Chapter 22

5.1K 98 3
                                    

"My girlfriend,Rhian Vicente,and babe he's one of my best buddy,Lucas Kenneth Alcantara"pagpapakilala ni Brix sa dalawa.
Hindi niya alam kung paanong kumilos ng tama sa harap ng kaibigan na hindi ito makakahalata dahil wala naman siyang binanggit kasi tungkol sa kanila ni Rhian kaya malamang wala itong alam,dahil kung sinabi ni Rhian kay Brix hindi ito aastang inosente.
"H-hi glad to meet you!ani ni Luke sabay lahad ng kamay kay Rhian.
Todo ngiti naman iyon inabot ni Rhian"same here Luke"aniyang nadulas yata.
"Babe how do you know his nickname is Luke?tanong ni Brix.
"H-ha?ahm I guess so, na yon ang nickname ng kaibigan mo"ngiti niya kay Brix at kumapit sa braso nito.
"Yeah you are right,Luke talaga ang tawag namin sa kanya,and by the way siya ang kinukwento ko sayo na kinasal sa adapted sister niya"ani ni Brix.
"Oh I see!maikling wika ni Rhian.
"So shall we go to our VIP room dude?tanong ni Brix sa kanya.
"Uhm yeah okay"aniyang kay Rhian nakatingin at umiiwas naman ang huli.
Nakapasok na sila sa VIP room at umupo ang dalawa sa mahabang couch na naroon at siya naman ay umupo sa single couch at kaharap ang dalawa.Binigyan sila ng waiter na kailangan nila at ladies drink naman ang kay Rhian.Nakaupo itong hawak hawak ang braso ni Brix at iyon ang hindi niya kayang makita.Yung pakiramdam na gusto niya itong hablutin mula sa kaibigan pero nagpigil siya dahil ayaw niyang may malaman si Brix na may relasyon sila ni Rhian noon at hanggang ngayon ay walang pormal break up between them and the worst nangako si Rhian na hihintayin siya nito pero nakipagrelasyon na sa iba at ang masaklap ay sa matalik niya pang kaibigan.Kaya sa isiping yon hindi niya napigilan ang sariling inumin ang isang basong alak na hindi hinintuan hangga't hindi naubos ang laman niyon at pabagsak niyang binaba ang baso sa center table na ipinagtataka ni Brix pero tahimik lang si Rhian habang iniinom ang sa kanya.
"Dude are you alright?what's wrong huh?tanong ni Brix.
"Uhm w-wala napalakas lang ang paglagay ko ng baso but I'm fine dude don't worry"aniyang kumuha ng nuts sa harapan niya.
"Kanina ka pang balisa Luke is there any problem?tell me dude"ani ni Brix at uminom ng alak.
"Nothing I'm okay Brix just enjoy your drinks"aniyang sinulyapan si Rhian na naabutan niyang tumingin ito sa kanya pero agad din nagbawi ng tingin.
"Hmm okay!So kumusta ang buhay may asawa dude?tanong ni Brix.
Sakto!ang galing na iyon ang tinanong ng kaibigan okay here we go kailangan nating magdrama!Todo ngiti siyang sumagot sa kaibigan na sinalinan niya pa ng alak ang kanyang baso.
"Good!No! I should say masaya ang buhay may asawa lalo pa't maalaga at mahal ka ng asawa mo"sagot niya kay Brix.
"Oh really you meant nahuhulog ka rin sa kanya ano?
"Hindi naman kasi mahirap mahalin ang asawa ko and after all tama yung kaibigan ko dati na mas okay na yung adapted sister ko ang napangasawa ko because I knew her better or since childhood"aniya
ng sabay uminom ng alak.
Biglang napaubo si Rhian sa tinuran ni Luke dahil siya yung nagsabi kay Luke noon na mas mabuting kakilala niya ang napangasawa nito.Sa isip niya ano kaya ang iniisip ni Luke tungkol sa kanya ngayong alam niyang mag on na sila ng kaibigan nitong si Brix?
"You okay babe?tanong ni Brix.
"OO okay lang ako"ani ng dalaga.
Muling hinarap ni Brix ang kaibigan at patuloy sa usapan nila.
"Yeah I guess so Luke saka mabait naman talaga si Ysabelle so I bet mahal mo na siya sa lagay na yan?
Ngumiti siya at kay Rhian tumingin pero nag iwas ito ng tingin atsaka sinagot ang kaibigan"yes I love her!Hindi ko lang siguro maamin dati because I was so surprised nung ipakasal kami ng Daddy ko but little by little natutunan ko narin siyang mahalin,at mahal na mahal ko na ngayon"ani ni Luke na pati sarili niya hindi niya akalaing masabi niya ang mga yon na hindi nauutal.
"Good to heard that dude at masaya ako sa inyo ng asawa mo,so kelan ka magiging Daddy?kunin mo akong ninong okay?ani ulit ni Brix.
"I hope soon!yeah of course dude maging ninong ka talaga sa magiging anak namin"masaya niyang wika na tila na eenjoy sa usapan nila ni Brix habang nasa harap si Rhian.
"Babe gagamit muna ako ng rest room okay?paalam ni Rhian kay Brix.
"Sasamahan na kita babe"ani ni Brix na akmang tatayo.
"No!hindi na dito ka na lang para makapag usap kayo ng kaibigan mo"ani ni Rhian.
"Are you sure?
"Yeah sure,saka sandali lang naman ako babe"ani ulit ng dalaga.
"Okay take care babe"ani ni Brix.
Ngumiti lang ito kay Brix at lumabas na upang tumungo sa labas dahil hindi naman talaga pupunta sa rest room gusto niya lang umiwas sa usapan ng mga ito dahil ang totoo may bahagi sa puso niya ang nasasaktan habang naririnig ang mga sagot ni Luke.Hindi niya alam na magkaibigan ang dalawa at kahit din minsan hindi niya nabanggit ang pangalan ni Luke kay Brix.
Gustong sundan ni Luke si Rhian pero nangangamba siya baka mahalata ni Brix kaya nanatili siyang nakaupo habang nag uusap sila ni Brix pero wala sa usapan nila ngayon ang focus niya kundi kay Rhian.
"So tell me about you and your girlfriend dude"aniya sa kaibigan.
"Well she's a good woman and I'm happy na nagtagpo ang landas namin"
"Matagal na kayo?bakit hindi yata namin alam?
"No hindi pa naman matagal I think yung pagkatapos ng kasal nyo ni Ysabelle nagkakilala kami,so I didn't get to tell you dahil nga papunta kayo sa honeymoon trip nyo"
"Ah ganon pala yon,so how far do you know her?
"Well I just knew a few things about her like yung nanay nya at katayuan nila sa buhay and that's all"
"Nakikilala mo na ang nanay niya?
"Yeah many times ko na nga nakita"
"I see so kelan ang ringing bell dude?
"We still not planning about getting married yet"
"Natatakot ka sa Mama mo?
"Nope!actually nagkakilala na sila ni Mama and I'm happy na boto naman sa kanya si Mama"
"Really?so why not planning about marriage kung wala namang problema sa Mama mo?
"Honestly dude ako handa na ako kasi I'm sure na mahal ko siya pero siya kasi hindi pa daw handa eh"ani ni Brix.
"Hindi pa siya handa?Why?
"I have no idea either okay naman kami ramdam kong mahal din naman niya ako and me also"
"Well why don't you asks her kung bakit ayaw pa niya kung mahal ka naman niya?
"Dude I might become silly or fool but I'm not really sure kung mahal nga ba talaga niya ako"pagtatapat ni Brix.
"Wait..what!? Seriously?naguguluhan ding tanong ni Luke.
"I met her that time she was in the state of broken into a pieces dahil sa nobyo niya,she told me everything about her past,about her having a relationship with a rich guy"ani ni Brix.
Hindi siya kumibo hinayaan niya lang ito magkwento.
"But when a guy's father found out about them tutol ang ama ng nobyo niya at pilit silang ipinaglayo sa isa't isa"ulit ni Brix.
Napainom tuloy siya ng alak habang naririnig ang kwento ng kaibigan.
"I don't know what happen to that guy now dahil she avoid talking about him.Kaya hindi ko na tinanong pa but after hearing those sad and broken hearted story of her naging mas gusto kong tulungan siya to move on"aniya pa sabay inom ng alak.
Hindi parin siya nagsasalita basta nakikinig lang siya.
"And until I came to the point na gusto ko siyang ligawan it's because nahuhulog narin ang loob ko sa kanya,pero ang sabi niya sa akin pwede kaming maging magkaibigan muna hanggat hindi pa siya nakakalimot"mapait na ngiti ni Brix habang nagkukwento.
"And I agreed kesa sa tuluyan siyang mawala,I even assumed na kami na..na she's my girlfriend na nga and even called her babe kahit hindi kami mag on"ani ni Brix sabay ininom ang one shot na alak.
"Do you meant you and her are not officially in a relationship yet?
Ngumisi siya sabay iling atsaka sinagot si Luke"nope!still not pero pasasaan ba't maging kami rin balang araw"aniya pa dito.
"Galing ka ba talaga sa gym kanina?tanong niya sa binata.
"Are you kiddin' me dude?sa haba ng kwento ko yan lang ang itatanong mo sa akin?
Nagkibit lang siya ng balikat sabay inom ng alak.
"Galing talaga ako sa gym nung tumawag ka tapos papunta na ako dito dinaanan ko nalang si Rhian kasi may usapan talaga kaming mag dinner sa labas so I think na mas okay kung dadalhin ko siya para magkakilala kayo"ani ni Brix.
Hindi siya kumibo at nagkamali siya ng inisip tungkol sa dalaga even though mas kilala niya ito ng lubusan kesa kung gaano ito nakikilala ni Brix pero nawala parin yon a moment ago dahil nga sa maling akala.Napangiti nalang siya sa isiping nagkukunwari lang pala ang mga ito at maging si Rhian,nagseselos pa naman siya sa dalawa yon pala wala palang dapat ipagselos.
"What's that smiled for dude?
"You know what does it meant dude"
"Gym?you think sa hotel talaga ako galing with her?you such an asshole dude ni oo nga wala pa akong natanggap halik pa kaya?and hundred percent no sex at all"aniya sabay tapik sa balikat ni Luke.
"Okay!okay sorry for that dude"aniya nalang sa kaibigan.
Maya't maya pa ay bumalik na si Rhian at naabutan niyang mukhang nagkakatuwaan ang dalawa.
"Hi babe nandyan ka na pala"ani ni Brix.
"Hindi pa ba tayo aalis?tanong ni Rhian sabay umupo sa tabi ni Brix.
"Dude you can go now iwan nyo na ako dito"si Luke ang sumagot na hindi sinulyapan ang dalaga.
"Are you sure dude?baka malasing ka wala kang kasama"ani ni Brix.
"Don't mind me dude uuwi narin ako dahil naghihintay ang asawa ko and besides hindi ako pwedeng umuwi ng lasing"ani ni Luke.
Tahimik lang din si Rhian sa usapan ng dalawa.
"Yeah tama ka nga so paano mauna na kami okay?ani ng kaibigan.
"Yeah okay take care guys"aniya sabay tapik sa balikat ni Brix.
Lumabas na ang dalawa ni hindi niya tiningnan si Rhian pero paglabas ng mga ito saka siya tumingin sa pintong nilabasan ng dalawa sabay napapailing na lang.
"I know ako parin ang mahal mo Rhian kaya hindi mo matanggap si Brix hanggang ngayon.But what you gonna do now after found out that we are friends?aniya sa sarili.
Umuwi siyang si Rhian ang laman ng isipan niya at kung paano ito makakausap na silang dalawa lang but he will find a way to make it happen.Dahil gusto niya talagang makausap si Rhian tungkol sa kanilang dalawa at upang sabihin dito ng harapan na hindi totoo ang mga sinasabi niya kanina.Kasi nakikita niyang nasasaktan si Rhian habang si Ysa ang pinag uusapan nila ni Brix at iyon ang gusto niyang itama sa dalaga na mali ito ng iniisip dahil pakulo niya lang ang lahat dala rin ng selos niya sa dalawa.
"Rhian!usal niya sa sarili habang nagmamaneho pauwi sa Villa.
Pero hindi parin naman niya nakakalimutang bumili ng pagkain para sa kanila ni Ysa.Pero nag drive-thru lang siya para madali dahil baka nagugutom narin si Ysa mabuti at hindi siya nalasing ngayon kahit nakailang shot siya ng alak,umayon yata ang pagkakataon sa kanya.
Pagdating niya sa Villa ay agad pinark ang kotse sa garahe atsaka umibis ng kotse sabay bitbit ng pagkaing binili niya para sa kanila ni Ysa.Hindi niya nadatnan si Ysa sa living room kaya diretso siya sa kusina pero wala din doon kaya nilapag lang ang supot saka mabilis umakyat sa ikalawang palapag upang tingnan ito sa kwarto nila.Pero hindi niya nakita si Ysa sa loob kaya tinawag niya ang pangalan nito.
"Ysa!?Ysaaa!?tawag niya habang patungo sa isang silid.
"Ysa!?tawag niya habang binuksan ito pero wala rin dito ang dalaga.
"Damn it!!Ysabelle!?Ysaaaaaaa!?muli niyang tawag.
Sabay gumawi sa terrace sa bandang unahan ng Villa at sinilip doon ang dalaga pero wala din ito.Pumunta siya sa study room baka nandoon ito at hindi lang siya narinig pero wala rin sa loob.Medyo kinabahan na siya dahil hindi sumusulpot ang dalaga,mabilis siyang pumanaog ulit upang lumabas pero nahagip ng kanyang mga mata na may tao sa likod banda sa may swimming pool dahil transparent naman kaya makikita niya kung may tao doon.Saka pa siyang nakahinga ng maluwag ng malamang nandoon pala sa labas si Ysa.Dahan dahan siyang humakbang upang puntahan ito sa labas.Paglabas niya saka niya napagtantong nagsu-swimming pala ito dahil naka two piece na kulay pink na bulaklakin at basang basa ang katawan saka nakaupo sa gilid ng swimming pool.Maliwanag naman ang ilaw kaya makikita parin niya kung gaano ito ka sexy.
Biglang lumingon sa kanya si Ysa at pagsalubong ng kanilang mga mata si Rhian ang nakikita niya at sabay ubod ng tamis itong ngumiti sa kanya at dahan dahang tumayo,inayos muna ang nagulo nitong buhok at hinawi patungo sa likod nito saka dahan dahang humakbang palapit sa kanya.Grabe makalaglag panga ang sexiness ni Rhian habang slow motion na naglalakad patungo sa kanya habang hindi parin napapalis ang ngiti sa labi nito.Siya naman ay gusto ng hilahin ang dalaga palapit sa kanya at paghahalikan ito kahit saan.
Nabalik lang siya sa maiksi niyang imahinasyon ng may kumakabad kabad sa mukha niya sabay mahinang pagsitsit nito.Kaya marahang pinilig ang ulo upang mawala sa isip niya si Rhian.
"Psst!psst!ani ni Ysa sabay winagayway ang kamay sa mukha ng binatang kung makatitig eh parang huhubaran na siya nito.
"H-ha?aniyang napatingin sa ibang direksyon.
"Anong ha?kanina pa kita kinakausap pero mukhang wala ka sa sarili mo?ani ni Ysa sabay kuha ng towel sa plastic chair.
"Bakit anong tinanong mo?tanong niya rin kay Ysa habang umiiwas ito ng tingin.
"Tinanong ko kung nagdala ka ng pagkain?ani ni Ysa sabay binalot ng tuwalya ang katawan dahil ayaw niyang muling titigan ni Luke ng ganong klaseng pagtitig.
"Yeah of course,maligo ka na dun at ihahanda ko na ang pagkain natin"wika ni Luke sabay umalis na ito upang pumasok sa loob ng Villa.
Kibit balikat naman sinundan niya ito ng tingin atsaka humakbang narin dahil medyo nilalamig narin siya.Diretso siya sa ikalawang palapag upang tumungo sa kwarto nila para maligo at makapagdamit narin at ng makakain na sila.Ilang minuto pa ay natapos narin siya saka nagsuot na ng damit at nagpatuyo na ng buhok ng natuyo na ito ay lumabas ng kwarto at bumaba saka diretso sa kusina.Nadatnan niyang parang tulala si Luke habang nakaupo ito at kaharap ang pagkaing dala nito.
"Luke?pansin niya dito.
Pero hindi ito sumagot kaya dahan dahan siyang lumapit dito sabay hinawakan ito sa balikat.
"Luke?muli niyang pansin saka pa ito kumilos.
"Oh a-andyan ka na pala come let's eat na"ani ni Luke sa kanya.
Umupo naman siya sa kabilang bangko habang tinitingnan parin si Luke.
"Luke may problema ka ba?tanong niya dito.
"Problem?no Ysa I don't have problem"sagot ni Luke sabay inom ng juice.
"Sige sinabi mo yan"aniya nalang dito at kumain na.
Hindi narin nagsalita pa si Luke kaya nanahimik narin siya pero sa isip niya hindi ganito si Luke at kahit hindi nito sabihin sa kanya alam niyang may bumagabag sa isip ni Luke at dahil dun medyo nakaramdam siya ng kaba paano kung tama ang nasa isip niya ngayon na dahilan ng kawalan nito sa sarili?and besides ngayon lang ito nangyari na galing ito sa labas.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta kanina basta ang sinulat lang sa note ay aalis muna at hindi sinabi kung saan pupunta.
Natapos nalang silang kumain pero ni single word hindi niya na naririnig sa binata at ayaw narin niyang magtanong pa baka dahilan pa ng ikagalit nito sa kanya.Niligpit na ang pinagkainan nilang atsaka nilagay sa lababo pero nagsalita si Luke,
"Ako na ang maghugas ng mga plato you can take a rest now"ani ni Luke.
"No huwag na Luke ako na konti lang naman eh,ikaw magpahinga ka na dun baka pagod ka eh"aniya sa binata.
Humakbang naman si Luke palabas ng kusina at nakita niya itong patungo na sa ikalawang palapag.Siya naman ay hinugasan na ang mga plato at medyo nalulungkot din.Pagkapatos niyang maghugas ng mga plato ay umupo muna siya sandali sa sofa sa living room habang pilit inaalis sa isip ang mga namunuong akala,hanggat maaari ayaw niyang paghinala si Luke kahit sabihin pang hindi siya nitong tinuring bilang asawa dahil iyon ang nararamdaman niya hindi siya kinikilalang asawa ni Luke.Dahil ni minsan hindi ito nagtapat ng nararamdaman hinggil sa kanya pero sa sarili niya alam niyang mahal niya na si Luke.
Ilang sandaling pagmumuni muni ay naisipan niyang aakyat na sa taas upang matulog narin,nadatnan niyang sa sofa na naroon sa loob ng kwarto nila natutulog si Luke.Sabagay kahit noong nasa honeymoon pa kuno sila after ng hindi pagkakaunawaan nila eh sa sofa na ito natulog pero hindi niya inaasahang hanggang dito rin pala sa sofa parin ito matutulog kaya sadyang nagpalagay ng sofa sa kwarto nila kung ganon bakit hindi nalang ito sa isang kwarto matulog kung ayaw nitong magkasama sila sa iisang kwarto?
Sa isiping yon ay agad siyang lumabas ng kwarto atsaka tumungo sa kabilang silid sinara ito at padausdos umupo sa sahig.Sa isip niya ganito na ba sila ni Luke habang buhay?Dahan dahan siyang tumayo habang umiiyak na at humakbang patungo sa kama dahil kompleto naman ito saka malinis kaya humiga na siya at piliting makatulog kahit mahirap.
KINABUKASAN maaga parin siyang nagising kahit puyat pa kagabi sa kakaisip ng mga bagay bagay.Ngunit pagtingin niya sa may pinto ay naroon si Luke nakatayo habang nakahalukipkip sabay matalim siya nitong tinitingnan.Nagbawi siya ng tingin at bumaba ng kama at sinuot ang tsinelas na pambahay.Akmang tutungo siya sa bathroom pero agad humakbang si Luke palapit sa kanya kaya napaatras pa siya ng konti.
"Who told you dito ka matutulog?tanong ni Luke.
"Nobody!eh gusto ko dito matulog"sagot niyang sabay hakbang pero hinawakan siya ni Luke sa braso.
"So kung gusto mong matulog dito ganon lang basta ka lang matutulog dito kahit hindi ko alam!??asik ni Luke sa kanya.
"Ang aga aga pa Luke para uminit yang ulo mo!aniyang sabay irap sa binata.
"Sagutin mo ako kung anong problema mo damn ittt!!!aniyang sabay hinigpitan ang paghawak sa braso niya.
"Come on Luke di ba walang sabihan ng problema?so kung ano man ang rason ko kung bakit ako natulog dito then akin nalang yon!Dahil ganon ka rin naman diba?natutulog sa sofa! Bakit? Ayaw mong magkasama tayo sa iisang kwarto?then let it be,I'll sleep here at dun ka sa kabila para naman maayos kang makatulog kahit papaano kahit magkasama tayo sa iisang bubong!aniyang sabay malakas pinalis ang braso niyang hawak ni Luke sabay pumasok na sa bathroom.
Naiwang nakanganga si Luke habang sinusundan ito ng tingin papasok sa bathroom gusto niyang magalit kay Ysa pero inisip niyang tama naman ito.Mabilis siyang lumabas ng silid at dali daling bumaba ng hagdan dahil aalis siya kahit may hindi sila pagkakaunawaan ni Ysa kung matapos niya ng sulosyunan ang problema niya tungkol kay Rhian to make it clear for her saka niya kakausapin ng maayos si Ysa.He believes namang mauunawaan siya ni Ysa kung sakaling makikipag divorce siya dito.Dahil batid niyang si Rhian talaga ang mahal niya at hindi si Ysa malamang dala lamang ng pangungulila kay Rhian kaya niya nagalaw si Ysa but they had sex with no feelings involved at ngayon niyang batid sa sarili niyang hindi pagmamahal yon,yes mahalaga sa kanya si Ysa pero mahal niya si Rhian.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon