Chapter 25

5.1K 97 2
                                        

HERSEYS RESTO:

HABANG si Luke ay masayang nakikipag-usap kay Rhian,actually they meet up today to settle things between them and Brix.Now he's finally realized na hindi niya dapat ginagawa ang mga nagawa niya behind his wife.Hindi dahil kasalanan yon sa asawa kundi dahil unti unti niyang nararamdaman mula kaninang pag gising niyang hindi niya nabungaran si Ysa ay iyon ang una unang hinahanap ng kanyang mga mata,he even came to over reacted na akala niya nawala na si Ysa pero natuwa lang siya ng makita niyang natutulog lang pala sa kabilang kwarto.
FLASHBACK MORNING TIME TODAY:
DAHAN dahan siyang nagmulat ng mga mata kahit medyo nakaramdam pa siya ng pagkahilo,kinapa niya si Ysa sa tabi niya kahit kalahating gising at kalahating tulog ang naramdaman niya.Ngunit napabalikwas siya ng bangon ng wala si Ysa sa kama.Kaagad siyang bumaba ng kama sabay hinanap ng kanyang mga mata si Ysa.
"Ysa!?baby!?tawag niya at sinilip sa bathroom pero wala doon.
"No!aniyang sabay lumabas ng silid"Ysabelle!?Ysa!?Baby!?sunod sunod niyang tawag at gumawi sa isang kwarto.
Agad itong binuksan sabay tawag parin.
"Ba..."hindi niya naituloy kasi nakita niyang doon pala natulog si Ysa.
Saka pa siya nakahinga ng maluwag dahil akala niya umalis na si Ysa at iniwan na siya dahil this few days naging hindi maayos ang trato niya dito dahil nga naguguluhan siya.Pero napanaginipan niyang iniwan siya ni Ysa at sa panaginip na iyon hindi niya kayang mawala ito,sobrang natatakot at umiyak siya para magmakaawang huwag siyang iwan ni Ysa pero umalis parin ito at naiwan siyang durog na durog ang puso,yung pakiramdam na hindi niya kayang mawala ito,yung pakiramdam na ikamamatay niya kung iiwan siya nito,yung pakiramdam na napakahalaga sa kanya si Ysa.Sa panaginip niya naramdaman yon na hindi niya naramdaman habang magkasama sila ni Ysa,siguro pilit niya lang binaliwala ang nararamdaman niya para dito dahil hindi siya sigurado.But today after waking up na wala si Ysa saka niya ulit naramdaman yung takot na sa panaginip niya naramdaman.Ang weird pero yon ang totoo hindi niya nga alam kung paanong nangyari pero ang mahalaga nandito parin si Ysa sa piling niya.
Dahan dahan siyang lumapit kay Ysa at buong suyong pinagmamasdan ang mukha nitong himbing na himbing sa pagtulog,alam din niyang si Ysa ang nag alaga sa kanya kagabi.Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at yumuko upang halikan ito sa labi.Banayad at may kalakip na pagmamahal na hindi niya naramdaman noon but this time yes he is sure about his feelings para kay Ysa,He love her!
"I love you baby!anas niya at dahan dahang tumayo.
Saka lumabas na ng silid dahil gusto niyang tawagan si Brix.Paglabas ay agad niyang tinawagan ang kaibigan at ilang sandali pa ay sumagot na ito.
"Yes dude?anang binata.
"Dude can I come over?aniya dito.
"Yeah sure no problem"ani ni Brix.
"Okay thanks!aniyang sabay pinatay na ang tawag.
Dali dali siyang nagbihis dahil pupuntahan niya si Brix sa bahay nito.Pagkabihis niya ay diretso na sa garahe at pinasibad ang kotse.Mahabang sandali ay nasa bahay na siya ng kaibigan at sa garden sila nag usap
"What brought you here dude?tanong agad ni Brix sabay upo.
"I've put my mind together now dude and I do realized that I don't want to lose her!aniya.
"Who?
"My wife!
"So now you considered Ysa as your wife already?what made you changed dude?
"My true and real feelings made me changed!
"Wow that's better for you Luke,so what do you have in your mind now?I meant about you and Rhian?
"Maybe my feelings for Rhian is I just like her not literally that I love her,I misunderstood my feelings kaya ko nagawang lokohin si Ysa behind her back!
"So are you going to talk to Rhian about this?
"Yes I have to dude para humingi ng tawad and settle things between us"
"Yeah okay that's good idea dude so where are we going to meet up?I'll call Rhian for you"
"Herseys Resto,okay thank you dude"aniyang sabay tumayo na.
Kumaway pa siya kay Brix bago tuluyang pinasibad ang kotse.Masaya siyang nilisan ang bahay ng kaibigan at ngayon sigurado na siyang si Ysa pala talaga ang mahal niya,dumaan muna siya sa resto upang bumili ng pagkain para sa kanila ni Ysa tiningnan ang wrist watch magtatanghali na pala at tiyak niyang gising na si Ysa at this moment.
Pagdating niya sa Villa agad umibis ng kotse at masayang masaya habang bitbit ang plastic bags na may laman ng mga pagkain,agad niyang tinawag si Ysa pagpasok pa lamang.
"Baby?tawag nito pero walang sumagot.
Nilagay muna ang mga dala dala niya sa kusina saka umakyat na sa ikalawang palapag upang tingnan si Ysa sa kwarto nito at doon nga natutulog parin pala ang dalaga.Nilapitan niya ito saka masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga at ilang saglit pa'y nagmulat na ito ng mga mata at agad siyang tiningnan ubod ng tamis naman siyang ngumiti dito.Bumangon na ito saka gumawi sa kabilang kama at bumaba.
"Good afternoon baby"aniyang nakangiti.
Tiningnan siya ni Ysa sabay sumagot ng pabalang.
"Afternoon my ass!!sagot ni Ysa.
Lumapit siya kay Ysa at buong pagmamahal niya itong niyakap mula sa likod.
"Baby afternoon na talaga alas tres na oh"aniyang sabay pinakita ang wrist watch.
"O-okay gagamit muna ako ng bathroom"aniya dito.
"Pagkatapos mo maaari ba tayong mag usap?aniya dito.
Tumango lang ito sa kanya at tumuloy na sa loob ng bathroom siyang naman bumaba na sa kusina upang maghanda para makakain na sila.Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pamamaga ng mga mata nito kahit hindi nito sabihin alam niyang umiiyak si Ysa.
END OF FLASHBACK:
HERSEYS RESTO:
"Ibig bang sabihin ng mga ngiti na yan masaya ka na talaga sa kanya?untag ni Rhian.
"I'm sorry to say this Rhian but yes kaya gusto kong makausap kayo ni Brix para humingi narin ng tawad sa nagawa ko"aniya sa dalaga.
"Ayos na sa akin yon Luke ang mahalaga hindi tayo umabot sa limitasyon"sagot ni Rhian.
"Thank you for pushing me away Rhian dahil don hindi ako nakagawa ng malaking kasalanan na labis ko sigurong pagsisisihan"
"Masaya ako para sayo Luke at masayang masaya ako para sa magandang pagsasama nyo ng asawa mo.Sinabi ko naman kasi sayong tumingin ka sa palagid mo dahil alam kong nandyan lang siya"
Ngumiti lang siya kay Rhian at ngayon niyang tiyak na hindi naman pala masakit ang mawala sa kanya si Rhian.Ilang sandali pa ay dumating na sa table nila si Brix at agad humalik sa pisngi ng dalaga saka tinapik siya sa balikat at umupo na malapit kay Rhian.
"You really took too long to get here dude"kulit ni Luke.
"Nah!not really uhm just preparing myself though"ngiti din niyang sagot sabay lingon kay Rhian.
"Okay ano naman yang pinag uusapan nyong dalawa? Out of place yata ako"
"Babe ngayong okay na kayo ni Luke maaari na ba nating totohanin ang tawagang babe?what do you think?
"Sus kayo talaga"ngiting wika ni Rhian.
Sa sarili niya tanggap niyang wala na talaga sila ni Luke at ngayon pakiramdam niya ang gaan gaan ng kalooban niya dahil siguro maayos na sila ni Luke.
"Yeah Rhian kailangan talagang marinig kong sinasagot mo na si Brix para naman kampante akong umuwi sa Villa"kulit pa ni Luke.
"See?kahit si Luke gusto niyang maging tayo for real right dude?aniyang sabay tingin kay Luke.
"Uh-huh!because you deserve him Rhian"aniya pa dito.
"Come on say it now babe pleaseee???malambing nitong wika sa dalaga.
"Pinagkakaisahan nyo yata akong dalawa eh o mas tamang sabihing kinorner nyo ako ano?kunway galit niyang tanong.
"Hindi ah!panabay pa nilang sagot.
"O kita nyo na kailangan talagang sabay te!?biro niya.
Nagtawanan naman sila sa reaksyon ni Rhian,masaya silang tilang wala ng sigalot sa mga puso't kalooban nila dahil tanggap na nila kung ano sila ngayon.
"O ano na?untag ulit ni Luke.
"No chance dude baka tatanda akong binata nito"kunway malungkot niyang wika.
"Kung tatanda kang binata malamang tatanda rin akong dalaga"ngiting wika ni Rhian.
"What?ani ni Brix.
"OO na sige na sinasagot na kita!ayan sa harap pa mismo ni Luke ha kapag ikaw niloko mo ako lagot ka talaga"ismid niyang wika.
Sa gulat niya agad tumayo si Brix mula sa pagkakaupo atsaka tumungtong sa bangko.
"Hoy Brix anong gagawin mo?aniya sa binata.
Napapailing nalang ngumiti si Luke at hinintay ang sasabihin ni Brix dahil alam na kung anong gagawin nito.
"Hello ladies and gentlemen can I take a minute of your attention please?simula ni Brix na medyo malakas ang boses.
Kaagad naman tumingin sa kanya ang mga taong kumakain doon at naghihintay kung anong sasabihin niya.
"Brix ano ba bumaba ka na nga dyan"bulong na wika ni Rhian.
"Guys I just wanna tell you this special announcement and how happy I am right now.Dahil sinagot na po ako ng babaeng mahal ko,and she's right beside me!!masaya niyang wika.
Palakpakan naman ang mga tao sa loob ng resto at ang iba ay nagbigay pa ng thimbs up sa kanya at nakangiti rin ang mga ito sa kanila.
"Thank you!Thank you guys!aniya at bumaba na.
"Loko loko ka talaga Brix"
"Masaya lang talaga ako babe"aniyang sabay akbay sa dalaga.
"That's so sweet dude"biro ni Luke.
"Thank you dude"ani ni Brix.
"You're welcome and thanks also to both of you,so can I go first para naman makapagsolo kayo?aniya sa dalawa.
Ngumiti lang ang dalawa at tumango sa kanya,niyakap muna niya si Rhian as saying goodbye ang friend hug.Atsaka lumabas na siya sa resto upang umuwi at kausapin si Ysa tungkol sa nararamdaman niya para dito.Dumaan muna siya sa flowers shop upang bumili ng bulaklak para ibigay sa asawa niya.Yes,ngayon asawa na ang tingin niya kay Ysa and that's really makes him happy.
LAKAD TAKBO ang ginawa niya habang hilam ng luha ang kanyang mga mata,hindi niya alintana ang mga taong nasasagi niya basta ang nais niya'y makalayo.Iyong tipong malayong malayo sa mga taong nanakit sa kanya,sa taong dahilan ng paghihirap ng kalooban niya at sa taong nagdulot ng malaking sugat sa puso niya.Hungkag ang kanyang nararamdaman hanggang sa hindi niya na nakayanan ang sobrang sakit na nadarama ngayon at pabagsak siyang napaluhod sa semento.
"Aaaaaaahhhhhhhhh!!!!aaaaaaaah
hhhhhhh!!!Whyyyyyyyyyyyyy!????sigaw niya habang umiiyak.
Sabay mahinang sinuntok suntok ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ang sikip sikip na,yung hindi ka na makahinga dahil pakiramdam mo may malaking bagay na bumabara doon.Grabe!sobrang sakit!Mas masakit pa yata ito sa mga ginagawa sa kanya ni Luke noon.Sa isiping yon napabunghalit siya ng iyak sabay napasubsob sa semento.
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!aaaaaa
hhhhhhhhhh!!!sigaw niya ulit na may halong iyak.
Pinagtitinginan na siya ng mga tao at may isang babaeng lumapit at hinawakan siya sa balikat at pilit ibangon.
"Hija?anang boses na narinig niya.
Nilingon niya ito at hindi niya alam biglang siyang napapayakap kahit hindi niya kilala,marahil dahil sa gusto niyang may karamay sa mga oras na ito,yung gusto niyang may isang taong masasandalan at maiiyakan ng sa ganon maibsan man lang ang bigat ng kanyang kalooban.
"It's okay to cry hija dahil nakakagaan ng loob"anang babae sabay hagod sa likod niya.
Matagal sila sa ganong posisyon at hindi alintana kung maka agaw sila ng mga taong dumaraan doon.Hindi din alam ng babae kung bakit naaawa siya sa babaeng ito ni hindi niya kilala.Maya't maya pa ay kumilos si Ysa mula sa pagkakayakap sa babae at tiningnan niya ito,ngayon niya napagtantong nakakahiya ang ginawa niya dahil ni hindi niya ito kilala kaya dahan dahan siyang tumayo sabay nagpahid ng luha.
"Patawarin nyo po ako Ma'am kung naging mapangahas akong yakapin kayo"hinging paumanhin niya dito.
Ngumiti sa kanya ang babae at sa hinuha niya ka edad lang ito ng Mommy Eliza niya.Mukhang sosyal ang dating na ngayon niya lang napansin,magarang manamit at puno ng palamuti ang katawan at ang ganda ng hugis ng mukha nito.Ang tangos ng ilong at ang hugis puso nitong labi at yung malalantik nitong pilikmata na kahit hindi lagyan ng maskara ay kitang kita parin.Teka si Mama Mary ba ang kaharap niya?nasa langit na ba siya?hindi naman siguro siya namatay kanina diba?Hindi dahil wala siyang naalala na sinaksak siya o binaril kaya buhay na buhay siya.Pero sinong babaeng to na sobrang ganda naman yata nung nag ulan ng kagandahan ang Diyos sinalo ba nito lahat?Bumalik lang siya sa reyalidad ng magsalita ang babae.
"Huwag kang mag alala hija sinadya ko namang lapitan ka"ani ng babae.
At wow ang lambot pa ng tinig at ang sarap pakinggan,baka singer to ano?kulit ng isip niya.
"S-salamat po ulit Ma'am"aniyang sabay yumukod at humakbang na upang iwan ito.
"Hija?tawag ng babae.
Nilingon niya ito at muling ngumiti sa kanya"maaari ko bang malaman ang pangalan mo?
"Ysa po Ysabelle Rose...."aniyang hindi tinuloy ang last name niya.
Lumapit sa kanya ang babae at hinawakan siya sa braso sabay muling ngumiti.
"Ang ganda ng pangalan mo hija bagay na bagay sa magandang katulad mo"
Nahihiya naman siya sa papuri nito sabagay maraming nagsasabing maganda daw talaga siya pero para sa kanya hindi naman masyado.
"Thank you po ulit Ma'am"kimi niyang ngiti dito.
"You're welcome! Kung gusto mo ihahatid na kita sa inyo Ysa?mungkahi ng babae.
Natigilan siya dahil ayaw niyang umuwi sa Villa at lalong ayaw niya ng umuwi sa mga magulang niyang dahilan ng naging miserable ang buhay niya.Siguro sapat ng kabayaran ang naging sunod sunuran siya sa mga ito buong buhay niya.Na pati sarili niya ay nawasak pa dahil naging mabait at masunurin siyang anak na sa bandang huli malaman niyang hindi siya kaano ano ng mga ito.Siguro sa pagkawala niya magiging masaya na si Luke at si Rhian kaya ayaw niya ng bumalik at magpakita pa sa mga ito.Gusto niyang maglaho upang makalimot dahil iyon naman talaga ang dapat.Sa isiping yon muli siyang napaiyak at hiniling niyang sana hanggang dito na lamang ang pag iyak niya.
"Hija you okay?
"O-okay lang po ako Ma'am"
"Natitiyak kong malaki ang problema mo hija would you mind to tell me?
"Ayos na po ako don't worry kaya ko to"
"Okay kung yan ang nais mo pero ihahatid na kita sa inyo para naman mapanatag akong maghiwalay tayo"
"Hindi! Ayoko pong umuwi sa amin,ayoko na po!Pupunta ako kahit saan basta hinding hindi na ako babalik sa mga taong dahilan kung bakit ako nagdurusa ngayon!
Nagulat pa siya sa tinuran ni Ysa at sa isip niya sobrang malaki nga ang problema nito at kailangan niyang tulungan,dahil ayaw naman niya itong hayaang mapariwara kargo de konsensya niya pa kung may masamang mangyari dito.
MASAYANG MASAYA si Luke ng papasok na siya sa loob ng Villa and as usual kaagad hinanap ng kanyang mga mata si Ysa.
"Baby?tawag niya.
"Baby I'm here now I'm back"aniya ulit pero walang sumulpot na Ysa.
Kaya umakyat siya sa kwarto dahil natitiyak niyang nasa loob lang ito.Binuksan agad ang kwarto at nagtawag.
"Baby?tawag nito habang hinahanap ang asawa.
"Ysabelle!?muli niyang tawag at sinilip sa bathroom pero wala doon.
"Ysaaaaaa!??malakas niyang tawag habang pinaghahanap sa buong Villa.
Pero wala talaga ang dalaga pero nandon naman lahat ng mga gamit nito sa closet kung saan nito nilagay.
"Ysaaaaaaa!???Ysabeeelleee!?muli jiyang tawag habang lumabas ng Villa at tumungo sa likod.
Pero wala ni anino ni Ysa at unti unti na siyang nakaramdam ng takot.Pero naisip niyang tawagan ang bahay ng mga magulang baka nandoon si Ysa.Kaya kaagad nagdial at ilang sandali pa sinagot na ito ng katulong.
"Yes po Sir?anang yaya Lorna.
"Yaya Lorna nandyan ba si Ysa?agad niyang tanong.
"Po?wala po si ma'am Ysa dito"sagot ng katulong.
"No!yaya please check all the house alam kong nandyan si Ysa!aniya sa katulong.
"Teka po Sir andito ang Daddy nyo"anang katulong at ilang saglit pa nasa linya na ang ama.
"Yes hijo anong problema?
"Daddy nandyan ba si Ysa?No nandyan si Ysa right?aniyang natataranta na.
"Wait?what do you meant?
"I'm asking you Dad kung nandyan ba ang asawa ko dahil wala siya sa Villa don't you get it!medyo napataas pa ng boses.
"Calm down Luke wala dito si Ysa and how come na wala siya sa Villa?
"OH MY GOD! OH MY GOODNESS! Seriously? Dad she's not even here kaya ko siya hinanap! No this can't be happen Daddy please help me!!aniyang gusto ng maiyak sa isiping wala ang asawa kahit sa bahay ng mga magulang.
"Calm yourself pupunta kami dyan right now!anang ama sabay pinutol na ang tawag.
"Nooooooooooooooo!!!!sigaw niya atsaka tinapon ang hawak niyang cellphone.
"Ysa please come out now Ysa where are youuuuuuuu!????aniyang napapasabunot ng buhok.
Ilang minuto pa'y nasa Villa na ang mga magulang niya at tulad niya nag alala rin ang mga ito para kay Ysa.
"Anong ginawa mo Luke?tanong agad ng amang siguradong siya ang sinisisi nito.
"Dad I just got home na wala na si Ysa I've been searching all over the Villa but she's not around!
"Anong ginawa mo para maglayas siya Lucas Kenneth!?asik ng ama.
"Di calm down hindi makakatulong kung paiiralin natin ang init ng ulo ngayon"saway ni Doña Eliza.
Hindi kumibo si Luke dahil batid niyang kasalanan naman talaga niya dahil palagi niyang binibigyan ng sama ng loob si Ysa na hindi niya namamalayan,pero ang dahilan ng paglayas nito iyon ang hindi niya tiyak kung bakit.
"Okay now tell me Luke kung bakit siya lumayas,I know you did something para gawin niya yon"ani ng Don na medyo kumalma na.
Sinimulan niyang ikwento sa mga magulang ang lahat lahat,wala na siyang tinatago pa dahil alam niyang malalaman at malalaman din ng ama kung anong pinag gagawa niya.Pagkatapos niyang mag kwento ay napapahawak ang Don sa dibdib nito kaya naalarma silang mag ina.
"Di are you okay?nag alalang tanong ng Doña sabay alalay sa asawa.
"D-Daddy?ani ni Luke sabay lumapit sa ama at akmang hahawakan niya pero marahas siyang tinulak ng Don.
"Dad I'm sorry alam kong mali ang ginawa ko at pinagsisihan ko yon!aniya sa ama.
"Napaka walang hiya mong asawa Lucas,napaka walang kwenta mong tao! Ngayon...ngayon ko lubusang pinagsisisihan na ikaw ang naging anak koooooo!!!sigaw ng Don sabay hawak parin sa dibdib.
"Daddy please!nag alala rin si Luke sa kalagayan ng ama dahil baka mapasama ito.
"Manolo please huminahon ka muna!anang Doña sabay napatingin kay Luke.
"I'm okay Mi I'm okay"aniya sa asawa at tumingin kay Luke"Put this in mind Lucas hanggat hindi mo nahanap ang asawa mo hinding hindi kita kikilalanin bilang anak simula sa araw na ito!!ani ng Don.
Na pareho nilang ikinagulat ng ina,tiningnan ng Doña si Luke at naaawa siya para sa anak.At muling tiningnan ang Don na makikita sa mukha ang kaseryosohan sa sinasabi nito ngayon.Anong gagawin niya para kay Luke dahil ayaw niyang itakwil ito ng Don.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon