"Brix!?panabay na wika ni Rhian at Luke.
"Luke!?gulat ding wika ni Brix sabay pinalipat lipat ang tingin sa dalawa.
"Dude..."
"Anong ibig sabihin nito Rhian?and Luke what are you doin' here!?tanong ni Brix.
"Brix makinig ka muna magpapaliwanag ako"ani ni Rhian sa binata.
"Yeah dapat lang Rhian and you also Luke tell me all about this how could you two end up like very close to each other?Did I miss something important?
Si Luke ang nagkwento at nagsabi ng lahat lahat kay Brix at nakikinig lang din si Rhian.Dinidetalye niya ang lahat mula umpisa kung paano sila nagkakilala ni Rhian at kung paanong naging sila at kung paanong humantong sa ganito ang lahat.Tahimik si Brix pagkatapos mag kwento ni Luke at inisip niyang wala siyang dapat ikagalit sa kaibigan dahil siya alam niya ang pinagdadaanan ni Luke.Pero ang lokohin nito si Ysa dahil lang kay Rhian iyon ang hindi niya maaaring palampasin dahil nababaliw na ang kaibigan niya at siguro hindi na nito alam ang pinag gagawa niya kaya hanggat hindi pa nakakarating sa asawa nito at sa mga magulang ni Luke kailangang tapusin niya na ito upang hindi madamay si Rhian sa galit ng Don at lalaban siya para sa dalawang babae kung hindi kayang gawin yon ni Luke dahil naka focus lang siya kay Rhian gagawin niya yon para kay Rhian at kay Ysa kahit mag-away pa sila ni Luke.
"You need to stay away from Rhian Luke!aniya dito.
"Dude hindi madali ang sinasabi mo"
"Kaya nga sinabi kong you need dahil kailangan mong gawin yon dahil iyon ang dapat mong gawin this time"
"Sinasabi mo ba to para mapasayo si Rhian?
"Luke hindi mo naman ako mapipilit kung sinong gugustuhin ko sa inyong dalawa,kung papipiliin mo ako malamang si Brix ang pipiliin ko"sabat ni Rhian.
"You love him already do you?tanong niya sa dalaga.
"Hindi mahirap mahalin si Brix at alam mo yan dahil magkaibigan kayo"
"I will go for now Rhian but I'll make sure na babalik ako"aniya sabay lumabas na ng bahay.
Hindi na kumibo si Rhian pero nagpaalam narin si Brix sa kanya upang kausapin ang kaibigan bagay na sinang ayunan naman niya.Pagka alis ng dalawa ay lumabas na ang nanay nito at kinausap siya.
"Anak ayos ka lang ba?tanong ng kanyang ina.
Dahan dahan siyang umupo at napabuntong hininga dahil sa totoo lang nahihirapan din siya,dahil masakit din sa kanyang ipagtulakan ang taong mahal niya pero kung iyon lamang ang paraan para maging tahimik ang lahat handa siyang magtiis at masaktan dahil alam niyang ano man ang gawin ni Luke hindi talaga sila pwedeng magsama.
"Maayos na po sana ako Nay kaso.."aniyang hindi maituloy ang sasabihin.
"Kaso mahal mo parin siya kaya nagka ganyan ka?
"Nay anong dapat kong gawin Nay?ayokong makasakit ng damdamin ng kapwa ko,ayokong saktan si Luke pero mas ayokong masaktan ang asawa niya dahil sa akin"aniyang nahihirapan.
"Kung anong sa tingin mo ang dapat anak iyon ang gawin mo,Rhian matalino ka at alam kong hindi ka gagawa ng kahangalan para maging masaya ka lamang"ani ng ina.
Niyakap niya ito at alam na niya ang ibig sabihin ng ina ang huwag ng patulan si Luke kahit mahal niya pa ito at iyon naman talaga ang dapat.
HABANG si Brix naman ay sinundan ang kotse ni Luke kaya siya bumalik kanina dahil nakilala niya ang kotse ng kaibigan pero hindi niya inaasahang kay Rhian ito nagpunta,mabuti naring nalaman niya na ang lahat ng sa ganon makapagbigay man lang siya ng konting payo para sa kaibigan.Habang sa daan ay tinawagan niya ito hindi nagtagal sinagot naman ni Luke ang tawag niya.
"Yes?
"Dude let's meet up in the same place now"aniya sa kaibigan.
"Okay"anito sabay pinatay na ang tawag.
Napailing nalang siya sa kaibigan at diretso na nga sila sa bar kung saan doon sila magkita at mag usap ni Luke.Ipinark niya ang kotse kung saan nagpark ang kaibigan at sabay na silang pumasok sa loob ng bar.Pagpasok nila ay diretso sila sa VIP room at hindi sila nag order ng alak dahil hindi sila pumunta dito upang magsaya kaya hinayaan lang sila ng mga waiters.
"What now dude?tanong ni Brix.
"I don't know! I don't know what I am going to do with my life!
"Luke you need to focus on something that you already own"
"Do you think I'm happy for doing this?
"Then why are you doing things that you aren't happy with?
"I am not happy doing this dahil nasasaktan ko si Ysa pero kailangan ko ring gawin ito kahit may masaktan pa akong iba dahil mahal ko si Rhian!
"Luke hindi ka maaaring mamangka sa dalawang ilog,kung saang ilog ka namamangka ngayon at walang problema then why not focus on there?
"Bullshiittt!!!mura ni Luke sabay hampas ng couch.
"Luke listen Rhian is important to me and you know that,Ysa is same like my younger sister at ayoko silang masaktan dalawa dahil lang sa naguguluhan ka sa nararamdaman mo!
"I don't love her!aniya sa kaibigan.
"Who?
"Ysa!
"Didn't you told me.."
"It was all lies dude dahil I got jealous that time"pag amin niya.
"Oh no!!what!?seriously?
Tumango lamang siya sa kaibigan at hindi na nagsalita.
"Oh man!wow I just can't believe this Luke,all this time hindi mo minahal ang asawa mo dahil si Rhian parin ang nasa puso mo?
"Absolutely!
"Now I want to punch you like hell Luke"aniyang sabay tumayo atsaka walang sabi sabing sinuntok si Luke sa mukha.
Booggsss...
Hindi ito lumaban hinawakan lang ang pisnging sinuntok ni Brix at nanatiling nakatayo si Brix malapit kay Luke dahil gustong gusto niya itong pagsusuntukin.
"Hindi mo siya mahal tapos ginalaw mo siya?tanong niya kay Luke.
Hindi sumagot si Luke at nanatili lang itong nakayuko,ng muling magsalita si Brix.
"Answer me Lucas Kenneth you don't love her but you made sex with her!???asik ni Brix.
"Kung ano man ang nangyari sa amin ni Ysa kagustuhan niya yon at hindi ko siya ginahasa kaya wala ako..."
Booggsss...
Muli siyang sinuntok ni Brix ng dalawang beses.
"Hey how..."
Agad siyang kinuwelyuhan ni Brix at tiningnan sa mukha.
"Tao ka ka ba talaga Lucas o hayop!?sa tingin mo kusang lalapit sayo ang babae para lang makipag sex sayo!?maliban nalang sa mga putang nagagamit mo!!asik niya dito.
"I didn't forced her to have sex with me in a first place Brix"aniyang sabay hawak sa kamay ni Brix sa kwelyo niya.
"Damn you asshole!! She is a woman and she is weak than you!!Kung hindi mo sinubukan at sinamantala ang kahinaan ng asawa mo sa tingin mo makukuha mo siya!?Knowing na napipilitan din siyang ikasal sa walang kwentang taong katulad mo!??aniyang pabalyang binitiwan si Luke.
Hindi nagsalita si Luke at inayos lang ang kwelyo ng damit niyang nagusot dahil sa pagkakahawak ni Brix.
"You don't love her pero naatim mong kunin kung anong mahalagang bagay sa kanya na hindi mapapalitan ng kahit na anong mamahaling dyamante!Sana kung hindi mo naman siya mahal hindi mo na sana kinuha ang hindi nararapat para sayo!aniyang sabay bira ng alis.
Sinundan niya lang ng tingin ang kaibigan na walang makikitang kahit na anong emosyon sa mukha siguro sa isip niya nagagalit ang mga tao sa kanya pero hindi naiintindihan ng mga tao kung anong nararamdaman niya.
"Aaahhhhh!!!buuuulllsiiiitttt!!aniyang sabay tinapon ang vase sa ibabaw ng center table.
Walang ano ano pumasok ang isang waiter dahil narinig ang pagbasag sa loob at nakita nitong nakayuko si Luke sabay napasabunot ang mga daliri sa buhok.
"Sir how may I help you po?tanong niya kahit kinakabahan.
"Get me some wine please"sagot niya sabay napasandal sa couch.
"Kind of wine Sir?
"The strong one"
"As you like Sir"anitong lumabas na ulit ng VIP room upang ikuha ito ng matapang na alak.
Ilang sandali pa ay bumalik na ito at dala na ang alak na inorder niya.
"Anything I can do Sir?tanong ng waiter.
"No thanks,makakalabas ka na"
"Okay po Sir"anitong lumabas na ulit.
Siya nama'y umiinom ng mag-isa at gustong lunurin ang sarili sa alak,gusto niyang maglasing upang makalimutan panandalian ang gumugulo sa isip niya ngayon.
"I just can't take this anymore Rhian,hindi ko kakayaning mapunta ka sa iba"usal niya sa sarili habang umiinom parin.
"This time I'll do everything just to be with,maghintay ka lamang at patutunayan ko sayo"ulit niya sabay tungga ng isa pang shot na alak.
A couple of minutes later ay lasing na ito pero tumawag parin ng waiter to bring him more wines bagay na hindi na pahintulutan ng manager.
"Heeeyy!! I shed bhring mhe mhore of wayn hir! Hik!"aniyang nalalasing na.
"Sir bawal na po sa inyo kasi po lasing na kayo"anang manager na ito na ang kumausap.
"Akho? Lashiiingg??tanong niya sabay turo sa sarili"Hindih akho lashing yow madhe fhucke!!aniyang sabay mura pa pero wala na sa sarili.
Napapailing nalang ang manager at tinawagan nito si Brix dahil ito ang may ari ng bar at kilala niya si Luke.
"Hello?anang kabilang linya.
"Sir ang kaibigan nyo po nandito pa at lasing na lasing na Sir"aniya kay Brix.
"Anooo!??that bastard!!sige pupunta na ako dyan bantayan nyo ha baka magwala"bilin ni Brix.
"Opo Sir"
"Okay bye"aniyang pinatay na ang tawag.
Pagkatapos nilang mag usap ng boss niya ay nakatayo lang siya malapit kay Luke,na humihingi parin ito ng alak manaka naka'y tatayo pa kahit hindi naman kaya.
"Sir umupo lang po kayo dyan"aniya sabay alalay dito.
"Yow lhet gow off mhe!!muli niyang asik.
Hindi na siya sumagot at ilang minuto pa'y bumukas na ang pinto ng VIP room at dumating na si Brix.
"Mabuti Sir at andito na po kayo"aniya sa binata.
"Sige na ako na ang bahala sa kanya"aniya sa manager.
"Sige po Sir lalabas na ako"paalam niya at lumabas na.
Naiwan naman siyang iiling iling habang pinapanood ang kaibigang lasing na lasing.Kumilos siya't inalalayang makatayo si Luke at pinaakbay sa kanya saka lumabas na sila ng room.
"Gago ka talaga Luke!aniyang habang inalalayan ang kaibigan.
Nakalabas na sila at napagpasyahan niya ang kotse nalang niya ang gagamitin upang ihatid ang kaibigan sa Villa dahil nasabi rin naman ito ni Luke sa kanya kaya alam niya kung saan ito ihatid at bukas na lamang niya ipakuha ang kotse nito.Pinahiga niya si Luke sa backseat saka siya gumawi sa driver's seat,pinaandar na ang kotse at patungo na sila sa bahay ni Luke.
Ilang minuto pa'y narating narin niya ang Villa at kaagad siya umibis ng kotse at gumawi sa hulihan saka muling inalalayan si Luke ilabas at ibaba sa kotse.
"Talagang pinahihirapan mo ako gunggong ka!aniya pa dahil di hamak na mas malaki sa kanya si Luke.
Kanina nga habang sinuntok ito natakot din siya paano kung gumanti ito sa suntok niya edi one punch lang siya knock out siya agad lol.
"Uulitin mo pang maglasing ng hindi mo kaya Lucas talagang hahayaan kita sa kalsada!aniya pa sabay pindot ng doorbell.
Napangiwi na talaga siya dahil sa bigat ni Luke tapos medyo matagal tagal pang magbukas ng pinto.Pinindot niya ulit ang doorbell at maya maya pa ay binuksan na ito ni Ysa.Ang magandang asawa ng tarantadong inalalayan niya ngayon ngunit hindi niya batid kung bakit ito nagawa pang saktan ni Luke,masakit man aminin pero mas maganda pa nga si Ysa kumpara kay Rhian pero yun siguro ang the power of love,pero naniniwala din siya.. every woman is beautiful on their own way!
"Luke!?Brix!?gulat na sambit ni Ysa.
"Hi Ysabelle nice to see you again and sorry kung sa ganitong sitwasyon pa tayong muling nagkita"ngiting wika ni Brix kahit nahihirapan na.
"Same here Brix sige na ipasok mo na si Luke mukhang nahihirapan ka na yata"aniya kay Brix.
"Yeah ang bigat bigat pa naman,ihahatid ko na ba sa kwarto nyo?
"OO kung ayos lang sayo Brix,teka tutulungan na kita"aniyang inalalayan naman sa kabila si Luke.
"Sige salamat"aniya at dinala na sa kwarto si Luke.
Pagpasok sa kwarto ay hiniga na nila si Luke sa kama at mukhang napagod pa sila lalo na si Brix na pinagpawisan pa yata.
"Thank you Brix"aniya sa binata.
"Wala yon kaibigan kaya kami ni Luke"sagot niyang tinitigan si Ysa.
Ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin,sa isip niya kawawa naman si Ysa napunta sa kamay ng walang kwentang tao.
"Gusto mo ba ng maiinom ipaghahanda kita"ani ni Ysa.
"No need Ysa hindi rin naman ako magtatagal"
"Sige ihahatid na kita sa labas at kukuha narin tuloy ako ng panlinis kay Luke"
"Sige"aniyang sabay na silang bumaba.
Pagdating nila sa pinto ay lumingon si Brix at tumingin sa kanya"sige Ysa uuwi na ako at ikaw na ang bahala sa asawa mo okay?
"Sige mag ingat ka Brix don't worry I'll take care of him"ngiting wika ni Ysa.
Tumango lang siya at kumaway pa bago tuluyang pinasibad ang kotse,alam niyang nagkukunwari lamang na masaya si Ysa but deep inside she's in pain because someone hurting her and that's her own stupid husband at umaasa siya na sana matauhan na si Luke bago pa maraming mawala dito.
Si Ysa naman ay kumuha ng maliit na planggana at nilagyan ng tubig saka umakyat na ulit sa taas,pagdating sa loob ay kumuha ng maliit na towel sa gamit ni Luke atsaka ginawang panlinis.Hinubaran niya si Luke at tinira lamang ang brief nito,mamaya niya na iyon hubarin kung matapos niya itong punasan sa buong katawan.
Habang pinupunasan si Luke hindi niya mapigilang haplusin ang mukha nito,nakakahiya mang aminin pero namimiss niya si Luke,namimiss niya ang halik nito habang hinimas ng kanyang daliri ang mapulang labi ni Luke.Namimiss niyang halikan ang matipunong dibdib nito habang hinaplos ang dibdib ni Luke at namimiss niya ang yakap nito habang hinawakan ang braso ni Luke.At hindi niya napigilang yakapin habang nakahiga si Luke.
"I really miss you so much Luke!usal niya.
Ng biglang umungol si Luke kaya napabalikwas siya ng bangon sabay tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ni Luke,tiningnan niya ito pero tulog pa pala at iniba lang ang posisyon ng ulo nito.Napalunok siya at dahan dahang kinumutan si Luke at kinuha na ang ginamit niyang panlinis atsaka lumabas na ng kwarto pero nasa pintuan pa lamang siya ay narinig niyang nagsasalita si Luke.
"Rhian!salitang naririnig niya mula kay Luke.
Sunod sunod ang naging paglunok niya at nanginginig ang buo niyang katawan,dahan dahan siyang lumingon upang tingnan ang binata pero nakapikit parin ito habang nagsasalita.
"Rhiaaannn!!ulit ni Luke na tila nahihirapan ang kalooban nito.
Biglang tumulo ang kanyang luha habang pinagmamasdan si Luke hindi man niya kilala ang babaeng mahal ni Luke pero sa paraan ng pagtawag nito sa pangalang Rhian ay sapat na upang malaman niyang ito ang babaeng nagmamay-ari ng puso nito.At si Rhian ang dahilan kaya naglasing si Luke gawain lamang ng lalakeng sobrang nasaktan,ngayon alam niya na kung anong nagpapagulo kay Luke at tama nga siya ng hinala.
Lumabas siya ng silid ni Luke na patuloy parin tinatawag ni Luke si Rhian naririnig parin niya hanggang sa hagdanan,mabilis siyang tumungo sa kusina habang hilam ng luha ang kanyang mga mata sabat tinakpang ng kanyang sariling palad ang magkabila niyang tainga upang hindi marinig ang pangalang tinatawag ni Luke dahil masakit,sobrang masakit para sa kanyang marinig ang pangalan pa lamang nito.
"Aaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!sigaw niya habang nagtatakip ng tainga na umiiyak parin.
"Bakit?bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito?Am I not worth enough?Whyyyyyyyyyyy!???hinagpis niyang hindi alam kung kanino ba talaga magalit.
Matagal siyang nakaupo sa sahig habang umiiyak parin at wala siyang kasama sa mga oras na ito,mag isa siyang nasasaktan,walang nagpapalakas ng kanyang loob.Nagpasya na siyang umakyat sa kwarto niya kahit hindi pa tapos umiyak,hindi na yata siya matapos sa kakaiyak eh pero sana bukas pag gising niya hindi na siya iiyak muli at sana ngayon pa lamang maubos na ang luha niya upang wala na siyang mailuluha pa pagsikat ng araw.Diretso na siya sa kanyang kwarto at hindi na sinilip pa ang binata.Nag toothbrush at naghugas lamang siya atsaka nagpalit ng damit at nahiga na hindi siya pagod pero pakiramdam niya nauubusan siya ng lakas.Lumuluha parin naman siya kahit nakahiga na,ano ba namang luha to hindi ba talaga mauubos!?
NARARAMDAMAN niyang may humahaplos sa pisngi niya,ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil pakiramdam niya antok na antok pa siya hindi nga niya alam kung anong oras siya nakatulog kagabi eh.Pero parang makulit yung nang iistorbo sa kanya at ng maisip na si Luke lang ang tanging tao sa bahay ay agad siyang napamulat ng mga mata,ayon si Luke nga ang nabungaran niya na may ngiti pa ito sa labi.Napakurap kurap pa siya baka sakaling nanaginip siya kasi dapat sinisermunan na siya ngayon niyo o di kaya papagalitan dahil wala na sa room nito ang mga gamit niya.Pero bigla din niyang naisip na siguro gusto din ni Luke dahil nga baliwala naman siya dito.Sa isiping yon nakaramdam siya ng lungkot at umiwas ng tingin sa binata sabay gumawi sa kabilang kama upang bumaba.
"Good afternoon baby"ani ni Luke.
Mabilis niya itong nilingon baliw ba to?afternoon na agad hindi ba pwedeng morning muna?ah baka dala lang ng kasiyahan nito dahil sa babaeng mahal nito malamang ayos na ang dalawa edi congrats!!
"Afternoon my ass!!sagot niya sabay bumaba ng kama.
Lumapit si Luke sa kanya at niyakap siya mula sa likuran,sabi na nga ba eh masaya ang mokong sige hala magpakasaya kayo atleast ako yung legal wife!anang isip niya.
"Baby afternoon na talaga alas tres na oh"ani ni Luke sabay pinakita sa kanya ang wrist watch.
Namilog pa ang kanyang mga mata ng makita kung anong oras na talaga!what hapon na?akala niya umagang umaga pa.
"O-okay gagamit muna ako ng bathroom"aniya dito.
"Pagkatapos mo maaari ba tayong mag usap?ani ni Luke sa kanya.
Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib,ito na siguro yon ang sabihin ni Luke sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal nito.Hindi pa siya handang marinig mismo sa bibig ni Luke na sabihin nitong mahal nito si Rhian.
Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng bathroom,pagpasok doon ay naglandas na naman ang luha sa kanyang mga mata.Paulit ulit siyang nagpahid ng luha dahil pakiramdam niya magang maga na ito,manhid kasi si Luke kaya wala ng napapansing kaibahan sa kanya,ganon yata yon kung walang halaga sayo ang isang bagay o tao ay wala ka talagang pakialam dito.Pagkatapos niya ay lumabas na at nagbihis ng damit wala narin sa kwarto si Luke malamang sa baba na naghintay.Bumaba na siya at wala sa living room si Luke tiningna sa labas pero wala din doon,kaya tumungo siya sa kusina at doon si Luke nakaupo at nakaharap sa mga pagkain at sadya sigurong hinintay siya.
"Umupo ka na para makakain na tayo"ani ni Luke.
"Galing ka na pala sa labas?tanong niya at umupo na.
"Yes at pagbalik ko bumili na ako ng mga pagkain natin"aniyang sabay nilagyan ng kanin ang plato niya.
Dapat lang noh na nakalabas na ito kasi hapon na eh sayang yung oras nitong hindi makipagkita sa babae nito.
"Thank you for taking care of me last night"ani ng binata.
Tumango lamang siya habang kumakain at hindi tiningnan si Luke.
"Umiiyak ka ba?tanong ni Luke.
"Hindi ah!bakit mo natanong?
"Dahil...namamaga ang mga mata mo"ani ng binata sabay subo ng kanin.
"Nasobrahan lang yata ng tulog kaya namaga"pagdadahilan niya.
"Okay! So how do you explain about your belonging?
"Wala naman akong dapat ipaliwanag tungkol sa mga gamit ko,alam mo kung bakit"
"Dahil sa sofa ako natutulog?
"Luke mas mainam na yung ganito yung maghiwalay tayo ng kwarto dahil yon naman talaga ang dapat"
"Bullshiiitttt Ysabelle nagdi disisyon ka ng sarili mo!??asik ni Luke.
"Gaya mo Luke may sarili din akong isip kaya gagawin ko kung anong ikabubuti natin,ngayon ito ang disisyon ko ang maghiwalay tayo ng kwarto kaya igalang mo yon tulad ng ginawa kong paggalang sa mga disisyon mo!!mataas din niyang boses.
Kumalma naman si Luke at nagyuko ng ulo saka ito nagsalita"I'm sorry for all of this Ysa I'm sorry for causing you pain"ani ng binata.
Napakurap siya dahil ayaw niyang umiyak sa harapan ni Luke,kung sasabihin man ni Luke ngayon kung bakit ito humingi ng tawad kailangan niyang maging handa.Kaya napabuntong hininga siya saka nagsalita.
"It's okay go ahead,sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin"aniya at umiwas ng tingin.
"Answer me first baby hindi ka ba galit sa akin ngayon?
Naguguluhan siya kay Luke pero kailangan niyang sakyan ang laro nito.
"Hindi na,hindi ka naman nagalit sa akin eh"aniya.
Ubod ng tamis itong ngumiti at pinisil ang kanyang pisngi"I promise baby I'll be back okay?ani ni Luke at tinapos na ang pagkain nito.
Mas lalo siyang naguguluhan kay Luke at kung anong ibig nitong sabihin iyon ang hindi niya alam.Tumayo ito at lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"For now I'll be going dahil may kailangan lang akong tapusin okay?
"Saan ka pupunta?nagtataka niyang tanong.
"Hindi mo na kailangang malaman yon ang importante nandito ka"ani ni Luke at diretso ng lumabas.
Sinundan niya ito ng tingin at may namuong balak sa kanyang isip,susundan niya ang binata kung saan ito pupunta.Kaya lumabas siya ng Villa ng makitang nakaalis na si Luke mabilis siyang tumakbo palabas ng kalsada upang mag abang ng taxi pero hindi pa man siya nakalabas ay may taxi na galing sa loob siguro naghatid ng pasahero kaya pinara niya ito agad.
"Saan po tayo Ma'am?tanong agad ng taxi driver pagpasok niya pa lang.
"Mama maaari nyo po bang sundan yung kotse na kulay puti?turo nito sa kotse ni Luke.
"Sige po Ma'am"
"Salamat"aniyang sa kotse na nakatuon ang mga mata.
Ilang minutong pagsunod niya sa kotse ni Luke ay nakita niyang huminto ito sa mamahaling resto.Hinintay niya munang makapasok si Luke sa loob atsaka siya bumaba sa taxi.
"Mama heto po ang bayad ko salamat po"aniya sa driver.
"Sigr hija walang anuman"sagot ng driver at umalis na ito.
Siya naman ay patagong pumasok sa loob ng resto at agad hinanap ng kanyang mga mata si Luke at kung sino ang pinuntahan ng binata dito.Nagtingin tingin pa siya sa mga tao ng masulyapan niya si Luke sa isang sulok nakaupo at nakatalikod ito mula sa kinatatayuan niya ngunit nakaagaw pansin sa kanyang mga mata ay ang kasama nitong babae.Akmang pupuntahan niya ang dalawa pero saktong nagsabay sila ng waiter na sa tingin niya sa table ni Luke ito pupunta kaya nagtanong siya.
"Sir para kanino po yan?
"Ah ito po ba Ma'am para po kay Mr.Luke at Ms.Rhian"anang waiter saka tumuloy na.
Para siyang inipit sa pagitan ng langit at lupa sa narinig,so iyon pala si Rhian?Alright no more words to say and no more reasons to be explain,ngayon mas malinaw na.Mas malinaw na ang katotohanan,kaya instead na puntahan pa si Luke ay dahan dahan siyang napapaatras palayo sa dalawa habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha.Pagdating sa pintuan ay mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon,tumakbo siya ng tumakbo at kung saan siya pupunta hindi niya alam.DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!AJ❤
BINABASA MO ANG
Alipin ng Pag-Ibig
Ficción GeneralMULA pagkabata ay magkasama na sina Luke at Ysa dahil sa iisang bahay sila nakatira.Anak ni Don Manolo si Luke at si Ysa naman ay ampon lamang ito ngunit itinuring nilang tunay na anak at kapatid ang turing ng binata dito.Dahil alam naman nilang par...