FIVE MONTHS LATER:
"Ysa mabuti naman ba ang pakiramdam mo?tanong ng Tita Veron niya.
Nilingon niya ito atsaka ngumiti"mabuti naman po ako Tita Veron.
Lumapit ito sa kanya saka siya hinawakan sa kamay tiningnan niya iyon saka pinatong din ang kamay niya sa kamay ng Tita niya.
"Kahit nakapaskil ang ngiti dyan sa labi mo makikita parin ang lungkot sa mga mata mo"anang Tita Veron.
Yumuko siya't napabuntong hininga siguro nga tama ito dahil hanggang ngayon dala dala parin niya ang sakit na dinulot sa kanya ni Luke.Mahirap kalimutan pero hindi na pagmamahal ang nararamdaman niya ngayon kundi poot,galit at pagkasuklam dahil sa ginawa nito sa kanya.
"Pinilit ko pong kalimutan ang sakit na pinagdaanan ko pero parang aninong sumusunod kahit saan ako"aniya dito.
"Naiintindihan kita Ysa dumaan din ako dyan alam kong mahirap,pero wala kang dapat gawin kundi ang tuluyan mo ng kalimutan.Pagtuunan mo ng atensyon kung anong meron ka ngayon"aniya dito.
Ngumiti siya sabay himas sa may kalakihan niyang tiyan,sa tuwing hinihimas niya ito tila bang gumagaan ang kalooban niya at nagbibigay saya sa puso niya.Saka siya tumingin kay Tita Veron.
"Alam nyo po bang gumagaan ang bigat ng nararamdaman ko sa tuwing nahahawakan ko siya Tita Veron?masaya niyang wika.
Ngumiti din sa kanya ang ginang saka hinimas din ang kanyang tiyan saka muling tumingin sa kanya.
"Alam mo ba kung bakit? Dahil siya ang bunga ng wagas ng iyong pagmamahal na inalay mo sa isang tao hindi ka man niya mahal pero tunay mo naman siyang minahal,Ysa siya ang mahalaga ngayon ang magiging anak mo,siya ang magbibigay saya saiyo,siya ang pupuno ng lahat ng pagkukulang sa buhay mo"ngiting wika ng Tita niya.
Niyakap niya ito at ramdam niya ang sinseridad sa bawat katagang binitawan nito na sadyang nagpapalakas ng loob niya upang lumaban at maging malakas para sa anak niya.
"Maraming salamat po Tita sa lahat lahat ng mga naitulong nyo at sa mga magagandang payo nyo sa akin"aniya dito.
"No problem hija masaya akong tulungan ka dahil alam ko kung paano ang masaktan"aniya.
"Tita sa tagal na po nating magkasama wala pa rin akong alam tungkol sa inyo"aniyang interesadong malaman kung ano bang naging karanasan nito.
Ngumiti lang ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok"hayaan mo Ysa balang araw ikukwento ko sayo kung anong pinagdaanan ko"aniya dito.
"Promise po?
"Uh-huh I promise,kaya ngayon matulog ka na dahil bawal sa buntis ang magpuyat"ani ng Tita Veron sabay hiniga na siya sa kama.
"Okay po good night Tita"
"Sige good night too hija and to your little angel"anang Tita sabay hinalikan siya sa pisngi.
Ngumiti siya sa Tita at ito na ang nagpatay ng ilaw sabay sinara na ang pinto at lumabas na ito.Siya naman ay nagpapaantok na sabay hinimas himas ang tiyan.
"Anak pag pasensyahan mo na ang Mama ha kung palagi nalang nalulungkot,balang araw alam kong maiintindihan mo rin ako"aniya habang hawak hawak ang tiyan.
"Pero huwag kang mag-alala sa paglabas mo magiging masaya na ako dahil mayayakap na kita,mahahalikan at kakargahin buong araw okay?aniya sabay ngiti.
Ma swerte narin siya kahit papaano dahil kahit lumayas siya may tao namang sumalo sa kanya at tumulong sa kanya through this time.Yon ang Tita Veron niya,yes ang Tita Veron niya ang taong nakilala at tumulong sa kanya noong araw na nakita niya si Luke at Rhisn sa Resto at mula ng araw na iyon hindi na siya hiniwalayan ng ginang at sinabing tutulungan siya.Sa kawalan ng mapupuntahan ay kinapalan na ang mukha upang sumama dito.Noong una ay gusto niyang magtrabaho bilang katulong nito upang may pagka abalahan ang sarili at makatulong narin sa malaki nitong bahay pero ayaw nitong nagtatrabaho siya dahil parang wala daw siyang alam sa mga gawaing bahay bagay na totoo naman,ganon pa man pinilit parin niya ito at aniya pa handa siyang pag aralan ang lahat ng mga trabaho sa bahay ngunit ayaw parin nito.Ang binigay nalang sa kanyang trabaho nito ay maging Personal Assistant nito na okay rin naman sa kanya kahit walang resume o kahit ano.Dahil ang ayaw niya iyong sabihin kung saang pamilya talaga siya nanggaling hindi sa nahihiya siya dahil ampon lamang siya dahil hindi naman niya inilihim iyon sa ginang sinabi niyang ampon lamang siya pero hindi niya na dinetalye gaya ng nalaman niya.Hindi narin niya sinabi kung sinong pamilya o anong klaseng pamilya ba.Pero batid niyang alam ng ginang na ang mayamang pamilya ang umampon sa kanya dahil daw sa kutis nito at mga kamay na mukhang hindi nakaranas magtrabaho.
Simula noon naging PA siya ng ginang at sumasama kahit saang lakad nito,habang tumatagal medyo nawawala sa isip niya kung anong pinagdaanan niya dahil nalibang siya at naging abala sa trabaho niya bilang PA,tuwang tuwa din sa kanya ang Tita niya dahil sa bilis nitong matuto alangan boss kaya siya sa kompanya ng Don Manolo pero hindi rin niya binanggit iyon.Basta ang sinabi lang nito Business Management ang course niya,mabuti at hindi gaanong makulit ang Tita niya tungkol sa personal niyang buhay bagay na mas gusto niyang hindi pag usapan.
Day by day,a weeks past and even a months past ay unti unti niyang nakakalimutan ang masakit na pinagdaanan niya at kung anong dahilan kaya nandito siya sa ibang tao,muli lamang iyon bumalik na bigla siyang hinimatay habang sa opisina ng Tita Veron niya at pagdala sa kanya sa hospital,ang finding sa kanya hindi sakit kundi nagdadalantao siya bagay na hindi niya inaasahan.At biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat kung paano nabuo ang bata,sigurado siyang hindi din ito inaasahan ni Luke at mabuting nawala na siya bago malaman na buntis siya baka kung anong pang gawin ng tarantadong binata,sa isiping yon hindi niya maiwasang hindi malungkot.She didn't uttered any single words pagkatapos niyang malaman na buntis siya dahil ang nasa isip niya ng mga sandaling yon ay...Paano na? Paano niya bubuhayin ang anak niya gayong wala siyang kapera pera? Kaya niya bang maging ina sa anak niya? Anong kinabukasan ang naghihintay para sa anak niya at para sa kanila? At inisip niyang hindi habang buhay na naka dipende lang siya palagi kay Tita Veron lalo pa't magkakaroon na siya ng anak.Thanks God ni hindi sumagi sa kanyang isip na ipalaglag ito bagkus inaalala ang maging buhay nila ng anak niya.
At mula noon hindi na siya pinayagan ng Tita Veron niyang mag trabaho sa bahay na lamang daw ito at alagaan ang sarili kahit naman ayaw niya hindi rin mahihindian ang ginang,dahil sa sobrang kabaitan nito inisip niyang sana ito nalang ang naging ina niya at hindi ang inang nang iwan lamang sa kanya.Dahil ang Tita niya sobrang bait at maalalahanin at maalaga pa sa kanya lalo sa pinagbubuntis niya.
Nakatulog siyang may ngiti sa kanyang mga labi at ipinagdarasal niya sana tuluyan ng makalimutan ang mapait niyang nakaraan at masayang harapin ang kanyang kinabukasan kasama ang munting buhay na nasa kanyang sinapupunan.
ALCANTARA RESIDENCE:
"Manolo nasa labas ng gate ang anak mo"ani ni Doña Eliza sa asawang si Don.
"Hindi ko siya pinapunta dito sa bahay kaya hindi ko problema kung nasa labas man siya Eliza!matigas niyang wika.
"Hanggang kailan mo ba titikisin ang sarili mong anak Manolo!?
"Kilala mo ako Eliza kapag sinabi ko ginagawa ko,at seryoso ako nung oras na sinabi kong hindi ko siya kikilalaning bilang anak ko hanggat hindi niya nakikita si Ysa!
"Hindi siya tumigil sa kakahanap kay Ysabelle Manolo!
"Pwes gawin niya yon kahit 24/7 mahanap niya lang si Ysa!wika niya sabay umakyat na sa taas pero lumingon din ito ulit.
"At pakisabi sa tarantado mong anak lumayas siya sa tahanan ko kung ayaw niyang sa kangkungan pupulutin!Pasal
amat siya at hindi ko kinuha ang lahat sa kanya kaya huwag niyang hilingin na gagawin ko yon!aniya pa at tuluyan ng umakyat.
Napaluha na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang asawa na wala yatang nino man ang nakakabali sa mga disisyon nito.Nagpahid siya ng luha atsaka muling nilabas ang anak na sa labas ng gate ito naghihintay.Dahil maraming beses ng paulit ulit humihingi ng tawad si Luke ngunit sadyang matigas ang Don at mula ng lumayas si Ysa hindi narin ito nakatungtong sa Bungalow at sa Villa lang ito nakatira mag isa.Limitado ang laman ng ATM nito,limitado ang budget at ang masaklap pa tinanggalan pa ito ng posisyon sa kompanya ng ama nito,pinakiusapan na nga lang nila na huwag naman pati ang Villa ay kunin pa kay Luke kaya pumayag din sa bandang huli,at ang pinaka mabigat na binitiwang salita ng Don ay ni kusing walang makukuha si Luke sa kayamanan ng Alcantara! Kundi kay Ysa mapupunta at iyon ang nakasulat sa dokumento ng mga ari arian nila.Mababago lang ito umano oras na mahanap niya si Ysa!Ang saklap di ba?
Nakita niyang nakatayo lang si Luke sa labas ng gate at hindi na ito ang Luke tulad ng dati na maayos sa katawan,maalaga sa sarili,medyo pumayat narin ito,at kung hindi niya pa pipiliting mag ahit ang anak wala din itong pakialam kung magkasing haba na ang balbas at ng buhok nito.Naaawa na siya sa kanyang anak at ang nagagawa na lamang niya para kay Luke ay tinutulungan niya itong hanapin si Ysa.Although nag hire naman sila ng magaling na detective upang maghanap kay Ysa pero palaging nirereport ay wala pang impormasyon siguro nga mahirap talagang hanapin ang taong nagtatago at ayaw magpakita.
"Hijo I'm sorry ayaw parin ng Daddy mo"aniya sa anak.
Malamlam ang mga mata ni Luke na tumingin sa kanya at sobrang nadudurog ang puso niya bilang isang ina.Hinawakan niya ito sa magkabilang mukha atsaka ngumiti dito.
"Maghihintay pa tayo Luke ng konting panahon maaayos din natin ito,kaya huwag kang sumuko ha lakasan at tibayan mo pa ang loob mo anak"aniya kay Luke.
"Mom hindi ko na kaya I already lost everything I maybe can handle this kinda situation kung nandito si Ysa kung nandito ang asawa ko Mom!ani ni Luke na gusto na namang umiyak.
"Hijo huwag kang mawalan ng pag-asa makikita natin ang asawa mo basta huwag kang mawalan ng pag-asa nandito lang ako hijo okay?ani ng kanyang ina.
"Thank you Mom for being here with me kahit palagi ko kayong binibigo ni Daddy"
"Because you are my son Luke kaya palagi akong andito para sayo kahit anong mangyari"aniya sa anak sabay hinalikan ito sa noo.
"Alright Mom I'll go ahead for now and take care of yourself and Dad"aniya pa dito.
"Okay anak ingatan mo rin ang sarili mo at huwag kang magpapagutom,kumain ka sa tamang oras at ang importante kumain ng breakfast okay?
"Yeah okay Mom don't worry I am not a kid anymore I can take care of myself"aniya dito.
"Pinabayaan mo na nga ang sarili mo eh,sige na umuwi ka na at yung mga bilin ko sayo"
"Yes Mom!anito at umalis na.
Pagdating niya sa Villa ay diretso siya agad sa kwarto ni Ysa kung saan dito natulog ang asawa bago pa man ito lumayas,miss na miss niya na si Ysa at kahit hindi niya tumitigil sa paghahanap dito ay hindi parin niya nakikita sadya sigurong pinagtataguan na siya at iyon ang ayaw niyang tanggapin hanggang ngayon dahil umaasa parin siyang muling mag tagpo ang kanilang landas.Humiga siya sa kama at tumingin sa kisame habang nakapatong ang kamay sa noo niya.Nandito parin ang mga gamit ng asawa at hindi niya pinakialaman ni kobre kama nga ayaw niyang palabhan dahil iyon na lamang ang naiwang amoy ni Ysa kaya ayaw niyang ipalaba.
"Ysa!usal niya sa sarili.
"Kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay hindi ko hahayaang mangyari to,I'm sorry for everything baby sana hinintay mo ako!aniyang animo'y kausap nga si Ysa.
"Matatahimik lamang ako kung alam ko ang dahilan kaya mo ako iniwan,I had told you to wait for me and I come back to you.Ysa did I came home late that day?aniya pang nagbabadya na namang tumulo ang kanyang luha.
Actually simula ng mawala si Ysa palagi siyang umiiyak,sinisisi ang sarili at nagagalit sa kanyang kapabayaan.Nara
nasan niyang masaktan kay Rhian dati pero nakaya niya,pero ng si Ysa ang nawala sobra sobrang masakit sa kanya at halos gusto niya ng patayin ang kanyang sarili but thinking maybe Ysa is still alive ay pinilit niyang kayanin ang sakit ng nararamdaman at hindi sumusuko sa paghahanap sa asawa.Hindi niya namalayang nakatulog siyang si Ysa parin ang laman ng kanyang isipan at kung saan ba lupalop ng Pilipinas niya hahanapin.
DE VEIRA RESIDENCE:
MAAGA pa lamang ay gising na si Ysa,tumungo ito sa bathroom na nasa loob din ng silid niya saka naligo na agad.Hindi siya nahihirapan sa kanyang pagbubuntis dahil minsan lang siya nakaranas ng tinatawag nilang morning sick at pagdating naman sa mga pagkain ay hindi rin siya maselan,hindi rin naman siya tamad at hindi rin mahilig matulog yung parang normal lang sa kanya.Kaya siguro hindi niya ramdam ang pag iiba ng kanyang kondisyon.
Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na ng damit upang makalabas na ng kwarto it's weekend kaya nasa bahay lang ang Tita Veron niya.Pagbaba niya agad siyang binati ng katulong sa bahay.
"Magandang araw po Ma'am Ysa"bati ni Rosing.
"Magandang araw din sayo Ate Rosing"sagot niya dahil medyo hindi pa naman ito katandaan.
"Ipaghahanda ko na po ba kayo ng agahan nyo Ma'am?
"Si Tita Veron?
"Maaga pong umalis ang Doña Veron at binilin po niyang bantayan ko kayo"
Ngumiti naman siya sa katulong at ang sweet talaga ng Tita niya"kaya ko naman ang sarili ko Ate Rosing"aniyang sabay umupo sa sofa.
"Mag utos lang po kayo kung may gusto kayo,dito ko na po ba ilagay ang kakainin nyo?
"Salamat,doon na ako kakain sa kusina Ate Rosing"
"Sige po susunod kayo Ma'am"
Tumango lang siya sa katulong at humakbang na ito patungo sa kusina upang ipaghanda siya ng breakfast.Ilang sandali pa ay sumunod narin siya sa kusina at nahanda na nito ang kakainin niya.
"Thank you Ate Rosing"aniya at kumain na.
Ngumiti lang sa kanya ang katulong at ginawa na nito ang trabaho niya.
SAMANTALA nagmamadali na si Miss Veron De Veira upang pumasok sa kanyang opisina dahil may meeting siya with the new endorser.
"Good morning Miss Veron"anang secretary niya.
"Hello good morning Laida is everything ready?tanong niya habang papasak sa kanyang opisina.
"Yes Miss Veron actually nasa preview room na po naghihintay ang ka meeting nyo"anang secretary.
"Alright you can go and tell him I'm coming and prepare some drinks for him"
"Okay po Miss Veron"anang secretary at lumabas na upang asikasuhin muna ito.
Tinawagan muna niya ang katulong upang kumustahin ang lagay ni Ysa,ilang sandali pa ay sumagot naman ito.
"Hello po Doña Veron?
"Rosing gising na ba ang Ma'am Ysabelle mo?
"Opo Doña kumakain po ng breakfast"
"Ganon ba can you pass the phone please?
"Okay po sandali lamang po"anang katulong.
A few seconds Ysa is on the phone.
"Yes po Tita good morning"masiglang boses ni Ysa.
"Good morning beautiful preggy,kumusta ka na dyan?
"Okay na okay naman po ako Tita,hindi na po kita naabutan"
"That's good! Pasensya ka na rin may meeting kasi ako kaya maaga akong umalis ng bahay"
"It's okay Tita just take care always"
"Thank you Ysa ikaw din okay huwag mong pabayaan ang sarili mo"
"Yes po Tita I will"
"Yeah okay so bye I have to go now"
"Alright Tita bye"aniyang pinutol na ang tawag.
Ngumiti siya habang tinitingnan parin ang phone at napabuntong hininga siguro dahil sa sobrang tuwang nadarama dahil may mga tao paring mababait sa mundo katulad ng Tita Veron niya.
Si Miss Veron naman ay lumakad na upang pumunta sa preview room,hindi niya kilala ang kakausapin ngayon dahil wala masyado itong binigay na info ng secretary nito.Well she'll going to know about it naman,pagpasok niya sa preview room nadatnan niyang naglagay ng kape ang secretary niya para sa bisita hindi niya ito makita agad kasi nasa hulihan ni Laida at agad lumingon sa kanya si Laida pagkalapag ng kape at binati siya.
"Miss Veron"ani ng secretary.
Lumingon ang lalake sabay tumingin sa kanya at gayon na lamang ang pagkabigla nila ng makilala ang isa't isa.
"Ikaw?ani ni Miss Veron.
"Veronica?ani din ng lalake.
Naguguluhan namang napatingin lang si Laida sa dalawa at wala siyang idea kung paanong magkakilala ang mga ito kaya tahimik lang siya.
Biglang nagbago ang anyo ni Miss Veron pagkakita sa kanya kaya tumalikod siya upang lumabas sana pero nagsalita ito.
"Veronica sandali!pigil nito sa kanya.
Mabilis itong nakalapit sa kanya at agad tumayo sa harapan niya.
"Anong kailangan mo sa akin?tanong niya dito.
"Maniwala ka wala akong idea na ikaw ang may ari ng Complex Telecom"
"Kung ganon the meeting is done"
"Veronica hindi ko inaasahang mangyayari ito,ang muli tayong magkita"aniya dito.
Napataas ang kanyang kilay sa sinabi ng gunggong na ito.
"Hindi ko rin naman gusto na muli pa kitang makikita,dahil ang totoo?ikaw yung taong ayaw na ayaw ko ng makita pa!aniya sabay bira ng alis pero nahawakan siya sa braso.
"Veronica wait"aniya.
"Bakit may appointment ka pa ba sa akin? Oh muntik ko ng makalimutang sabihin...hindi kita tinatanggap sa kompanya ko kaya we don't have nothing to talk anymore!aniyang sabay pinalis ang kamay nito na humawak sa kanya.
Mabilis siyang lumayo mula sa lalakeng ni sa panaginip ayaw niya ng makita pa at hindi pinangarap na muli pa silang magkita.Dahil ito ang nagdulot ng malalim na sugat sa puso niya noon na nagbibigay ng malaking pilat sa puso niya hanggang ngayon.Pinilit niyang mabuhay ng mga panahong yon dahil sa maganda nitong alaalang iniwan sa kanya kahit iniwan siya nito.Pero ang lahat ng iyon ay naglaho lamang na parang bula na hindi niya na mahagilap pa.Lumisan siya sa bansa na hindi buo ang kanyang pagkatao dahil sa mga taong gumawa sa kanya ng kasalanan.At isa na doon ang taong nakaharap niya ngayon na walang iba kundi si Manolo Alcantara!DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficción GeneralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...