Chapter 57

2.5K 61 13
                                        

TATLONG ARAW na lamang at matatapos na ang pinag-uusapan nilang kondisyon ni Angeline at sa loob ng maraming araw ginawa niya ang lahat para ipakita kay Angeline na labis labis siyang nagsisisi at sobra sobra niya itong mahal,walang araw na hindi niya ito binibigyan ng bulaklak o regalo,na kahit sa opisina siya ay pinapadalhan niya ito ng kung ano ano kahit ang iba ay ipapatapon lang naman ito ng asawa.Maipakita at maipadama lang dito kung gaano niya kamahal ang asawa at ayaw sana niyang mawalay ang mga ito sa kanya.Ngunit sadyang desidido na nga talaga si Angeline na makipaghiwalay sa kanya at babalik na ito sa US at wala na siyang magagawa pa.
At itong araw na ito ang nakatakdang puputulin na ang ugnayan nila bilang mag-asawa,nasa kanyang kwarto si Josh sa Grand House at ngayon nga dinala sa kanya ang mga documents na dapat pirmahan niya upang maging legally divorce na sila ni Angeline.Mataman niya iyong tinitingnan at ang bigat bigat ng kanyang kalooban na ultimo ang kanyang daliri tila may sariling isip at nagsasabing huwag ito pirmahan dahil hindi niya kaya...hindi niya kakayaning mawala ang kanyang mag-ina.Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinawakan ito kasabay ng paglandas ng kanyang luha...lalake siya pero madali na yata sa kanya ang umiyak,may kasabihan nga...hindi ka nagmahal ng tunay kung hindi mo maranasan ang umiyak and he always crying for love..begging for forgiveness but he ended up losing the woman he truly loved and worst kasama pa ang kanyang anak.Sobrang sakit na tumatagos sa kanyang puso.
Napasinghap siya ng makita ang pirma ni Angeline pakiramdam niya bumabalik sa kanya ang nangyari noon,sobrang sakit,ang bigat bigat at nakakadurog ng puso pero he cannot do nothing now just to accept the fact na maghihiwalay na nga talaga sila ni Angeline.Masakit pero wala na siyang magagawa pa dahil hindi niya mapipilit ang asawa na makisama sa kanya.
"Josh?tinig ni Angeline ang narinig niya mula sa pintuan ng kanyang silid.
Mabilis at palihim siyang nagpahid ng luha saka hinarap si Angeline,nandito ang kanyang mag-ina dahil nga dinala ni Angeline ang mga dokumento sa kanya.
"A-Angeline?aniyang nanginginig pa ang tinig.
Lumapit sa kanya si Angeline at tiningnan siya sa mga mata agad siyang nag-iwas ng tingin dahil ayaw niyang malaman ni Angeline na umiiyak siya.Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang mga kamay sabay ngumiti sa kanya,napalunok siya at tumingin dito pero sulyap lang dahil hindi niya kayang makipag titigan ngayon kay Angeline.
"I just want to tell you na pinatawad na kita"ani ni Angeline na kinatingin niya dito.
"Angeline?usal niya dito at umaasa siya.
"Josh after all naging magkaibigan pa rin tayo,ayokong iwan ka na may sama pa rin ako ng loob sayo dahil hindi rin ako matatahimik sa pupuntahan ko"ani ni Angeline.
Nadismaya siya sa sinabi nito dahil may inaasahan siyang sasabihing iba pero malabo na nga yata talaga,pero masaya pa rin ang bahagi ng kanyang puso dahil papatawarin na siya kahit hindi na siya muling tanggapin nito at least panatag na ang loob niya dahil makakamit niya ang kapatawaran ni Angeline na iyon na lamang ang inaasahan niyang maibigay nito sa kanya.
"T-thank you Angeline kahit hindi mo na ako kayang tanggapin muli at least binigay mo pa rin ang kapatawaran mo,and I think it will be enough for me now.Thank you so much!aniya at niyakap ito ng mahigpit sabay ng pagtulo na naman ng luha.
Yes!sapat na sa kanya ang kapatawaran ni Angeline dahil kung mawala siya at least wala siyang maiiwang sama at sakit ng loob kay Angeline.Masaya na siya doon ngayon kahit naroon pa rin ang umaasang maging sila muli ng asawa.And for the last time ay naramdaman niyang gumanti ng yakap si Angeline sa kanya kaya napa higpit ang yakap niya dito na para bang ayaw niya itong umalis dahil ayaw niyang mawala sa kanya ang asawa.
"T-thank you!mahina niyang wika ulit.
Patuloy pa rin sa lihim na pag-iyak si Josh at ayaw niyang malaman iyon ni Angeline.Matagal silang nagyakapan at hindi nag-uusap,dahil siya hindi niya na kayang magsalita pa siguro dahil sa bigat ng nararamdaman at si Angeline hindi niya tiyak kung anong nararamdaman nito ngayon.Ng maya't maya ay nagsalita si Angeline habang yakap niya ito.
"Are you done now?tanong nito sa kanya.
Marahan siyang kumalas at mabilis tumalikod kay Angeline sabay palihim nagpunas ng luha.
"Yeah sorry"mahina niyang wika.
"Babalik na kami ng anak mo sa US bukas inadvance ko na dahil kailangan din niyang humabol sa pasukan"narinig niyang wika ni Angeline.
Napalunok siya at marahang napapikit ng mga mata,ang bigat bigat talaga sobra yung pakiramdam na parang may bumubukol sa dibdib mo iyon ang nararamdaman niya ngayon.Marahan siyang lumingon muli kay Angeline ng matiyak na wala ng luha sa kanyang mga mata sabay mapait ngumiti dito.
"T-take care of yourself and our son"he uttered and pause for a while at humuhugot ng hangin"Dadalasan ko ang pagpunta ko sa US para makita si Jonas at sana kung isang araw hindi na ako makabalik muli hindi ka magtatampo at ikaw na sana ang bahalang magpaliwanag sa anak ko"aniya dito.
Napakunot siya ng noo habang nakatitig sa mga mata ni Josh,sa isip niya anong ibig sabihin nito.
"What do you mean?mahina niyang wika.
Ngumiti ito sa kanya pero mababanaag niya ang lungkot sa mga mata nito bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng kakaiba.Stranged!
"I mean...malayo na kasi ang US at busy din ako sa negosyo ni Papa pero don't worry gagawin ko pa rin ang tungkulin ko bilang ama ni Jonas.I will support my son financially at kung hindi ko na magagawa yon trust my parents they will do it for me basta ipangako mong hindi mo kami tatanggalan ng karapatan kay Jonas"muling wika ni Josh.
May bahagi sa kanyang isip na hindi kumbinsido sa sinabi ni Josh she feel there's something wrong but she can't figure out kung ano yon pero tiyak niyang may ibang dahilan ito,what is it then?She would like to know.
"May problema ka ba?tanong niya.
Kaagad nagbawi ng tingin si Josh at kinuha ang documents na nilagay niya sa maliit na table at tumingin muli kay Angeline.
"Nothing!gonna sign this now okay?aniya dito.
"Don't you have anything to say except how much you love me?makahulugang tanong ni Angeline.
Hindi niya mawari kung anong gusto ni Angeline ngayon pero ayaw niyang sumugal kung alam niyang matatalo din siya sa huli.
"N-nothing!all I can say is that I love you so much no matter what"aniya dito.
"Now I can see things"ani ni Angeline.
Na nagpakaba sa kanya kaya muli siyang umiwas ng tingin sabay nagsalita.
"What is it?kalmado niyang tanong.
"You've changed a lot...your face...your eyes...your lips...your neck...your chest and even your body"ani ni Angeline na hindi inalis ang tingin sa kanya.
"Ahm it's because I'm become workaholic since you've gone at napabayaan ko rin ang sarili ko noong iniwan mo ako,it took me a lot of time bago ako bumalik sa dati and now I'm...I'm okay"sagot niya dito.
Nagbawi ng tingin si Angeline sabay tumingin sa mga papeles na hawak ni Josh at tumingin ulit dito.
"Sign it now"ani ni Angeline.
Muli siyang napalunok dahil hanggang ngayon talaga ay umaasa pa rin siya sa milagro.
"O-okay"mahina niyang usal at pakiramdam niya ay maiiyak na naman ulit.
Hindi niya alam kung paano niya nagawang pirmahan ang mga iyon basta natapos na lamang niya na wala doon ang isip,kundi sa mga samo't saring isipin na mas nagpapalungkot sa kanya.Pagkabigay niya kay Angeline ng copy nito ay kaagad siya nagpaalam dito.
"I-I will going to use the bathroom first before I go down"aniya kay Angeline.
"Okay"sagot ni Angeline.
"You can go down first kung ayaw mong maghintay"aniya dito.
"We will go down together"ani ni Angeline.
"Okay sure"sagot niya at mabilis ng pumasok sa bathroom.
Kasabay ng paglock niya ng pinto ay ang muling paglandas ng kanyang luha sabay padausdos umupo sa tiles at hinawakan ang buhok at tahimik umiiyak,habang inuntog untog ang ulo dahil pakiramdam niya namanhid ang buo niyang katawan at hindi pa rin mag sink in sa utak niya ang lahat.Wala na...tapos na nga talaga sila ni Angeline pero bakit ganon?bakit umaasa pa rin siya sa kahuli hulihang sandali?Mariin siyang napapikit ng mga mata at wala pa ring tigil sa paglandas ng kanyang luha...ang kanyang luha ang saksi ng paghihirap niya...ang kanyang luha ang tanging nakakaalam kung gaano nadudurog ang puso niya...at tanging pagluha na lamang ang magagawa niya ngayon dahil wala ng halaga ang mga salita niya para kay Angeline.
Si Angeline naman ay pinagala ang paningin sa loob ng kwarto ni Josh,dito niya binigay kay Josh ang kanyang pagkababae..dito sa kwarto na ito kung saan nangangako siya sa kanyang sarili na mamahalin niya ng habang buhay si Josh...pero hindi niya akalain na sa kwarto rin ito nag umpisa ang paghihirap at pasakit na dinanas niya mula kay Josh.Pero bakit ganon?hindi pa rin niya magawang kamuhian ang dating asawa bagkus pinatawad niya pa ito...oo nga't nagagalit siya at pinakikitunguhan ng hindi maganda pero deep inside her heart hindi niya makapa ang galit...yung galit na totoong galit talaga...and at the end dito rin pala matatapos ang lahat sa kanila ni Josh kung saan sila nag umpisa...mapait siyang ngumiti sa isiping tuluyan na silang maghihiwalay ni Josh,binigay na nito ang gusto niyang pabayaan na siya pero instead na masaya siya'y nalukungkot pa pala siya.Siya nga rin hindi niya matiyak sa sarili kung ito ba talaga ang gusto niya,nagsasabi ang isip niyang makipaghiwalay pero dikta ng puso niya bigyan pa ng isang pagkakataon ang asawa bagay na pilit niyang nilalabanan dahil mas sinusunod niya ang dikta na isip kesa sa puso niya.Ngayon hindi tuloy niya malaman kung tama ba ang lahat ng ito,kung ganito ba talaga ang gusto niya para sa kanila ni Josh knowing na ramdam niyang mahal siya nito..pero....Bigla niyang nakita ang isang maliit na bote ng kung anong gamot nakasuksok sa nakatambak na libro at mga files akmang kukunin niya ito upang mabasa pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang kanyang anak.
"Mommy"tawag ni Jonas.
Hindi niya na kinuha ang bote dahil sinalubong niya ang anak na tumakbo palapit sa kanya.
"What is it baby?tanong niya dito.
"Nothing Mommy,where is Daddy?
"Daddy is in the bathroom"
"Mommy is Daddy will go with us on travel?
Napalunok siya habang nakatingin sa anak,hindi pa maintindihan ni Jonas ang mga bagay bagay kung sasabihin niya man dito dahil masyado pa itong bata.
"Sa ngayon hindi pa muna baby pero susunod ang Daddy sa atin"aniya dito.
"Why we can't go together Mommy?
"Ahm dahil busy pa si Daddy sa business niya baby"
"I'm going to miss Daddy then"ulit ni Jonas.
Umiwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ng anak dahil nadudurog ang puso niya,nagsinungaling siya sa anak tungkol sa ama nito pero pinapangako niyang sasabihin din kapag nasa tamang edad na ito.
Bumukas ang pinto ng bathroom at sabay silang napatingin kay Joshua at kaagad lumapit ang anak at nagpa karga sa ama nito,nagbawi din siya agad ng tingin dahil alam niya ang lahat ng ito ay kunwari lamang pero para sa anak sa isip nito walang problema sa pagitan niya at ang ama nito.Hindi niya rin alam kung tama bang ilayo ang anak sa ama nito.
"Let's go down baby?narinig niyang tanong ni Josh sa anak.
"Yes po Daddy"
Humakbang na nga si Joshua palabas ng kwarto habang karga ang anak ng muli itong magsalita.
"Daddy wait...can you hold Mommy's hand like you did before when we were in hospital?ani ng anak.
Ganon ang talas naman ng pag iisip ng anak at na alala pa yon.
Ngumiti si Josh sa anak at lumingon sa kanya,bigla siyang napasinghap dahil ibang Josh ang nakikita niya ngayon at biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib.Hindi niya maintindihan pero yung feeling na ito na ang huling hawak ni Josh sa kamay niya.
"Let's go baby?malambing na wika ni Josh.
Alam niyang sinunod lamang nito ang hiling ng kanilang anak pero nakikita niyang masaya pa rin si Josh.And she feels guilty about it..for her son and for Josh as well but the things is done now,she cannot take it back!Nakangiti silang tatlo habang pababa ng hagdan at alam ng lahat na dito na matatapos ang tungkol sa kanila ni Josh ginawa na lamang nilang maging masaya para kay Jonas.
"Uuwi na po kami Papa Rolando,Mama Alison"aniya sa mga magulang ni Josh.
"Sana okay na kayo ni Josh...I mean sana napatawad mo na ang anak ko Angeline?ani ng ina ni Josh sa kanya at ang paraan ng pagkakasabi nito ay may gustong ipahiwatig.
Tumingin siya kay Josh at ngumiti ito sa kanya,nagbawi siya ng tingin at tumingin muli sa ina nito.
"Pinatawad ko na po Mama Alison kaya huwag na kayong mag-alala"aniya dito.
"Salamat hija maraming salamat,masaya kami dahil okay na kayo kahit hanggang doon na lamang"ani muli ng ina ni Josh.
Tumango lamang siya at nagsalita ang ama ni Josh.
"Hija palagi kang mag-iingat doon ha pati ang apo namin,huwag kang mag-alala palagi kaming bibisita sa inyo"ani ng ama ni Joshua.
"Salamat po Papa huwag kayong mag-alala aalagaan ko po si Jonas ng mabuti"
"Naniniwala kami sayo hija"anito muli.
Pagkatapos nilang magpa alam ay hinatid sila ng mga magulang ni Josh sa labas ng gate at si Joshua ang maghahatid sa kanila sa Mansion pero uuwi din ito dahil hindi na matutulog doon ayon sa kagustuhan niya,dahil maaga din ang flight nila bukas.Pasulyap sulyap siya kay Josh habang nagmamaneho ito at abala naman ang kanilang anak naglalaro sa backseat.
"How can I forget that stares of your?mahinang tanong ni Josh kaya agad siya nagbawi ng tingin.
Hindi siya kumibo at narinig niyang muling nagsalita si Josh.
"Nung nagmahal ako at niloko akala ko iyon na ang masakit na nangyari sa akin sa larangan ng pag-ibig.But when you left me and gone for how many years that's the time I'd realized...iyon pala ang pinakamasakit dahil muli akong nagmahal ng tunay"ani ni Josh.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa labas,muli itong nagsalita.
"You'd taught me many things like...kung paano magmahal sa ikalawang pagkakataon,paano magsisisi,kung paano ma guilty at kung paano pahalagahan ang mga importanteng bagay.Pero isang bagay ang hindi mo tinuro sa akin...hindi mo ako tinuruan kung paano ka kalimutan!ani ni Josh na nagpalingon sa kanya.
Naabutan niya pa ang mapait na ngiti sa labi ni Josh,and that breaks her heart.
"I'm sorry kung hanggang ngayon pini-pressure pa rin kita Angeline,anyway hahabol pa rin ako sa airport bukas kung pwede nga lang na hindi na ako matutulog gagawin ko para hintayin ang oras ng pag-alis nyo ng sa ganon makita ko man lang kayo for the last time but I hope it won't be last there!
Hindi niya mawari kung bakit sa tuwing nagsasalita si Josh ay parang may kahulugan ito o baka para lang yon sa kanya?
Hindi na ito nagsalita hanggang sa dumating sila sa Mansion,kaagad ito umibis ng kotse at binuksan ang backseat at kinuha ang anak sabay tumungo sa kanya at pinagbuksan siya nito ng pinto at inabot ang kamay niya,inabot din naman niya iyon at nakita niyang nakangiti lang ang kanilang anak kaya bilang ganti ay ngumiti lang din siya.
"T-thank you"aniya kay Josh.
"You're welcome baby"ani ni Josh sa kanya.
"Daddy is Mommy also your baby?tanong ng anak.
"Uh-huh!Mommy is my big baby and you're my little baby"ngiting wika ni Josh.
"Oh okay Daddy"ngiting wika ng anak.
Magkasabay na silang pumasok sa loob ng Mansion at kaagad tumungo ang anak sa playroom nito kasama ang katulong,siya naman ay gusto pa sanang mag stay kahit ilang oras lang ngayon pero muling nagparamdam ang kanyang sakit kaya agad din siyang nagpaalam.
"A-Angeline I need to go now may mahalagang bagay pa akong gagawin"pagsisinungaling niya dito.
"Yeah okay mag-ingat ka"
"Thank you,see you at the airport"
"Okay"sagot ni Angeline.
Hinalikan niya si Angeline sa pisngi at hindi naman ito umiwas.
"Thank you and take care always you and my son"ani ni Josh sa kanya at dinugtungan ang sinabi nito"paalam mahal ko"halos pabulong na wika ni Josh sa kanya sabay umalis na ito.
Kaagad niya nilingon si Josh pero mabilis itong nakaalis na tila nagmamadali nga talaga,napalunok na lang siyang sinundan ito ng tingin.
"Paalam mahal ko!paulit ulit niyang naririnig ang sinabi ni Josh.
Napahimas siya sa kanyang sariling braso at dahan dahang umupo sa sofa at binabalot ng hindi maipaliwanag na nararamdaman ang kanyang kalooban.
HABANG si Josh ay panay ang hilot sa kanyang ulo dahil kumikirot ito ng sobrang sakit.Nagmamaneho pa naman siya at medyo nanginginig na rin ang kanyang mga kamay at unti unti na siyang pinagpawisan.
"Aahhh!!mahina niyang daing at kinurap kurap ang mga mata dahil tingin niya nanlalabo na ang kanyang paningin.
"Lord send me home safely please I'm begging you,gusto ko pang makita ang mag-ina ko kahit sa kahuli hulihang sandali"usal niya dito kahit nagtitiis na siya sa sakit.
Halos gusto niya ng liparin ang daan upang makarating na sa Grand House dahil hindi niya na talaga kaya ang sakit na nararamdaman na feeling niya nahahati na sa dalawa ang kanyang ulo,sobrang kirot at bawat pagkirot nito ay nagkokonekta sa buo niyang katawan.
"J-Josh put your mind together..you need to be strong until the love of your life will gone soon"pagpapalakas niya sa kanyang loob.
Sa awa ng Diyos ay ligtas siyang nakarating sa Grand House at walang nangyari sa kanya habang nagmamaneho,mabilis siyang umibis ng kotse at dali daling pumasok sa loob ng bahay habang nakahawak pa rin sa ulo niya.
"Josh!?gulat na wika ng ina ng makitang napaluhod si Josh sa bungad pa lamang ng pintuan.
"M-medicine Ma...aaahhhh!!!daing niyang muli habang hinawakan ng malakas ang ulo.
"O-okay son hold on!wika ng ina sabay mabilis umakyat sa taas.
Mabilis din siyang bumaba at kaagad pinainom si Josh ng gamot upang matigil ang pananakit ng ulo nito.
"Here Josh drink it!anang ina.
"Aahhh Mama ang sakit sakit aaahhh!!daing ni Josh at inuntog ang ulo sa sementadong sahig.
"No son please don't do that...come here hihilutin ko para mawala ang sakit!anang ina kahit alam nitong walang epekto dito ang hilot.
"H-hindi ko na kaya Ma...aaahhhh!!muli nitong wika at tuluyan ng nakahiga sa sahig habang hawak ng dalawang kamay ang ulo at sinabunutan ang buhok nito.
"Hold on son tatawagan ko ang doctor mo at ang Papa mo,Josh let me tell to Angeline now please!nagawa pa rin ng inang imungkahi ang gusto niyang ipaalam na kay Angeline.
"Noo!!!please...please Mama don't...aahhh..."daing niyang muli"No Mama I'm begging you!mahinang wika ni Josh at napapangiwi ito sa sakit.
"Okay!ani ng ina at tinawagan ang family doctor nila.
Patuloy siya sa pagtitiis ng sakit dahil lalo itong kumikirot nag pagkasakit sakit,nanliliit narin ang kanyang paningin,nanginginig ang kanyang buong katawan at pati yata ang buhok niya ay masakit na rin.
"Aaahhhhh!!!sigaw niya habang sinuksuk ang noo sa sahig.
"S-son hold on okay"natatakot na rin si Alison dahil nakikita niyang sobrang nasasaktan ang anak.
Kung may magawa lamang siya upang kunin ang nararamdaman nitong sakit ngayon at ginawa niya na...kahit man lang kumuha ng kalahating sakit nito upang maibsan ang pagtitiis nito sa sakit.Nadudurog ang puso niya bilang ina habang nakatingin lang sa anak na nagtitiis ito sa sakit at wala siyang magawa.
"M-Mama..."mahinang wika ni Josh.
Nakita niyang namumula na ang mukha nito,namumutla ang labi at nanginginig ang katawan habang sinasabunutan nito ang sariling buhok.
"Josh hijo lumaban ka..s-sandali na lamang at darating na ang doctor.We will take you to the hospital at aalisin ang sakit mo okay?aniya sa anak habang dinamayan ito.
"N-no!aahhhh!!Hayaan nyo akong mamatay na baon ko ang alaala ko Mama p-please...aaahhhh!!!aaaahhhh!!!sunod sunod na daing ni Josh.
"Joshua please!ani ng ina at tuluyan ng humagulgol.
Nag-iyakan narin ang ang mga kasambahay dahil sa nakikita nilang paghihirap ng batang amo.Hindi lingid sa kanila ang ginawa nitong pagtitiis ng sakit sa mahabang panahon.Dahil ipinaglalaban nito ang alaala para sa asawa at pamilya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor at siya ring pagdating ni Rolando.
"What's wrong?agad na tanong ng kanyang asawa.
"Sumakit na naman ang kanyang ulo Rolando.
"Let's bring him to the hospital now Alison"anang ama.
"You still have the option"ani ng doctor.
"N-no! L-let me die this way,mas gustuhin ko pang m-mamatay kesa mawala ang a-alaala ko...aaahhh!!daing nito at nagsalita din ulit"t-there's a lot of...aaahhh..."muli niyang daing.
"Hijo please..."mahinang wika ni Alison.
"T-there's a lot of...of memories that I don't want to...to forget...m-most especially my son and his Mom,g-gusto ko parin silang maalala ka-kahit...!nanghihinang wika ni Josh at unti unting pumikit ang kanyang mga mata sabay ng paglandas ng luha nito.
"Josh!?Joshua!?wika ni Alison sabay tinapik tapik ang pisngi ng anak.
Mabilis binuhat ni Rolando ang anak kahit malaki pa ito sa kanya at may katandaan na siya ay nakaya niyang dalhin sa kotse habang panay ang paglandas ng kanyang luha,wala siyang pakialam kung makita ng mga taong umiiyak siya this is his son...Kaagad naman sumunod sa kanya ang asawa at ang doctor.
"Hijo hold on huwag ka munang bibigay Josh we still need you to be with us it doesn't matter kung hindi mo na kami maalala ang mahalaga kasama ka pa rin namin Joshua!hinagpis ng ina habang yakap ang anak.
Tahimik lang din si Rolando habang nagmamaneho pero umiiyak din ito,inisip niya sana siya nalang ang nagka ganito at hindi ang kanyang anak.And this time hindi sila sigurado kung maliligtas pa ang kanilang anak.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon