TATLONG ARAW na ang lumipas pero hindi parin nagising si Josh ang huling araw na nakita siyang kumilos ay yung araw na sina Luke at Ysa ang nasa hospital then after that and till now hindi na nagising pa si Josh.His body is in pain because of accident,his head is injured but his mind didn't stop running,didn't stop thinking about someone so dearly to him,iyon ang hindi nawawaglit sa isip niya hanggang ngayon ay nais makita ang kanyang asawa.Yes maybe his body same like in coma but not his mind,his mind working 24 hours kahit hindi gumalaw ang kanyang katawan.
"Sayo lang ako nababaliw ng ganito Joshua dahil mahal kita at ikaw lang din ang lalakeng minahal ko sa buong buhay ko"
"Isa ka na rin sa mga babaeng puta na kayang ibigay ang kanilang katawan kapalit ng pansamantalang kaligayahan!
"Josh gawin mo na ang lahat sa akin but please not this one I can't take it anymore!
"Parang awa mo na Josh!
"J-Josh t-tama na please"
"I really like seeing you crying Angeline and begging me to love you back!
"If only this way I could win your heart Josh then it doesn't matter if I cry a lot of tears!
"Sex lang ba talaga ang kailangan mo sa akin kaya mo ako pinakikisamahan?
"OO!mas mabuti pa nga ang mga babaeng bayaran ay nagpapabayad bago sila nagpapagamit at limitado! Eh Ikaw?libre na at over time pa!
"Sa tuwing ginagamit mo ako wala ka bang nararamdaman kahit katiting na pagmamahal para sa akin?Hindi mo ba na a-appreciate lahat ng mga ginagawa ko para pagsilbihan ka?
"Kahit mamatay ka pa para lang pagsilbihan ako I don't care the hell! And bear this in mind I don't love you,I don't even like you Angeline because I resent you the most get it!???
"Gusto ko ring sabihin sayo sa kabila ng mga ginawa mo sa akin ay hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sayo..because in my empty brain there's a thought saying You will be mine Josh...You're Mine"
"I love you Josh,I love your killing gaze looking at me that makes me nervous everytime,I love your strong hands that slaps me when you get mad without reasons,I love your mouth that always said a hurtful words towards me,I love everything in you..your heart..your body and soul...I love them all"
"Josh...I love you so much"
Ang mga eksenang pumapasok sa kanyang isipan....
"Angeliiiiiiiiiiiineeeee!!!!
Sigaw ni Josh ang nagpagising sa mag asawang Rolando at Alison,kaya agad nila itong nilapitan.
"Josh hijo gising ka na finally nagising ka na Josh?wika agad ng kanyang ina.
"Josh kumusta na ang pakiramdam mo?tanong ng kanyang ama.
Masakit ang sugat sa kanyang ulo,makirot ang mga galos sa kanyang kamay at paa,masakit ang kanyang buong katawan pati ang kanyang mga buto.Nanghihina siya na ultimo ang pagdilat ng talukap ng kanyang mga mata ay hindi niya kayang gawin.Gusto niyang kumilos,gusto niyang gumalaw,pero...bakit sobrang hina niya?Mahinang mahina siya na akala mo ay lantang gulay,wala siyang lakas bakit ganito?anong nangyari?
"Josh?narinig niya ulit ang pagtawag sa kanya.
Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata kahit masakit tiniis niya,nakita niya ang kanyang mga magulang na nakatunghay sa kanya na puno ng pag-alala ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Josh hijo you awake now"ani ng kanyang ama.
"An-ge-li-ne...my-my...wi-fe I ne-need to...."
"Yes Josh hinahanap na namin ang asawa mo so relax don't talk,masyado ka pang mahina hijo"putol niya sa sasabihin ng anak dahil nakikita niyang hirap na hirap ito pati sa pagsasalita.
"My wi-fe Ma"mahina niyang tinig.
Hinaplos niya ang mukha ni Josh na dumadaloy ang luha sa pisngi ng kanyang anak.Nahahabag siya sa nakikita niya ngayon ang galit niya dati para sa anak ay napapalitan ng sobrang pagkaawa sa sinapit nito ngayon.
"Yes hijo we're looking for Angeline..for your wife"aniya sa anak.
"I-wa-nt to...see..my wi-fe..ple-ase Ma"aniya parin kahit hirap na hirap magsalita.
"Hinahanap pa Josh and soon makikita namin siya,for now please have some rest,you need to eat hijo para madali kang lumakas okay?
Dahan dahan itong bumangon mula sa pagkahiga kahit nanghihina at inalalayan naman ng mga magulang.
"Son please magpa hinga ka muna mahina ka pa Josh"ani ng ama.
"I ne-ed to..find..my..Ange-line my wi-fe Pa"sagot niya sabay tumayo.
Dahil nga mahina pa kaya natumba ito ulit sa sahig dahil ayaw din magpahawak sa kanyang mga magulang.
"Josh!?
Panabay nilang wika sabay dinaluhan si Josh na hindi alintana kung bumagsak man ito sa semento,gumapang parin siya patungo sa labas sabay binabanggit ang pangalan ng kanyang asawa.
"Diyos ko Joshua don't be too stubborn"ani ng kanyang ina.
"Son come up now you have to lay down"ani ng ama sabay inalalayan si Josh patungo sa hospital bed.
"No!tanggi ni Josh.
"Joshua mahina ka pa anong gagawin mo?ani ng kanyang ama.
"I ne-ed my wi-fe let...me...go"
"This brat!ani ng kanyang ama sabay pinilit ihiga ang kanyang anak.
Kahit naman nagpupumiglas si Joshua wala din yon sa ama dahil mahina naman siya kahit itutulak niya pa ang ama.
"My wi-fe"usal niya ulit sabay umiyak.
"Kung gusto mo siyang hanapin dapat magpalakas ka muna Joshua naintindihan mo!?malakas na wika ng ama.
Umiyak si Joshua at hindi nila kayang tingnan ang paghihirap nito na mismo sarili wala na itong pakialam dahil ang bukambibig nito ay ang asawa..asawa..a
sawa.Gusto man nila sumbatan ang anak pero mas nanaig ang kanilang awa para kay Joshua.Dahan dahan umupo ang kanyang ama sa bangko sabay napahilamos ito sa mukha.Ang kanyang ina naman ay umupo sa kanyang tabi at dahan dahang pinahid ang kanyang luha.
"Magpa lakas ka hijo kailangan mong tulungan ang sarili mo,tulungan mong lumakas ang katawan mo kung gusto mong mahanap ang asawa mo"ani ng kanyang ina.
Napalunok siya,masakit ang buo niyang katawan pero mas nararamdaman niya ang bigat ng kanyang dibdib,mas masakit ang dinaramdam ngayon ng kanyang puso.Mahina siya...tama ang mga magulang niyang mahina pa siya...ilang araw na nga ba siyang hindi kumain o uminom?ang huling araw niyang nakatikim ng pagkain iyong pauwi siya sa Villa at ang araw ng paglayas ng kanyang asawa.How many days na?Five days...five days walang laman ang kanyang sikmura nakaramdam siya ng gutom nung nagkamalay siya pero hindi niya ininda yon dahil sa isip niya ang kanyang asawa na mahanap niya na ito.Namalayan niyang sinubuan siya ng kanyang ina ng porridge pero wala sa pagkain ang isip niya kundi kay Angeline.
"Ma...my..wife"mahina niyang usal.
"Come on Josh kailangan mong kumain ilang araw ng walang laman ang sikmura mo kaya ka nanghihina dahil walang pagkain pumapasok dyan sa katawan mo"ani ng ina.
"I..want..my..wife..to..fed..me..Ma"ani ni Josh.
"Baliw ka ba?wala nga dito ang asawa mo dahil pinalayas mo at hinanap mo siya kaya ka na aksidente hindi mo ba alam yon!??asik ng kanyang ina.
Dahil napupuno na rin siya sa katigasan ng ulo ni Josh na akala mo hindi niya kasalanan kung bakit naglayas ang asawa nito at kung bakit ito nagka ganito.Bigla din siyang nakahuma ng makitang natahimik si Josh.
"Alright,come on son just eat now para lumakas ka okay?aniya dito.
Hindi na kumibo si Josh at hindi narin nagsalita pa kaya maingat niya itong sinubuan at kumain naman ito ng pa konti konti.Habang sinusubuan niya si Josh tumunog ang cellphone ng kanyang asawa at sinagot naman nito.
"Yes hijo?ani ni Tito Rolando.
"Kumusta na po si Josh Tito Rolando?ani ni Luke sa kabilang linya.
"Finally he's awake now hijo"
"Thanks God and good to heard that Tito,okay rin ba siya?
"Not really pero pinapakain na siya ng Tita Alison mo"
"Yeah he need to eat para lumakas,I'll come later to see him Tito Rolando"
"Yes..alright hijo thank you"
"Okay Tito bye"ani ni Luke at pinutol na ang tawag.
"Si Luke ba yon Rolando?tanong ng asawa.
"Yes tinanong kung kumusta na si Josh at sinabing pupunta dito mamaya para makita si Josh"
"You're so blessed Josh for having a good friends and a good wife sana"
"Alison!saway ni Tito Rolando.
"Oh sorry"sagot niya paano kasi hindi talaga niya maiwasan ang magdamdam para sa anak.
Hindi kumibo si Josh at napabuntong hininga lang ito,tama naman ito,swerte niya sa mga taong nakapaligid sa kanya,sa mga magulang,mga kaibigan.at...kay Angeline dahil sa baliw nga siya kaya nangyari ito sa kanya.Baka nga ito na ang kanyang KARMA sa mga ginagawa niya sa kanyang asawa.Biruin mo sa loob ng isang araw dalawang beses siya nasagasaan ng kotse,hindi siya nadali sa una pero sa pangalawa muntik na siyang mamatay.
Pagsapit na gabi nasa hospital nga si Luke at Brix,wala ang asawa nila dahil nakadalaw naman ng araw kaya sila lang ang dumalaw ngayon.At nasa Grand House pumunta naman sa Villa nila Josh ang mag asawa upang ikuha ito ng mga gamit na bihisan habang nasa hospital ang mga kaibigan ng anak kaya ang mga ito muna ang pinabantay nila kay Josh.Medyo okay narin si Josh bagamat mahina parin atleast kahit magsalita'y kaya na nito.
"Praying for your fast recovery Josh"ani ni Luke.
Mapait ngumiti si Josh saka nagyuko ng ulo"Do I deserve it?mahina niyang wika.
"Everyone deserve a second chance"ani ni Luke.
Dahil tahimik lamang nakaupo si Brix at wala yatang planong kausapin si Josh.
"You're always right Luke"aniya.
"What are you going to do now?tanong ni Brix.
"Going to find my wife"
"Good luck then"ani ni Brix.
Na tila walang ganang makipag usap,hindi naman din talaga siya pupunta dito kung hindi mapilit si Luke at inisip niya may pinagsamahan din sila ni Josh pero kahit na,masama parin talaga ang loob niya kay Josh hindi yata maaalis to eh kung hindi niya magugulpi ang kaibigan hindi naman din niya magawa ngayon dahil alam niyang mahina pa ito.
"You can punch me Brix"ani ni Josh.
Dahil alam niyang masama ang loob ng kaibigan sa kanya,at alam din niya ang ginawa nito kay Luke noon.Sa isip niya sa kanilang tatlo si Brix lang yata ang hindi kayang manakit ng babae,and he knew it.
"Magpa galing ka muna Joshua ibibigay ko sayo ang wish mo"aniya dito.
Muli siyang ngumiti ng mapait pero kasabay din ng paglandas ng kanyang luha,sa isip niya kahit pa yata gulpihin siya ng kaibigan hindi niya iindahin yon dahil mas umaapaw ang sakit na nararamdaman niyang hindi pa nakikita ang kanyang asawa.
Mahabang oras din ang ginugol ng mga kaibigan sa hospital at pagdating ng kanyang mga magulang umuwi naman ang mga ito,siya naman pagkatapos pakainin ng ina ay inutusan na siyang magpahinga.Humiga siya,nakapagpahinga ang kanyang katawan pero hindi ang kanyang isip lalo na ang kanyang puso.At kailangan niyang magpa lakas upang ipagpatuloy niya ang paghahanap sa asawa.
Pagkatapos ng ilang araw pamalagi niya sa hospital ay nakalabas na siya,nagpahatid siya sa mga magulang sa kanilang Villa dahil gusto niya doon umuwi kahit ayaw ng mga magulang niya.Dahil gusto niyang pumasok sa loob ng Villa upang sanayin ang sarili at alisin ang bangungot na ginawa niya,dahil kung tatakasan niya ang takot na muling makikita ang mga ginagawa niya kay Angeline malamang matatalo siya ng kaduwagan kaya gusto niya itong harapin upang kusa ng umalis sa kanyang balintataw.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng Villa at nasa likod lang din niya ang kanyang mga magulang,sumalu
bong sa kanyang mukha ang malamig na hangin na nagmumula sa Aircon,mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at ilang saglit pa ay muli siyang dumilat pinagmasdan ang kabuuan ng Villa sumasagi parin sa balintataw niya ang ginagawa niya,nagyuko siya ng ulo at muli narinig niya ang mahihinang daing at impit na iyak ni Angeline.Napaluhod siya sabay nagtakip ng dalawang tainga.
"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry! Please I'm sorry!paulit ulit niyang wika habang umiiyak.
Dinaluhan siya ng kanyang mga magulang at hinagod sa likod.
"You'll be fine hijo"ani ng ina.
Niyakap niya ang kanyang ina tila ba dito siya humuhugot ng lakas,dahil iyon ang kailangan niya ngayon ang lakas,hindi lang sa katawan kundi lakas ng loob tibay ng dibdib ang kailangan niya.
Ng mahimasmasan ay umupo siya sa sofa,maraming pangit na alaala ang Villa na ito at gusto niya kung sakaling mahanap niya ang kanyang asawa ay dito parin sila titira dahil papalitan niya ng magandang alaala ang lahat.Dito sila titira ulit ni Angeline at bubuo ng masayang pamilya,magkakaanak sila ni Angeline ng marami at mapupuno ng mumunting halakhak ng kanilang anak ang loob ng Villa.
Dumaan pa ang mga araw at muling lumakas si Josh at ang una niyang pinuntahan ay ang Mansion ng kanyang asawa dahil alam na ng ama nito ang ginawa niya kay Angeline dahil sinabi na ng kanyang mga magulang kay Tito Martin bagay na ayos naman sa kanya at ni minsan nga hindi daw siya dinalaw nito dahil sa galit nito sa kanya.At ngayon gusto niyang harapin ang galit ng biyenan kaya pupuntahan niya ito upang humingi ng tawad,tatanggapin niya kung anong gagawin sa kanya ng biyenan,at iyon din ang sinabi niya sa kanyang mga magulang na haharapin niya ang galit ng ama ng asawa niya.
Galit--Galit na galit ang mga matang nakatingin sa kanya ngayon,hindi ito nagsalita at tumingin lang sa kanya.Natatakot at kinakabahan siya pero kailangan niyang magpakatatag.
"I'm sorry Pa..."
Paaakkk...
Sinampal na siya agad ni Señor Martin kahit hindi pa siya tapos magsalita.Napabaling ang kanyang ulo at dahan dahang humarap muli sa biyenan.Napalunok siya at gusto parin niyang humingi ng tawad.
"I'm really sorry Papa Mar...."
Paaakkkk...
Muli siyang sinampal ng malakas sa kabilang pisngi at muling napabaling ang kanyang ulo.Namanhid na ang kanyang mukha dahil sa bigat at lakas ng sampal ng biyenan,sampal pa lang yan at hindi pa suntok pero nais niya ng umiyak.What more pa kaya yung mga pinag gagawa niya sa anak nito..sa kanyang sariling asawa.Sa isiping yon nilakasan niya ang kanyang dibdib,he's a man kailangan niyang maging malakas sa bawat suntok o sampal nito o kahit sipa nito.Ayaw na sana niyang magsalit dahil sa takot sampalin siya nito ulit pero kailangan...kailangan niyang humingi ng tawad.
"I'm so sorry again Papa Martin"
"Sorry!????asik ng biyenan sa kanya at hindi siya nito sinampal.
"Magagamot ba ng walang kwenta mong sorry ang sakit ng nararamdaman ko bilang ama ni Angeline ha!???asik nito.
Hindi siya sumagot at nakayuko lang hintayin nalang kung susuntukin siya nito.
"Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko?makikita ba ng sorry mo ang anak ko ha Joshua sabihin mooooo!????sigaw ng biyenan.
Hindi siya sumagot at hinayaan itong maglabas ng sama ng loob dahil kahit siya hindi niya alam kung mahahanap niya ang asawa.
"Napakasama mo!wala kang awa Joshua!Nagawa mong saktan ang anak ko dahil lamang sa isang kasalanan.Kasalanang nagawa niya dahil sa pagmamahal niya sayo!asik nito ulit.
Muli siyang napalunok at muli din itong nagsalita.
"Kasalanan ng anak ko na minahal niya ang gagong lalakeng katulad mo!
"I'm..."
"At nagkamali ako bilang ama ni Angeline na pinagkatiwala ko siya sayo Joshua!!!!!asik nito ulit.
"Papa..."
"Nagkamali ako sa pagkilala sayo na buong akala ko katulad ka ng mga magulang mong hindi kayang manakit ng damdamin ng kapwa tao!But look now Joshua you've done it!You did it to my daughter at iyon ang malaking pagkakamali ko Joshua because I trusted the wrong person and I've lost my daughter! I feel bad..I really feel bad Joshua!
Lumuhod siya sa harapan ng ama ni Angeline at hinawakan niya ito sa kamay pinalis nito ang kamay niya kaya sa paa siya nito nakahawak sabay nag uunahang tumulo ang kanyang luha.
"Papa..patawarin nyo ako Papa! I'm so sorry Papa Martin please!umiiyak niyang wika sabay humawak sa paa ng biyenan.
"Hindi sapat ang pag hingi mo ng tawad para maibsan ang hinanakit sa puso ko at lalong hindi mabawasan ang awang naramdaman ko para sa anak ko dahil sa sinapit niya sa mga kamay mo!!!
"Papa gagawin ko ang lahat upang maituwid ko ang mga pagkakamaling nagawa ko,handa kong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa ko sa asawa ko Papa Martin just give me another chance Papa please!pagmamakaawa niya.
"Dahil sayo iniwan ako ng anak ko Joshua alam mo ba kung gaano kasakit yon!?Alam mo rin ba kung gaano kabigat sa dibdib ang itago lahat ng kanyang hinanakit?ng kanyang pagdurusa?ng lahat ng sakripisyo niya mahalin mo lang siya?Joshua ni isang salita hindi ko siya narinig magreklamo o magsabi sa akin na..Papa pagod na ako...Papa hindi ko na kaya...Papa nasasaktan na ako...Papa sobrang sakit na ang pinagdadaanan ko!Alam mo ba kung gaano kasakit sa isang ama na hindi man lang nagtanong sa anak niya kung okay lang ba ito?kung maayos lang ba ito?alam mo kung bakit?dahil malaki ang tiwala ko sayo Joshua I trusted you more than I trusted myself to take care of my daughter!!
Hindi niya na kaya,humagulgol na siya dahil damang dama niya ang hinanakit ng biyenan,ramdam na ramdam niya kung gaano din ito nasaktan para sa anak niya.He is so stupid!baliw!gago!hayop!yes he is!he really is.
"Go now we're done!ani ng biyenan.
Bigla niyang niyapos sa paa ang biyenan habang humagulgol parin ito.
"P-Papa please...please Papa patawarin nyo ako,hahanapin ko ang asawa ko nangangako akong hinding hindi ko na sasaktan ang asawa ko Papa bigyan nyo lamang ako ng pagkakataong patunayan na totoo ang sinasabi ko please Papa Martin please!aniya sabay lumuluha parin.
"Panahon na lamang ang makakapagsabi kung kailan kita mapapatawad Joshua.Dahil sinasabi ko ngayon kapag natagpuan ko ang anak ko hinding hindi ko siya ihaharap sayo kailanman at kung ikaw ang makakahanap sa kanya gagawin at gagawin ko ang lahat makuha at mailayo lamang siya mula sayo!matigas na turan ng biyenan.
Nagulantang siya at hindi nakakibo,sunod sunod ang ginawa niyang paglunok.
"P-Papa..."
"OO Joshua ako ang kikilos ngayon para sa anak ko,ako ang magpasya ngayon para sa anak ko,ako ang masusunod ngayon kung anong gustuhin ko para sa anak ko.Dahil noon ni isang salita wala kang narinig sa akin kahit batid ko una pa lang ay tutol ka na sa kasalang nagaganap!
"No Papa please don't do this to me,I lov..."
"Go!tapos na akong magsalita!matigas nitong wika.
"Papa..."
Mabilis binawi ng Señor ang paa na hawak hawak niya atsaka humakbang ito palayo sa kanya at nag iwan ng salita.
"You're not welcome here so this is the last time that you can enter this house.Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo kaya utang na loob huwag ka ng pumunta pa dito kahit kailan!anito saka mabilis umakyat sa ikalawang palapag.
Awang awa ang mga katulong sa asawa ng kanilang amo pero sa isip nila kasalanan din ni Josh kung bakit nagka ganon ang biyenan nito,dahil batid nilang mabait ang kanilang amo yaman din lang na masyadong inaabuso ang kabaitan nito.
Laglag ang balikat ni Josh umalis sa Mansion,hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng biyenan pero hindi niya ito masisisi,isa itong amang nasasaktan para sa anak.At walang mga magulang na matutuwa kung alam nilang nasasaktan ang kanilang anak.Gayunpaman ayaw niyang sumuko,susuyuin niya ang biyenan hanggang sa matanggap at mapatawad siya nito kasabay ng paghahanap niya sa kanyang asawa.
Tanaw ni Señor Martin mula sa master bedroom ang papalabas na si Josh,matamlay at malungkot ito pero wala siyang pakialam sa manugang dahil napopoot siya dahil sa ginawa nito sa kanyang kaisa isang anak.Marahas siyang napabuga ng hangin at kinuha ang handphone upang tawagan ang kakilalang tao.
"Hello kumusta na siya?tanong niya sa kausap.
"Ganon ba?sige pupunta ako sa susunod na araw"
"Wala akong balak sabihin kahit kanino because nobody deserve to know!No one except me!aniya ulit.
"Alright bye!aniya sabay pinatay na ang tawag.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
General FictionMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...