Chapter 20

5.3K 96 1
                                    

NATAPOS ang kanilang honeymoon vacation at ngayon ay nandito na sila sa Pilipinas,at hanggang sa umuwi sila dito ganon parin ang sitwasyon nila ni Luke.Hindi naman sila nag-aaway,hindi rin nagagalit sa kanya si Luke minsan malambing minsan parang hangin lang siya sa binata at mula din sa araw na iyon ay hindi na sila muling nagtatalik pa ni Luke dahil sa sofa ito natutulog at sa kwarto naman siya natutulog.Wala silang pinag uusapan tungkol sa kanilang dalawa dahil malamang pareho nilang iniiwasang pag usapan yon.Mahirap ang mamuhay sa ganong sitwasyon pero hindi niya alam kung paano niyang natiis yon.At ngayon nandito na ulit sila sa kanilang pamilya mas mahihirapan pa yata siyang kumilos ng tama lalo pa't nasa Pilipinas na sila kung saan nandito ang babaeng tinatangi ng binata.
Sinundo sila ng kanilang family driver at nagtataka siya kung bakit ibang kalsada ang tinatahak nila hindi patungo sa kanilang Bungalow.Kaya nilingon niya si Luke atsaka nagtanong ito sa binata.
"May dadaanan pa ba tayo?mahina niyang tanong.
Sumagot si Luke habang nakatingin sa labas ni hindi siya nito tiningnan"we're going to our home baby"sagot ni Luke.
"Home?what do you meant?
Saka ito lumingon at tiningnan siya saka hinaplos sa mukha"I meant our own home baby"ngiting wika ni Luke.
Nagulat pa siya dahil wala namang binanggit si Luke o ang kanilang mga magulang.At hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya knowing magbubukod sila ni Luke.Bigla tuloy siyang kinabahan dahil hindi niya alam ang tumatakbo o plano ng binata.
"Y-you didn't mention anything about this Luke"aniya sa binata.
"Yeah because I wanna surprise you that's why I didn't tell you about it"malamig na sagot ng binata.
"Is Dad and Mom knows about that?
"Uh-huh"maikling sagot ni Luke na sa labas na ito nakatingin.
"Pero kailangan ba talaga nating bumukod kina Dad and Mom our house is big enough"
"Yeah because this is what I want to"
"Plinano mo ba ito noon pa?
"Baby bakit ba ang dami mong tanong ha!?iritang tanong ni Luke.
"Dahil nagpaplano ka na hindi ko alam Luke!
"Then you don't need to know kung anong gusto ko para sa atin after all you're just a wife!!
"You're just a wife...come on!Seriously?Lu
ke are you out of your mind?kung asawa lang ako wala ba akong karapatang malaman kung anong plano mo?
"No! Period and don't talk now!ani ni Luke.
Habang nagtatalo ang dalawa tahimik lang naman ang kanilang tagamaneho na tinitingnan sila paminsan minsan sa front mirror.
"Mang Diego pakihinto po ang kotse bababa ako!utos ni Ysa sa driver nila.
"Po!?ani ng driver.
"Continue driving po Mang Diego"ani naman ni Luke.
Hindi tuloy malaman ng driver kung sino ang susundin sa dalawa dahil pareho niyang amo ang dalawa.
"Mang Diego I said stop the car now!medyo tumaas ang boses ni Ysa.
"Pero Ma'am.."kamot ulong wika ng driver.
"Don't stop Mang Diego"utos din ni Luke.
"Ihinto nyo po ba ang kotse Mang Diego o tatawagan ko si Daddy na tanggalin kayo bilang driver!?
"Mang Diego don't worry wala naman siyang dalang cellphone at ako ang bahala sa inyo"ani ni Luke.
"Aaahhhh!!!grrrrrr!!!sigaw niya kay Luke sabay hampas ng likod ng upuan sa front seat.
Hindi narin kumibo ang ang binata at tumingin na ito sa labas ng bintana gayon din ang driver hindi na nagsalita pa.Nagpupuyos ang kalooban niyang tumingin sa labas ng bintana.Ewan niya sa mokong na ito wala ba siyang karapatang malaman kung anong gusto nito?okay sabagay kailangan pa ba siyang sabihan nito kung anong gusto nito sa kanila?Hindi,hindi pala para sa kanila kundi para lang sa binata.
HERMOSA SAN ISIDRO ang Villa kung saan sila hinatid ni Mang Diego,bumaba ng kotse ang driver saka pinagbuksan siya nito ng pinto.Pero hindi siya kumilos at nanatiling nakaupo habang nakatingin lang sa unahan.
"Baby bumaba ka na"ani ni Luke sa kanya.
Hindi siya sumagot ni hindi niya ito sinulyapan.Pero nagsalita itong muling.
"Mang Diego pakibaba nalang po ng mga bagahe namin at ipasok sa loob ng Villa"utos nito sa driver.
"Okay po Sir"sagot ng driver at gumawi na sa hulihan upang ibaba ang mga bagahe nila.
"Come baby let's go inside"ani ni Luke.
Hindi parin siya kumilos at diretso lang ang tingin sa unahan,naramdaman niyang kinuha ni Luke ang kanyang kamay pero pinalis niya iyon at humalukipkip na hindi parin nagsasalita.Bumaba si Luke sa kotse at tumungo sa banda ni Ysa saka niya ito hinawakan sa kamay upang bumaba na sa kotse.
"Ayoko nga eh!!asik niya dito sabay nagpupumiglas.
"Are you going to stay in the car?
"Uuwi ako sa bahay at hindi dito!aniya sa binata.
"Come on baby let's go inside"ani ni Luke sabay mahina siyang hinila nito.
"I said I don't want to go inside Luke so let go off me!!aniyang tinanggal ang kamay ng binata.
"Bullshit!! Uubusin mo ba talaga ang pasensya ko ha!???asik ni Luke sa kanya.
Naalarma na ang driver sa pagtatalo ng dalawa at medyo nagulat siya ng tumaas ang boses ni Luke.Pero nanatili siyang tahimik dahil mga amo niya ito baka kung saan pa siya pupulutin kung makialam siya sa dalawa.
"Ayoko dito kaya iuwi mo ako sa bahay!!sagot niya din sa binata.
"Baby look dita ka titira okay?at dito tayo titira we're not going to stay together with our parents do you understand me ha!???asik ni Luke sa mukha ng dalaga.
"Maiintindihan ko kung sinabi mo sa akin ang mga plano mo dahil may karapatan akong malaman dahil kailangan din ang opinyon ko bilang asawa kahit hindi mo pa ako ituring na asawa mo!!!
"Oh my God!! We arguing with the simple things and I don't find it interesting baby so come out from the car now and let's go inside"
"Well I find it interesting Luke dahil ang asawa ko nagpa planong mag isa at ang sabi niya I don't need to know about it and when I asked him if I have no rights to know sa mga pinaplano niya he automatically said NO and shut me up isn't it interesting?ani ni Ysa sabay matalim tinapunan ng tingin ang binata.
Hindi sumagot si Luke sa gulat niya ay marahas siyang hinila ni Luke pababa ng kotse.
"Sir!ani ng driver dahil nag alala ito para kay Ysa.
"Luke ano ba let go off me!ani ni Ysa sabay nagpupumiglas.
"Mang Diego we're okay makakaalis na kayo"aniya sa driver habang hawak hawak niya si Ysa.
"Sigurado po kayo Sir?
"Yeah"aniya atsaka kinaladkad na ang dalaga papasok sa loob.
"Luke ano ba!!!!pagpupumiglas parin ni Ysa.
Umalis na ang driver na nag alala parin sa dalawa,sa isip niya may punto naman talaga si Ysa bilang asawa kailangan niyang malaman kung anong plano ng asawa nitong si Luke.Dahil iyon ang dapat sa mag asawa ang nagtutulungan sa lahat ng bagay maging sa pagpaplano para sa kanila.Hindi nga din niya maintindihan ang isip ng among lalake.
"Luke ano ba bitiwan mo nga akoooo!????pagpupumiglas parin ni Ysa.
Pabalya siyang tinulak ni Luke sa sofa at tatayo sana siya ulit pero agad siyang hinawakan ni Luke sa magkabilang kamay at itinaas iyon sa sofa at kinorner siya nito.
"Pakawalan mo nga ako Luke ano baaa???aniyang gusto itong sipain pero hindi niya magawa dahil hindi siya makakilos.
Hinalikan siya ni Luke sa labi pero umiiwas siya kaya pinaghahalikan siya nito sa leeg.
"Luke tumigil ka nga bitiwan mo ako!bitiwan mo akoooo!!!asik niya sa binata.
Huminto naman ito saka tiningnan siya sa buong mukha atsaka nagsalita.
"We'll going to stay here wether you like it or no and that's final"ani ni Luke saka ginawaran siya ng halik sa labi at pinakawalan na siya nito at umakyat na sa ikalawang palapag ng Villa.
"Uuwi ako sa bahay Lucas Kenneth!!pahabol niyang wika.
"You cannot go back there baby because this time our parents are on my side,they'll get mad at you kung gagawin mo yan"sagot ni Luke saka tuluyan ng pumasok sa silid.
Inisip niyang hindi yata nagalit ang mokong the way she called him.Pabagsak siyang umupo ulit sa sofa saka humiga doon dahil pagod ang isip niya kung ano bang balak gawin ni Luke sa buhay.
"Bwisit ka!mura niya.
Habang nakahiga siya hindi niya namalayang nakatulog na pala siya na hindi man lang nagbihis ng damit.
Habang si Luke naman pagkatapos nitong maligo ay nagsuot na ng damit dahil balak niyang puntahan ang kanyang parents upang dalhin dito sa Villa.Wala din naman problema dahil nasa ayos na ang lahat dahil before they flew back here ay nagawa na ng kanyang mga magulang ang pagbili ng Villa at paglipat ng mga gamit nila ni Ysa,na iyon ang hiniling niya sa kanyang parents na bubukod sila ng bahay bagay na suportado naman ng mga magulang so heto na nga yon!
Mabilis na siyang bumaba ng hagdan habang inaayos ang manggas ng kanyang damit.
"Baby?tawag niya kay Ysa dahil hindi niya ito nakita.
Paglingon niya sa sofa ay nakita niyang nakahiga doon si Ysa na nakabaluktot ito.Kaya dahan dahan niya itong nilapitan at hinawakan sa braso upang gisingin.
"Babyyy?aniya sa dalaga.
Pero hindi ito nagising kaya dahan dahan niya itong binuhat atsaka umakyat sa taas upang ihatid si Ysa.Habang nasa hagdan sila ay umungol lang ito kaya sinulyapan niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago natutulog parin kahit saan"aniya sa sarili dahil nakasanayan ni Ysa na basta basta natutulog kahit saan kahit noon pa.
"Hhmmm"umungol ito ng hiniga niya na sa kama.
Ni hindi ito nagbihis pero hinayaan niya nalang siguro pagod ito sa biyahe,kinumutan niya si Ysa saka lumabas na ng kwarto nila.Hindi pa man siya nakalabas ay tinawag na siya ni Ysa.
"Luke?tawag ni Ysa.
Lumingon naman siya sabay napakunot noo"are you bluffing me?tanong niya dito.
Kipot labi siyang sumagot dahil nakatulog naman talaga siya eh"hindi ah I just woke up at saan ka pupunta?tanong niyang bumaba ng kama.
"I'm going to our parents to bring them here"sagot ng binata.
Hindi sumagot si Ysa saka nauna ng lumabas sa binata salubong naman ang kilay ni Luke sinundan ito ng tingin.
"And where are you going?tanong niya sa dalagang nakatalikod.
Lumingon ito saglit atsaka sumagot"sasama ako sayo of course"ani ng dalaga at akmang bababa na ng hagdan.
Mabilis niya itong hinabol at hinawakan sa braso at giniya ulit papasok sa kwarto.
"Aahhhhh..aaraaayyy..Luke bitawan mo nga ang braso ko eeehhhh"aniyang napangiwi pa.
"You silly girl who told you to go with me huh?stay here and take a shower and get some rest before we get back understood!?ani ni Luke sabay talikod.
"I HATE YOUUUUUUUU!!!asik ng dalaga sabay binato ng unan ang binata pero hindi natamaan.
"Hate me or love me both are my choice,if you hate me I'm always in your mind if you love me I'm always in your heart!ngiting wika ni Luke sabay kindat sa dalaga at nag flying kiss pa sabay humakbang na palabas ng kwarto.
"Grrrrrrrrrrrr!!!!youuuuuuu!!!aniyang pikon na pikon sa binata.
Abot hanggang tainga ang ngiti ni Luke pababa ng hagdan at pasipol sipol pang lumabas ng Villa diretso sa parking lot saka pumasok na sa kotse at pinaandar na ito.Well gustuhin man ng dalagang aalis ng bahay hindi rin ito makakaalis dahil sadyang isang kotse lang pinahatid niya sa driver and medyo malayo din ang labasan para maka pick up ng taxi.
Pagdating sa kanilang Bungalow ay agad siyang binati ni yaya Lorna.
"Maligayang pagbabalik po Sir"ani ng yaya.
"Hi yaya Lorna thanks,kumusta kayo dito?aniyang naupo sa sofa.
"Ayos lang naman po kami Sir,si Ma'am Ysa po hindi nyo kasama?
"Good!nope nasa Villa lang,by the way where's Dad and Mom and also yaya Maria?
"Nasa labas po sina Don at Doña kasama nila si Ate Maria pero babalik na rin yon sila Sir"ang katulong.
"Ah okay!hintayin ko nalang sila"
"Okay po!may kailangan po ba kayo Sir?
"No yaya Thanks"aniyang nakatuon na ang paningin sa TV.
Iniwan na siya ng katulong mag isa sa living room atsaka ginawa na ang trabaho nito.Ilang minuto pa'y dumating na ang kanyang mga magulang pati si yaya Maria.Kaagad siya tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ang mga magulang.
"Dad,Mom!aniya sa mga ito.
"Son welcome home happy to see you again my son"ani ng ina.
"Hijo how are you and Ysa?welcome home"anang Don at niyakap nila ang anak.
"We're doing good Dad and thank you Mom"sagot niya sa mga magulang.
"Lalo ka yatang gumugwapo hijo"bati naman ni yaya Maria.
"Hi yaya kayo naman hindi parin nagbabago mambobola padin"ngiting wika niya sa yaya saka ito niyakap.
Ngumiti naman sa kanya ang yaya at nagtanong ito"eh saan ang asawa mo?
"Uhmm nasa Villa katunayan I just came to pick up Dad and Mom"sagot niya saka tumingin sa mga magulang.
"Ah ganon ba?ani ng yaya.
"Yup!so shall we Dad,Mom?aniya sa mga magulang.
"Yeah okay let's go"ani ng Don atsaka nagpatiuna na.
"Okay son we're going"ani ng ina atsaka kinausap ang katulong"yaya Maria kayo muna ang bahala dito ha"
"Makakaasa kayo Doña Eliza,ikumusta nyo nalang po kami kay Ma'am Ysa"ani ng yaya.
"Don't worry yaya Maria makakapunta pa naman dito si Ysa"ani ni Luke sa yaya.
"OO sige mag-ingat kayo"ani ng katulong.
Ngumiti lang si Luke sa yaya at sabay na sila ng ina lumabas ng bahay habang ang Don ay nasa labas na naghihintay.
Habang sa daan ay sari saring katanungan ang tinatanong ng Don at Doña kay Luke.
"Son magkaka apo na ba kami?tanong ng Doña sabay kalabit sa anak.
"Yeah hijo when are we going to become a grandparents hmm?tanong ng Don nasa front-seat ito umupo.
"Dad!Mom!aniya naman sabay napa ismid.
"What?tanong ng Don.
"I don't know yet Daddy"aniya.
"Did you guys gone for honeymoon or business trip?tanong ng Doña.
Ngumiti nalang si Luke sa biro ng ina eh kung alam lang ng mga ito ang mga nangyayari naku malamang ipatapon siya ng mga ito sa kagubatan.Well he makes sure naman na walang malalaman ang mga ito dahil alam niyang hindi magsasabi ng kahit na ano ang magaling niyang asawa!Napangiti na lang siya sa isiping asawa daw!

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon