas!Jonas Liam ang gusto kong pangalan para sa anak natin Stefen"ani ni Angela.
Nagkatinginan naman sina Stefen at Señor Martin sa pangalang binanggit ni Angela.Nasa US ulit ang Señor dahil every year ito nagbabakasyon dito upang bisitahin sila pero wala ang kanyang mga magulang at bibisita nalang umano sa susunod na linggo.
"Hija why that name?ani ni Señor.
"I don't know Papa gusto ko lang iyon ang ipangalan ko sa anak namin"
"Why don't you asks Stefen first kung gusto niya ang pangalan?
"Stef di ba maganda naman Jonas Liam Del Rocco Versoza?ano okay lang ba sayo please pumayag ka na"
Tumingin siya kay Señor at tila ipinahiwatig sa matanda na okay na yon dahil iyon ang gusto ni Angela.
"Y-yeah okay no problem"sagot niya.
"Thank you honey!malambing na wika ni Angela.
Wala na ring nagawa ang ama nito pero sa isip nilang dalawa it's same like Joshua Lance..Jonas Liam begin with letter J and L.Hindi nga nila alam kung paano naisip ni Angela yon.
Dumaan pa ang linggo buwan at ang taon lumaking malusog si Jonas at simula pagkabata nito palaging tinatanong ni Angela kung saan ba daw nagmana ang kanilang anak,dahil hindi niya ito kamukha hindi rin kamukha ni Angela at hindi kamukha ng Señor at lalong hindi kamukha ng kanyang mga magulang dahil walang blood related ang mga ito.Pero siya tinuring niyang anak niya ito na sa kanya galing si Jonas.Gayundin naman ang kanyang mga magulang na tinuring apo nila ang anak ni Angela.Pero habang tumatagal lalong lumalayo ang itsura nilang lahat sa bata dahil nakukuha nito unti unti ang itsura ng ama nito.Hindi nakita ni Stefen si Joshua kahit sa litrato pero alam niyang namana ni Jonas ang itsura sa ama nitong si Joshua.Hanggang sa sinabi ni Señor Martin na kung gusto niya makita si Joshua titingnan lang niya si Jonas dahil kuhang kuha umano ng bata ang itsura ng baliw nitong ama.Bagay na tinanguan niya dahil dati pa alam niya na kung kanino ito nagmana.
Hanggang sa napaniwala nilang baka namana umano ni Jonas ang itsura nito sa kanunu nunuan niya.Pero may hinala na siyang naghahanap ng butas si Angela upang magsabi sila at alam din niyang pinipilit maalala ni Angela ang nakaraan nito.At iyon ang palagi nilang pinagtatalunan sa tuwing nagtatangka siyang makuha si Angela..hanggang doon lang dahil may sumasagi sa isip nito bagay na kinatatakutan niyang mangyari.At ramdam niyang hindi niya napapaniwala si Angela sa mga rason niya.Umaasa siya sa loob ng maraming taon nilang pagsasama ni Angela ay makuha niya ang pagmamahal nito pero hindi pala.
At sa nangyari nga ngayon alam niyang malapit ng malaman ni Angeline ang lahat kapag bumalik ang alaala nito anytime..any moment...at iyon ang ayaw sana niyang mangyari,dahil natatakot siyang mawala ang kanyang mag ina at baka bumalik si Angeline sa walang kwenta nitong asawa.
END OF FLASHBACK
MARAHAS siyang napabuntong hininga at bumalik sa kama atsaka humiga doon na sobrang lalim ng kanyang iniisip.Iniisip na anumang oras baka mawala sa kanya si Angeline at Jonas.
KINABUKASAN kaagad niya nasagot ang tawag mula sa kompanyang pinagta trabahuhan ni Angela.
"Honey may tawag ka mula sa opisina"aniya kay Angela habang naghahanda ito ng agahan nila.
"Oh thanks hon"ani ni Angela sabay nakikipag usap na ito sa tumawag.
Ganon naman sila nagkatampuhan pero agad din bumalik sa dati,dahil ang tipo ni Angela ang hindi marunong magtago ng sama ng loob at hindi nagkimkim ng hinanakit kaya siguro inabuso ng asawa nito si Angela.
Pagkatapos nitong makipag usap ay lumapit sa kanya saka siya niyakap mula sa likuran.
"What is it?tanong niya.
"Guess what?ani rin ni Angela.
"Uhm promoted?
"Nope!
"Salary increase?
"Nope!
"I can't guess honey just tell me"sirit niyang wika.
"I'm going to Philippines for the part of my promotion kung magagawa ko ng tama ang ipapagawa sa akin ng boss namin!masayang wika ni Angela.
Para siyang binuhusan ng isang drum na tubig na puno ng yelo dahil nanginginig siya.Si Angeline pupunta ng Pilipinas?hindi!hindi maaari ito.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon