Chapter 62

2.5K 57 12
                                        

PAGKATAPOS nilang kumain ng hapunan ay nauna na siyang umakyat kasama ang anak,tumungo sila sa kwarto ni Jonas upang hugasan at bihisan niya ito ng damit pantulog at patutulugin na rin.Ilang sandali pa ay tapos niya ng bihisan ang anak hiniga na sa kama nito at pinapatulog.Makalipas ang ilang minuto ay unti unti ng pumikit ang anak,ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ng anak.Sa isip niya kahit pala mawala si Josh may maiiwan itong kamukhang kamukha nito iyon ay ang kanilang anak.Tinanong tuloy sa sarili saan kaya magmamana ang pangalawa nilang anak?Marahan niyang hinimas ang manipis niya pang tiyan.Ng matiyak na mahimbing na si Jonas sa pagtulog ay ginawaran niya ng halik sa noo at kinumutan ito sabay dahan dahang bumaba ng kama.
Lumabas na siya sa silid ng anak at tumungo sa kwarto nila ng asawa at hindi niya maintindihan ang sarili habang palapit ng palapit sa kwarto nila dahil natatakot siya...natatakot siyang harapin ang katotohanang wala na si Josh.Nag sign of cross siya bago tuluyang pumasok sa loob at nakita niyang gumagalaw pa rin ang monitor na nakakabit sa asawa patunay na buhay pa ito.Napalunok siya at lumapit sa asawa at tumabi dito.
"You still here baby?mahina niyang tanong na akala mo sasagot si Josh.
"I'm glad Josh and thank you"aniya at pinatong ang mukha sa tapat ng puso ni Josh.
Dug...dug...dug...
Malakas na pintig ng puso ni Josh ang naririnig niya kaya kaagad niyang inalis ang mukha niya sa dibdib ng asawa at tiningnan ang mukha nito.
"Baby your heart is beating so fast...Josh magkakamalay ka na ba?Oh my God!aniyang sabay hinawakan ang kamay ni Josh.
Kaya hindi niya napansin na gumalaw ito kanina at naiiba ng posisyon ang kamay nito.
"Baby thank you for this sign thank you so much Josh!aniya sabay pinaghahalikan ang kamay ng asawa.
Umiyak siya sa tuwa habang pinakatitigan ang mukha ni Josh dahil gusto niyang makita ang pag galaw ng mga mata nito.Hindi ito gumalaw kaya muling pinatong ang mukha sa dibdib ni Josh at ganon din ito,malakas ang pintig ng puso nito kaya nangingiti siya habang pinapakinggan iyon.
"Feels good to heard it baby"usal niya at hindi na inalis ang mukha niya sa dibdib ni Josh.
Ayaw muna niyang sabihin sa mga biyenan ang tungkol dito bukas na lang dahil gusto niya munang ma solo ang asawa,makasarili na kung makasarili pero masaya lang siya.Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya at yakap yakap ang asawa na may ngiti siya sa labi at ito yata ang first time na nakatulog siyang magaan ang pakiramdam mula ng inoperahan si Josh.
Sa isip ni Josh...where is he right now?bakit biglang nawala ang mga nilalang na lumilipad lipad?saka nakarinig siya ng mahihinang tinig...tinig ng isang babaeng kaysarap sa kanyang pandinig.But wait...parang narinig niya na ang tinig na iyon.Saka why this lady keep calling name Josh?Siya ba ang kinakausap nito saka nasaan ba ang tinig na yon bakit hindi niya makita ang mukha ng babae?Marahan niyang ginalaw ang galamay niya at mahirap na animo'y kaybigat.Ginalaw ang daliri ng mga binti niya ganon din ito,nahihirapan siya.At teka...bakit tila may nakadagan sa dibdib niya at mainit sa kanyang balat.Gusto niyang kumilos pero hindi niya magawa na ultimo mga mata niya hindi niya maimulat.What happened to him?wala siyang maalala,saka nararamdaman niyang may nakakabit sa kamay at bibig niya ano to?tapos naririnig niya ang kakaibang ingay na parang bagay na umaandar at lumilikha ng ingay.It's like a machine or something like that.Pinilit niyang ginugunita sa kanyang isip kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya,bakit parang naglakbay siya sa malayong lugar at ngayon lang nakabalik sa kanyang pinagmulan pero ang tanong saan ba siya nagmula?Kakaiba dahil wala siyang maalala,iyong parang bagong tao kang napadpad sa isang lugar na wala kang alam,iyon ang nararamdaman niya.Pinilit pa rin niya maalala ang lahat,kung saan siya at kung sino siya hanggang sa nakatulog siyang muli dahil nanakit lang ang ulo niya sa kakaisip wala siyang matandaan.
KINABUKASAN maagang nagising si Angeline at nakita niyang umiba ang posisyon ng ulo ni Josh,alam niyang gumalaw ito at itinapat muli ang mukha sa dibdib ng asawa ganon pa rin kaya masaya siyang lumabas ng kwarto upang sabihin ang himala kay Josh.Pagkatapos nilang matawagan ang personal Doctor ni Josh at sinasabing darating ito any moment ay tumungo na sila sa kwarto ni Josh.Naroon na sila at nakatunghay kay Josh at ilang minuto pa ay dumating na ang Doctor at kaagad tiningnan ang pasyente.
"Is there any improvement Doc?tanong ng ina ni Josh.
"I must say yes dahil may sign ang anak ninyo na magkakamalay na siya,bagamat hindi pa matiyak kung kailan pero any days now magigising na siya"
"Kung sakaling magising ang anak ko Doc posible bang hindi niya na nga kami maalala?
"I'm not sure about that,ang masasabi ko lang malamang nawala na nga ang memorya niya about his past o di kaya'y nanatili pa rin ang memorya niya dahilan kaya ito natulog ng ganon katagal"
"We're hoping na sana nga ganon Doc na naroon pa rin kami sa memorya niya"
"Let's all pray for that,anyway I have to go and I'm very much happy about this"
"Thank you Doc"ani ng Papa Rolando.
Umalis na ang Doctor at sila ay nanatili sa silid ni Josh at pinagmamasdan ito.
"This is a good sign hija kung sakaling nangyari ngang gumalaw si Josh"ani ng Mama Alison sabay hinimas ang mukha ng anak.
"I'm sure Mama gumalaw ang asawa ko"may saya sa tinig ni Angeline.
"Huwag tayong tumigil sa pagdarasal na sana magka milagro"ani naman ng Papa Rolando.
"Naniniwala akong mahal tayo ni Lord kung sakaling ibabalik niya sa atin si Josh"ani pa ng ina ni Josh sabay nagpahid ng luha.
"Trust him Alison everything is possible in God's will"
Tumango lamang ito sabay tumingin kay Angeline na kandong nito ang anak.
"Hija thank you at hanggang ngayon hindi mo sinukuan si Josh"
"Dahil mahalaga sa amin si Josh Mama at naniniwala akong hindi niya kami basta basta iiwan"sagot nito sa biyenan.
"Let's continue praying for Josh na babalik siyang muli sa atin"
Tumango si Angeline at ngumiti ito,muli siyang naiwan mag-isa kasama si Josh ng lumabas na ang mga magulang nito kasama ang kanilang anak.
"It's okay baby kahit nawala na ang alaala mo tungkol sa amin ang mahalaga nandito ka pa rin at hindi mo kami iniwan"aniya kay Josh.
"Alam mo?napakasaya ko mula pa kagabi hanggang ngayon dahil panatag na ang loob kong nandyan ka pa rin"muli niyang wika sabay hinimas himas ang mukha nito.
"Ah alam ko na...nagising ka dahil nalaman mong buntis ako noh?ngiti niyang wika na animo'y gising si Josh na kinakausap niya.
Masaya siya..sobrang saya dahil natitiyak niyang babalik si Josh sa kanila.At hindi na siya makapaghintay na mangyayari yon anumang araw ngayon.
After a week past Josh starting to move his finger even though he still can't,but good things na nag i-improve naman din ito,sinabayan pa ng daily therapy at special treatment from their family Doctor.Masyado pa siyang mahina upang kumilos pero umaasa silang gagaling si Josh.Hindi pa niya nagagalaw ang kanyang mga kamay na para naparalisa pero ginagawa ng Doctor ang kaya nito upang tulungan ang pasyente.At ganon din ang mga magulang ni Josh pati si Angeline,ginagawa nila ang lahat para kay Josh.Gusto nila itong dalhin sa ibang bansa upang doon gawin ang therapy nito pero tumanggi ang Doctor baka daw makakasama pa sa pasyente ang magtravel lalo pa't kagigising lang nito mula sa mahabang pagtulog,kaya sa bahay nalang ginawa ang pag aasikaso kay Josh.
Lumipas pa ang ilang linggo ay tuluyan ng nagising si Josh,nagmulat na ito ng mga mata at nagagalaw na ang mga daliri nito.As expected tulala lang itong nakatingin sa kanila ng minulat ang mga mata nito.Naghihintay si Angeline na tawagin siya ni Josh at ganon din ang mga magulang nito.Gustong lapitan ni Jonas ang ama dahil nakita niyang nagising na ito pero pinigilan ni Angeline dahil masyado pang mahina si Josh.
"Jonas baby wait here"aniya sa anak.
"Mommy gising na si Daddy"masayang wika ni Jonas.
"Y-yeah but wait for a while"aniya sa anak.
Nakatingin lang sila kay Josh at hinintay nila itong magsalita hanggang sa nakita nilang bumukas ang bibig nito marahil nais magsalita kaya dahan dahang lumapit ang ina nito kay Josh at nakatayo lang din siya habang hawak hawak ang kamay ng anak.Dahil natatakot siyang malaman na baka nga hindi na sila maalala ng asawa.
"Josh hijo how are you?mahinang tanong ng ina nito sabay ginagap ang kamay ni Josh.
"S-sino ka?sino k-kayo?napakahina ng tinig ni Josh.
Pero halos mabingi siya ng marinig iyon,oo nga't inaasahan niyang posible ngang hindi na sila maalala ni Joshua oras magising na ito.Pero masakit pa rin pala sa kanya ang marinig ang katotohanan na hindi na nga sila kilala ni Josh.Nag iwas siya ng tingin sabay nagpahid ng luha at muling tiningnan si Josh na katabi ang ina.
"Masaya kami Josh na muli kang bumalik sa amin,magpagaling ka muna at sasabihin namin kung sino kami at sino ka okay?ani ng ina nito.
Nilingon siya ni Mama Alison na tila pinabatid sa kanyang hindi siya dapat masaktan ngayong natitiyak na nilang nawala nga ang alaala ni Josh.Marahan siyang tumango sa biyenan at sinasabing kakayanin niya,nilapitan siya ng Papa Rolando saka hinawakan sa balikat.
"That's enough for now hija ang marinig natin muli ang boses ni Joshua"
"O-okay po Papa"mahina niyang sagot at pinigilan ang umiyak.
Lumapit ang Papa Rolando niya kay Josh at kinausan nila ito,siya naman at ang anak ay nanonood lang sa kanila.
"Mommy why I can't go near to my Daddy?
"Not now baby...saka na kapag magaling na talaga ang Daddy okay?
"Okay po Mommy"sagot naman ng anak.
"H-hindi ko kayo k-kilala,a-at sino a-ako?ulit ni Josh.
"Sshhh...don't talk now hijo masyado ka pang mahina"ani ng Mama Alison.
"Hijo baka nagugutom ka gusto mo bang kumain ipaghahanda ka ng asa--- ni Angeline"ani ng ama nito.
"Saan...s-saan ako?tanong ulit ni Josh.
"Hijo nandito ka sa bahay natin,nandito ka sa silid ninyo"sagot ng ina.
Nakita niyang lumingon sa kanila ng anak si Joshua kaya napasinghap siya sabay hinawakan ng mahigpit ang kamay ng anak.Napalunok siya habang nakipagtitigan kay Joshua at ibang iba na ang itsura nito ngayon pero hindi maitatagong naroon pa rin ang taglay nitong kaguwapuhan kahit manipis na ang pisngi nito at makikita na ang buto saka lumalim na ang mga mata nito.
"A-Angeline?mahinang wika ni Josh.
Nagkatinginan sila dahil lumingon sa kanya ang mga magulang ni Josh dahil nagtataka sila kung bakit naalala siya ni Josh samantalang hindi maalala ang mga magulang nito.
"Josh?mahina niyang usal.
At gustong gusto niya na itong lapitan at yakapin dahil naalala pa siya ni Josh ng muli itong magsalita.
"G-gusto kong ma-makita si Angeline"muling wika ni Josh.
Nanlulumo siya ng marinig iyon at hindi nila matiyak kung bakit naalala nito ang pangalang Angeline pero hindi ang mukha niya.
"Do you know her hijo?tanong ng ina.
"Hindi"sagot ni Josh.
"Daddy?hindi natiis ni Jonas tawagin ang ama.
Pero nakita ni Angeline na hindi ito kumibo sa tawag ng anak,pero naintindihan niya dahil wala nga itong maalala.Hinayaan niyang lumapit ang anak at kinandong ito ng lola.
"Daddy?ulit ng anak.
"Baby pagod pa si Daddy kaya huwag muna natin distorbohin okay?ani ng lola.
"But I want to hug Daddy now Grandma"ani ng bata.
"Daddy?wika ni Josh saka tiningnan ang bata sa harapan niya.
"Josh ikaw ang tinatawag niyang Daddy"ani ng Papa nito.
"Josh?ulit nito sa pangalan niya.
"At ikaw naman si Josh hijo"
Muling natahimik si Josh at tumingin ulit sa kanya sabay kumilos ang kamay nito at sinasabing lalapit siya.Kaya dahan dahan siyang humakbang upang lapitan si Josh,hindi siya nag atubiling hawakan ang kamay nito kaagad niyang inabot iyon.
"Josh?wika niya ng makalapit na.
"H-hindi ba ikaw si Angeline?mahinang tanong ni Josh.
Napalunok siya at tumingin sa mga magulang ni Josh wala itong reaksyon kaya tumingin ulit siya kay Josh at ngumiti dito.
"Hindi mo ba siya kilala?tanong niya dito.
"Hindi"tila malungkot na sagot ni Josh at binawi ang kamay nitong hawak niya.
Malungkot sila sa kaalamang hindi nga sila maalala ni Josh pero naroon sa puso nila ang sobrang tuwa na bumalik na ito kahit wala ng alaala,they're expecting for so long na mangyari ito kahit minsan sumusuko at nawawalan na sila ng pag asa pero God is good talaga all the time.
TWO WEEKS mula ng magising si Josh,though hindi pa rin bumalik sa dati ang katawan nito pero at least kumakain na kahit konti lang,the reason kung bakit Angeline ang alam niya dahil iyon ang laman ng kanyang isip habang ino-operahan ito hanggang sa hindi na nag respond ang kanyang utak dahil nga sa inalis ang natuyong dugo sa utak nito dahilan ng pagkawala ng kanyang alaala pero pilit nitong inaalala si Angeline,he forgot Angeline by looks but not her name.Siya ang nag aalaga't nag aasikaso kay Josh kahit minsan ay ayaw nito,hindi naman ito mahirap alagaan at parang masunuring pasyente lang kaya hindi siya nahihirapang kasama ito.
"Josh kumain ka muna ha bago uminom ng gamot mo"aniya sa naka higang si Josh.
"Sure ka bang Angeline ang pangalan mo?mahinang tanong sa kanya ni Josh.
"OO naman saka maraming taong kapangalan ko,ikaw ba anong itsura ng Angeline na tinutukoy mo?aniya at nilagay sa maliit na mesa ang dala niyang vegetables soup para kay Luke.
"H-hindi ko nga din kilala,nasaan yung bata?tanong ulit ni Josh na anak nila ang tinutukoy nito.
"Nasa school may klase na kasi"aniya sabay sinubuan si Josh.
Kumain din naman ito sabay nakatingin lang sa kanya at muli itong nagsalita.
"Bakit ka natutulog sa tabi ko?tanong ni Josh.
Tumingin siya kay Josh dahil wala pa silang binanggit ni isang detalye tungkol sa buhay nito at relasyong meron sila.
"Matagal na akong natutulog sa tabi mo Josh"sagot niya dito.
"Bakit?tanong nito ulit.
"Kasi...kasi ako ang nagbabantay sayo"
"Anong nangyari sa akin?bakit hindi ko kilala ang sarili ko?
"Kumain ka muna para maka-inom ka ng gamot mo okay?
"Saka bakit ang bait bait mo sa akin?kayong lahat?ulit ni Josh.
"Sasabihin din namin sayo kung magaling ka na talaga sa ngayon huwag mo munang isipin kung sino ka at sino kami sayo"
Hindi na ito nagsalita at tumingin lang sa kanya at sinusubuan niya ito ng soup,sa isip niya ibang Josh na nga ito,nasasaktan siya habang kinakausap si Josh dahil feeling niya ibang tao sila para dito.Gusto niyang umiyak sa harap ni Josh at sabihing asawa siya nito at anak nila ang batang palagi nitong hinahanap kung hindi nito makita.Nasasaktan siya sa tuwing tinatawag ni Jonas ang ama na Daddy ay sino ka ang isasagot nito.Nasasaktan siya para sa anak dahil batid niyang sobrang close noon ang mag ama pero ngayon palagi na lang si Jonas ang naglalambing sa ama.Hindi rin naman niya magawang magtampo kay Josh pero gagawin niya ang lahat para muli silang maalala ni Josh kahit hindi niya alam kung paano.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon