Chapter 7

5.6K 104 4
                                    

WEDDING DAY
ROSALIA CHURCH

MARAMING tao ang nakasaksi sa araw ng kasal nina Luke at Ysa at makikita sa mata ng mga ito ang saya para sa kanila ngunit kabaliktaran sa mga taong nagmahal ng iba,mga taong umasa sa kanila at mismo ang ang mga sarili nila.Nasa kapilya na din si Arturo kasama ang mga magulang niya,pinilit na lamang niya ang maging masaya para sa dalawa.
Naghihintay sa unahan si Luke sa pagdating ng kanyang bride nakasuot siya ng Black American Tuxedo.Ilang sandali pa'y bumukas na ang pinto ng kapilya when she walk down the aisle ay pumailanlang ang instrumental music ng My All ni Mariah Carey.Habang naka alalay naman ang kanilang ama sa bride,nakarating na lamang siya sa groom ni hindi siya tinapunan ng tingin ni Luke.
Sabay silang humarap sa Pastor na magkakasal sa kanila.Sila lang yata ang ikakasal na parehong sambakol ang mukha at sa araw ng kasal ay dinaig pa nila ang namatayan ng pamilya.At nagsalita ang Pastor sa unahan nila.
"Lucas Kenneth do you promise and accept Ysabelle Rose to be your wife from today and forward,for richer and for poorer,for better and for worst and for sickness and in health?umpisa ng Pastor.
Matagal siya sumagot at nakayuko lang ito na wala sa kasal ang isipan nito.At muling nagsalita ang Pastor.
"Lucas Kenneth.."
"Yes"mahina niyang sagot.
"And Ysabelle Rose do you promise and accept Lucas Kenneth to be your husband from today and forward,for richer and for poorer,for better and for worst and for sickness and in health?tanong ng Pastor sa kanya.
Napalunok siya at nangilid ang kanyang luhang sumagot.
"Y-yes "sagot niya dito.
"GROOM and BRIDE,you have expressed your love to one another through the commitment and promises you have just made.It is with these in mind that I pronounce you husband and wife.You may now kiss your bride"
Palakpakan ng mga tao ang naririnig nila at dahan dahang inilapit ni Luke ang mukha niya sa mukha ng dalaga at hinalikan niya ito malapit sa labi at hindi mismo sa labi ng dalaga.Nasa ganong eksena ang hindi na makayanang tingnan ni Rhian na nakaupo siya sa pinakadulo ng upuan kaya mabilis siyang tumakbo palabas ng kapilya habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.Hindi naman siya invited pero gusto niya lang makita ang binata kahit sa huling sandali kaya siya pumunta sa kasal.
Pagkatapos ng ceremony at isuot sa isa't isa ang wedding ring nila ay diretso sila sa reception ngunit gaya kanina wala paring kangiti ngiti ang dalawa,ngumito man sila sa mga bumabati sa kanila iyon ay pilit at kunwari lamang but deep inside they are not happy.
Natapos ang buong araw nila ngunit pakiramdam ni Luke ay parang buong linggo dahil piling niya ang bagal umusad ng araw para sa kanya sa araw na ito.
Ngunit,ganon din si Ysa pakiramdam niya hindi umuusad ang oras dahil ang araw na ito ang araw na halos isumpa niya.
Hinatid ng mag-asawa ang bagong kasal sa hotel na pina reserve nila para sa dalawa.At walang imik ang dalawa habang bumibiyahe sila patungo sa hotel.
"We're go ahead Luke"ani ng kanilang ama.
"D-Dad,Mom?usal ni Ysa.
Niyakap nila si Ysa dahil diretso na si Luke sa loob ng suite nila at hindi kinausap ang mga magulang.
"It's okay hija sige na pumasok ka na"ani ng kanyang ina.
Tumungo na sa elevator ang mga magulang nila at ng makapasok na ito sa elevator saka pa siya pumasok at sinara ang pinto.Sunod sunod ang ginawa niyang paglunok dahil magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya ngayon.Nasa bathroom si Luke dahil narinig niya ang lagasgas ng tubig kaya umupo siya sa sofa na hindi niya alam ang gagawin.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang binata at kaagad siya nagbaling ng tingin dahil natatakot siyang may makita siyang hindi niya gustong makita.
"Don't worry I won't allow you to see it"malamig na wika ng binata at diretso itong humiga sa kama.
Hindi siya nagsalita at nakayuko na walang kibo at narinig niyang muling nagsalita ang binata.
"Kumilos ka na dyan at maligo para makapagpalit ka ng damit at sa sofa ka matutulog"ani ng binatang tumalikod na.
Tumayo naman siya upang tumungo sa bathroom,at isa isa niyang tinanggal ang mga damit para makaligo na siya.Ilang minuto pa ay natapos narin siya at sa loob ng bathroom siya nagsuot ng mga damit niya.Paglabas niya sa bathroom ay muling nagsalita ang binata.
"Switch off the lights!ani ni Luke.
Tumingin siya sa sofa at tanging maliit na blanket ang naroon ni walang unan samantala nakita niya sa kama ang daming unan sa paligid ni Luke.
"Maaari ba akong gumamit ng isang unan?aniya sa binata.
Lumingon ito sa kanya at bumangon saka humakbang patungo sa kanya kaya napaatras siya dahil natatakot siya sa binata.
"Let me just remind you Ysa mula ngayon asawa mo na ako at bilang asawa mo susundin mo ako at ngayon hindi mo na kailangang gumamit ng unan kaya matulog kang walang unan gets mo?aniya sa dalaga.
Hindi siya sumagot sa binata kaya muli itong nagsalita.
"I'm asking you did you get it!??singhal ni Luke sa kanya.
"Y-yeah okay"nanginginig niyang sagot.
Iniwanan na siya ng binata at tumungo na ito sa kama at muling nahiga.Siya naman ay pinatay na ang ilaw saka tumungo na sa sofa upang matulog.Nahirapan siyang matulog dahil hindi naman kasi siya sanay sa ganito kaya paiba iba ito ng posisyon plus pa sabihing malamig ang aircon.Nagulat siya ng muling magsalita ang binata na buong akala niya tulog na ito.
"Come on Ysa stop moving all the time nakakairita ka dahil maingay ang sofa kung ayaw mong matulog pwede magpatulog ka!?singhal ni Luke sa kanya.
"P-pasensya na nahihirapan kasi akong matulog dito"
"Pwes kailangan mong sanayin ang sarili mo matulog sa sofa from now on!sagot ni Luke at muling tumalikod.
Grabe!unang gabi pa lang nilang dalawa gusto niya ng sumuko,gusto niya tuloy maiyak dahil hindi na katulad ng dati si Luke.Binaliwala niya na lang iyon saka dahan dahang bumaba sa carpet at doon humiga saka nakaunan sa sariling kamay.Hindi siya komportable ngunit tiniis niya at pinilit matulog kahit nahihirapan siya.Dala siguro ng kapagurang buong araw kaya nakatulog din siya ng hindi niya namamalayan.
Habang si Luke naman ay kanina pa dilat na dilat ang mata hindi siya dalawin ng antok kahit gusto niya ng matulog.Pinakir
amdaman si Ysa at wala na itong ingay kaya dahan dahan siyang lumingon at wala sa sofa ang dalaga kaya napabalikwas siya ng bangon saka niya nakitang sa carpet ito natutulog.Hindi niya alam pero yung feeling na wala siyang pakialam sa dalaga.Hindi tulad noon na halos lamok ayaw niyang madapuan ang kapatid pero ngayon naging asawa niya.Bigla tuloy siya nakaramdaman ng galit kaya bago pa siya tuluyang magalit ay humiga siya ulit.Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog dahil sa tinagal tagal ng pagdilat ng kanyang mga mata ay nagawa din niyang pumikit.
Naalimpungatan si Ysa ng may maramdaman siyang yumugyog sa kanya at nakita niyang ginising siya ni Luke gamit ang binti at nakatayo lang ang binata.
"Gumising ka na at tandaan mo may asawa kang tao,gusto kong kumain ng breakfast magpa deliver ka,ligpitin mo na rin ang higaan ko!utos ng binata sa kanya.
Dahan dahan siyang bumangon kahit nakaramdam siya ng pananakit ng katawan dahil ito ang unang beses na humiga siya sa lapag.
"My God Ysabelle pwede bang kumilos ka ng mabilis?ang kupad kupad mo!
"OO kumilos na nga ako eh"sagot niya sa binata.
"Stupid!!mura ng binata at tumungo sa balcony.
Sinundan niya ito ng tingin na gusto niyang maiyak at hiniling na sana maka uwi na sila ng Bungalow dahil doon alam niyang may kakampi siya.Tumawag na muna siya upang magpa deliver ng breakfast para sa kanila at pagkatapos saka niya niligpit ang higaan ng binata.Ilang minuto ay may nag buzz kaya pinuntahan niya ito ngunit nagsalita si Luke.
"Ako na ang kukuha mag bathroom ka na ang pangit ng mukha mo haharap ka sa tao!ani ng binata sa kanya.
Hindi na lamang siya sumagot at tumungo na sa bathroom.Pagkapasok niya ay biglang naglandas ang luha sa kanyang mga mata.Hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit sa kanya ang binata dahil kung tutuusin ayaw din naman niya sa mga nangyayari sa kanila pero ano nga ba magagawa niya?Nagsimula na siyang kumilos upang maligo ilang sandali pa ay natapos narin siya at nagsuot na ng damit.Hindi pa man siya natapos magsuot ng damit ay kumatok na ang binata kaya sumagot nalang siya.
"Matatapos na ako sandali lang"aniya sa loob.
"I don't care kung dyan ka na matulog,sasabihin ko lang sayo na i-lock mo ang pinto dahil aalis ako"anang binata.
Nagmamadali siyang magsuot ng slack at mabilis ng lumabas ng bathroom ngunit hindi na niya naabutan ang binata.Kaya tinungo ang pinto at ini-lock ito,saka tumungo sa may dining area upang kumain narin.At may nabasa siyanh note na nakalagay sa ibabaw ng pagkain niya.Anang note na binasa niya:
To:housewife,
*From today and forward,for richer and for poorer,for better and for worst and for sickness and in health I accept you to be my slave forever*
Your Highness...
Bigla niyang naitapon ang note pagkatapos niya itong mabasa at sobrang bilis ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa nararamdamang takot na bumabalot sa kanya.Paano nga kung gagawin siyang alipin ni Luke?marunong ba siya sa gawaing bahay?di ba hindi naman at paano niya magawa ng tama ang mga bagay na gusto nito?Napa sign of cross nalang siya ng wala sa oras at hiniling na sana hindi magtatagumpay ang binata sa binabalak nito sa kanya,di bale nandyan pa naman ang mga magulang nila.
Matamlay siyang umupo saka kumuha ng pagkain ngunit wala sa kinakain niya ang isip dahil nag aalala siya kung ano ng mangyayari sa kanya.Kumain man siya ngunit pakiramdam niya walang lasa ang mga pagkain na nasa harapan niya ngayon.
Samantala,nagtungo si Luke sa lugar ni Rhian at nagmamadali siyang umibis ng kotse at naglakad papunta sa bahay ng dalaga.Huminto muna siya ng makita ang bahay ng dalaga at nagdadalawang isip kung tutuloy ba siya o hindi,nagpalinga linga siya na baka may nakasunod sa kanya at ng matiyak na wala naman ay tumuloy na siya at kumatok sa pintuan ng bahay.Ilang sandali pa ay may nagbukas at ang dalaga ang nasa pintuan.
Nagulat si Rhian ng si Luke ang napagbuksan niya ng pinto.
"L-Luke!?aniyang mababakas ang pagkagulat sa mukha.
"Rhian can I go inside please?anang binata.
Niluwangan naman ng dalaga ang pinto at pumasok na si Luke,pagkapasok nito ay sinara na niya ang pinto at tiningnan ang binata na nakatingin din ito sa kanya.
"M-maupo ka"alok niya sa binata.
Ng bigla siyang niyakap ni Luke na wala itong salita at maging siya man ay hindi alam kung anong sasabihin niya basta hinayaan niya lang na ganon sila.Ng maya't maya ay nagsalita si Luke habang yakap yakap parin siya nito.
"I'm sorry! I'm really really sorry honey,I know nasaktan kita dahil sa nangyari"ani ni Luke.
Humiwalay siya mula sa pagkayakap ng binata atsaka tiningnan ito sa mga mata.
"Hindi mo naman kagustuhan ang nangyari Luke kaya wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin"ani ni Rhian.
"Look,pwede naman ako makipag divorce sa kanya basta mangako kang hihintayin mo ako Rhian"aniya sa dalaga.
"Kahit gagawin mo pa yon hindi parin tayo pwedeng magsama kaya nga pinilit kayong ipakasal ng Daddy mo dahil ayaw niya sa akin di ba?
"Tatakas tayo,lumayo tayo,Rhian magpapakalayo tayo para hindi nila tayo mahahadlangan"
"Luke kasal ka na at ang kasal ay isang sagrado,hindi mo maaaring pagtaksilan ang babaeng pinangakuan mo na magsama kayo sa hirap at ginhawa sa harap ng Pari at sa harap ng maraming tao,panindigan mo kung anuman ang pinangako mo"
"Rhian hindi ko siya mahal at alam mong napipilitan lang ako,napilitan lang kaming ikasal kaya walang saysay ang mga pangako na yon"
"Nagmahalan man kayo o hindi,kasal parin kayo sa mata ng Diyos Luke at ang pagtataksil ay isang malaking kasalanan"
"Bullshiiiitttt!!! Ganyan lang ba kadali para sayo ang tanggapin ang lahat ha?minahal mo ba talaga ako Rhian?asik ng binata.
Napayuko siya dahil hindi niya kayang makipagtitigan sa binata na baka makita nito sa kanyang mga mata na nasasaktan din siya,mas nasasaktan nga siya dahil sobra niyang mahal ang binata ngunit wala siyang magawa upang ipaglaban ang nararamdaman niya.
"Sumagot ka minahal mo ba ako o hindi!??muling asik ni Luke.
"Minahal kita Luke at alam mo yon,minahal kita noon at mahal parin kita hanggang ngayon,pero Luke magiging kasalanan na kung patuloy parin kitang mamahalin kahit alam kong kasal ka na"
"Rhian?wika ni Luke.
"Luke gusto kong turuan ang puso kong kalimutan ka,alam kong mahirap pero kakayanin ko.Sana ikaw din Luke dahil alam nating parehong imposible ng madugtungan kung ano mang meron sa ating dalawa"
"That's it?ganon lang ba yon Rhian pagkatapos ng lahat?
"Hanggang doon nalang tayo Luke,kung talagang tayo para sa isa't isa siguro magiging tayo parin pagdating ng panahon"
Hindi kumibo ang binata at napahilamos ito ng mukha,nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay saka mapait na ngumiti.
"Gusto ko kahit wala na tayo maging magkaibigan parin tayo Luke at sana tratuhin mo ng maayos ang asawa mo,swerte mo nga dahil kilalang kilala mo na ang napangasawa mo"aniyang niyakap ang binata.
Gumanti naman ng yakap si Luke at lihim siyang naiyak dahil kahit hindi siya pumiyok habang nagsasalita but deep inside sobrang nasasaktan na siya dahil ibig sabihin tuluyan na ngang mawawala sa kanya ang lalakeng minahal niya.
"I'm sorry alam kong masakit sayo dahil masakit din sa akin Rhian at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng ito"ani ni Luke habang niyakap ang dalaga dahil alam niyang umiyak ito.
"Kailangan nating tanggapin dahil nangyari na,sige na umuwi ka na Luke"
"Rhian?wika niya dahil nag aalala siya para sa dalaga.
"Okay lang ako huwag mo na akong alalahanin nandito naman si inay kasama ko"
"One more thing honey gusto kong hilingin sayong hihintayin mo ako please?ani ng binata habang hinawakan siya sa magkabilang mukha.
"Kung iyan ang makapagpatahimik sayo sige hihintayin kita Luke"sagot niya sa binata.
Sa gulat niya ay bigla siyang niyakap muli ng binata"thank you honey,thank you so much"aniya sa dalaga at hiniwalay sa kanya at dahan dahang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga.
"Luke?mahinang usal ni Rhian.
"Wanna say goodbye kiss for now hon if you don't mind?mahinang wika ng binata.
Bilang tugon ay tumango ito sa hiling ng binata.Kaya hinalikan siya ni Luke sa labi mariin at banayad ilang sandaling halikan ng kusa na siyang huminto dahil baka kung saan pa mapunta.
"Luke.."
"I'm sorry,sige na aalis na ako and thank you"ani ng binata.
"Okay,sige mag-ingat ka Luke"
"Thanks"anang binata at tuluyan ng lumabas.
Pag-alis ng binata ay sinara ang pinto at napasandal siya sa likod ng pinto at padausdos na umupo habang umiiyak.Ang sakit pala,dobleng sakit pa dahil yung pakiramdam na sinusundan mo na lamang ng tingin ang lalakeng mahal mo na papalayo,gusto mong habulin at sabihing huwag kang iiwan ngunit hindi mo magawa dahil hindi na maaari.Umiyak siya ng umiyak habang sapo ang bibig.
Habang si Luke naman ay nasa loob na ng kanyang kotse ngunit hindi parin niya ito pinaandar,isinandal ang ulo sa upuan at hindi niya alam kung anong gagawin niya.Naaawa siya kay Rhian dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal at alam din niyang mahal niya ang dalaga.At nakokonsensya siyang wala siyang magawa upang ipaglaban ang relasyon nila ni Rhian.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon