DALAWANG LINGGO na mula ng inuwi niya si Ysa sa Villa pero mula din ng araw na iyon ay ganon parin ang set-up nila ni Ysa.Madalas narin dumadalaw ang Tita Veron niya pati ang kanyang mga magulang,natanggap narin niya kalaunan ang katotohanan ng tunay niyang pagkatao dahil inisip niyang mahal naman siya ng kinikilalang ama kahit ganon ito ka higpit sa kanya at least binibigay nito ang pangangailangan niya mula noon hanggang ngayon.Nalaman na ng lahat kabilang na si Tita Veron pero hindi parin naman nagbago ang tingin nila kay Luke isa parin itong Alcantara na anak ng Don at Doña Alcantara.Ang lahat nakakaalam na pero si Ysa lamang ang hindi niya pa alam ang tungkol sa lihim ni Luke dahil iyon ang kagustuhan ni Luke ang huwag muna sabihin kay Ysa dahil sa isip niya baka kaawaan siya ni Ysa kapag malaman nito at ayaw niyang muli silang magkaayos nito dahil lamang sa naaawa ito sa kanya.Gusto niya muli silang magkaayos ni Ysa dahil mahal siya nito tulad ng nararamdaman nito para sa kanya noon at iyon ang gusto niyang ibalik ngayon.
Nasa labas ng Villa sa likod bahay si Tita Veron at si Doña Eliza dahil sabay silang napabisita kay Ysa ng araw na ito although madalas naman sila nagpang abot and the issue between them is totally fine.Masaya na si Veron sa naging buhay ni Manolo dahil batid niyang mabait na asawa at ina ang esposa niya ngayon.
"Hindi mo ba binalak noon na magkaroon ng pamilya kahit hindi kayo ni Manolo?umpisa ng Doña.
"Hindi na,mula kasi noon hindi narin ako nagtiwala at nagmahal ng iba"sagot niya.
"Bakit?
"Siguro natatakot na akong masaktan ulit and besides kontento na ako na minsan naranasan kong magmahal"
"If you given a second chance to be with Manolo again do you think matatakot ka pa rin magtiwala at magmahal ulit?
Napalingon naman siya kay Doña Eliza at hindi niya maintindihan kung bakit niya iyon sinabi.
"Nagbibiro ka ba Eliza?natatawa niyang tanong.
Ngumiti din naman itong sumagot sa kanya"hindi,like for example na may chance kayo ni Manolo tatanggapin mo parin siya kahit ganon ang nangyari sa inyo noon?
"Hindi kita maintindihan pero susubukan kong sagutin ang tanong mo,siguro kung walang pamilya si Manolo tatanggapin ko,pero kung may pamilya na siya at masaya siya,masaya narin ako para sa kanila"aniya dito.
"I'm sorry!aniya kay Veron.
"Ano ka ba,no need to say sorry besides hindi mo naman kasalanan yon,nangyari na sa amin bago ka pa dumating sa buhay niya"
"Alam ko,pero siguro kung hindi din nangyaring pinilit siyang pakasalan ako dahil sa nangyari sa akin siguro kung muli kayong magkatagpo magiging kayo parin"
"Eliza past is past we already moved on atsaka iyon talaga ang kapalaran namin,natin.Ang importante masaya na tayo sa kanya kanya nating buhay"
Ngumiti siya at ginagap ang kamay ni Veron"sana mananatili tayong magkaibigan,mananatili kayong mag kaibigan ni Manolo.Totoo ang madalas niyang sinasabi sa akin na isa kang mabuting tao at may busilak na puso Veronica"
"Magiging magkaibigan tayo at tulad ng isang pamilya,mabait ka Eliza at mabuting ina sa mga anak mo kina Luke at Ysa at masaya ako dahil ikaw ang naging asawa ni Manolo"
Nagtakapan silang dalawa at iyon ang eksenang naabutan ni Luke dahil nilabas niya ang dalawa upang sabihing nakahanda na ang meryenda.
"Eeheemmm!!pagtikhim niya upang maagaw ang pansin nila.
Kaagad naman lumingon ang dalawa at makikita sa mga mukha nila ang saya.
"Hijo bakit?tanong ni Doña Eliza.
"Nakahanda na ang Meryenda Mom and Tita Veron"
Nagtanguan ang dalawang ginang atsaka sumunod na kay Luke papasok sa Villa.Nasa living room sila pero wala na si Ysa doon kaya tinanong nila kay Luke.
"Nasaan si Ysa?tanong ng Tita Veron.
"She's upstair Tita umakyat dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ko"sagot ni Luke.
Hindi na sila magtataka dahil alam naman nilang hindi maayos ang relasyon ng dalawa.At alam narin ng mga magulang ni Luke na gustong makipag hiwalay si Ysa kay Luke pero pinakiusapan na maghintay muna at pumayag naman si Ysa.
"Tiis tiisin mo muna ang ganyang sitwasyon Luke"ani ng kanyang ina.
"What can I do Mom edi tiisin nga"ani ni Luke sabay umupo sa sofa.
"I just hope na mawawala ang katarayan niya after giving birth"ani naman ni Tita Veron.
"I don't know kung anong mangyayari pagkatapos niyang manganak"ani naman ng ina ni Luke.
Hindi kumibo si Luke at kumain lang ito ng cake na hinanda sa kanila ni yaya Lorna dahil kinuha ito ni Luke upang may mauutusan si Ysa habang nasa opisina siya.Dahil pinabalik na siya ng kanyang ama sa kompanya nila upang gampanan ang posisyon nito.
"Let's not think about that issue between them for now,ang mahalaga nandito parin si Ysa at kasama ni Luke"sagot naman ng Tita Veron.
"Kaya nga Luke huwag mo ng patulan kahit anong sasabihin niya sayo,mabuti nga't nadala pang pakiusapan"ani ng kanyang ina.
"I'm hoping it'll end up very soon Mom,I just can't stand with this Goddamn situation any longer!
"Kasasabi mo lang na titiisin mo eh,ilang linggo pa lang naman nahihirapan ka na?tapos hindi mo inisip ang pinaggagawa mo noon?pangaral ng ina.
"Yaya Lorna magdala ka nga ng platito at kutsarita please"aniya dahil gustong iwasan ang topic na binabanggit ng ina.
"Oh umiiwas ka na naman sa tuwing binabanggit ko yan sa pagmumukha mo?
"Mom please can you just please stop dragging that topic anymore? It's been a long long long time Mom!
"Heto na po Sir"ani ng yaya.
"Thank you"aniya sa yaya at umalis na ito.
"Eh pareho din naman yon sa issue nyo ngayon ni Ysa,people changed and feelings as well kaya kung mahal mo tiisin mo!
"Alright Mom I will okay?"aniya sa ina at kinuha ang cake"Going up to bring this cake for Ysa,Tita Veron feel at home"paalam ni Luke sa kanila.
Sinundan lamang nila ito ng tingin at ang katulong na ang nag istima sa kanila habang nag uusap sila ng mga bagay bagay at hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sila upang umuwi na at babalik nalang umano sa ibang araw.
Habang sa kwarto naman sinusuyo parin ni Luke si Ysa upang kumain ng cake at uminom ng gatas pero sadya yatang pati ulo tumigas narin sabagay wala naman talagang ulong malambot.
"Bingi ka ba o hindi mo naiintindihan ang sinabi ko?sinabi kong ayaw kong kumain ng pagkain na ikaw ang magdala o magsisilbi sa akin!
Ganito lagi si Ysa palaging aburido kapag kaharap siya,minsan pa ibubuhos o itatapon pa sa mukha niya ang mga pagkain na dinadala niya para kay Ysa pero tiniis niya iyon at iniintindi ito dahil mahal niya si Ysa and he will do everything to get her trust again and to win her heart back.
"Ysa why are you doing this to me?
"Because I hate you!! Maraming beses ko ng sinasabi yan sa pagmumukha mo di ba?hindi mo parin ba naiintindihan?
"Mahal kita Ysa mahal na mahal! I don't want to lose you,I need you and our baby"
"Our baby?ngayon aangkinin mong anak mo?noon ba inisip mong baka nabuntis mo ako pagkatapos mong pahirapan ang kalooban ko at saktan ako?
"Ysa I still didn't put my mind yet sa mga araw na yon,naguguluhan din ako that time kaya iniiwasan kita dahil..."
"Dahil ano?dahil hindi mo ako mahal ganon ba? Luke come to think of it kung hindi nag iba ang feelings mo kay Rhian mamahalin mo parin ba ako?susuyuin at magmakaawa na mahalin ko? No! Of course not dahil nga hindi mo ako mahal at siguro iiwan mo parin ako kahit may anak na tayo.Pero ako Luke minahal na kita noon pa even though from the first time sinabi mo ng I am nothing kumpara sa babaeng gusto mo!
Napalunok si Luke sa sinabi nito dahil alam niyang may point ito pero hindi naman sana nitong gawin issue ngayon dahil iba na ngayon mahal niya na si Ysa.Yes nasaktan niya ito dahil sa pambabaliwala niya dito at hindi pinapahalagahan but everything suddenly change at iyon ang gusto niyang patunayan kay Ysa.
"Nawala ka lang that time Ysa kung hindi ka nawala I will make up with you at sabihing mahal na kita,nahuli lang ako ng dating,if not I'm sure we could fix the things fine!
"Nahuli ka na rin ngayon upang sabihing mahal mo na ako dahil ayoko na sayo!
"Kahit ayaw mo na sa akin Ysa sana hayaan mong mahalin kita tulad ng minahal mo ako noon na ayaw ko rin sayo.Because I want to feels how'd you felt before baka sa pamamagitan nito matanggap ko rin na you don't love me anymore"aniya kay Ysa habang tinitingnan ito sa mga mata.
Napalunok siya at hindi niya kayang makipagtitigan kay Luke kaya nag iwas siya ng tingin at tumingin sa ibang direksyon.
"Go out now ayokong makita ang pagmumukha mo!matigas niyang utos.
"Okay lang din ba sayo kung dito ulit ako sa sofa matutulog?tanong niya dito.
"Dyan ka naman komportable edi dyan ka matulog!kailangan pa talaga akong tanungin?
"Thank you"ngiti niyang wika.
Sabay dinampot ang tray na may laman ng cake at gatas na dinala niya kay Ysa pero hindi nito kinain.At tumungo na sa pintuan upang lumabas pero nagsalita si Ysa.
"Sabihin mo kay yaya Lorna dalhan niya ako ng cake at gatas!utos ni Ysa.
"Don't you like this?
"Sana kinain ko na kung gusto ko yan!hindi ko kinain so malamang ayoko nyan!taray niyang wika.
"Okay gonna tell yaya Lorna to bring some for you"ani ni Luke at tuluyan ng lumabas.
Habang pababa siya eh wala ding tigil ang pagpatak ng kanyang luha,ewan niya pero hindi parin siya nasasanay sa ginagawa ni Ysa sa kanya nasasaktan parin siya sa tuwing pinapakita ni Ysa na wala siyang kwentang tao para dito.Pagdating sa kusina ay agad nilapag ang tray sa mesa at hinanap ang yaya.
"Yaya?tawag nito.
"Yes po Sir?sagot ng yaya mula sa laundry room.
"Bring some cake and milk for Ysa please"utos niya dito.
"Ayaw niya ba nyan Sir?
"Ayaw niya kasi ako ang nagdala"sagot nito at lumabas ng kusina.
Naaawa naman itong sinundan ng yaya ng tingin ang among matamlay na naglalakad palabas sa may garden.Kasi alam din niya ang sitwasyon ng mga amo at naaawa na siya sa Sir Luke niya kapag dito sa Villa laging sinisigawan at sinisinghalan ng amo niyang si Ysa.Pakiramdam niya nga ibang iba na ang Ysa noon kesa ngayon.
"Ma'am heto na po ang ipinahahatid nyo"aniya kay Ysa ng makapasok na ito sa kwarto.
"Sige pakilagay na lang dyan sa table yaya Lorna"ani ni Ysa habang nangingiwi.
"Ma'am okay lang po ba kayo?
"O-oo okay lang ako yaya"aniya habang hinimas ang tiyan.
"Kailangan nyo po ba si Sir...Ma'am?
Tiningnan niya ito at umiwas naman ng tingin ang yaya sa pag aakalang magagalit ang amo.
"Hindi na yaya ayos lang ako"
"Sige po Ma'am lalabas na ako"paalam ng yaya.
Tumango lamang siya at sinara na ng yaya ang pintuan siya naman ay napapangiwi muli dahil sumasakit ang tiyan niya.
"Aray ko!daing niya habang hinimas himas niya ito.
Nasa ganon siyang kalagayan ng maabutan siya ni Luke kaya agad itong lumapit sa kanya.
"Baby are you okay?what's wrong?tarantang tanong ni Luke habang hinimas ang tiyan ni Ysa.
"H-hindi ko alam biglang sumakit ang tiyan ko"sagot ni Ysa habang pinagpawisan na ito.
"I'll take you to the hospital okay?
"H-huwag na Luke okay na ako"ani ni Ysa.
"Gusto mo pa ba kainin ang cake?
"Yeah okay"sagot niya sabay tango.
Kaagad naman tumayo si Luke at kinuha ang tray na may cake at gatas saka dinala malapit kay Ysa.He's not supposed to be here to see his wife but to take his phone because he left it on the small table.Pero sakto naman pagpasok niya nasa ganong kalagayan si Ysa.
"Here baby susubuan na kita"aniya dito.
"No!ako na lumabas ka na!asik niya kay Luke. (Toink haha)
Napakunot noo namang tumingin si Luke kay Ysa bakit ganon ang bilis naman nagbago.At naisip niya baka nga wala ito sa tamang pag iisip kani kanina lang dahil sa ininda nitong sakit,kaya inilapag nalang ang dala niya.
"Okay..just call me kung may kailangan ka okay?aniya dito.
Inirapan lamang siya nito atsaka sumubo na ng cake na walang pakialam sa kanya.Kaya humakbang na siya at kinuha ang phone bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Wala naman siyang pakialam kay Luke eh masaya pa nga siya kung nakikita niya itong nahihirapan at nasasaktan.Sa isip niya kulang pa yan!
"Hello dude?sagot ni Brix ng tinawagan niya ito.
"Dude are you free tonight?
"Yup!why?
"Let's meet up in a same place dude"aniya kay Brix.
"Uhm problem?
"Nope!just want to hang out for a bit"
"Yeah okay dude"anito at pinutol na ang tawag.
Umakyat siya muli upang magpaalam kay Ysa na hindi siya maghapunan sa bahay pero sympre sasabihin din niya dito kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya.
"Baby pupunta kami ni Brix sa bar"agad nitong wika.
"Oh ano ngayon isasama mo ba ako pupunta dun!?
"Nagpaalam lang naman ako"
"No!you don't need to Luke,pupunta ka kahit saan mo gusto kahit lumipad ka pa patungong America,hell I care!
"Alright..I'm not going to eat here also tonight"kalmado niyang wika.
"Kahit habang buhay ka pang hindi kakain dito I don't care the hell!
Hindi na siya sumagot at tiningnan lamang si Ysa pero ni hindi ito tumingin sa kanya at sa phone lang nito nakatingin.Kaya mabilis na siyang lumabas bago pa man maiyak sa harapan ni Ysa.
Pagdating sa garahe ay agad sumakay sa kotse at mabilis pinaharurot.
"Aaaaahhhhh!!!!aaaahhhhh!!!sigaw niya habang pinagsusuntok ang manibela"damn!!damn!!daaaaamnnnnnn iiiiiitttt!!!
Grabe ang bigat bigat na ng dibdib niya yung kahit anong gawin mo wala parin at kahit anong sabihin mo wala parin.Halos nagawa niya na lahat pero wala parin,gusto niyang magalit pero kanino?alangan naman kay Ysa eh galit din ito sa kanya.Masyado na ba siyang insensitive nung mga panahong iyon at ganon na lamang ang galit ni Ysa sa kanya na hindi na siya nito magawang patawarin?Haban
g tumatagal at nagdadagdag ang bilang ng buwan ni Ysa patindi ng patindi ang kabang nadarama niya dahil pakiramdam niya sa buwanan lang ng pinagbubuntis nito na may chance to make up with her after that he might lose the battle and games will be over!At iyon ang ayaw niyang mangyari ang tuluyang lumayo at mawala si Ysa dahil kaya na nito ang sarili.
"No!please noooooooooooo!!!!sigaw niya sa kanyang naisip.
Hindi nagtagal ay narating din niya ang bar at nakita niyang naka park na ang kotse ni Brix sa kaliwang banda kaya umibis na siya ng kotse at pumasok sa loob ng bar at diretso sa VIP room.Nandon na nga si Brix at kasama ang girlfriend nitong si Rhian,okay naman sila ni Rhian magkaibigan parin sila at kahit madalas silang magkakasama noon pa wala na siyang nararamdaman para sa dalaga kundi a friendly treat na lamang at masaya naman siya para sa dalawa dahil alam niyang nasa mabuting kamay si Rhian dahil si Brix ang naging boyfriend nito.
"What's up dude?agad na tanong ni Brix.
"As usual dude"sagot nito sabay umupo at kumuha ng alak"hey Rhian how you doin' huh?pansin niya dito.
"Doing great Luke and you are?
"Me?I think karma keeps fucking me everyday"sagot nito habang uminom ng alak.
Napangiti naman ang dalawa dahil alam din nila ang sitwasyon ni Luke at ng asawa nito.
"Hayaan mo na siya Luke at mag tiis ka muna baka dahil lang yan sa pagbubuntis niya"ani ni Rhian.
"Yeah dude baka nga dahil sa buntis siya"ani din ni Brix.
Mapait siyang ngumiti atsaka uminom ulit ng alak saka pa sumagot"hindi na siya naglilihi..kung naglilihi pa sana siya ayos lang pero ngayon natatakot akong I can't take her back again"aniya.
"May maitutulong ba kami para sayo Luke?tanong ni Rhian.
"No thanks!aniya sabay umiling"I need to do this myself because that is what Ysa want to see me in pain"aniya sabay mapait ngumiti.
Naaawa man ang dalawa eh wala din naman silang magagawa dahil issue ng mag asawa to.
Lasing na lasing na si Luke habang nasa loob ito ng kotse nila upang ihatid sa Villa,nagtagal din sila sa bar dahil ayaw pang umuwi ni Luke kahit nga ngayong nalasing na ay ayaw parin paawat pero hindi na nila pinagbigyan.Kaagad pinindot ni Rhian ang doorbell at ilang sandali pa binuksan na ito ng katulong.
"Sir Brix ano pong nangyari kay Sir Luke?tanong agad ng katulong.
"Yaya Lorna maaari bang papasukin muna natin si Luke ang bigat bigat kasi"wika ni Brix dahil nahihirapan na siya.
"Sige po Sir/Ma'am pasok po kayo"
Dinala nila si Luke sa sofa sa may living room at pinahiga doon.
"Yaya ang Ma'am Ysa mo?tanong ni Brix.
"Nasa kwarto po nila at baka tulog na yon"sagot ng yaya.
"Paano ang isang to hayaan nalang dyan?tanong ni Rhian.
"Yaya pakitingnan ang Ma'am Ysa mo sa kwarto baka gising pa"utos ni Brix.
"Sige po Sir"ani ng yaya at umakyat na.
"Babe mauna ka na sa kotse at hintayin ko lang si Ysa bumaba dito then susunod narin ako"aniya kay Rhian.
"Sige bilisan mo ha?
Tumango lamang siya at lumabas na ang dalaga,hindi niya inutusang mauna para hindi makita ni Ysa dahil katunayan bumisita na sila ni Rhian minsan sa Villa at nagkita na si Rhian at Ysa wala naman dahil alam na ni Ysa na sila ng dalawa.
Paglabas ni Rhian siya namang pagbaba ni Ysa at agad siyang kinausap nito.
"Brix sana hinayaan nyo nalang sa bar matulog ang lokong to nag abala pa kayo"sita agad ni Ysa.
"Lasing na lasing na kasi baka mapasama siya sa mga tao doon mahirap na"sagot ni Brix.
"Sige na thank you at pasensya na sa abala"
"Alright tutuloy na kami"paalam niya.
Tumango lamang si Ysa at lumabas na siya at diretso na sa kotse sabay umalis na sila upang ihatid si Rhian sa bahay nito.
"Yaya Lorna paki kuha nga po ng planggana at tubig saka malinis na tuwalya"utos niya sa yaya.
Tumalima naman ito upang kunin ang pinag uutos niya,pinagmamasdan niya si Luke habang himbing na himbing itong natutulog dahil sa kalasingan.
"Painom inom ka hindi mo naman kaya nakaabala ka pa ng iba"bulong nitong wika.
"Heto na po Ma'am"ani ng yaya.
"Salamat yaya,sige na matulog na kayo dun at ako na ang bahala dito"aniya dito.
"Sige po Ma'am good night"
"Good night yaya"aniya at umalis na ito.
Pag-alis ng yaya ay tiningnan muli si Luke at sinimulan niyang tanggalin ang damit nito pati pantalon tinira lamang ang brief nito saka sinimulan niya ng punasan ang buong katawan ni Luke.Sa tingin niya medyo nangangayayat si Luke at ibang iba na ang pisngi nito kesa sa dati na ngayon niya lang natitigan ng mabuti.Hinaplos niya ang pisngi ni Luke pababa sa baba nito patungo sa leeg at tumagal sa dibdib nito.
"Luke hindi ko alam kung mahal pa ba kita o hindi na,nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon,natatakot akong magtiwala muli dahil....dahil...baka muli kong maramdaman kung anong sakit na nararamdaman ko noon.I know I misunderstood everything pero paano kung totoo yon?paano kung nagawa mo nga akong pagtaksilan?paano kung hindi mo nga ako mahal Luke?aniyang sabay umiyak.
"Hmmm"mahinang umingol si Luke.
Mabilis naman niya inalis ang palad niya sa dibdib ni Luke saka nagpahid ng luha at muling tiningnan si Luke tulog din pala nagbaling lang ng ulo.Tumayo siya at kinumutan si Luke ng makapal na blanket saka pinulot ang mga damit nito sa sahig.Hindi pa man siya nakaalis ay nag iba ng posisyon si Luke at nahulog ito sa carpet dahil nga malaki ito kaya hindi gaanong kasya ang katawan sa sofa.
"Luke!?aniya at agad dinaluhan"Luke are you okay?tanong niyang tinapik tapik ang pisngi ni Luke pero tulog parin naman.
Sa isip niya lasing na lasing nga ang mokong ni hindi alam na nahulog na ito sabagau ganon naman talaga ang mga lasing.Kaya inayos na lamang niya ng higa sa carpet si Luke at kinuha ang cushion upang gawin nitong unan saka kinumutan,himbing na himbing parin ito at tatayo na sana siya upang iwan at aakyat na siya sa kawarto ay narinig niyang nagtawag ito.
"Yhsaaaa!!Yhsaaaa!!tawag ni Luke habang natutulog.
"Ma-hal ki-ta"ulit ni Luke at muli ng nahimbing at mahina pang naghilik.
Napalunok siya ng sunod sunod habang pinipigilang tumulo ang kanyang luha,dahan dahan siyang umupo malapit kay Luke at pinagmasdan ito sa mukha.Habang tinititigan ang mukha ni Luke ay unti unti siyang humiga malapit dito at umunan sa braso ni Luke dahil nakatagilid naman ito.Hindi parin niya inalis ang paningin sa mukha ni Luke pinagsasawa niya ang kanyang mga mata sa kakatitig sa natutulog ng si Luke.Unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ni Luke at kahit amoy alak ang hininga nito feeling niya mabango parin ito sa pang amoy niya.Inilalapit niya ang kanyang labi sa umaawang na labi ni Luke at masuyo iyong hinalikan she taste a wine in there at masarap naman sa kanyang panlasa.Habang hinahalikan si Luke ay unti unti narin siyang pumikit dahil inaantok narin siya kanina pa.At iyon ang huling eksena nila ni Luke ang natatandaan niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Habang sa daan naman sina Brix at Rhian upang ihatid ito sa kanila ay may namataan si Brix na sasakyan sa tabi ng kalsada.
"Babe parang nasiraan yata oh?turo ni Rhian sa kotse na nakikita din pala nito.
"Yeah nakita ko rin,gonna check it"ani ni Brix at huminto malapit sa kotse.
"Ma'am may problema po ba kayo?tanong ni Brix na ibinaba ang windshield.
"OO kailangan magpalit ng gulong eh"sagot ng ginang na hindi yata kaya mag palit ng gulong.
"Babe wait here gonna help her okay?
"Okay babe"sagot ni Rhian.
Nakita niyang nagpapalit na ng gulong si Brix at nanonood lang din siya habang nasa loob lang ng kotse.
"Ayos na po Ma'am"aniya sa ginang.
"Thank you hijo sa tulong mo"ngiting wika nito sa kanya.
"No Problem po"
"Ang swerte ng mga magulang mo sayo magalang na matulungin pa I bet mabait ka rin ano?
Napakamot naman siya ng ulo sabay sumagot"hindi naman po masyado Ma'am slight lang"kulit niyang sagot.
"Ako nga pala si Veronica Bea De Veira and you?
"Brian Rex Alvaro po and nice meeting you Ma'am De Viera"aniya sabay lahad ng kamay.
Nakipag kamay naman ito sa kanya at ubod tamis ngumiti dito.
Nakita ni Rhian na mukhang nagkakaigihan ang dalawa dahil nagkakamayan ang mga ito pero habang matagal niyang pinagmamasdan ang ginang nakikita niyang parang pamilyar ang mukha nito.Pumikit siya dahil gusto niyang alalahanin kung saan niya ba nakita ang mukha nito.....bigla siyang napamulat ng mga mata ng maalala kung saan niya ito nakita...Sa album...pero natigilan din siya dahil yung sa album ng nanay niya medyo mas bata yon kesa sa nakikita niya ngayon na medyo may katandaan na.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficção GeralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...