Chapter 64

2.8K 64 7
                                        

KINABUKASAN nagyaya nga si Josh na lalabas sila kahit hindi pa ito ganon kagaling,wait...magaling naman na siya,hindi pa nga lang bumabalik ang maskulado nitong katawan,ang packed na packed nitong masel at ang mala pandesal nitong abs tulad noon at medyo wala pang laman ang mukha nito at iba pa rin ang itsura nito kesa noon.Pero sinilang yata siyang gwapo at kahit medyo payatot pa ito taglay pa rin ang kaguwapuhan nito.Hindi pa sana papayag ang mga magulang nito at si Angeline pero mapilit siya at gusto pang ito ang magmamaneho bagay na hinindian ni Angeline kaya nagsama sila ng driver.
Pagkatapos bihisan ni Angeline ang anak na makikita sa mukha nito ang sobrang excited ay giniya niya na palabas ng kwarto saka pinakuha muna sa yaya dahil magbibihis pa siya at asikasuhin pa niya si Josh.
"Baby kay yaya ka muna dahil magbibihis pa ako okay?
"Okay po Mommy"sagot ng anak at bumaba na kasama ang yaya Luisa.
Siya naman ay tumungo ng sa kwarto nila,nadatnan niyang namimili si Josh ng damit na susuutin nito kay nilapitan niya at nagtanong.
"Can't find a better one to wear?tanong niya sa asawa.
"Can't find one that fits on me"sagot ni Josh.
Dahil halos lahat ng mga damit nito ay maluluwag na lalo na ang mga pantalon.
"Uhm lemme help you"aniya at naghalungkat sa closet.
Binigay niya ang stripe polo shirt at old kaki pants pero bago naman dahil hindi ito na suot ni Josh noon.
"Here!isukat mo baka kasya na sayo"ngiti niyang wika.
Hindi ngiting masaya kundi ngiting nang aasar,dahil natatawa siya sa isiping halos lahat ng mga damit nito ay hindi na kasya maano ba naman kasi payatot na ito at malamang dadaanan pa ng linggo o buwan bago ito tuluyang babalik sa dati.Napansin yata ni Josh ang ngiti niya kaya nagtanong ito sa kanya.
"What is that smile for?seryosong tanong ni Josh sabay kuha ng damit sa kamay niya.
"Nothing!sige na magdamit ka na at magbibihis na rin ako"aniya kay Josh.
At akmang aalis siya pero hinarang ni Josh ang payat nitong kamay sa dadaanan niya kaya huminto siya at tumingin kay Josh.
"Bakit?kalmado niya tanong.
"Pinagtatawanan mo ba ang itsura ko?
"Hindi ah bakit ko naman gagawin yon sa asawa ko,ang pogi pogi mo pa din kaya kahit medyo naiba na ang itsura mo"dipensa niya at pinigilang huwag matawa.
"Parang natatawa ka eh"himig pagtatampo ni Josh.
"Hmm...hindi ko alam na may ugali ka palang tampuhin pero ang cute ha"wika ni Angeline sabay niyakap ang asawa at nagsalita muli.
"Mahal pa rin kita kahit ganyan ang itsura mo baby"aniya dito.
"Sigurado ka?tanong ni Josh.
Tumingin siya dito at kinulong ang mukha ni Josh at hinalikan sa noo sabay nagsalita.
"Siguradong sigurado mahal ko"ngiti niyang wika.
"Baby ba ang tawag ko sayo noon?tanong ni Josh.
"Noong una Angeline lang pero nung nagkita tayong muli..you used to call me baby and so do I"sagot niya.
Dahil namimiss na niyang tawagin siya ni Josh ng baby ang sarap kasi sa kanyang pandinig tuwing binibigkas iyon ng asawa.
"Alright!So can I call you baby?
"You can call me anything you want Josh"sagot niya.
"Okay!...Baby?ani ni Josh.
"Hmm?aniya din habang nakipagtitigan kay Josh.
"Mind me to kiss you?
Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ni Josh"I'm all yours baby kaya pwede mong gawin sa akin ang lahat ng gusto mo"
Naramdaman niyang kinulong ng magkabilang kamay ni Josh ang mukha niya at dahan dahan nitong inilapit ang mukha nito sa kanya,dahan siyang napapikit at ilang saglit pa ay naramdaman niyang lumapat ang labi ni Josh sa labi niya,napahawak siya sa kamay ni Josh na nakahawak sa mukha niya.Namimiss niya ng sobra sobra ang kanyang asawa at ngayon lang niya ulit naramdaman ang halik ni Josh.Walang nagbago,ganito pa rin ang halik ni Josh sa kanya noon na kaysarap sa kanyang pakiramdam.Naramdaman niyang kinulikot ng dila ni Josh ang loob ng bibig niya kaya hindi niya napigilang umungol dahil sa kiliting hatid nito sabay napakapit siya sa batok ni Josh.
"Uuhhmmm"mahina niyang ungol.
Naramdaman niyang unti unting inihiwalay ni Josh ang labi nito sabay tumingin sa kanyang mga mata,napalunok naman siyang tumingin dito at hindi niya alam kinakabahan siya.Sa isip niya baka hindi gusto ni Josh ang paraan ng pagtugon niya sa halik nito.
"Your lips is so soft that I can't get enough myself kissing it,the way you respond my kiss is really familiar to me Angeline"ani ni Josh sabay hinimas ang labi niya.
Ngumiti siya sa narinig mula kay Josh at natutuwa siya"Because I used to respond you that way baby"aniya dito.
Niyakap siya ni Josh at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa ulo,masaya siya at ang gaan ng pakiramdam niya.
"We should get dress now baby naghihintay na ang anak mo sa baba"ani ni Angeline.
"Oh okay sorry"ani ni Josh sabay hiniwalay siya ng yakap.
Ngumiti siya at sabay na silang nagbihis ni Josh tinulungan niya pa itong magsuot ng damit,saka sinuutan ng medyas ang asawa at hinanda ang susuutin nitong sapatos.Things that makes Joshua's happy dahil ramdam niya ang pagiging asawa ni Angeline sa kanya,hindi tuloy niya maiwasang isipin ganito din ba sila dati?o baka puno ng pasakit at pagdurusa ang namagitan sa kanila.
Sabay na silang bumaba ni Josh at kaagad sila sinalubong ng kanilang anak na sobrang saya nito ngayon.
"Daddy!Mommy!ani ng anak.
"Wow good looking little kiddo"ani ni Josh sa anak at kinarga ito sabay hinalikan.
"Thank you po Daddy kayo din po ang pogi pogi nyo po!wika ng anak.
Ngumiti naman siya sa anak at nagpaalam na sa mga magulang niya.
"Papa,Mama we'll going now"aniya sa mga magulang.
"Alright son mag-ingat kayo okay?bilin ng ina.
"Go ahead and have fun hijo"ani ng ama.
"Thank you"sagot ni Josh at lumabas na ito habang karga abg anak.
"Sige po Papa,Mama aalis ma kami"paalam ni Angeline.
"Sige hija ikaw na ang bahala sa mag-ama mo"ani ng Mama Alison.
Ngiti at tango lamang ang sagot nita at sumunod na sa kanyang mag-ama.
Sinundan nila ng tingin ang kanilang anak at nagsalita si Alison"sana babalik na ang alaala ng Joshua natin Rolando,namimiss ko na siya"ani ni Alison.
"Magpasalamat na lang tayo na bumalik siya kahit hindi niya tayo maalala ang importante nandito pa siya kapiling natin"
"Alam ko...at nagpapasalamat ako dun pero iba pa din talaga ang Joshua na nakasanayan nating kasama noon,ang malambing kong anak kahit may katigasan ng ulo"
"Don't lose hope Alison...alam kong may awa ang Diyos sa atin,proven na binalik niya si Josh sa atin at naniniwala din akong ibabalik niya ang alaala ng anak natin"aniya sa asawa.
Tumango siya sabay nagpahid ng luha at yumakap sa asawa,inisip niyang sana nga mangyari yon ang muli silang maalala ni Josh lalo na ang asawa't anak nito dahil naaawa din siya sa mag-ina ng kanyang anak at sa batang ipinagbubuntis nito.Sa isipin pa lamang na iluluwal ang bata tapos hindi alam at maalala ng sariling ama ay parang binibiyak na ang puso niya.
SAMANTALA nakarating na sa world fun sina Angeline dito niya dinala ang mag ama since wala pang alam si Josh sa mga lugar lugar ay siya na ang nag suggest na agree naman si Josh at isa pa dito sila madalas dinadala ni Josh noon at gusto niya lahat ng lugar na pinupuntahan ni Josh ay gusto niyang dalhin ito para maalala niya ang nakaraan nito.Kaagad umibis ng kotse si Josh sabay kinuha ang anak at inalalayan siyang bumaba sa kotse.
"Thank you"ngiti niyang wika.
"You're welcome"sagot ni Josh.
Tumingin si Josh sa driver nila at kinausap ito"Manong iwan nyo na po kami dito at tatawag na lang ako sa inyo kung magpapasundo na kami okay?
"Masusunod po Sir"anang driver at pinasibad na ang kotse.
Sila naman ay pumasok na sa loob upang hayaang maglaro ang kanilang anak.Masaya siyang pinapanood ang kanyang mag-ama habang sinasamahan ni Josh maglaro ng racing car machine ang anak nila,hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil naaalala niya noon na ganito din ang mag-ama napakasaya nila pero siya binalot ng galit kay Josh at hindi siya nag eenjoy pagmasdan ang mag-ama.But today...masaya pala at ang sarap sa pakiramdam ang makitang masaya ang iyong mag-ama.Hindi niya namalayang naglandas na pala ang kanyang luha dahil muli siyang nakaramdam ng matinding pagsisisi,namalayan na lamang niyang nakalapit na pala sa kanya si Josh at lumuhod ito sa harapan niya sabay tiningnan siya nito sa mga mata dahil nakaupo siya sa plastic na upuang naroon.
"What's wrong baby?malambing na tanong ni Josh sa kanya sabay pinahid ang luha niya.
Hindi tuloy niya maiwasang isipin na bumalik na ang dating Josh dahil ganitong ganito si Josh sa tuwing tinatanong siya dati galit man siya o hindi.Napalunok siya at tiningnan sa mga mata si Josh naroon ang pag-alala sa mga mata nito tulad din ng dati at ngayon niya batid siguro nga ang isip lang nito ang nakalimot pero ang puso nito ay hindi.
"May naalala lang ako baby"aniya dito.
Hinaplos ni Josh ang kanyang pisngi at ngumiti ito ng pilit sa kanya saka nagtanong ulit.
"Naalala mo ba kung paano kita pinahirapan noon?malungkot nitong tanong.
Kaagad siyang umiling ng sunod sunod at ngumiti sabay hinawakan ang kamay ni Josh at hinalikan ito.
"Hindi Josh not at all kinalimutan ko na yon...naisip ko lang kung paano kita nasaktan sa kabila ng iniinda mong sakit"aniya.
Tumayo ito saka umupo sa tabi niya sabay ginagap ang kanyang kamay"Don't think about that at all baby siguro kung naalala ko ang lahat marahil masaya na ako dahil pinatawad mo pa rin ako,masaya ba ako noong pinatawad mo ako?
Sunod sunod ang kanyang pagtango"masaya ka Josh pero konting oras na lang dahil ooperahan ka na nun pero nakikita kong masaya ka pa rin ng oras na yon"
"Thanks God! So no need for you to worry about it anymore I can say we're okay isn't it?
"Yeah...at ngayon muli akong hihingi ng tawad sayo sa mga nagawa ko"
"You are forgiven baby"salo agad nito sa sinabi niya.
Ngumiti siya at lumapit sa kanila ang kanilang anak.
"Daddy,Mommy aren't you going to play with me?
Nagkatinginan sila at ngumiti sabay tumayo si Josh at binuhat ang anak"no baby we will play with you"sagot sa anak at inabot ang kamay niya.
Sabay silang tatlo muling pumasok sa play area at sinamahang maglaro ang anak.Pagkatapos ng mahabang sandali at pagod na si Jonas ay tumungo sila sa restaurant na nasa loob din ng mall at ilang saglit pa ay lumapit na sa kanila ang waiter at tinanong kung anong order nila.Siya na ang nag order para sa kanila dahil alam naman niya ang mga paboritong pagkain ng asawa at ng anak.Habang naghihintay sila ng kanilang order ay biglang may lumapit na isang sexy'ng babae sa table nila,hindi niya ito kilala.
"Hi Josh!pansin nito sa asawa niya.
Bigla siyang tumingin kay Josh at nakita niyang nilingon nito ang babaeng tumawag sa kanya.
"Yes do I know you?tanong ni Josh na halatang nagulat.
Siya naman ay hinawakan ang kamay ng anak dahil nakatingin din ito sa babaeng pumansin sa ama nito.
"Hindi mo na ako kilala?baliktanong ng babae.
Lumingon sa kanya si Josh at para bang nagtatanong ito kung sino ang babae eh hindi rin naman niya ito kilala.
"I-I don't know you Miss"ani ni Josh.
"Josh ako to si Irene yung nakilala mo sa club"
Muli siyang tiningnan ni Josh at naguguluhan ito,wala siyang reaksyon dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa babae.
"I'm sorry but will you please excuse us,I'm with my family as you can see now"
"Oh I see...so siya pala ang asawa mong iniwan ka lang ng basta basta?ani ng babae.
Biglang nag-iba ang mood niya at sumabat sa usapan ng asawa at ng babae.
"Miss hindi pa magaling ang asawa ko dahil nagkasakit siya at wala siyang maalala,hindi ka niya maalala and also us as his family so if you don't mind huwag ka munang umeksena?
"Oh kaya pala ibang iba na si Josh ngayon hindi ko napansin yon dahil natuwa lang akong makita siyang muli"
"Pwede ka ng umalis dahil nakita mo na ang asawa ko"aniya dito.
"Asawa mo na naging boyfriend ko for how many years!ani ng babae sabay nakataas ang kilay.
Bigla siyang tumingin kay Josh at tumingin din ito sa kanya,bakit hindi niya alam ang tungkol sa babae?Mahigit isang buwan silang nagsama ni Josh bago ito ma operahan pero ni minsan walang binanggit si Josh sa kanya.

Bigla siyang tumingin kay Josh at tumingin din ito sa kanya,bakit hindi niya alam ang tungkol sa babae?Mahigit isang buwan silang nagsama ni Josh bago ito ma operahan pero ni minsan walang binanggit si Josh sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

https://my.w.tt/u3eZV96095

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!Enjoy Reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon